Chereads / Coldness of the Wind / Chapter 6 - Chapter 4: Takbo!

Chapter 6 - Chapter 4: Takbo!

Nagdaan ang mga araw halos wala namang nagbago. Well, except sa pagsama ni Caleb sa aming grupo. Every lunch sumasama na siya sa table namin. Tuwing hapon naman pag wala silang practice siya naghahatid sakin pauwi.

"Tulungan na kita." umangat ang tingin ko kay Caleb na nasa harapan ko. Sa dami ng librong hawak ko ang maabong buhok at ang noo niya lamang ang nakikita ko.

"N-naku wag na. Kaya ko naman." pagsisinungaling ko kahit bigat na bigat ako sa librong hawak ko.

Hindi siya nakinig sakin, kinalahati niya ang libro na hawak ko. Ngumiti siya sa'kin saka kumundat. Ang gwapo!

"Bakit ikaw nagdadala nito?" tanong niya.

"Ako inutusan eh." Saad ko saka nagkibit-balikat. Hindi ko alam pero this past few days nagiging harsh na ang mga klasmate kong babae sakin. Ayaw nila akong kausap. Ayaw nila akong katabi. Saka ayaw nila akong kagrupo.

"Wala kabang pasok?" tanong ko. Anong ginagawa niya sa harap ng library ng high school building? Sa pagkaka-alam ko e' may sarili naman silang library sa building nila.

"Wala. Free ang schedule ko ngayong hapon." Saad niya napatango ako. Mabuti pa sila, ako tinatamad na akong pumasok ngayong hapon.

"Anong ginagawa mo dito?"

"May ipapasa lang sana ako sa prof namin. Sakto namang nakita kita." Saad niya at napatingin sa'kin. Kumalabog ng malakas ang puso ko sa tingin niya.

"OOOOYYYYYY!" Malakas ang hiyawan ng mga kalalakihan noong dumating kami ni Caleb sa classroom. Tinukso nila kaming dalawa. Nakangiti lang siya. Na parang gusto gustong tinutokso kaming dalawa. Habang ako naman ay halos sumabog na sa sobrang pula.

Binigay ko sa kagrupo ko ang libro. Matalim naman nila akong tinignan pagkaupo ko. Dapat kasi sina Tresha kagrupo ko eh. Hindi itong mga babae na to. Geez.

"Bakit kasama mo si Caleb?" mataray na tanong ng Isa. Tumikhim ako.

"Nakasalubong lang." sagot ko. Umirap siya sa'kin. Sarap tusukin ng mata. Wala nang nagsalita sa kanila. Isa-isa na naming binuklat ang libro at naghanap ng topic sa research namin.

Medyo malayo ako sa kanila dahil nilayuan talaga nila ako. Maya maya ay narinig ko ang bulungan nila. Pasimple ko silang tinignan.

"Ang landi landi!" rinig kong saad ng isa. Kahit hindi ko naman sila tanungin kung sino ang tinutukoy nila dahil alam kong ako yun!

"Nakuha pang akitin si Caleb!"

"Manggagamit! Porke mayaman si Caleb."

"Kala mo naman maganda"

Napakagat ako sa aking labi, kulang nalang ay dumugo ito. Pinipigilan ko ang sarili kong pumatol sa kanila. Relax Abby! There are just fucking childish! Ang bababaw mag-isip!

"May practice kami ng club mamaya." Saad ng isa. Hindi pa namin natapos ang research at last na ngayon ang pasahan. Kung hindi lang sana sila nagchismisan edi sana tapos na kami!

"Ako din eh." Saad ng isa. Napakagat ako sa labi ko dahil sa inis. Alam ko na ang pupuntahan nito.

"Me too." Saad ng isa. Sabi ko na nga ba.

"Wala kang club diba?" tanong ng isa sakin. Tumango ako.

"You make that nalang. May club kami eh." Saad ng isa.

"Kaylangan kong umuwi ng maaga." sagot ko.

"Edi sinong gagawa niyan? Abby naman! Wag kang tamad. Babagsak tayong lahat pag wala tayong mapapasa." Pasimple akong natawa.

"Kaylangan ko ngang umuwi ng maaga." matigas na saad ko. Kaylangan ni Papa ng katulong.

"Sino ngang gagawa niyan? May practice nga kami diba? And oh. Kung babagsak man kami at least may pang tuition kami. How about you?" pang-aasar ng isa. Malapit na akong mawalan ng pasensiya. Ngumisi siya kasama ng dalawa niyang kasama.

Ginalaw ko ang panga ko. Tama sila! Mawawalan ako ng scholarship pag may bagsak ako sa isa kong subject.

"Gagawin ko." Saad ko saka umirap. Tumawa sila. Iba talaga pag mayaman. Tumayo na silang tatlo at naiwan akong nag-aayos ng mga librong ginamit namin.

"Tara na Abby." tawag ni Elena. Hindi ako lumingon sa kanila at patuloy parin ang pag-aayos ng mga libro.

"Mauna na kayo. Tatapusin ko pa to eh'" Sigaw ko. Baka gagabihin pa ako. Hay.

"Ha? Dipa kayo tapos?" si Tresha.

"Hindi panga eh. Mauna na kayo. Wag niyo na akong tulungan kaya ko naman. Sige. Ingat." Saad ko. Narinig ko ang pagbuntong hininga nila.

