Chereads / A Love Unsung / Chapter 17 - Chapter 16

Chapter 17 - Chapter 16

"Hey what happened?"

Agad akong nag angat ng tingin sa nagsalitang iyon and there I saw the concern face of Alli. Magulo pa ang buhok niya dahil siguro sa pagdadrive niya, medyo malayo din kasi ang Cavite.

"Your smile can't fool me" aniya ng ngitian ko siya. He even rolled his eyes after that. Para rin naman kasi akong tanga eh kanina todo hagulhol ako sa pag iyak ng aksidente ko siyang matawagan tapos ngingitian ko siya ngayon. What the hell!

"Sorry I didn't mean to disturb you, I was supposed to call Ayen but I accidentally dialed your number so--"

"Don't worry I'm already here" bigla ay parang nanigas ako sa aking kinatatayuan ng lumapit siya sa akin at yakapin ako, na animo'y pinoprotektahan ako sa kung ano. Hindi talaga nabibigo ang lalaking ito na magdulot ng kakaibang pakiramdam sa akin. This time I feel that I am being protected ,ito ang kauna unahang pagkakataon na may ibang tao na handang umintindi at tumulong sa akin, maliban kay Ayen.

"Sorry" paghingi ko sa kanya ng paumanhin ng kumawala na siya sa pagkakayakap. Nakakakonsensiya rin kasi ako dahil sa istorbong naidulot ko sa kanya.

"You don't have to say that, by the way what's your plan?" tanong niya sa akin. He's staring at me too much kay medyo naiilang ako, at hinfi makatingin sa kanya ng deretso. For sure I look like crazy dahil sa gulo gulo kong buhok.

Nakakahiya!

"Hindi ko alam" sambit ko matapos bumuntong hininga ng malalim. Ang gusto ko lang ay mawala na itong bigat ng nararamdaman ko at amg lungkot na nagpipilit kumakawala sa aking dibdib.

"Let's go" agad akong napatingin sa kanya ng ayain niya ako, nagtataka at mukha namang napansin din niya ang reaksiyon kong iyon. "You need to burst that out, and.... would you mind doing it with me?" parang nahihiya niya pang tanong sa akin.

Wala naman akong ibang naisagot kundi ang tumango at ngitian siya. Ewan ko ba kung bakit ang gaan gaan ng pakiramdam ko sa kanya? At ganun na lang ang tiwala ko na iopen sa kanya ang mga problema ko.

At tulad nga ng sinabi niya ay umalis na kami, tahimik lang siya habang nagdadrive sa daan rin lang nakatutok ang mga mata niya habang ako naman ay tahimik ring nagmumuni muni , iniisip pa rin ang mga nangyari kanina.

Parang ang bilis lang ng naging biyahe namin, hindi ko na kasi napansin ang oras dahil sa malalim na oag iisip. Nagtataka ko ulit siyang tiningnan ng tumigil kami sa may plaza. Kakaunti na ang mga tao roon dahil masyado ng late.

Pagkababa namin ng sasakyan ay nauna siyang magalakad at sumunod na lang ako sa kaniya. Hanggang sa tumigil siya roon sa tapat ng isang bench at umupo roon. Nanatili naman akong nakatayo dahil hindi ko malaman kung tatabi ba ako sa kanya o sa kabilang bench ako uupo?

"Hindi ka ba napapagod?" maya maya pa ay tanong niya sa akin, habang nasa malayo ang paningin. Hindi ko alam kung inaantok na ba siya o sadya lang mapungay ang mga mata niya.

"Napapagod, syempre" emosyonal kong sambit dahilan para mapatingin siya sa akin. "Pero, wala naman akong choice eh dahil ito na talaga ako, dahil kung meron man siguro noong una pa lang hindi ko na pinili ang buhay na'to, minsan nga naisip ko bakit kaya hindi tayo binibigyan ng chance na pumili ng buhay na gusto natin? Bakit parang ang unfair naman, dahil minsan kahit anong gawin natin hindi natin maranasan yung buhay na gusto natin, hindi natin magawa kung anong gusto nating maging" I wiped my tears right after I said that. Dahil sa wakas ay nailabas ko na rin ang mga tanong na matagal ng walang sagot.

