Chereads / Coldness of the Wind / Chapter 5 - Chapter 3: Bola

Chapter 5 - Chapter 3: Bola

Mabuti nalang at humupa ang bulong bulungan tungkol sa nangyari kanina. Nakakainis naman kasi yung Rehan na yun'. Kita naman na sinadya niya ang pagbuhos ng softdrink kay Caleb.

"Namansyahan na damit mo." Saad ko habang pinipunasan parin ang kanyang damit. Shit! Ang bango bango ni Caleb! Ang manly ng amoy niya at halatang yayamanin.

"May damit naman ako sa locker. Okay ka lang ba?" tanong niya. Kinusot ko ang tissue na ginamit ko saka nilagay sa table. Bumalik ako sa upuan ko at nakakunot na tumingin sa kanya.

"Oo. Hindi naman ako nabasa." Saad ko. Tumango siya. Kahit nadumihan ang uniporme niya ang gwapo niya parin. Kahit yata magmukha siyang grasa ang gwapo niya parin.

"Pwede bang ihatid kita mamayang hapon?" halos mabulunan ako sa sarili kong laway. What!?

"A-ah.." ano bang nangyayari sakin? Nabubulol ako tapos wala pang lumalabas na salita sa labi ko. Bwesit! Nakakain ata ako ng paru-paru! Bakit ang likot nila sa tyan ko? Saka, hoy! Puso umayos ka nga!

"Pwede ba?" tanong niya muli. Puno ng pag-asa ang mga mata niya. Nahihiya akong magpahatid sa kanya. Kilala ko ang mga tao sa lugar namin. Baka mamaya dumugin siya roon! Aish. Pero ayaw ko namang mabigo ang mga mata niya. Bahala na nga.

"S-sige.. O-okay lang naman sakin." Saad ko saka ngumiti. Ngumiti siya. Yan' mas lalo siyang nagiging gwapo sa ngiting yan.

Sumama na ako sa mga kaibigan ko dahil kaylangan ng magpalit ni Caleb ng damit. Ngiting-ngiti naman sila noong umupo ako sa table nila. Habang si Danny naman ay halos hindi makatingin sa'kin.

"Haba ng hair!" kinikilig na saad ni Tresha. Umirap ako.

"Ang gwapo gwapo talaga ni Caleb." Saad naman ni Elena.

"Tingin ko crush ka nun" si Tresha. Umiling ako sa pinagsasabi nila. Baka mamaya maniwala pa ako sa kanila. Geez. Ayaw kong umasa. Pano kong friendly lang talaga si Caleb? Edi ako naman ang wasak?

"Friendly lang talaga si Caleb." Saad ko.

"Pahenge naman ng ganda Abby. Baka makabingwit din ako ng Caleb ko." Saad ni Tresha.

Maganda naman si Tresha. Hanggang balikat ang maitim na buhok. Maputi dahil may lahing insek. Makinis ang balat. Bilugan ang mata. Matangos ang ilong. Saka mapula ang labi. Maganda din ang hubog ng katawan. Maingay nga lang.

Si Elena naman, kayumangi ang kulay pero makinis ang balat. Mahaba ang may highlight na blue niyang buhok. Matangos ang ilong. Maliit ang mata. Mapula ang labi. Mas matangkad siya sa'min kaya para siyang model.

Si Danny. Gwapo naman si Danny. Yun nga lang. Mukhang nerd. May sout sout itong makapal na salamin. Mahaba ang buhok na tinatakpan ang kilay niya. Maputi si Danny at mukhang koreano. Hindi nga lang tinitignan ng mga babae dahil sa pananamit nito. Matutu lang talagang pomorma si Danny sigurado ako dudumugin siya ng kababaihan.

"Mauna na kayong umuwi." Saad ko habang naglalakad kami palabas ng classroom. Napatingin silang lahat sa'kin.

"Bakit?" tanong nila. Ngumuso ako. Naiimagine ko lang na ihahatid ako ni Caleb gusto ko nang tumalon sa kilig!

"A-ano eh.." kumunot ang noo nila. Pinadyak ko ang paa ko ng mahina. "Ihahatid ako ni Caleb." namimilipit kong saad. Napaawang ang labi ni Tresha at Elena.

"Huwhat?" tumango ako.

"Kilig kana niyan?" natatawang saad ni Elena.

"Sabi na sayo eh'. Crush ka talaga ni Caleb." Saad ni Tresha. Ayaw kong umasa pero..

"H-hindi naman Ata.." Saad ko kahit may pakiramdam ako. Hindi naman kasi ako assuming.

"Sus.." mahina akong tinulak ni Tresha.

"Sige. Mauna na kami. Enjoy.." Si Elena. humalakhak silang dalawa. Napailing ako. Hindi pa nakakaalis si Tresha at Elena nauna na si Danny kahit hindi pa nag-papaalam.

"Alam mo bang may gusto sayo si Danny." Saad ni Tresha saka tumingin sa'kin. Hindi ako nagulat sa sinabi niya.

"Oo." mabilis na saad ko habang nakatingin sa papaalis na si Danny. Ramdam ko naman. Hindi naman ako ganoon ka manhid. Ramdam ko sa bawat galaw niya. Sa bawat pagtawag niya ng pangalan ko. Sa pagtrato niya sakin. Alam kong higit sa kaibigan ang tingin niya sa'kin.

