Chereads / Coldness of the Wind / Chapter 8 - Chapter 6: Red Rose

Chapter 8 - Chapter 6: Red Rose

Mabuti nalang at Friday ngayon, dahil magsusuot kami ng PE uniform. Hindi na makikita ng mga kaibigan ko sugat ko. Kulay puti ang pang-itaas na may logo sa gitna at blue ang jogging pants.

"Pa, Alis na ako." paalam ko saka hinalikan sa noo si Papa.

"Sige." aniya habang nagtitimpla ng kape. Nagsout ako ng sapatos saka lumabas ng bahay. Ilang minuto pa ang lalakarin ko bago makarating sa sakayan ng tren.

At dahil maaga ako ngayon, relax na relax akong naglalakad. Maliit lamang ang lugar namin. Magkakakilala ang mga tao. Kaya noong napadaan ako ay iba't ibang bati ang narinig ko.

"Maganda Umaga Abby!" Sigaw ni Aling Nina. Siya ang pinakamabait saming mag-ama. Lagi niya kaming dinadalhan ng pagkain o regalo.

"Magandang Umaga din po Aling Nina." Sigaw ko pabalik saka kumaway. Kumaway siya sa'kin kasama ng cute niyang pamangkin.

Habang naghihintay sa tren na hihinto. Binuksan ko ang cellphone kong kahapon hindi ko pa ginagalaw. Dahil sa pagod kahapon nakatulog ako agad.

Napa-oh ako dahil sa dami ng text message mula sa mga kaibigan ko saka kay Caleb. Madaming ding missed calls. Napakamot ako sa ulo ko saka isa isang binuksan ang message.

From: Elena

Nakauwi kana?

From: Elena

Awit. Ayaw magreply

From: Tresha

Where na you?

From: Danny

Nasan kana?

From:Caleb

Hey. You alright?

Napanguso ako. Sobra na atang nag-aalala ang mga to'. Isa isa ko silang nireplayan para naman mapanatag sila. Nang matapos ay binaba ko ang phone ko pero muli itong tumunog.

From: 09+

Morning!

-Rehan

Eh? Namilog ang mata ko at napaawang ang labi ko. Panong? Seryoso talaga siya sa pakikipagkaibigan sakin, huh?

Rereplayan ko sana ito pero bigla nalang akong napasigaw at muntik ko pang bitawan ang aking cellphone dahil sa biglang paghila sakin.

Napatingin sa'kin ang mga tao dahil sa biglaan kong pagsigaw. Napalunok ako. Sino ba kasi itong bigla bigla nalang manghihila!? Inis akong bumaling sa tao. Magsasalita na sana ako pero umurong ang dila ko dahil sa fresh na fresh na mukha ni Caleb.

"C-Caleb?" nahihiyang saad ko saka ngumiti.

"Ano bang tinitignan mo sa phone mo? Muntik kanang maiwan ng tren." Saad niya. Oh?

"Si Re–" napatigil ako. Bakit naman sasabihin ko na text ni Rehan? Baka mamaya ano pang isipin niya. Ngumuso ako. "Wala." Saad ko saka ngumiti.

Tinago ko ang phone ko sa bulsa ng jogging pants ko. Pinanliitan niya ako ng mata pero ngumiti lang ako sa kanya. Sa huli ay ngumiti din siya sa'kin.

"Ano bang nangyari sayo kahapon?" nag-aalala niyang tanong. Napakamot ako sa ulo ko. Dapat ko bang sabihin? Pasimple akong umiling. Hindi nalang, wag nalang.

"W-wala. Pagod na pagod lang kasi ako kahapon." pagdadahilan ko saka ngumiti. Tumango siya.

"Nag-alala ako." Saad niya at diretsong nakatingin sa mata ko. Nagsimula na namang kumalabog ang puso ko. Gumalaw na ang paru-paru sa tiyan ko. Normal pa ba ito?

"Hindi ko kasi alam ang gagawin kong may nangyaring masama sayo." Saad niya. Pakiramdam ko ay tumigil ang aking paghinga. Tumigil ang mundo ko. Tanging ang kalabog ng puso ko ang naririnig. A-Anong ibig niyang sabihin?

"Syempre, naging kaibigan na kita. Ikaw kaya ang pinaka-dabest kong kaibigan ayaw ko naman mawala ka." Saad niya at ngumiti. Nagising ang katauhan ko at bumalik sa reyalidad ang mundo ko. Oo nga pala. Magkaibigan kami ni Caleb. Sabi ko na nga ba, dapat hindi na ako aasa. We're just friends. Yes, just friends.

"A-ah.. Oo nga.." Saad ko saka malungkot na ngumiti. Bumaling ako sa harap at pinagmasdan ang mga bagay sa labas na hindi ko masyado maaninag dahil sa bilis ng tren.