"Pero Abby—" hinarap ko sila at pinutol ang sasabihin sana ni Danny.

"Sige na. Kaya ko naman. Itetext ko na kayo pag naka-uwi na ko. Babye!" ngumiti ako saka kumaway sa kanila. Wala na silang nagawa. Lumabas na sila ng silid, pinanood ko silang lumisan saka pinagpatuloy ang pag-aayos ng aking gamit.

Kinuha ko ang bag ko saka binuhat ang napakaraming libro. Dahan dahan akong naglakad sa hallway. Buti nalang at kakaunti na ang tao kaya siguradong wala akong mababangga.

Mabuti nalang at nakarating ako sa library na walang nababangga o walang nahuhulog na libro. Ngumiti sa'kin yung librarian.

"Hanggang 6:30 lang dito." Saad niya. Tumango aka sa ngumiti. Pinagmasdan ko ang library. Kakaunti nalang ang tao.

Huminga ako ng malalim saka sinumulang magsulat. Lumipas ang isang oras unti unti nang nawala ang studyante hanggang sa ako nalang ang naiwan.

Napatingin ako sa relo ko. 6:05 na. Napatingin ako sa labas, damn! Madalim na sa labas. Hay! Mas binilisan ko pa ang pagsusulat. Malapit na naman akong matapos.

"6:20 na ining." ani ng librarian

"Wait lang po. Patapos na po." Sigaw ko pabalik.

After many minutes. Natapos kuna ang aming research. Tumingin ako sa relo ko at saktong 6:30 na. Mabilis kong binalik ang libro. At inayos ang gamit ko.

"Salamat po." Sabi ko librarian.

"Ingat ka ineng. Dilikadong umuwi mag-isa ang dalang tulad mo." Saad niya. Tumango ako saka nagpaalam.

Salamat sa diyos at hindi pa nakakauwi ang guro namin. Mabuti din at tinanggap niya ito.

Mag-isa akong naglakad sa mahabang pastilyo ng paaralan. Nakakatakot dahil mag-isa ko lang. Balibalita pa noon na hunted daw ang lugar na ito. Naku.!

"Ah~" napatalon ako dahil sa tunog na Yun. Fuck! Ano yun? Multo ba yun? Totoo ba yung balibalita? AHHHH!

"R-Rehan.. Hmmm~" wait! Pati ba naman multo nahuhumaling kay Rehan? Grabe ha. Namula ako at halos nanigas dahil sa napagtanto ko. Bakit parang ungol.

"Rehan. Sige pa..." parang gusto kong dumuwal. Napatingin ako sa pinto na nasa gilid ko. Patay ang ilaw nito. At sa pagkakatanda ko doon nakalagay yung mga sirang upuan. Ew! Nakakadiri! Gumagawa ba sila ng kababalaghan!? Yuck!

"Rehan.. Faster.. Ah.. Rehan.." napatakip ako ng tenga ko at mabilis na naglakad bwesit nga lang at nabangga ko yung basurahan kaya nagkaroon ito ng ingay. Ghad! Tumakbo na ako at baka maabutan pa nila ako. Geez. Nakakadiri!

Hanggang sa makalabas na ako ng school gate ay nasaisip ko parin yung kanina. Ewan ko ba kung bakit paulit-ulit na pumapasok sa tenga ko yung ungol ng babae. Nakakadiri! Yuck! Yuck! Yuck! Talagang sa paaralan pa talaga ha? Rehan ang baboy mo!

Umiling iling ako. Mahina ko pang pinupokpok ang ulo ko para mawala yung esksina na yun. May innocent ears! May innocent mind! Argh!

Biglang tumunog ang cellphone ko kaya napatalon ako. Tinapik ko ng dalawang beses ang dibdib ko dahil sa gulat.

Kumunot ang noo ko dahil si Caleb ang tumawag.

"Hello?"

"Bakit hindi ka nagrereply?" kumunot ang noo ko.

"Nagtext kaba? Busy kasi ako kanina kaya hindi ko nakita." Saad ko. Dahil sa tawag ni Caleb nawala yung nakakadiring narinig ko kanina. Napalitan ang nararamdaman ko ng kilig.

"Ahhh.. Kumain kana?" Ehhh! Pafall naman tong si Caleb!

"Hindi pa eh. Ikaw?" kinikilig na tanong ko.

"Tapos na. Bakit hindi ka pa kumakain?" sasabihin ko sana ang dahilan pero natigil ako dahil sa kakaibang nararamdaman ko.

Tumigil ako sa paglalakad saka lumingon sa likod. Nagsimula nang kumalabog ang puso ko dahil sa kaba. Madilim pa naman at kakaunti nalang ang tao.

" Hello. Abby?" natauhan ako sa boses ni Caleb.

"Tatawag nalang ako mamaya." Saad ko saka mabilis na pinatay ang tawag.

Alam ko. Nararamdaman ko, may sumusunod sakin. Tinago ko ang phone ko. Tumingin ako sa likod at sa gilid. Patay sindi ang mga street lights. Wala nang dumadaan na sasakyan.

Nangilabot ko. Humakbang ako. At naramdaman ko ang tao sa likod ko. Humakbang ako ng humakbang. Pumibilis na ang lakad ko.

Shit!

TAKBO!