"Kawawa naman si Danny." Saad ni Tresha, nakatingin din kay Danny.

"Para ko nang kapatid si Danny. Hindi ko talaga makita ang sarili kong maging girlfriend niya." Saad ko. Huminga sila ng malalim saka tumingin sa'kin dahil lumiko na si Danny at hindi na namin makita.

"Wag kang mag-alala. Makakamove din yun. Kami bahala! Dun kana sa Caleb mo." Saad ni Elena. Nag thumbs up siya sakin.

"Sige. Ingat." Saad ko saka kumaway sa kanila. Kumaway din sila pabalik sa'kin. Tumingin ako sa phone ko para e check kung may text ba si Caleb pero wala.

Ano kayang curso ni Caleb? Malaki ang college building kaya kung pupunta man ako doon maliligaw ako. Nakakahiya namang magtanong.

Itetext ko nalang si Caleb. Habang naglalakad at kinakalikot ko ang cellphone ko. Sana wala akong mabangga. Geez.

To: Caleb ❤️

San' ka?

Binaba ko ang phone ko. Napahinto muna ako sa hallway kong saan kakaunti na lamang ang mga studyante. Pinatong ko ang kamay ko sa railing at tumingin sa baba.

May malaking feild ang paaralan. Sa mga gilid nito ay mga puno. May gym din sa kabilang side ng field. May kalakihan ang paaralan namin. Mabuti nalang at naging scholar ako dahil wala kaming pagkukuhanan ng pang tuition sa mamahaling paaralan na ito.

Biglang tumunog ang cellphone kaya naputol ang pagmumunimuni ko. Mabilis kong binuksan ang text message dahil pangalan ni Caleb ang nakalagay.

From: Caleb ❤️

Sorry Abby. May band practice pala kami. Sorry. ✌️

Ngumuso ako. Bigla akong nalungkot. Dahan dahan akong nagtipa ng salita.

To: Caleb ❤️

Okay lang. Goodluck sa practice. 😄

Hindi ma siya nagreply baka busy sa practice. Hindi ko naman siya masisisi. Malungkot akong naglakad paalis ng hallway.

Mag-isa na akong pupunta sa flower shop. Hmm. Hindi kaya ako sanay na mag-isa lang pupunta doon. Medyo malayo ang paaralan sa flowershop namin. May taga-sundo si Elena kaya sa kanya kami nakikisakay. Kung lalakarin ko man, isang oras bago ako makarating dun.

May jeep naman siguro. Habang naglalakad napapatingin ako sa mga studyanteng naglalaro ng volleyball sa field.

Pinangarap ko talagang sumali sa volleyball club. Bata pa lamang ako mahilig na akong maglaro ng volleyball. Kahit gusto ko mang sumali, hindi pwede. Hati na ang oras ko. Dapat akong mag-aral nang mabuti sa umaga. Sa gabi naman sa Flower shop ang pwesto ko. Wala akong time sa volleyball club. Wala nga akong sinalihang club eh.

"Shit!"

Nanlaki ang mata ko dahil biglang pumunta sa gawi ko ang bola. Mabilis kong tinakip ang dalawang braso ko sa mukha ko. Naghintay ako ng ilang minuto pero wala pading tumatama na bola sa braso ko.

"Lagot! Natamaan mo si Rehan!"

"Hala. Rehan ayos kalang ba?"

"Lagot ka!"

Lagot nga. Natamaan niyo si Re- WAIT WHAT? Diba dapat ako ang matatamaan panong so Rehan? Sa sobrang gwapo ba niya lumipad sa gawi niya ang bola?

Dahan dahan kong binaba ang kamay ko at laking gulat ko ng makisig na likod ang nasa harap ko. Wait. Si Rehan ba? Fuvking shit! Siya nga!

"R-Rehan sorry. Okay kalang. Kaylangan mo bang pumunta sa clinic?" nanginginig na saad ng isang babae. Hindi ko makita dahil nakaharang ang makisig na katawan ni Rehan.

"Watch your ball." malamig na saad nito saka binalik ang bola. Narinig ko ang palayong yapak.

Napaatras ako dahil sa biglang paglingon sa'kin ni Rehan. Nakakatakot talaga ang seryoso nitong mukha. Pero ang gwapo niya tignan. Pati ngayong galit siya. Mas ang gwapo niya tignan. Pwede pala yung ganun? Saka bakit siya galit? Oo nga pala natamaan siya ng bola.

"Are you okay?" nag-aalala niya tanong. Ay wow. Marunong siyang mag-alala? Huh? Bakit naman siya mag-aalala sakin!?

"OO.. S-salamat." sagot ko. Nakakakaba talaga ang mga titig niya. Umiwas ako ng tingin dahil hindi ko matignan ng diretso ang mata niya. Para akong hihimatayin.

"Sa susunod mag-ingat ka. Wag kang tanga na maglakad." Saad nito saka umalis sa harap ko. Naiwan akong nakanganga. Ano daw? TANGA!? AKO? wow ha! ANG KAPAL NG MUKHA MO REHAN!

"HINDI AKO TANGA! GAGO" Sigaw ko na sana hindi niya marinig. Nakakainis!