"H-hindi ako may gawa nun! Tumigil ka nga." sa sobrang hiya ko. Gusto ko nang magpakain sa lupa. Grrr. Nabasa niya pala yun. Patay talaga kayo sa'kin mamaya. Humanap kayo ng hihingan niyo ng assignment!
"Ang cute nga e'. Ab-baby. Pwede din namang Abhhiiee." pulang pula na ako. Hindi ko alam kong nang-aasar lang ba siya o ano. Geez. Wag ka namang paasa Caleb!
"A-ano ba." bumaba ang tingin ko dahil alam kong pulang pula na ang mukha ko. Totoo pala yung love at first sight? Grabe kasi itong tibok ng puso ko. Halos hindi ako makahinga sa kaba.
Crush ko ba si Caleb?
"Biro lang. Ang cute cute mo kasi. Tara na." Saad niya. Nasa baba parin ang tingin ko. Tumango ako sa kanya.
Bigla niyang hinigit ang aking kamay kaya nanglaki ang mata ko. Umangat ang tingin ko sa kanya. Nakangiti siya sa'kin kaya nasilaw ako. Damn those smile. Mas lalong kumalabog ang puso ko.
Hindi ko naman ito naramdaman sa lahat ng manliligaw ko. Well, hindi ko alam pero kakaunti lang ang manliligaw. May itsura naman ako pero parang takot sila sa'kin.
Ito na ba? Siya na ba? Magkakajowa na ba ako? Umiling ako dahil sa inisip ko. Wag ka masyadong umasa Abby! Sadyang friendly lang talaga si Caleb! Yah, friendly lang talaga siya.
Lahat ng mga studyanteng nadadaanan namin ay napapatingin sa'min. May mga ibang nagbubulungan. Habang yung ibang babae ay masama ang tingin sa'kin. Problema nila?
"C-Caleb.. Pinagtitinginan tayo.." nahihiya kong saad. Hindi siya lumingon sa'kin at patuloy lang sa paglakad.
"Hayaan mo sila." Saad niya. Tumango ako. Pati noong nakarating kami sa cafeteria halos kalahati ng studyante ay nakatingin sa'min.
"Oyy! Caleb! Naka first move kana pala!" rinig kong sigaw ng isang lalaki dito sa loob ng cafeteria. Nasundan ito ng tawa at iba pang pang-aasar.
"Nice one Caleb!"
"Matagal munang crush yan diba?"
"Ganda mo talaga Abby!"
"Go. Caleb!"
Lumunok ako. Tumingin ako sa mga kaibigan ko. Si Tresha at Elena na naka ngiti at nakathumbs sakin. Si Danny na hindi ko maintindihan ang itsura.
Tumingin ako kay Caleb na namula ang pisngi at tenga. Ghad! Ang gwapo! Ang hot niya tignan na magblush! Wait. Tama ba yung narinig ko kanina?
'Matagal mo nang crush yan diba?' nanlaki ang mata ko. Fucking what the what!? True ba? Oh M! Umawang ang labi ko. Kinikilig ako shit!
"H-hayaan mo na sila." nauutal niyang saad saka hinila ako paupo sa malapit na table. Rinig ko parin ang bulong-bulungan. At ramdam ko ang masasamang tingin ng mga babae sakin na kulang nalang ay sugudin ako.
"Transferee kaba?" tanong ko. Siya na ang nag-order saming dalawa. Tumigil siya sa pagnguya at nakakunot ang noo na tumingin sa'kin. Nilunok niya ang nasa bunganga niya at sumipsip ng softdrink.
"What? Hindi ah. Bakit mo naman nasabi?" hindi makapaniwala niyang saad. Ngumuso ako.
"Ngayon lang kasi kita napansin." sagot ko. Totoo naman. Ngayon ko lang siya nakita. Hindi malabo ang mata ko pagdating sa mga gwapo. Kung hindi siya transferee sana matagal ko na siyang napansin.
"Talaga?" gulat niyang saad. Kumagat ako ng fries saka tumango. Parang ang popular pa niya. Pero bakit hindi ko siya kilala? Dahil ba college na siya?
Narinig ko siyang tumawa kaya kumunot ang noo ko.
"Kung hindi ako lumapit sayo hindi mo talaga ako mapapansin?" tanong niya. Umangat ang labi ko.
"Ah. Hindi ko alam. Malakas naman paningin ko basta gwapo." Saad ko saka humalakhak ng tawa. Natawa din siya.
"So gwapo ako?" tanong niya. Para namang tanga. Pa humble ba ito o hindi niya talaga alam na gwapo siya?
"oo" mabilis na sagot ko. Ngumuso siya. Sarap e kiss! Namula ang pisngi niya at hindi makatingin sa'kin ng diretso.
"T-talaga?" tanong niya muli.
"Oo nga." Saad ko saka ngumiti.
"Kilala mo ba yung banda'ng DBoyz?" Tanong niya. Kumunot ang noo ko. Oh! I know that band. Narinig ko na silang tumugtog noong school festival ang gagaling talaga nila.
