"Hoy Ayen gising na" pagsigaw ko kay Ayen para gisingin siya. Kami na lang kasing dalawa ang naiwan dito sa quarter lahat ng kasama namin ay nandoon na si venue. Pero itong si Ayen ay wala pa yatang balak bumangon.
Hinampas ko pa siya ng unan sa likod para bumangon siya buti na lang at sumunod din siya kaagad. Nakapag ayos na ako ng aking sarili kaya siya na lang talaga ang hinihintay ko. Napakabagal pang kumilos ng potek.
"O sige inom pa" sarkastiko kong sambit ng lumabas siya ng cr habang hawak hawak ang kanyang ulo. Hangover pa nga!
"Pasalamat ka di ka nagtae sa pulutan mukbang mo kagabi" pakikipaglaban naman niya sa akin. Hindi talaga marunong magpatalo ang isang to! Tss.
At dahil sa sobrang kupad niyang kumilos ay inabutan na ulit kami ng aming mga kasama sa quarter. May kanya kanya na silang dalang pagkain na nakalagay sa styro at isang bottled water.
"Buti na lang nagdala ako ng swim suit" ani nung isang babae na kakapasok lang sa loob. Mukhang excited naman siya, bakit kaya?
"Ang bait talaga ni Arix binigyan niya tayo ng time para magswimming" masaya ring ani nung isang babae. Kaya naman pala ganun na lang sila kasaya, nagbigay ng time si kuya Arix para magswimming. For sure dahil may hangover pa rin yun kaya ganun!
Dahil doon ay bumalik na muli sa pagkakahiga si Ayen. Akala ko pa naman ay gusto niyang magswimming. Tss. Hinayaan ko na lang siya para makabawi siya ng tulog at makapagpahinga. Habang ako naman ay eto at nakatulala lang sa kawalan.
Iniisip kung papaano na naman ako pinahamak ng pasmado kong bibig kagabi. Nagkaroon tuloy ako ng manliligaw ng wala sa oras. Hayyssttt.
Sa halip na magmukmok sa quarter ay mas pinili kong lumbas at tumungo sa tabing dagat kung saan naroron ang mga kasama namin. Mukhang pinaghandaan talaga nila ang beach! Lahat lang naman sila ay naka swim suit. Parang nakaramdam naman ako ng hiya dahil sa suot ko. Maong short at T-shirt!
Naupo ako sa may buhanginan kung saan ay nalililiman ng puno. Nakatutok lang ang paningin ko sa napakalawak na dagat na iyon. Lahit maingay ang paligid dahil sa tawanan ng mga tao ay kalmado at payapa pa rin ang paligid. It was so relaxing!
"Ma'am pagkain niyo po" halos mapatalong naman ako sa gulat ng may lumapit sa aking isang babae. Inilahad niya sa aking ang isang styro foam ng nakangiti.
Bakit walang tubig?
Sa halip na magreklamo ay inabot ko iyon mula sa kanya. Napakunot naman ang noo ko ng makitang papel na nakadikit doon.
Good morning :)
Parang wala namang ganitong nakasulat doon sa dala noong iba kanina.
"Galing po iyan kay sir Alli, Ma'am" sambit noong babae ng mapansin ang pagtataka ko dahil doon note. Ng ibalik ko sa kanya ang aking paningin ay nakangiti lang siya pero mukhang may gustong itanong sa'kin.
"May kailangan pa po kayo?" tanong ko sa kanya, inilingan niya lang ako bilang sagot at saka siya tumalikod.
Pero agad rin siyang bumalik at humarap sa akin. "Girlfriend ho ba kayo ni Sir?" nakangiting tanong niya.
"Ahhh hindi ho hehehe" medyo awkward kong sagot sa kanya. Akala ko pa naman ay kung ano na ang itatanong niya sa akin, yun lang pala.
Ng makaalis na siya ay agad ko muling ibinaling ang aking tingin doon sa styro. Parang kahit hindi ko akinin iyon ay busog na ako!
What the hell Ydha!
Halos mapatalon naman ako ng tumunog ang aking cellphone. Pusta ko si Ayen ito, hinahanap na malamang ako ng isang yun.
From Alli:
You're smiling huh!
Agad kong inalis ang pagkakangiti ko dahil doon at saka inilibot ang aking paningin para hanapin kung nasaaan siya. Panira siya ng moment!
Sinave ko na rin pala yung number niya sa contacts ko. Kaya alam kong siya iyong nagtext.
"Hala, ang gwapo ni Alli" pagtili ng isa sa mga babae sa di kalayuan. Dahilan para magtulian rin ang mga kasama niya roon. Sinundan ko ng aking mga mata ang tininingnan nila at ganun na lang ang paglaki ng mata ko dahil sa nakita.
Ang gwapo nga!
