Chereads / Coldness of the Wind / Chapter 10 - Chapter 8: Para sa'yo

Chapter 10 - Chapter 8: Para sa'yo

"Mauna na ako." nagtatampo kong saad. Pinasadahan nila ako ng tingin. Hindi ko nauubos ang pagkain ko dahil wala akong gana. Masyado na kasing close si Elena at Caleb. Hindi ko alam kung kaylan nagsimula.

"Ha? Hindi kapa tapos ah." tanong ni Elena. Hindi ko siya tinignan dahil nagtatampo ako sa kanya. Paano niya nilihim sa'kin na close na pala sila ni Caleb? We're friends right? Hmp.

"May gagawin pa kasi ako." Saad ko saka tumayo. Inangat ko ang tray na pinagkainan ko. Isa isa ko silang tinignan nang hindi ngumingiti.

"Sige." Saad ko saka umalis. Wala akong narinig na reklamo o tanong sa kanila. Hinayaan lang nila ako. Mas lalo akong nagtampo sa kanila. Hindi ba nila naramdaman ang pagtatampo ko?

Nakasimangot akong lumabas ng cafeteria. Wala naman talaga akong gagawin, gusto ko lang sana na e test sila. Ayun, hinayaan akong umalis. Tinuring pa akong parang hangin.

Napadaan ako sa locker area. Lalagpasan ko na sana kaso naisip ko yung bulaklak. Nagkibit-balikat ako saka umatras ng ilang hakbang hanggang sa nasa tapat na ako ng locker ko.

Binuksan ko ito saka kinuha ang bouquet ng red rose. Maganda ang pagkakadesinyo nito, sympre ako may gawa. Balak ko pa sanang paunlarin ang aming flower shop saka magtayo ng boutique. Gusto gusto ko kasing maging designer. Pangarap ko talaga iyon.

Ito pa ata yung style na pinakamahal sa flower shop namin. Sino kaya nagbigay nito? Napakayaman niya naman kung ganon.

Nilabas ko ang bulaklak saka sinarado ang locker ko. Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa taong nakasandal sa locker. Masama akong tumingin dito pero nakangisi lang siya sa'kin.

"Ano ba Rehan!" inis kong saad.

"Bakit hindi ka nagreply sa'kin?" tanong niya. Umikot ang mata ko.

"Bakit naman kita rereplayan. Close ba tayo?" tanong ko saka tumalikod sa kanya. Naramdaman ko ang pagsunod niya. Tumingin ako sa bulaklak na hawak ko.

"Kaya nga ako nakikipag-kaibigan sayo diba?" Saad niya. Umikot ulit ang mata ko. Mas binilisan ko ang lakad. Nakasunod parin siya sa'kin. Ano bang problema niya?

"Eh ayaw ko nga!" Saad ko. Mabuti nalang at kakaunti ang mga studyante sa hallway. Baka maissue kami ng isang to. Geez.

"Bakit ayaw mo?" tanong niya. Tumakbo siya kaya magkasabay na kaming naglalakad. Hindi ko siya nilingon kahit ramdam ko ang titig niya sa'kin.

"Basta ayaw ko!" Saad ko saka lumiko. Napahinto siya sa paglalakad. Akala ko ay hindi siya na susunod sa'kin. Pero nagkamali ako.

Bigla niya akong hinila sa loob ng isang silid na hindi na ginagamit. Madilim dito at ang liwanag lamang galing sa bintana ang nagsisilbing ilaw. Sinarado niya ng malakas ang pinto.

"Bakit nga ayaw mo?"pagpupumilit niyang tanong. Sinamaan ko siya ng tingin. Dumilim ang abo niyang mata habang nakatingin sa'kin. Ginagat niya ang loob ng pisngi niya.

"Basta ayaw ko nga!" Saad ko saka lalabas na sana pero pinigilan niya ako. Hinigit niya ang braso ko kaya napadaing ako. Shit! Yung sugat ko!

"Ano bang ayaw mo sa'kin Abby? Bakit si Caleb naging kaibigan mo naman agad! Mas gwapo naman ako dun' ah." Saad niya. Tumaas ang kilay ko. Ang yabang ha.

To be honest, wala naman akong rason kung bakit ayaw kung makipag-kaibigan sa kanya. Basta ayaw ko lang. Ayaw ko sa buhok niyang pula dahil para siyang manok. Ayaw ko sa aura niya. Basta ayaw ko sa kanya.

"Basta nga." Saad ko. Ayaw ata akong pakawalan hanggang sa hindi ko sinasabi ang dahilan. Mas humigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko.

"A-aray Rehan. Ang sugat ko." Saad ko. Nanlaki ang mata niya at mabilis na binitawan ang braso ko.