"Ano ba yung buhay na gusto mo?" maya mya pa ay tanong niya sa akin.

Ano nga ba ang buhay na gusto ko?

I looked back on my life in the past, and there I realized na hindi iyon ang buhay na gusto ko para sa aking sarili. Masyado iyong mahirap at masakit para sa akin, at ang gusto ko lang ay ang maging masaya. Dahil matagal ng panahin ng huli ko itong maramdaman.

"Yung buhay na kasama si M-mommy" pumiyok pa ako sa pagsasalita dahil sa pagpipigil sa sarili kong umiyak ng malakas. "Kasi nakalimutan ko na kong ano yung pakiramdam ng may nanay , yung tipong may nagiintindi at nag aalaga , na kahit hindi ako magsalita ay mauunawaan ako, yung kahit hindi ko sabihin, alam niya kung may problema ba ako, na kahit hindi ko ipakita, alam niyang nasasaktan ako , na kahit hindi ko hingin kusa niyang ibibigay sa akin yung pagmamahal niya, and I badly needed that love right now, kasi pakiramdam ko ubos na ubos na ako, I want her here!, iniisip ko na kung buhay siya baka hindi ako nahihirapan at nasasaktan ng ganito, baka kahit papaano nararamdaman ko yung saya, pero malas ko kasi sa dinami dami ng anak sa mundo ako yung napagkaitan ng pagmamahal ng isang nanay"

I've never been this too emotional before, nasanay kasi ako na kinkimkim ko lahat ng galit at sama ng loob sa sarili ko. And now is the only time that I burst it all out. Nakakalungkot lang kasi maaaring nabawasan nga ang bigat sa dibdib ko pero alam kong hindi noon mababawasan ang problema na meron ako!

"Everything happens for a reason,you might not get it now but I know you can ,soon" pampalubag loob niya sa akin. He really has that impact na mapapaniwala at magtitiwala ka na lang sa sinasabi niya.

"Parang hindi ko kaya" I told him the truth, kasi sa mga oras na ito pakiramdam ko unti unti na akong nauubos at hindi ko alam kung hanggang saan iyon aabot. Hindi ko alam kung paano ko magagawa ang sinabi niya.

"That's why I'm here!" he answered back. Tumayo na siya sa pagkakaupo niya at saka lumapit sa akin. He hold my hands and leaned to kiss it. "Hayaan mo akong iparamdam sa iyo ang mga bagay na hindi na maipaparamdam sa iyo ng Mommy mo, at hayaan mo akong iparamdam sa iyo ang aking pagmamahal, let's turn all your pains to hapiness, I'm here Ysabelle, I'm here!"

I immediately gave him a tight hug, medyo nagulat pa siya, pero niyakap niya rin naman ako pabalik ,my arms were hanging on his neck and his are on my waist. And that's the best place I've been to. His arms around me makes me feel secure and protected and the moment he kissed me on top of my head makes me feel loved!

"Thank you" I sincerely said to him, we are both sitting, not on the bench anymore but on the grass. And in front of us is the beautiful view brought bg the moon and stars in the sky.

"Ikaw hindi ka ba napapagod?" ngayon ay ako naman ang nagtanong sa kanya. Napansin ko kasi na parang mayroon din siyang dinadala sa loob niya, at kung totoo man yun, gusto kong maramdaman niya na handa rin akong makinig sa kanya.

"Napapagod syempre" hindi ko alam kung inaasar niya ba ako o hindi, dahil ginaya niya ang paraan ng pagkakasabi ko noon kanina. But he looks serious tho! Baka nga may pinagdadaanan din siya.

"Bakit?" hindi ko alam kung iyon ba ang tama kong itanong sa kanya, bahala na. Ang gusto ko lang naman ay ang pagkatiwalaan niya rin ako sa mga problema niya.

"Nagdrive lang naman ako papuntang Cavite at pabalik panong di ako mapapagod" sarkastikong aniya, umiiling iling pa.

