Chereads / A Love Unsung / Chapter 20 - Chapter 19

Chapter 20 - Chapter 19

A month had passed, and my feelings for Alli continue to grow and became more deeper. I've been watching their gigs as long as my schedule can. At sa maikling panahon na iyon ay sinimulan na nilang tuparin ang pangarap nila, and I am lucky to witnessed it.

"That's good , but I think kailangan pang iimprove yung coordination ng music?" pagbibigay suwestiyon ni kuya Arix kina Alli na kasalukuyang nag eensayo para sa sasalihan nilang battle of the bands.

Nandito kami ngayon sa 3A kung saan napiling magpractice nina Alli. Para na rin makakuha sila ng tips at suggestion kay kuya Arix para manalo.

Wala naman kaming klase ngayon ni Ayen kaya nagkaroon ako ng time para makapanood ng practice dahil hindi ako sigurado kung makakapanood ako sa mismong laban nila dahil may pasok kami sa noon.

"Ydha" nabaling kaagad ang tingin ko sa aking katabi na si ate Leah ng tawagin niya ako. Siya lang ang kasama kong nanonood dahil may pinuntahang lakad si Ayen. "Kayo na ba ni Alli?" nakangiting tanong niya, na unti unti namang naglaho ng umiling ako sa kanya bilang sagot. "Huh, why?" parang hibdi pa makapaniwalang aniya.

"Hindi ko din alam" naguguluhang sagot ko sa kanya. That's the truth because I don't know why we are still not in a realtionship. Siguro dahil hindi naman niya ako tinatanong o dahil hindi ko nasasabi sa kanya ang sagot ko.

Pero paano ko siya sasagutin kung hibdi naman niya ako tinatanong? Ewan ko basta naguguluhan ako!

"I thought kayo na, kasi you're always with him these past few days" pang uusisa pa ni ate Leah. Hindi na ako magtataka kung oaano niya nalaman iyon dahil alam kong ang magaling kong pinsan ang nagkekwento sa kanya.

"Eh hindi pa kasi niya ako ate tinatanong" pagpapaliwanag ko sa kanya. Masaya ako ngayon dahil mayroon akong nakakusap tungkol sa mga bagay na iyon. Dahil nga first time ko pa lang naman sa ganitong sitwasyon ay hindi ako sigurado sa mga dapat kong gawin .

Buti n alang at nandito si ate Leah, bukod kasi sa magaling siyang mag advice eh alam kong matutulungan niya ako sa mga ganoong bagay dahil naranasan na niya ito.

Lalo na ngayon na kung kailan parang naguguluhan ako!

Sapat na ba ang nararamdaman kong pagmamahal para sagutin ko siya? Handa na ba talaga akong pumasok sa isng relasyon? Sasabihin ko na ba ang sagot ko sa kanya o hihinatyin ko pang tanungin niya ako?

Hayysssstttt hindi ko alam!

"Pwede bang magpahinga muna, kanina pa akong nagugutom eh" pagrereklamo ni Rio, kanina pa kasi silang walang pahinga.

"Last two na lang, before we take a break" pagsalungat naman sa kanya ni Alli na mukhang sineseryoso talaga ang pag eensayo.

"Tagal pa ng maghapon Alli, madami pang time para magpractice, kain muna tayo" pagsegunda namsn ni Andrew na sa binitawan na ang hawak na gitara para ang sariling  tiyan naman niya ang hawakan para ipakita na gutom na nga siya.

"Isa na lang" pagsalungat ulit ni Alli sa gustong mangyari noong dalawa, dahilan para ismiran siya ng mga ito. "Tiisin niyo muna yang gutom niyo--"

"Eh pano yan gutom na rin daw si Ydha" nanghahamong sambit ni Rio, kaya naman napatingin ako sa kanya. Wala naman akong sinabi sa kanya na gutom ako ah!

"Naku! Pag yan si Ydha nagka appendicitis tsk tsk" dagdag pa ni Andrew habang umiiling iling pa. I think hindi naman talaga sila concern sa akin, ginagamit lang nila ako para mapapayag iyong si Alli. Na ngayon ay nakatingin na sa akin, nagtatanong kung totoo ba iyon.

Tumango na lang ako dahil sa nakaka awang pagmumykha noong dalawa, baka mas lalo lang silang lumala kapag malipasan pa sila ng gutom.

"Okay" the moment Alli said that ay para namang nagcelebrate sa tuwa sina Andrew at Rio, while Ken remain silent, natural lang naman iyon sa kanya. Even kuya Arix gave me   a smile, yung nakakasar na ngiti!