Si Alli habang naglalakad sa buhanginan, sobrang lakas ng dating niya kahit ang simple simple lang naman ng suot niya, nakablack na short at grey na sando. Hindi ko naman mawari ang ekspresiyon ng kanyang mukha dahil nakasuot siya ng shade habang ang kanyang buhok ay nililipad ng hangin.
Agad kong binawi ang aking paningin at itinuon muli iyon sa dagat ng mapansing patungo siya sa direksiyon ko. Bigla tuloy akong naconscious sa suot at itsura ko. Dapat pala nagswim suit din ako. Bwiset.
"Good morning" pagbati niya sa akin ng tuluyan siyang makalapit sa kinaroroonan ko. Tiningnan ko siya pero agad ko ring binawi iyon.
"Morning" pilit na sagot ko sa kaniya.
"Yeah it's morning, that's why you should stop staring at the sea and start eating your breakfast" sambit niya habang ang paningin ay naroroon sa hawak kong styro. Napangiti pa siya ng mapansin iyong note na nakadikit doon.
Sasabihin ko pa sanang busog pa ako pero tinatraydor ako ng aking tiyan. Kaya sa halip na magpabebe pa ay binuksan ko na iyong styro para kumain. Pero ganun na lang ang pagkunot ng aking noo ng makitang sobrang dami niyon.
"Andami naman nito" angal ko kaagad at saka akmang isasara ang styro ng magsalita si Alli.
"Hati tayo diyan" aniya at saka umupo sa mismong tabi ko. Bahagya pa akong umisod dahil mainit na sa parteng iyon na kinauupuan niya.
"Anong hati? Dito ka din kakain?" gulat na tanong ko. Kung ganun eh ibig sabihin iisang kutsara at tinidor lang ang gagamitin namin dahil iisang pares lang naman ang kasama doon sa styro. Hindi ko maintindihan kung bakit parang kinikilig ako. Bwiset!
"Of course.." pigil ko naman ang aking hininga dahil sa sinagot niya. What the hell, ngayon pa lang ako may makakasabay na kumain at share pa kami ng gamit huh! "I brought my own plate, spoon and fork" para naman akong tanga na nanonood sa ginagawa niya. Isa isa niyang inilabas ang isang plato, kutsara at tinidor. May baon naman pala!
Siya na ang nagbukas noong styro saka siya kumuha ng sobrang daming kanin at ulam, halos maubos na niya iyon. Nahiya pa eh, di na lang niya kinuha lahat!
Nanlalaki ang mga matang tinitigan ko siya, agad niya rin naman iyong napansin.
"What" nagtataka niyang tanong.
"Antakaw mo pala" wala sa sarili ko ang sambit. Sa ganda ng katawan niya hindi ko inaasahang ganyan siya kalakas kumain.
"Ngayon ko lang din nalaman" nakangiting sagot niya. Pero hindi ko na iyon pinansin pa at binalingan na lang ang pagkain. Ngayon ko lang din nalaman na masarap palang magbreakfast sa tabing dagat. "You should thank me for this" maya maya pa ay sambit niya.
"Bakit naman eh hindi naman ikaw naghanda nito, kasama kaya to sa registration fee na binayaran namin" pangangatwiran ko sa kanya. Masyado siyang mayabang eh ako naman nagbayad nun.
"So I should prepare food for you next time" sambit niya habang nakangiting tumatango tango na para bang napakagandang ideya noong sinabi niya.
Nagsisimula na ba siyang manligaw?
Naging tahimik lang ang pagkain namin dahil wala namang umiimik sa aming dalawa. Mukhang hindi yata siya maiistorbo sa pagkain kaya hindi na lang din ako umimik. Maayos na rin yun para less awkward.
Nauna siyang natapos sa akin kumain , nakakabilib lang dahil mas marami yung pagkain niya kumapara sa akin pero siya pa rin iyong unang natapos. May alaga ata ang isang ito sa tiyan.
Ng matapos siya sa pag inom ng tubig ay saktong tapos ko rin sa kinakain ko, doon ko lang narealize na wala ng pala akong maiinom dahil walng inabot si ate kanina sa akin. Baka ito na ang ikamatay ko. Charr.
Napatingin ako kay Alli ng ilahad niya sa akin ang isang bottled water. Okay na sana kaso iyon din yung ininuman niya kanina. Ano yun indirect kiss?
"Don't worry wala akong rabbies" nang aasar na ani niya. Wala akong choice kundi anv kuhanin iyon sa kanya at baka pag nag inarte pa ako ay tubig dagat ang ipa inom niya sa akin.
Ng maligpit naming pareho ang pinagkainan ay doon lang ako bumalik sa reyalidad at noon ko lang din napansin na halos lahat pala ng tao na naroroon ay nakatingin sa aming dalawa ni Alli, lalo na iyong mga babae na ngayon ay parang punapatay na ako sa mga isip nila.
