Napanganga ako at hindi alam kong anong gagawin. Mabilis ang kalabog ng puso ko. Para na itong lalabas sa dibdib ko. Lahat ng nasa paligid ay naglaho sa paningin ko at si Caleb lamang ang nakikita ko.
Natanaw ko ang nakakasilaw niyang ngiti sa malayo. Dahan dahan silang naglalakad papunta sakin na parang slowmo. Ang pagkurap niya, pag galaw ng kamay niya pagnaglalakad, ay ang pagyapak niya, naging slowmo lahat.
Hingang malalim Abby! Relax. Wag kang hihimatayin. Ngumiti ka! Abby! Si Caleb.. Si Caleb palapit sayo.
"Abby?" natauhan ako dahil sa pagwagayway ni Caleb ng kamay niya sa harap ko. Napaatras ako dahil sa gulat. Papanong nasa harap kuna siya?
"Caleb" tawag ko. Diretso akong nakatingin sa mata niya at hinihintay kong anong sasabihin niya. At mata niyang itim na itim ay kumikislap na nakatingin sa'kin.
"Abby. Tara na?" Saad niya. Lumunok ako. Saan? Saka bakit wala man lang siyang pakialam sa hinahawakan kong bulaklak.
"Caleb, anong ibig sabihin nito?" tanong ko. Hinintay ko ang magiging reaksiyon niya. Pinakita ko ang bulaklak na hawak ko. At pasimpleng sumulyap sa tarpolin.
"Huh?" nakakunot ang noo niya. Wag mo sabihing hindi siya?
"This flowers. That tarpolin. Hindi ikaw?" titig na titig ako sa mga mata niya. Nabubuhayan ako ng pag-asang siya ang gumawa ng lahat ng ito dahil sa pagkislap ng mga mata niya.
"Hindi." Lumunok ako. Namatay lahat ng paru-paru sa loob ko. "Hindi ako, Abby." nanghihinayang akong tumingin sa kanya. Sabi ko na at wag akong mag-aasume. It's clear. Me and Caleb are just friends. Bakit niya gagawin ito?
"A-ah.." I awkwardly laugh to cover my pain. Ngumiti ako sa kanya. Bigo kong binaba ang bulaklak.
"Mauna kana. Susunod ako." Saad ko saka ngumiti. Seryoso lang siya at may parang may malalim na iniisip.
"Sige." Saad niya. Hinintay ko siyang tumalikod at lumayo bago ako humarap sa locker ko. Napatingin ako sa itaas kung nasaan ang tarpolin.
Tumalon ako para alisin ito. Sino naman kaya ang gagawa nito? Sana naman sinulat niya pangalan niya para hindi ako umasa ng ganito. Nakakainis.
Inis kong tinupi ang tarpolin at tinago sa locker ko. Saka kuna susunugin. Saka yung bulaklak nilagay kona sa locker. Ibabalik ko nalang sa shop, pwedeng ibenta ulit.
Napatingin ako sa paligid dahil sa bulong bulungan. Tungkol ata sa nangyari kanina.
"Ang feeling niya naman."
"Hindi naman kasi yan' gagawin ni Caleb."
"Kala niya gusto siya ni Caleb. Feeling."
"Kala mo maganda."
Napalunok ako. Bakit ang sasakit nila magsalita? Ako na yung umasa at nasaktan dadagdagan pa nila!? Sarap pagsisipain ang pagmumukha. Umirap ako sa ere saka nagpatuloy sa paglalakad, hindi pinapansin ang mga bulong bulungan.
Naabutan ko ang mga kaibigan kong masayang nagkwekwentuhan kasama si Caleb. Napahinto sa at pinagmasdan sila. Si Caleb.
Ang gwapo niyang tumawa. Ang linis linis niya tignan. Ang uniporme niyang malinis ang pagkakaplansya. Ang buhok niyang maayos ang pagkakagupit. Ang kilos niyang parang isang prensipe at hindi makakabasag ng pinggan.
Para sa'kin ang hirap niya abutin. Siya at ako, malayo ang agwat namin. Sa katunayan nga niyan hindi siya bagay sa grupo namin dahil sa kauri niya siya nababagay. Wake up, Abby. Hindi kayo bagay ni Caleb. Accept the fact. Hanggang pantasiya kalang sa kanya.
Ngumiti ako ng malungkot. Madali akong nahulog siguro naman madali rin akong makakamove diba? Malungkot akong natawa sa mga iniisip ko. Sana nga.
"Abby!" kumaway ako sa mga kaibigan ko. Ngumiti ako sa kanila.
"Bakit ang tagal mo?" tanong ni Elena. Ngumuso ako saka naupo sa tabi niya at harap ni Caleb. Ngumiti ako sa kanya at tumingin kay Elena.
"Nag Cr lang. Umorder na kayo?" tanong ko.
"Hindi pa. Hinintay ka namin." sagot niya. Tumango ako.
"Ah. Tara order na tayo." Saad ko saka tumayo. Maglalakad na sana ako pero tumigil ako dahil wala pang tumatayo sa mga kaibigan ko.
"Anong problema niyo?" nakakunot kong tanong.
"Wala." mabilis nilang saad. Pinanliitan ko sila ng mata dahil sa mga kinikilos nila.
"Mga kaibigan ko kayo ha. Wala lang sinasabi ko lang baka kasi nakalimutan niyo." Saad ko saka ngumiti. Alam kong may nililihim sila.
"Alam naman. Bakit namin kakalimutan. Abby naman, samahan kana ni Danny. Danny samahan mo na." Saad ni Elena. Tumingin ako kay Danny na nakasimangot.
"Tsk" Saad niya saka nauna sa'king naglakad. Nagkibit balikat ako saka sumunod sa kaniya.
Tahimik lamang si Danny. Balak ko sanang magtanong pero parang wala itong sasabihin. Bumaling ako sa likod kung nasaan naka-upo sila Caleb.
Nagtawanan muli sila. Si Tresha at Elena ay kinikilig at namumula. Habang si Caleb ay nagkwekwento at ngumingiti. Ano kayang pinag-uusapan nila?
"Abby, ikaw na." saad ni Danny. Mabilis akong bumaling sa kanya. Ako na pala sunod sa pila.
"Sorry" Saad ko saka bumaling sa tindera. Ang sama ng tingin nito sa'kin baka nainip na. Tumikhim ako saka sinabi ang order ko.
Sabay kami ni Danny na bumalik sa table. Kanina ay tawa sila ng tawa pero pagdating namin ay natahimik sila. Pasimple akong umirap. May tinatago nga sila.
Nilapag ako ang pagkain. Nauna akong kumain sa kanila at hindi umimik. Nagtatampo ako sa kanila.
"Yung sa bar wag niyong kalimutan." Saad ni Caleb. Huminto ako sa pagsubo. Oo nga pala. Muntik ko ng kalimutan. Sa sabado na pala yun', bukas.
"Syempre naman!" exited na saad ni Elena. Ako dapat yung exited! Hmp. Wait, nagseselos ba ako sa kaibigan ko! Abby, tumigil ka! Naku.
"Dapat nan'dun kayo." Saad nito. Tahimik lang akong nakikinig sa kanila. Tutal para naman akong hangin dito. Hindi talaga nila ako pinapansin. Nakalimutan naba nila ako dahil nandiyan na si Caleb? Ang sasama nila.