Takot na takot ako habang tumatakbo. Fuck! Pagod na ako at malayo pa ang sa'min! Shit! Shit! Shit! Narinig ko ang nakakatakot na halakhak ng lalaki. Sana pala sa bahay ako nagpunta! Argh!
Atleast sa bahay sasakay ako ng tren! Papunta kasi ako sa flower shop. Alam ko namang hindi pa nakakauwi si Papa. Lord help me!
Sa sobrang kaba ko hindi ko na alam kong humihinga pa ba ako. Adik ata itong humahabol sa'kin!
"Wag kanang tumakbo! Halika na!" nakakalibot ang boses nito. Mararape ba ako. Ahhh! Wag naman sana. Tulong!
Tumakbo lang ako ng tumakbo. At halos maiyak ako dahil sa pagkakasobsob ko sa kalsada. Fuck! Ang sakit ng tuhod ko. Pero hindi ko iyun inalintana dahil sa lalaking humahabol sakin. Pinunasan ko ang luhang tumulo sa mata ko saka pinagpatuloy ang takbo kahit masyado nang masakit ang tuhod ko.
Dahil sa pagkakadapa ko bumagal ang takbo ko. Lahat na ata ng Santo tinawag ko. Ayaw ko pang mamatay! Mahal ko buhay ko! Shit!
Napaluhod ako dahil sa sakit ng tuhod ko. Humapdi din ang braso ko. Pinilit kong tumayo. Ngumiwi ako.
"Abby! Dammit!" Malakas na mura ang narinig ko. Nahihirapan mang tumayo ay sinubukan ko pa din. Mabilis ang pagtaas baba ng balikat ko dahil sa pagod.
Sinubukan ko ulit tumakbo pero napahinto ako dahil sa suntok na aking narinig. Nanlalaking mata akong humarap sa likod. Laking gulat ko ng makita si Rehan na nakikipagsuntukan sa lalaki.
Madilim pero dahil sa ilaw ng buwan at ang patay sinding street lights naaaninag ko parin si Rehan. Kung gaano ito kagalit sa pagsuntok sa lalaki. Napanganga ako dahil sa galing at angas niya. Halatang sanay na sanay sa suntukan.
Humandusay sa lupa ang lalaki na wala ng malay pero patuloy parin sa pagsipa si Rehan. Bago pa man siya mapatay ang lalaki paika-ika akong pumunta sa kanya.
"Rehan tama na." Saad ko saka hinawakan ang braso niya. Hingal na hingal ako at parang ngayon ko lang naramdaman ang pagod ko. Tagaktak na ang pawis ko.
Natigilan siya. Malalim ang bawat paghinga niya. Grabe ang galit ng mukha niya. Nakakunot ang noo niya at pagkasalubong ang kilay niya. Gumalaw ang panga niya.
"Are you okay?" He asked worriedly. Tumango ako. Natatakot parin sa expresyon niyang ready nang pumatay ng tao. His jaw tighten.
"May ginawa ba siyang masama sayo?" tanong niya muli. Inimpeksiyon niya ang katawan ko at napamura siya noong makita ang sugat sa braso ko.
"Okay lang ako." hinihingal kong saad saka binawi sa kanya ang braso ko. Dahil sa pagod at sakit ng tuhod ko muntik na akong matumba buti nalang at hinawakan ako ni Rehan.
"Okay kana niyan?" sarkastiko niyang saad. Napatili ako dahil sa pagbuhat niya sa'kin. Sinubukan kong magpumiglas pero malakas talaga si Rehan.
Uminit ang mukha ko noong mapagtanto na nakasandal ako sa matigas niyang dibdib. College at graduating na si Rehan, kaya siguro perpekto ang pagkakadipina ng katawan niya. Dumidikit ang pula niyang buhok sa kanyang noo dahil sa pawis.
Umiwas ako ng tingin dahil sa pagtingin niya sa'kin.
"Tsk.." tumingin ulit ako sa kanya dahil sa pag tsk niya. Nakanguso siya. Namumula ang pisngi niya at leeg niya. Dahil siguro sa pagod?
"May susi kaba?" biglang tanong niya.
"Susi nang?" tanong ko.
"Flower shop?" simpleng saad niya. Namilog ang mata ko. Wow. Talaga bang sikat ang aming flower shop at pati ang isang Rehan Lewis ay kilala ito? Ayus ah.
"Wala. Sigurado naman akong hindi pa nakakauwi si Papa." sagot ko. Tumango siya. Pati daan alam pa niya. Bumisita na kaya siya sa flowershop namin? Bakit hindi ko napansin?