"S-sorry" Saad niya. Inalis ko ang jacket ko at tinignan ang sugat ko. Pinanood niya ako habang ginagawa iyun. Nakakailang ang mga titig niya. Tsk!

"Hala dumudugo." Saad ko saka napakagat ng labi. Nag-iba ang reaksiyon ni Rehan. Hindi ko maintindihan. Para siyang galit na nag-aalala na ano. Ewan.

"Samahan na kita sa Clinic." Saad niya.

"Wag na." hindi siya nakinig. Bwesit. Hinila niya ako palabas ng silid. Pinagtitinginan na kami ng mga studyante dahil sa paghawak ni Rehan sa palapulsuhan ko.

Maraming nakatingin sa'min pero parang wala lang ito kay Rehan. Ayokong maissue sa kanya! Baka mamaya sugudin ako ng mga babae niya. Geez.

"Oh. Rehan.." Saad ng nurse. Halatang type si Rehan dahil sa pagpula ng pisngi niya at pagkislap ng mga mata niya.

"Pakigamot nga ang braso niya." malamig nitong saad saka hinila ako sa tabi niya. Nalaglag ang panga ng nurse habang nakatingin sa'kin.

"Bagong babae Rehan?" nakangising saad ng babae. Parang sinasabi sa'kin na laruan lang ako ni Rehan. Na magsasawa lang din siya sa'kin matapos gamitin. As if naman mahuhulog ako sa kanya. Alam ko kung gaano ka play boy si Rehan at hinding hindi ako mahuhulog sa kanya!

"Hindi." malamig na saad nito. Napa 'o' ang nurse.

"Wag ka nang maraming tanong. Gawin mo ang pinapagawa ko." Saad nito. Tumango ang nurse. Pina-upo ni Rehan sa kama. Dumating ang nurse na may hawak na mga gamot.

Umupo sa harap ko ang Nurse at si Rehan naman ay nakatayo sa gilid ko. Nagsimula nang punasan ng nurse ang sugat ko. Napapangiwi ako dahil sa sakit. May galit itong nurse sa'kin eh.

"Be gentle!" mautoridad na saad ni Rehan. Napatingin ako sa kanya. Nakangiwi ang mukha niya na parang siya ang ginagamot. Natawa ako. Ang cute niya tignan.

"Why are you laughing?" tanong niya. Tinikom ko agad ang labi ko saka umiling. Masamang tumingin sa'kin ang nurse. Ano? Problema mo?

"Ako na nga! Bumalik kana dun'." utos ni Rehan. Mabilis na sumunod ang nurse. Napanganga ako dahil mabilis niyang nauutusan ang nurse. Like he's just a student mas matanda sa kanya ang nurse. Paano niya nauutusan ang nurse na parang alalay lang niya?

Kinuha niya ang cotton at pinunasan ang sugat ko. Infairness, wala akong naramdaman na hapdi habang pinupunasan niya ang sugat ko. Nilagyan niya ng bagong tela ang sugat ko.

"Sabihin mo sa'kin pag dumugo ulit yan." aniya. Para niya akong inuutusan. Psh. Apaka bossy. Hindi ako isa sa mga alalay niya no.

"Bakit ko naman sasabihin sayo?" mataray kong saad at dahan dahan na sinusuot ang jacket ko.

Yan' na naman yung madilim niyang titig. Geez. Nakakakilabot.

"Bakit ba ayaw na ayaw mo sa'kin?" malamig niyang tanong. Bakit nga ba? Ewan ko. Basta ayaw ko sa kanya.

Imbes na sagutin ang sagot niya binigay ko sa'kanya ang bulaklak. Nanlaki ang mata niya at umawang ang labi niya.

"Bakit mo bina—"

"Pasasalamat ko sa'yo. Salamat sa pagliligtas mo sa'kin kahapon. Salamat din sa panggagamot mo ng sugat ko." Saad ko. Lumunok siya. Ang gulat niya ay unti unting napalitan ng ngisi.

"Para sayo yan. Ako pa mismo nag-ayos." totoo naman ako ang nag-ayos dahil galing ito sa shop namin pero hindi ko sasabihin sa kanya na binigay lang sa'kin ang bulaklak.

Tinanggap niya ito.

"Alam ko." bulong niya.

"Ha?" tumingin siya sakin at ngumuso. Pinipigilan ang ngiti. Parang tanga. Pero ang cute niya! Abby! Bakit mo siya pinupuri!?

"Ang sweet mo naman." Saad niya. Umirap ako.

"Pasasalamat ko lang yan. Wag kang mag-isip ng iba." Saad ko saka tumayo at nilagpasan siya.