Chereads / Coldness of the Wind / Chapter 11 - Chapter 9: Nakakabaliw

Chapter 11 - Chapter 9: Nakakabaliw

Ito ang unang beses kong magpupunta sa bar. Anong susuotin ko? Dress? Anong klaseng dress? Lahat na ata ng damit ko sa closet ay sinubukan ko ng suotin pero di'ko type.

Napaupo ako sa kama. Ayaw ko namang magmukhang tanga dahil nandun si Caleb saka yung mga kabanda niya. Wala naman kasi akong magandang damit. Ngayon nagsisisi ako kung bakit hindi ako bumibili ng bagong damit. Hay.

Kinuha ko ang phone ko at naisipang tawagan si Tresha. Madaming magagandang damit yun' eh. Ilang ring bago niya sinagot ang tawag.

"Yes, Abby?" aniya sa kabilang linya.

"Ahmm.. P-pwede pang humiram ng damit. Susuotin ko sana mamayang gabi." nahihiya kung saad. Hindi siya nagsalita ng ilang sandali. Ang akala ko ay namatay na ang tawag kaya nilayo ko ang phone ko saka tinignan. Hindi pa naman namamatay.

"Hello?" Saad ko.

"Oh, sorry Abby. Nagbibihis kasi ako. Pwede naman. Wait, I'll be there after 10 minutes" Saad niya.

"Sige. Thank you." Saad ko.

"Welcome." aniya bago patayin ang tawag. Naligo na ako. Mamayang alas otso magsisimula ang pagtugtog nila Caleb. Sabi niya e siya na daw susundo sa'min.

Matapos kung maligo, lumabas akong tuwalya lang ang nakabalot sa boung katawan ko. Umupo ako sa harap ng salamin at pinagmasdan ko ang sarili ko.

Sabi ni Papa halos lahat daw ng features ko ay namana ko sa aking Ina. Ang kulay natural na brown, mahaba at kulot sa huli kong buhok. Ang malalim kung mata na kulay brown din. Ang makinis at maputi kung balat. Ang maliit pero matangos kong ilong. Ang mahabang pilik mata. At ang perpektong nakakurbang labi ko. Sabi ni Papa may lahi daw espanyol si Mama kaya may maliliit na dot ang makikita sa pisngi at ilong ko.

Kamukhang kamukha ko daw si Mama. Ganito daw din siya kaganda noong kabataan niya. Sabi ni Papa gusto gusto niya daw laruin ang brown kong buhok dahil yun ang ginagawa niya kay Mama.

Sa tuwing nakikita ko ang sarili ko sa salamin at naiisip ang mukha ng aking Ina, mas lalo akong nalulungkot. If she didn't leave us, matutuwa kaya siya dahil sakanya ako nagmana? May kunting... Galit ako sa aking ina. Ayaw niya ba sa'min?

Namana ko lang ata kay papa ay ang ugali. Noong kabataan din ni Papa makisig na lalaki ito at papular sa mga babae. Yun nga lang wala akong nakuha sa kagwapuhan niya.

Napatayo ako dahil sa katok mula sa pinto ko. Naglakad ako palapit sa pinto at binuksan ito. Tumambad sa'kin ang nakangiting si Tresha.

"Here na oh. Magbihis kana bilisan mo. Nasa baba na silang lahat." aniya. Nagulat ako sa sinabi niya. Baba?

"S-sige. Sige." mabilis kong kinuha ang damit at nagbihis. Maganda ang damit at kasyang kasya sakin. Tube ang stelo nito na nasa taas ng tuhod ang haba. Sinuot ko din ang itim na stilettos na nakabagay sa puting tube.

Nilugay ko lang ang buhok ko gaya ng nakasanayan. Naglagay ng lipstick at blush on. Okay na siguro to. Ngumiti ako sa salamin saka lumabas ng kwarto.

Nadatnan ko silang naka-upo sa sofa at kinaka-usap si Papa. Narinig nila ang yapak ko kaya napatingin sila sa'kin. Ngumiti ako.

"Wow." ngumanga si Tresha. Ang OA niya.

"Ang ganda!" Saad ni Elena.

Tumingin ako kay Caleb na nakatuon lamang ang pansin sa'kin. Lumingon ako sa paligid. Kulang ata kami? Nasan si Danny? Nagkibit balikat ako. Kilala ko si Danny, ayaw nun sumama.

"T-Tara na.." nahihiya kung saad.

"Ingat kayo anak." Saad ni Papa saka hinalikan ako sa pisngi. Ngumiti ako kay Papa.

"Bye pa." Saad ko. Lumabas na kami ng bahay. Tahimik lang si Caleb na hindi makatingin sa'kin. Habang si Elena at Tresha ay grabe kung purihin ako.

Napakamot ako sa aking ulo dahil sa hiya. This is not my first time wearing this kind of clothe. Dahil lagi naman akong sinasama nina Tresha at Elena sa mall. Nahihiya lang ako dahil nandiyan si Caleb.

"Sige. Kay Caleb kana sumakay. Bye." mapang-asar na saad ni Elena. Sabay na silang pumasok sa sasakyan hindi manlang hinintay ang sagot ko. Sumimangot ako.

"Byyeeeee~" binuksan nila ang bintana. Binigyan nila ako ng mapang-asar na ngiti. Inirapan ko sila.

Humarap ako kay Caleb na hanggang ngayon ay nakatingin parin sakin. Biglang namula ang aking pisngi.

"C-Caleb.. T-Tara na?" nahihiya kong saad. Napalunok siya saka umiwas ng tingin.

"T-Tara.." aniya saka pinagbuksan ako ng pinto. Ngumiti ako sa kanya saka pumasok sa sasakyan niyang mamahalin. Pati loob ng sasakyan niya amoy siya. Sarap lingho-linghotin. Hmmm.

"Nakakabaliw ang ganda mo ngayon." Saad niya. Nabigla ako kaya napatingin ako sa kanya. Diretso siyang nakatingin sa'kin.

"Damn!" aniya saka tumingin sa harap. Mas lalong uminit ang pisngi ko. Para akong pinagpapawisan kahit hindi naman. Napapaypay ako sa aking sarili sabay tikhim. Ghad. What the hell Caleb!