Dahil sa hiya ay nagmamadali akong tumayo at akmang lalakad na pabalik sa quarter namin ng hawakan ako ni Alli sa aking braso.
"Ano?" nagtatakang tanong ko sa kaniya. Matapos niyon ay binitawan niya na rin ako.
"Wala" sigurado akong hindi iyon ang nais niyang sabihin pero iyon ang lumabas sa bibig niya. May tinatago rin palang hiya sa katawan ang lalaking ito.
"Sige na alis na ako" pagpapaalam ko sa kanya at saka tumalikod. Akala ko pa naman eh kung ano na ang sasabihin niya, wala lang pala, di man lang nagsabi ng bye, see you later o kaya naman ay....
"Ayy potek!" reklamo ko ng higitin niya muli ako at iharap sa kanya. Nakakatitig lang siya sa aking mga mata at ganun din ako sa kanya. Hindi ko maintindihan kung bakit parang may nagtatambol na naman sa aking puso dahil sa sobrang lakas ng tibok nito. Lalo pa iyong lumakas ng lumapit siya sa akin at halikan ako sa noo.
"Take care Ysabelle"
Kagat kagat ko ang labi para pigilan ang pagngiti ko dahil sa kilig na nararamdaman ko kaya naman agad akong tunalikod sa kanoya at saka nagtatakbo ng mabilis patungo sa quarter.
Ysabelle
Iyon ang unang pagkakataon na may tumawag sa akin gamit ang first kong iyon. Kadalasan ay Ydha na talaga ang tawag sa akin ng mga tao at hindi ko inaasahan na magiging ganun kaganda sa pandinig ko ang pangalan kong iyon. Dahil ba talaga sa pangalan ko o dahil sa boses niya?
Lutang ang isip ko ng pumasok ako sa loob ng quarter. Habang pinipigilan ang sarili ko na ngumiti ng malaki. Kung mag isa lang sana ako dito ay baka naibato ko na lahat ng gamit sa loob. Pero syempre kailangan kong kumalma.
Pero paano?
Ito ang unang pagkakataon na makaramdam ako nito. Maraming sumubok na manligaw sa akin dati pero hindi ako nagiging intersado. Para sa akin destruction lang ang kilig sa pag-aaral ko, pero heto ako ngayon at parang nababaliw sa tuwa at kilig.
What the hell Ydha, you're not a teenager anymore!
"Saya ka?" paninira ni Ayen sa moment, gusto ko siyang singhalan pero sa halip ay nginitian ko lang siya. Parang hindi ko kayang magalit ngayong araw! "Baka gusto mo ng magpalit ng damit, dahil may activity ngayon" sarkastiko niya pang dagdag.
Doon ko lang rin napansin na lahat pala sila ay suot suot na ang t-shirt na ibinigay sa amin kahapon. Dahil iyon ang susuotin namin ngayong araw sa lahat ng activity. Agad ko namang kinuha ang sa akin at saka tumungo sa cr para magpalit nakaligo naman na ako kanina kaya okay na.
Simple lang ang tatak noong damit, yung 3A lang at saka konting music symbols. Knowing kuya Arix ,ayaw niya ng masyadong maraming design. Nagtaka lang ako kasi wala ang pangalan niya roon. Medyo may kayabangan din kasi ang isang yun, lahat ng may kaugnayan sa 3A gusto niya ay may nakatatak na pangalan niya. Dito lang yata sa T-shirt ang wala.
Naging maayos naman ang unang activity namin medyo nakakaboring nga lang kasi more on talk lang naman iypn tungkol syempre sa music. And we are now preparing ourselves for the next activity.
Team building daw iyon kaya naman kanya kanya kami ng pag aayos sa aming mga sarili. Itinali ko ang aking buhok para hindi iyon makasagabal narito kasi kami sa may harap ng salamin ni Ayen.
Halos mapatalon naman ako sa gulat ng may biglang lumapit sa tabi ko na isang lalaki. Papaalisin ko sana siya ,pero natigilan ako ng makilala ko ito. Si Alli.
Nakatingin lang siya sa akin mula sa salamin kaya pinagtaasan ko siya ng kilay, nagtatanong.
"Bagay sa'yo yung apelyido sa likod mo" nakangiti niya iyong sinabi at saka tuluyang umalis sa tabi ko at hindi ko na alam kung saan siya papunta.
Nacurious naman ako sa sinabi niya kaya agad akong tumalikod sa salamin, upang makita ang nasa likuran ko, at mula roo ay kita ko ang pangalan ni kuya Arix, maliit lang ang pagkakatatak niyon kaya hindi masyadong halata pero ang talagang umagaw sa atensiyon ko ay ang malalaking letra na nakatatak sa baba niyon.
RIVERA
__________________________________________________
Thank you🤗