"In the name of lo-o-ve, kapatid ko'y inl-o-ove" pagkanta pa nito. Alli's right, weirdo nga ang kapatid niya!

"How did I fall inlove with this guy" dinig ko pang pagbibiro ni ate Leah habang pinapanood ang paglapit ng boyfriend sa kanya. Agad naman siya nitong niyakap pagakalapit. Kuya Arix is such a sweet boyfrien--

"Ayy boyfriend!" pagsigaw ko ng magulat ng may biglang humawak sa balikat ko. It was Alli.  He's now smiling while raising his eyebrows in front of me,  at first hindi ko alam kung bakit until I realized what I've just said.

Boyfriend!

"Let's eat?" tanong niya ng hindi na ako makapagsalita. I nodded on him and he placed two food containers on the table. Buti na lang at may pagkain ng nakahanda, tinatamad kasi ako kung bibili pa kami, aksaya pa sa oras.

Alli, seated right in front of me with a smile on his face, I don't know why! Nakakunot ang noo  ko habang pinapanood siyang ayusin ang pagkain namin. He always doing that everytime we will eat. Para akong may instant yaya.

"Why are you smiling?" tanong ko ng hindi na mapigilan ang aking sarili, tiningnan niya lang ako saglit at saka muling ibinalik ang paningin sa kanyang kinakain habang umiiling. Lalo naman akong nacurious. Kaya naman hindi ko inalis ang paningin ko sa kanya, na agad naman niyang napansin at napabuntong hininga.

"About what you have said earlier" pagsisimula niya, hindi ko alam kung nahihiya siya o ano dahil hindi siya makatingin ng deretso sa akin.

"Anong sinabi ko?" pagmamaang maangan ko kahit alam ko naman ang tinutukoy niya.

"Wala" he simply said, sa tingin ko ay dahil lang gusto niyang matapos na ang topic na iyon. "Kumain ka na" dagdag niya pa at saka sinimulang kainin ang kaniyang pagkain. Ganun din naman ang ginawa ko.

Pagkatapos niyon ay nagpatuloy sila sa pagpapractice, habang sina kuya Arix at ate Leah naman ay nagpaalam na aalis na daw sila dahil mayroon pa silang kailangang gawin. Habang pinapanood ko sina Alli ay doon ko lang narealized na hindi pala madali amg ginagawa nila. Ilang beses silang nag paulit ulit  hanggang sa magawa na nila ng tama ang kanilang piyesa.

Magdidilim na ng matapos sila, agad din namang nagpaalam iyong tatlo para umuwi malamang ay dahil sa sobrang oagod, pero itong kasama ko ay hindi yata nakakramdam ng pagod sa katawan. Nag aya pa papuntang mall.

"Para saan yung laruan" tanong ko aky Alli habang nagmamaneho siya. Bibili daw kasi siya ng laruan sa mall kaya siya nag aya papunta doon.

"A birthday gift" sagot niya habang nakapokus sa daan ang kanyang paningin.

"Sinong magbibirthday" I asked him again, feeling nakukulitan na siya sa akin dahil sa ekspresiyon ng mukha niya, but he's smiling tho!

"Amber, our little sister, she told me that she wanted Elsa, I actually don't know it, I just concluded that it might be a toy kaya nagpasama ako sayo" pagpapaliwanag niya. I was shocked when he talked about their little sister, ngayon ko lang kasi iyon nalaman. Pero ang mas nakaagaw ng pansin ko ay ang katotohanang hindi niya kilala si Elsa.

"Don't you know her? Siya yung sa frozen yung kapatid ni Ana" pagpapakilala ko sa kanya. He just shook his head, mukhang hindi niya talaga  nakikilala. We remained silent until we reached the mall. Dumeretso kaagad kami sa toy's area.

Hindi ko naman inaasahan na pagdating namin doon ay ako pala ang papipiliin niya ng laruan, dahil wala raw siyang alam doon. Ako rin naman, actually it's my first time to buy a gift for a kid, so it's a new thing for me. But I enjoyed it tho!

Para akong bumalik sa pagkabata, habang namimili kami ng laruan, marami kasing klase ng laruan na Elsa doon at para sa akin ay maganda iyon lahat. Kaya naman nakailang palit ako,habang hinayaan lang ako ni Alli na pumili.

Hindi naman ako ang magreregalo noon!

"Sa tingin ko mas maganda ito--" napatigil ako sa pagsasalita ng lingunin ko si Alli ay kausap niya iyong isang sales lady. Nakangiti pa ito at mukhang enjoy na enjoy sila sa pinag uusapan nilang dalawa. Haha so funny.

