Ilang minuto bago kami nakarating sa bar. Kahit nakabukas ang aircon sa loob ng sasakyan ni Caleb, ang init init parin. Wala kaming kibuan kahit gustong gusto ko siyang kausapin.
Panay lunok lamang ako ng laway ko sa loob ng sasakyan at tingin sa labas. Minsan ay nahuhuli ko siyang sumusulyap sa'kin pero agad din siyang umiiwas ng tingin. Ang awkward naman nito.
"T-Tara.." he said, tinulungan niya akong bumaba ng sasakyan niya. Hinawakan niya ang kamay ko saka pinadausdus ang isang kamay sa aking baywang. Namula ako noong marealize iyun. Geez. Nabuhay muli ang paru-paru sa tyan ko. Lumunok ako saka napatingin sa ka'nya.
Naka-tingin siya sa harap. Kitang-kita ko ang kanyang matangos na ilong. Ang malalim niyang mata. Ang pagtaas at pagbaba ng Adam's apple niya dahil sa paglunok niya. Paano naging ganoong kagwapo ang lalaking to?
Pagkababa, inalis niya ang kamay niya sa baywang ko. Tumingala ako sa kanya saka ngumiti.
"Thanks.." I said.
"W-welcome.." aniya.
Natanaw ko sila Elena at Tresha na nakatayo sa may pinto habang masamang nakatingin ang bouncer sa kanila. Natawa ako sa expresyon ng dalawa. Napatingin sa'kin si Caleb.
"B-bakit?" tanong ko. Ang lalim ng titig niya sa'kin. Kinagat niya ang labi niya. Umiwas siya kaagad ng tingin.
"Beautiful as always." I heard him whisper. Huminga siya ng malalim. Lumunok ako dahil sa kaba. Ghad. Grabe ang epekto niya sa'kin.
"Bakit ba ang tagala niyo?" tanong ni Elena noong makalapit na kami sa kanila. Sumulyap siya sa bouncer at biglang ngumiwi.
"Para kaming may nagawang masama. Grabeng tumingin si Kuya." Saad ni Tresha saka nginuso yung bouncer. Ang laki katawan niya kaya nakakatakot.
"Sorry.." Sabi ni Caleb saka ngumiti. Tumingin siya sa bouncer. Tinanguan niya ito na parang tropa lang sila.
"Kasama ko sila, Brad" Saad niya. Isa isang tumingin sa'min ang bouncer. Seryoso ang mukha nito, na parang kunting galaw lang e' susugudin kana.
"Sige. Pasok." malamig na saad niya. Ngumiti si Caleb sa kan'ya. Nag-apir si Elena at Tresha dahil sa tuwa. Nauna na silang pumasok sa loob. Napailing ako saka ngumisi sa dalawa kong kaibigan.
Halos mapatalon ako dahil naramdaman ko ang mainit na palad ni Caleb sa aking baywang. Tumingin ako sa kanya, na nasa harap lang ang tingin. Parang normal lang sa kanya ang ginawa niya.
Hinayaan ko nalang siya. Hanggang makapasok kami sa loob ng bar. Sinalubong kami ng nakakasilaw na ilaw, malakas na tunog at mga wild na nagsasayawan na tao. Geez. Ito yung naririnig kong kwento ng mga classmate ko na nagpupunta sa bar kahit underage.
"Caleb!" napalingon kaming dalawa sa babaeng tumawag sa kan'ya. Medyo may kalayuan siya kaya hindi ko siya makilala. Biglang ngumiti si Caleb kaya nagtataka ako kung sino yun.
"Tina!" kumaway siya dito. Kumunot ang noo ko. Lumapit sa'min ang babae kaya nakita ko kung gaano ito kaganda. Ka age ata niya si Caleb. Maputi siya, matangkad at hanggang batok ang buhok na kulay red. Nakasout siya ng sleeveless dress at kita sexy niyang katawan. Ngumiti siya.
"Hi, Caleb!" Pati boses niya ang sexy. Lumingon ako kay Caleb. Malaki ang ngiti niya. Lumunok ako. Sino ba siya?
"Tina? Hindi mo sinabi na pupunta ka." may naramdaman akong inis dahil sa pag-alis ni Caleb ng kamay niya sa baywang ko. He widened his arm to hug Tina. Ginagat ko ang labi ko habang pinapanoud sila.