Alam kong huli na ang lahat. Nandito na. Pumasok na ang mga paru-paru sa tiyan ko at hindi ko alam kung papano sila aalisin. Tumibok na ang puso ko. Meron na. Meron na akong nararamdaman kay Caleb. Nandito na yung kirot. Nandito na yung paru-paru.

Kahit ilang linggo lang kaming nagkasama ni Caleb mabilis ko nahulog sa kanya. Sino ba naman ang hindi. Lahat na nasa kanya. Kagwapuhan, yaman, talino, talented saka maganda ang ugali. Ito man ang unang beses kong makaramdam ng ganito, sigurado ako sa nararamdaman ko.

After many minutes, nakarating na kami sa paaralan. Tulad ng inaasahan ko. Tanaw ko ang mga kaibigan kong nag-aabang sa gate. Kumaway ako sa kanila noong tumingin sila sa gawi ko.

"Sabi mo magtetext ka pag naka-uwi kana! Umaga kana nagreply ha. Bakit umaga kana ba naka-uwi?" salubong sakin ni Elena. Napakamot ako sa noo ko. Sabi ko na nga ba't mangyayari ito.

"Napagod lang ako kahapon. Saka naging busy sa flower shop." dahilan ko.

"Ang akala namin may nangyari nang masama sayo." ani Danny. Ngumiti ako sa kanila.

"I'm okay. See!" Saad ko saka binuksan ang kamay na tila may yayakapin. "Walang nangyaring masama sa'kin." kumindat ako sa kanila.

"Tara na" Aya ko. Nauna akong pumasok sa gate. Nasa likod silang lahat pati na rin si Caleb. Hindi ko naman siya iniiwasan. Mas gusto gusto ko nga siyang kasama. Kahit naman kaibigan lang tingin niya sakin masaya ako basta kasama ko siya.

"See you this lunch." Saad niya. Ngumiti ako saka kumaway sa kanya.

Bumalik ako sa upuan ko. Sinundan ako ng tingin ng mga kababaihan kong classmate. Sarap itapon sa ilog ang mata.

"Nanliligaw na ba si Caleb sayo?" tanong ni Tresha. Huminto ako sa pagsusulat. Malungkot akong ngumiti. Hindi niya kita iyun dahil nasa likod ko siya.

"H-Hindi. Magkaibigan lang kami ano ba." may kirot kong saad. Pasimple akong tumawa para hindi niya mapansin ang kirot sa boses ko.

"I thought the two of you have a thing na." Saad niya. Umiling ako. Nagsimula ulit akong magsulat ng notes.

Umangat ang tingin ko at napansin ko ang mga classmates kong nakatitig sa'kin. Kumunot ang noo ko. May dumi ba ako sa mukha? Nilibot ko ang tingin ko at halos lahat ng studyante nakatingin sa'kin. Gumagalaw ang labi nila, parang nag-uusap usap. May mali ba sa'kin ngayong umaga?

Nakakunot akong tumingin sa likod. Sumimangot si Tresha dahil natatakpan ko ang blackboard.

"Bakit?" nakasimangot niyang tanong.

"May mali ba sa'kin?" tanong ko habang nakakunot. Kumunot ang noo niya at binaba ang pen saka ako inimpeksiyon.

"Wala naman. Bakit?" tanong niya. Nginuso ko ang mga classmate ko. Tumingin siya dito.

"Masyado ka atang maganda. Hayaan mo na." Saad niya. Kinuha niya muli ang ballpen niya. Umusog siya para makita ang blackboard na tinatakpan ng mukha ko.

Ngumuso ako saka binalik ang tingin sa harap. Medyo nailang pa ako dahil sa mga titig nila. Huminga ako ng malalim saka sinunod ang sinabi ni Tresha na hindi sila pansinin.

Hanggang sa labas ay grabe sila kung makatitig sakin. Para akong pinandidirian base sa reaksiyon nila. Pag may makakasalubong ako ay umiiwas sila sa'kin. Napakagat ako sa labi ko. Ano bang nangyayari?

Nagkibit-balikat ako. Umawang ang labi ko pagdating ko sa locker. Tumingin ako sa paligid. Nakatingin ang mga studyante sa'kin. Ito ba ang dahilan?

May bouquet of red rose na nakalagay sa baba ng locker ko. Galing pa ata ito sa flower shop namin dahil napansin ko ang logo. May malaking tarpolin sa taas. May mukha ko na naka pout! Ghad. Sinong kumuha niyan! Tapos may nakasulat na

'ABIGAIL DELA REYES IS MINE!' fucking what!? Sinong may gawa nito!

Pinulot ko ang red rose. Saka lumingon sa paligid. Nandito kaya siya? Pinagtitinginan ako ng mga studyante saka nagbubulungan.

Nanlaki ang mata ko at halos mahulog ko ang red rose na hawak ko. Hindi kalayuan nakita ko si Caleb na nakatingin sa gawi ko. S-siya ba? Kumalabog ang puso ko.