"Ito na lang" sambit ko at saka iniharap sa kanila ang laruang hawak ko ng tumingin na silang dalawa sa akin. Alli raised his brows on me, maybe because of  the way I talked. Or maybe because naabala ko ang napakasaya nilang pag-uusap!

Dinala kami noong sales lady sa counter, hindi ko lang mintindihan kung bakit kailangan pang sumama siya dahil alam naman namin kung nasaan yung counter.

"She thought that I'm your boyfriend" bulong sa akin ni Alli pagkadating namin  sa counter, inabot na rin niya iyong laruan sa cashier. I'm just looking at him in shock. What the hell! Akala ko pa naman ay kung ano na amg pinag uusapan nila noong sales lady , yun lang pala. "And I told her that I'm not"

Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya buti na alng at inabot na noong cashier iyong alruan at binayaran naman niya ito kaagad. After that lumabas na rin kami , he placed the toy on the back seat after niya akong pagbuksan at saka siya pumasok and he started driving silently.

"Paano mo pala, ibibigay yung gift?" I asked him  just to ease the awkwardness between us. Naisip ko rin lang kasi iyong sitwasyon niya, ayaw niyang magpakita sa Daddy niya kaya papaano niya maibibigay ang regalo niya sa kanyang kapatid?

"I'll give it to kuya, siya na ang magbibigay " he simply said. Dahilan para mapanguso ako, wala na kasi akong maisip na pwede naming mapag usapan. Kaya naman ng mapadaan kami sa may plasa ay pinatigil ko siya sa pagdadrive na ikinagulat naman niya.

"Kain tayo?" nakangiting tanong ko sa kanya, nagpapacute para lang pumayag siya. Gumana naman iyon dahilan para maexcite ako. He parked his car before we went outside. Sumunod lang siya sa akin hanggang sa makarating kami sa mga stalls ng street foods, nakita ko kung paano nagbago ang ekspresiyon ng kanyang mukha.

Parang mgayon lang siya nakakita ng ganoong pagkain!

"Tara!" hinawakan ko siya sa kanyang braso para higitin siya papaunta doon sa palagi naming binibilhan ni Ayen. Nagpadala lang din siya sa paghigit ko hanggang sa makarating kami. "Oh heto" nakangiting sabi ko sa kanya saka inabot ang lalagyan ng fishball at kikiam at ang stick. "Don't worry my treat" I even winked at him dahilan para mapangiti din siya at nagsimula na kaming tumuhog doon.

"Ayaw mo ba?" tanong ko sa kanya,kanina pa kasi kaming nakaupo sa bench pero tinititigan niya lang yung sa kanya.

"Uhmm, no I'm actually going to eat it na" nakangiti niyang sambit at saka tumusOK ng kikiiam at kumain. I was waiting for his reaction, ganun na lang ang tuwa ko ng ngumiti siya sa akin at mag thumbs up pa, meaning nagustuhan niya ang lasa noon.

We just ate there habang nagkekwentuhan.

"So, nagcutting ka kasi boring magturo yung prof niyo?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya. Nagkekwento kasi siya tungkol sa college life niya sa America. Parehas kaming natawa ng tumango siya bilang sagot.

"Actually, I was sleepy that time so I went home early, diba we should not skip our sleep" he's trying to defend himself. Dahilan para lalo akong matawa, I don't know why but I just find it cute. "And then the next time I did that, is because, I was going for a date--" natigilan siya sa dapat ay sasabihin niya. I looked at him and gestured him to continue on talking. But he refused to.

"Going for what?" I sounded like a detective, but I don't care.

"Wala" he answered looking so uncomfortable with the topic. 

"Bakit di mo masagot? You're hiding something huh! About your ex I guess?" I sounded so sarcastic while speaking.

"I don't have ex" pangangatwiran naman niya.

"Oh, so a girlfriend" I don't know where I am coming from, pakiramdam ko lang ay parang ng iinit ang dugo ko kapag ganito ang nagiging topic namin.

"Wala akong ex, wala akong girlfriend" paglilinaw niya , habang binibigyang diin ang salitang ex at girlfriend. Wala daw pero nabanggit niya na nakikipagdate siya! What the hell.

"Hindi ako naniniwala" pagmamtigas ko. Sobrang dami ko ng narinig na ganyan sa mga lalaki, wala daw ex wala daw girlfriend, tapos  hindi naman totoo.

"Wala nga" pagdedepensa niya parin sa sarili.

"And the reason is?" pangungulit ko dahil baka kapag nasabi niya yung reason niya maniwala pa ako sa mga pinagsasasabi niya.

"Hindi mo pa ako sinasagot eh"

__________________________________________________

Thank you 🤗