Sabay na kaming pumasok ni Caleb sa loob. Dahil sobrang kagwapuhan nito. Pinagtitinginan kami ng mga tao. Kung maissue man kami, okay lang sakin yun! Magagalit pa ba ako e ang gwapo gwapo ni Caleb? Mwhehe.
"Salamat sa paghatid ha. Sana hindi kana nag-abala. Baka malate kapa tuloy." nahihiya kong saad. Pinisil ko ang kamay ko. Ang arte ko eh gustong gusto ko din naman!
"Okay lang. Gusto kong siguraduhing hindi ka ulit tatalon." aniya. Ngumisi siya. Nagulat ako sa sinabi niya.
"Ehhhh.." Saad ko saka ngumuso. Natawa siya sa reaksiyon ko.
"Ang cute cute mo talaga." Saad niya. Namula ang pisngi ko. Alam ko naman eh. Wag mo nang sabihin! Ehh.. Nahihiya tuloy ako.
"Hoy! Abby sino yang nilalandi mo— ay! Ang gwapo shit!" nalaglag ang panga ni Elena. Natulala siya kay Caleb. Ilang segundo ang nagdaan tumingin siya sa'kin.
"Hi! I'm Elena nga pala." Saad niya saka nilahad ang kamay. Tumingin sa'kin si Caleb. Nahihiya akong ngumiti sa kanya.
"Caleb" aniya saka tinanggap ang kamay ni Elena.
"Pumasok kana Caleb. Baka malate ka." Saad ko. Ngumiti siya sakin.
"Sige. See you this lunch." Saad niya saka ngumiti. Pinipigilan ko naman ang kilig ko. Kahit gusto kong tumalon at sumigaw pinigilan ko ang sarili ko para hindi masira image ko. Geez!
"Ang gwapo. Ang lambot ng kamay!" Saad ni Elena kaya napatingin ako sa kanya. Inamoy niya ang kamay niya. "Ang bango pa. Shit!! Pakasalan mo na!" Sigaw niya kaya napatingin ang mga studyante na naglalakad sa hallway at mga classmate namin.
"Sino?" biglang sumulpot si Danny sa harap namin. Tumingin ako kay Elena saka umiling.
"Wala. Bat' kaba nakikisabat?" Ani Elena.
"Narinig ko kasing may papakasalan si Abby. Sino?" Saad nito.
"Wala. Nabingi kana ba?" pang-aasar ni Elena. Umiling ako saka naglakad papunta sa upuan ko.
Mabuti nalang at hindi ako nalate. Ni minsan hindi pa ako nalalate o nag-aabsent dahil good girl ako. Kami lang kasi ng aking ama. May maliit kaming business iyun at ang sikat na flower shop sa lugar namin. My mom left us when I'm still a baby. Wala panga akong isang buwan iniwan na ako sa aking ama.
Lumipas ang ilang oras. Nagpaalam na ang huling guro namin ngayong umaga. Inayos namin ang mga gamit namin. Habang nilalagay ko sa loob ng desk ko ang libro ko biglang tumunog ang phone ko. Nakakunot ko itong binuksan.
"Sino to?" unregistered number ito. Nakitext ba si Papa? Ano naman kaylangan nun? Di marunong mag text si Papa lagi lang ako nun tinatawagan. Nagkibit balikat ako saka binuksan ang text message.
Muntik ko nang mahulog ang iniingatan kong cellphone. Omyghad! Is this real! Automatikong ngumiti ang labi ko at uminit ang pesngi ko. Gusto kong tumalon at sumigaw sa gilid. Gosh!
From: 09+
Hey. Lunch together? Sunduin na kita.
-Caleb
Napansin ng mga kaibigan ko ang weird kong kilos kaya lumapit sila sa'kin. Ngiting ngiti parin ako habang nakatingin sa cellphone ko. Ito na ba Lord? Magkakajowa na ba ako?
"Hoy! Anyare sayo?" Saan ni Elena. Ngumiti lang ako sa kanya at hindi siya sinagot. Tumingin muli ako sa phone ko.
I should save his phone number. Mabilis kong sinave ang phone number niya. Teka—san niya nakuha number ko? Hala? Kakakilala lang namin ah. Papano?
Naputol ang pag-iisip ko dahil sa biglang pagkawala ng phone ko sa kamay ko. Angputa! Sinong kumuha!? Agad din namang nasagot ang tanong ko dahil sa paghiyaw ni Elena at ni Tresha. Paktay!
"Oyyy! Sino tong Caleb na to? Ikaw ha!" pang-aasar ni Tresha. Malakas ang tawa ni Elena na tila isang antagonist sa isang penikula. Mga baliw!