"Oo. Bakit?" tanong ko.
"I'm the guitarist." Umawang ang labi ko. Ideal type ko talaga yung magaling mag-guitara! Ang sarap lang kasi sa feeling nung haharanahin ka nila! Damn. Nakakakilig isipin!
Paano kaya siya tumugtog ng gitara? Nagiging iba kaya siyang tao? Mas lalo kaya siyang nagiging hot?
"W-wow." gulat kong saad.
"Yeah. Baka gusto mong manuod next week? Tutugtog kami sa isang bar." ngumiti ako at exited na tumango. Pero agad naglaho ang ngiti ko dahil may naalala ako.
"Bar? I'm still sixteen." Saad ko saka nagpakamot ng ulo.
"Alam ko." kumunot ang noo ko.
"Don't worry. The owner of the bar is my friend. Manunuod kalang naman. Sympre hindi kita hahayaang uminom." Saad niya.
"Talaga? Sige. Can I bring my friends?" tanong ko. Tresha, Elena and Danny are already seventeen.
"Sige."
Nagpatuloy ang maganda naming kwentuhan. Kahit sa kaunting oras naging magaan na ang loob ko sa kanya. Mas lalo ko siyang nagustuhan. His bright attitude. Madali siyang maka get-along.
"Can I visit your flower shop?" tanong niya. Oh.
"Sige ba. Baka madaming bumili dahil may pogi!" Saad ko at natawa.
"I like to help. Pero walang buy 1 free hug ha." Saad niya kaya natawa kaming pareho. Hindi ko naman papayagan yun no.
"Oh. Shit!" malutong na nagmura si Caleb. Nagulat ako sa nangyari kaya napatayo ako. Muntik pa akong mabasa.
"Oh. Sorry bro. Hindi ko nakita." sarcastic na saad ni Rehan. Nakangisi siya at parang nang-aasar. Hawak niya parin ang bote ng softdrink na wala nang laman dahil natapon kay Caleb lahat.
"Anong problema mo?" galit na saad ni Caleb. Nakangisi lamang si Rehan at nag-aabang talaga ng away.
Lahat ng mga studyante sa cafeteria ay napasinghap. Nagsimula na silang magbulungan ulit. Nakakatakot ang aura ng dalawa. Parang may kuryente na nakapa-gitna sa mga titig nilang dalawa.
Kung si Caleb at parang anghel. Si Rehan naman ay parang demonyo na nakatago ang sungay.
"H-hey.." kinakabahan na saad ko saka lumapit sa kanila. Hindi parin nila inaalis ang tingin nila sa isa't isa. Kinakabahan ako sa dalawang ito. Nakakatakot tignan na nagsusuntukan ang dalawang gwapong nilalang na to.
"C-Caleb?" tawag ko.
"Matuto kang lumugar." malamig na saad ni Rehan pero nakangisi parin. Kita ang galit sa mata niya pero nakukuha paring ngumisi.
"Anong pinagsasabi mo? Bro! Hindi mo pagmamay-ari ang cafeteria!" Saad ni Caleb. Ngumiwi ako. Mas lalong lumala ang tensiyon ng dalawa. Napahawak ako sa kamay ko at pinisil ito.
Sayang naman yung mga gawapo nilang mukha kong magsusuntukan lang sila. Pero mas naawa ako kay Caleb. Parang ang linis niya tignan yung tipong hindi into violence. Pero si Rehan? Sus! Basagulero yan.
"T-tumigil nga kayo." mahina lang ang pagkakasabi ko pero alam kong narinig nila ito.
"Hindi ko nga pagmamay-ari yung canteen. Dapat alamin mo muna yung kinukuha mo, dahil hindi mo alam. May nagmamay-ari nang iba!" galit na saad nito saka tumingin sakin. Masama siyang tumingin kay Caleb. Mahigpit niya ding kinuyom ang kamao niya tila nagpipigil ng husto.
"Matututo kang lumugar." huli niyang saad saka tumingin sakin. Dahil sa takot ay napa-atras ako. Nag tsked siya saka umalis sa harap namin.
Huminga ako ng malalim.
"O-okay ka lang?" tanong ko kay Caleb. Nag-iba na ang expression ng mukha niya. Hindi ko maintindihan. Bakit ang lungkot niya?
"O-oo.. Takot ka kay Rehan diba?" naglabas ako ng tissue. Pinunasan ko ang ulo niya. Napakunot ako sa tanong niya.
"O-oo. Lahat naman ata kami takot sa kanya." sagot ko. Bakit naman niya natanong?
"Pag nilapitan kaba niya tatakbo ka?" tanong niya muli.
"Oo. Baka. Ewan." sagot ko saka nagkibit-balikat.
"Dapat oo. Rehan is a bully. You should always be with me. I can protect you." Saad ni Caleb. Napatigil ako sa pagpupunas ng ulo niya. Napakagat ako ng labi ko. Kinikilig naman ako.