Maya maya ay tanaw na namin ang nakailaw na flowershop. Maliit lamang ito. Isang palapag lang. Maayos na nakaa- arranged ang mga bulaklak sa labas. Sa taas ay may nakasulat na 'ABIGAIL'. Sakin talaga pinangalan ni Papa.
Napahawak ako sa leeg ni Rehan dahil binababa na niya ako. Uminit ang pisngi ko dahil sa pagkakaamoy ko ng pabango niya. Hindi siya masakit sa ilong pero napakabango niya. Naramdaman niya ang pagsinghot ko sa kanya.
"Abby.." tawag niya sa'kin. Nangilabot ako sa pagkakasabi niya ng pangalan ko. Ngumisi siya sa'kin. Psh. Umiwas ako ng tingin at mabilis na pumasok sa loob ng flowershop.
"Pa!" Sigaw ko. Tumigil sa pag-aayos si Papa ng mga bulaklak. Tumingin siya sa'kin.
"Anak! Akala ko nakauwi kana. Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?" nag-aalala niyang saad. Ngumiti ako saka niyakap siya. Salamat at nayakap ko ulit si Papa. Ano nalang ang mangyayari kay Papa pag wala na ako?
"A-anak.."
"Pa. Ako na bahala. Magpahinga kana muna." Saad ko saka inalalayan siyang umupo.
"Anak.. May customer tayo." Saad ni Papa saka napatingin sa likod. Huh? Tumingin din ako sa likod. Nakatayo si Rehan sa harap ng pulang rosas at pinagmamasdan ito.
"A-ah.. Hindi ho.. K-kasama ko po siya." Saad ko. Hindi ko alam ang idadahilan. Like, me and Rehan are not friends!
"Ganun ba. Bakit hindi mo pakilala sakin?" tanong niya. Ngumiti ako saka humakbang pero paghakbang ko bigla akong napaluhod. Shit!
"Anak!" Sigaw ni Papa. Bigla namang lumingon sa'min si Rehan at napatakbo sa pwesto ko. Nagmura siya saka ako binuhat.
"Anong nangyari?" nag-aalalang tanong ni Papa.
"May humab—"
"Nadapa ako pauwi. Madilim kasi ang daan. Galos lang naman Papa." Saad ko saka ngumiti. Pinanliitan ako ng Papa ng mata. Tumingin ako kay Rehan na dumilim ang expresyon.
"May first aid kit po ba kayo Tito?" tanong niya. Ay wow. Marunong gumalang? Saka ano? Tito? Wow ha.
"M-meron.. Teka lang kukunin ko muna." Saad ni Papa saka naglakad palayo. Pinaupo ako ni Rehan saka lumuhod sa harap ko. Parang siyang nag-aalok ng kasal. Uminit ang pisngi ko sa mga iniisip ko. Geez!
"A-ahhh.." napadaing ako dahil sa biglaan niyang paghawak sa sugat ko.
"Bakit ka ba kasi ginabi?" galit na tanong nito.
"Pakialam mo?" pagtataray ko. Seryoso siyang tumingin sa'kin. Umiwas ako ng tingin. Para akong malalagutan ng hininga sa tuwing titingin ako sa abo niyang mata.
"Pwede ka namang magpahatid sakin! Pano kung di ako dumating? Ano nang mangyayari sayo?" galit parin siya. Ano daw? Sakanya magpahatid?
"Hindi naman tayo close para sa'yo ako magpahatid." Sabi ko hindi parin tumutingin sa mga mata niya. Gumalaw ang panga niya.
"Edi kaibigan muna ako ngayon." matigas niyang saad. Lumaki ang mata ko.
"A-ano?"
"Bingi kaba? I said we're friends now." Saad niya.
"Pano kung ayaw ko?"
"I'm not asking you. We're friends. You like it or not." Saad niya. Umawang ang labi ko. Wow! Napakabossy! Umirap ako sa kanya. Bahala siya.
Dumating si Papa na may dalang first aid kit. Binigay niya ito kay Rehan. Binuksan ito ni Rehan at naglabas ng alcohol saka cotton. Nilagyan niya ng alcohol ang cotton.
Hinawakan niya ang paa ko saka dahan dahan na dinampi ang bulak. Gumalaw ang paa ko dahil sa sakit kaya napatingin siya sakin.
"Aray ko! Wag mo idiin!" sigaw ko. Namula siya sa hindi ko alam na dahilan. Tumikhim siya saka umiling.
"S-sorry.. I'll be gentle" saad niya.