"S-sino Yan?" bumaling sa'kin si Danny na kumikislap ang mata at ang lungkot ng expresyon.
"W-wala. Kaibigan lang naman." Saad ko saka ngumuso. Totoo naman. Kaibigan—wait! Hindi pa pala kami magkaibigan. Hmm.
"Ha? Diba kami lang kaibigan mo?" parang nagtatampo na saad ni Danny. Habang yung dalawa ay kinikilig at kinakalikot ang cellphone ko.
"Hoy! Wag niyong replayan yan!" Sigaw ko.
"Abby." tawag sa'kin ni Danny pero hindi ko siya nilingon at tumakbo sa paanan nila Elena at Tresha.
"Kami na bahala!" Sigaw ni Elena saka tumakbo habang hawak hawak ang cellphone ko. Argh! May kagaguhan na naman silang gagawin! Argh!
"Tresha! Elena! Nakakahiya!" Sigaw ko saka hinabol sila. We end up chasing each other inside the classroom. Mga baliw kong kaibigan! Nakakahiya kay Caleb.
Baka ano na naman pinagsasabi nila. Nagkakilala lang kami ni Caleb. Hindi naman ako easy to get. Dalagang pilipina ako noh' Dadaan muna yun' sa ligaw bago ako makuha.
"Ayan!" binigay nila sa'kin ang aking cellphone. Mabilis kong binuksan ang message.
Sabi kuna nga ba!
To: Caleb❤️
Sige. Wait kita ha. Wag kang titingin sa iba.
-Ab-baby 😘
Napasapo ako sa ulo ko. Naku. Nakakahiya! Sinamaan ko ng tingin ang mga kaibigan ko pero nakangiti lamang sila sa'kin.
"Mga puta kayo!" tumawa sila.
Mabilis kong kinulikot ang cellphone ko. Sana hindi pa niya nakikita. Mabilis ko itong denelete at medyo napanatag ang loob dahil hindi pa siya nakakapag-reply.
"Alis na! Tsupee! May susundo sa'kin!" pagyayabang ko. Taas noo ko silang tinignan at nginisian.
"Yabang! Tsk!" Ani Elena. Dinilaan ko siya. May susundo na sa'kin. Humalakgak ako sa isip ko. Gragraduate na ako ng Junior high pero wala paring sumundo sa'kin dito sa classroom? Mali yun.
"Alis na. Humanap din kayo ng susundo sa inyo." Saad ko saka tumawa ng malakas. Sinamaan lang nilang dalawa ako ng tingin.
"Parang tanga." Saad ni Tresha saka lumabas ng silid. Sumunod naman si Elena. Bumaling ako kay Danny na nasa gilid lamang. Nandito pa pala siya? Ang tahimik niya kasi.
"Ahmm.. Danny?" umangat ang tingin niya sa'kin. Kakaiba ang expresyon ng mukha niya. At iba ang pagtitig ng mata niya.
"Abby." malamig ang pagkakatawag niya sa pangalan ko.
"Abby. Kilala mo ba yung lalaking yun?" tanong niya. Humakbang sila papalapit sa'kin.
"Oo." sagot ko saka tumango.
"Matagal na ba kayong magkakilala?" tanong niya muli.
"Hindi. Nagkakilala lang kami kaninang Umaga" sagot ko.
"Ano? Nagtitiwala ka agad sa lalaking kanina mo lang nakilala? Nahihibang kana ba, Abby?" galit sa saad niya sa'kin. Napaatras ako dahil sa gulat.
"Abby! Anong nangyayari sayo? Hindi mo siya kilala. Pano kung may balak siyang masama sayo? Pano kung masama siyang tao? Hindi ka dapat nagtitiwala agad!" Saad niya.
Natulala ako sa kanya. Anong nangyayari kay Danny? Ni minsan hindi niya ako sinigawan. Ni minsan hindi siya nagalit sa'kin.
"Abby!"
"Danny, listen, Alam ko ang ginagawa ko. Mabait naman si Caleb. Don't judge easily Danny" Saad ko.
"Sige na. Samahan muna sila Tresha." Saad ko saka ngumiti ng matamis. Bigo siyang pumikit. Huminga siya ng malalim saka lumabas ng silid.
"Ab-baby!" eh? Nanlaki ang mata ko.
"Ab-baby! Tara na. Lunch na tayo!" dahan dahan akong lumingon sa pinto. W-what? Gulat na gulat akong tumingin kay C-Caleb.
Ab-baby?
Fuck!
"I like it. It sound cute! Ab-baby." nalaglag ang panga ko. Oh fucking shit! Tresha! Elena! Lagot kayo mamaya sakin!