What the hell! Akala ko pa naman ay kung ano ng problem ang bumabagabag sa kanya yun pala ay ang pagdadrive niya lang, na hindi ko naman siya pinilit na gawin, nagkusa siya kaya bahala siya sa buhay niya.

Hindi ko tuloy siya maaya kaagad para umuwi dahil 'pagod' nga siya. Kawawa naman!

"HaHayyy!" hanggang sa hindi ko na napigilan ang sarili kung humikab, medyo napalakas pa iyon dahilan para marinig niya at saka natatawang tumingin sa akin.

"Let's go" dahil doon ay siya na ang nag aya para umuwi, nauna siyang tumayo at saka inilahad ang kanyang kanang kamay sa akin para tulungan akong tumayo.

At dahil malapit lang doon ang condo ni Ayen ay naihatid niya rin naman ako kaagad. Nagpasalamat pa muna ako ulit sa kanya bago bumaba ng sasakyan. Bababa pa sana siya para pagbuksan ako pero naunahan ko na siya at pinauwi na rin siya dahil sobrang late na at sobra sobra na ang abalang ginawa ko sa kaniya. Buti na lang at hindi na rin siya umangal pa, hinintay niya lang akong makapasok at saka siya umalis.

Kahit sobrang bigat ng gabing ito sa akin ay nakuha at nagawa ko pa ring ngumiti habang naglalakad ako sa hallway. I am just too lucky na siya iyong natawagan ko at nakasama ko ngayong gabi dahil kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko.

Hindi ko na namalayan kung anong oras ako nakatulog. Hindi ko na rin ginising pa si Ayen, dahil may susi naman ako ng condo niya kaya kahit anong oras o araw ay makakapasok ako dito. That's how I am very welcome here, sana ganun din sa bahay!

Naalimpungatan naman ako sa aking pagtulog ng biglang tumunog ang aking cellphone, nakapikit ko pa iyong inabot mula sa side table. Nagmulat lang ako ng buhayin ko na iyon para sagutin ang tawag. I didn't bother to look who's calling me.

"Hello"

Para naman akong biglang nagising ng mapakinggan ang boses na iyon ng tumatawag. His voice sounds deep and husky in phone calls huh! Bagong gising din kaya siya.

"Good morning" nakangiting bati ko sa kanya kahit hindi naman niya talaga makikita ang ngiti kong iyon. Daoat kasi ay video call eh. Charot.

"Good afternoon" balik na bati naman niya sa akin, napakinggan ko pa ang bahagya niyang pagtawa sa kabilang linya. Nang aasar.

Agad nangunot ang noo ko dahil doon, at saka bumaling sa orasan ganun na lang ang paglaki ng mga mata ko ng mapagtanto kung anong oras na.

1:35 PM

Agad kong pinatay ang tawag at saka dali daling nagtungo sa banyo para maligo at mag ayos ng aking sarili. Late na ako nito sa school. Hindi ko na alam kung paano ako natapos ng ganun kadali sa pag aayos, ang mahalaga sa akin ngayon ay ang makapunta na sa school at makaabot sa ilan naming subject.

Ganun na lang ang pagkagulat ko ng pagkalabas ng kwarto ay sakto ring labas ni Ayen. Lalong nagsalubong ang kikay ko ng makitang, mukhang kagigising lang niya at hindi pa nakakaligo nakapantulog pa rin aksi siya.

"May lakad ka?" nagtatakang tanong niya sa akin matapos ako pasadahan ng tingin.

I rolled my eyes on her " Sa school of course" pero lalo lang siyang nagtaka dahil sa sinagot ko

"Anong school? Baka holiday ngayon teh wala tayong pasok" sarkastikong aniha at saka ako nilagpasan at dumeretso na siya doon sa kitchen. Habang ako naman ay naiwang laglag ang balikat, hindi maintindihan kung matutuwa ba dahil walang pasok o dahil sayang ang pagmamadali ko.

What the hell! Bakit nakalimutan kong holiday nga pala ngayon?!

__________________________________________________

Thank you🤗