"Kakarating ko lang din. Nasabi lang sa'kin ni Drew na may performance kayo ngayon. So I came." hindi ata siya Pilipino dahil may kulot ang tagalog niya. Ngumiti si Caleb. Tuwang tuwa na nakita niya itong si Tina. Ang sweet naman nila.
"I miss you Caleb." she said sweetly. Halos lumuwa ang aking mata nang makita siyang halikan sa labi si Caleb. Humakbang ako paatras dahil sa gulat. Kumirot ang parte ng puso ko at isa isang namatay ang paru-paru sa loob ko. I don't know what to react.
"H-hey!" biglang umatras si Caleb. Mahina pa niyang tinulak si Tina. Nagulat si Tina at nagtatakang tumingin kay Caleb.
"You've change Caleb. You used to response at my kiss." malinis niyang english. Sumikip ang dibdib ko dahil sa narinig ko. So may relasyon sila?
"That was before Tina. I already like someone today. Meet Abby." lumaki ang mata ko saka tumingin kay Caleb. 'I already like someone?' Ako ba? Ngumiti siya sa'kin. Binalik niya ang kamay niya sa baywang ko. Umangat ang kilay ni Tina noong makita ang kamay ni Caleb sa baywang ko.
"Oh?" nakangiti siya pero ramdam ko ang lungkot sa boses niya. Bumaling siya kay Caleb.
"Good for you." aniya.
"You'll like her. She's amazing." Ani Caleb saka tumingin sa'kin. Pinigilan ko ang ngiti ko dahil sa sinabi ni Caleb. Ngumuso ako.
"Oh.. Good then. Nice meeting you Abby." aniya saka nilahad ang kamay niya. Tinanggap ko ito saka ngumiti.
"Mauna na kami Tina. See you.." Ani Caleb saka tinalikuran si Tina. Nakatulala ako habang iniisip ang sinabi ni Caleb. May gusto siya sa'kin? Ako ba yung tinutukoy niya?
Ngumiti ako na parang timang pero bigla ding nalungkot dahil sa nakita ko kanina lang.
Hinalikan ni Tina si Caleb sa harap ko pa mismo. Ano kayang relasyon nila noon? They look so comfortable at each other, kaya impossible na mag ex sila. They should look awkward kung mag ex talaga sila.
"She's Tina my best friend" biglang saad ni Caleb kaya napatingin ako sa kanya. Best friend? Halos matawa ako. Really? Mag kaibigan sila pero naghahalikan? Ayus ah.
"Are you guys okay here?" tanong ni Caleb noong makarating kami sa table. Nasa gilid ito at nasa harap. Kitang kita ang nagpeperform sa harap. Dalawa ang couch na nakacurve at kasya ang sampung tao.
Umupo ako sa gilid habang si Elena at Tresha ay magkatabi sa kabilang couch. Ang saya ng kwentuhan nila at panay turo sa mga gwapong lalaki na nakikita nila. Basta gwapo talaga. Tsk. Tsk. Tsk.
Nakahalumbaba ako habang hinihintay sila Caleb na mag perform. Nag-aayos palang sila ng mga instruments at sound system. Sinuot ni Caleb ang gitara habang kagat-kagat ang pick. Ang hot niya tignan habang hawak hawak ang gitara.
Kinuha niya ang pick sa labi niya at sinumulang tugtugin ang gitara. Inikot niya ang para adjust habang iniistrum ang string. Ghad! Ang hhootttt!
Maya maya ay nagready na sila. Nasa harap yung vocalist nila, nasa likod ang drummer, ang guitarist ay nasa gilid at si Caleb na main guitarist ay nasa tabi ng vocalist.
Bago sila tumugtog. Lumapit si Caleb sa vocalist ng banda nila at may binulong. Tumango ang vocalist saka ngumisi. Tinapik niya ng bahagya ang braso si Caleb. Natawa silang dalawa.
"This song is for the girl I like." Saad ng vocalist. Humiyaw ang boung tao sa bar. May mga babaeng naghuhumagpis.
"No. Not me. That's from our guitarist Caleb. Bro, ligawan muna kasi!" pang-aasar nito saka tumingin kay Caleb. Tumawa si Caleb saka binigyan ang vocalist nila ng thumbs up.
Humiyaw ang mga tao.
"Yun! So, Ms. Abby. This song is for you." nanlaki ang mata ko at kumalabog ang dibdib ko. Ako? For me? Ha?