"Sorry sa nangyari kagabi"
Ilang beses na iyong nasabi ni Alli sa akin, he was apologizing dahil daw sa ugali ng Daddy niya, ang hindi niya alam ay sanay na ako roon dahil ganoong ganoon din ang Daddy ko.
"Akala ko ba hindi ka marunong magsorry?" pang aasar ko sa kanya. Sinabi niya iyon before pero ngayon ay mukhang hindi na nasusunod, ilang beses na siyang nagsosorry sa akin eh.
"Sayo lang ako magsosorry" he explained. Napangiti na lang akl ng dahil doon. This guy!
Sa akin lang talaga, eh paano kung may magawa siyang mali sa iba? Dedma nalang ganun?
Narito kami sa isang resto bar dahil mayroon silang gig. Pumayag na rin siyang manood ako dahil tapos na ang aking OJT ngayong araw. Na ipinagpapasalamat ko ng malaki dahil hindi ko na alam kung paano pa haharapin ang Daddy niya na ang laging bukambibig ay negosyo. Sinai ng hinfi ko nga iyon tatanggapin pero pinagpipilitan pa rin niya na tanggapin ko, hindi ko alam kung bakit.
"Daming tao ah" sarkastikong sambit ni Ayen pagkainom niya ng drinks na ibanaba na niya sa mesa. Sinama ko siya dahil tapos na rin siya sa OJT niya. At sa totoo lang hindi naman talaga marami ang nanonood, sakto lang.
Sa halip na pansinin si Ayen ay mas tinuon ko na lang ang aking atensiyon kina Alli na naroroon na sa stage, handa ng magperform.
Naging maayos naman ang performance nila, kitang kita na nag-eenjoy sila sa kanilang ginagawa. Pero syempre hindi lahat ng nakikita ang bagay na iyon.
"Sorry guys, we can't give you ann extention of contract, alam niyo naman siguro kung bakit diba?" rinig kong sambit ng manager ng resto bar kina Alli. "Itatry muna namin yung ibang banda, pero I'll contact you na lang if ever" dagdag pa nito.
Of course walang choice sina Alli but to nod. At kitang kita sa mga mata nila ang lungkot. Ganun yata talaga ang buhay, minsan hindi sapat na dahilan na gusto lang natin iyong ginagawa natin para magtagumpay, napakarami ng kailangang pagdaanan para makamit iyon. At isa na nga doon ay ang rejection.
Minsan napapagkaitan tayo ng oprtunidad at may mga pintong nagsasara pero hindi iyon kailanman magiging sapat dahilan para sumuko tayo sa ating pangarap, kailangan lang nating hanapin iyong tamang pinto para sa atin, at ang tanging gagawin natin ay ang buksan ito.
"It's okay love, marami pa naman diyang ibang pwedeng pagperforman, for sure makakahanap din kayo" I was trying to comfort Alli, while we are on our way to a restaurant. Nagkaayayaan kasi silang magkakaibigan na mag dinner together. Nasa kabilang sasakyan sila, habang si Ayen ang kasama namin.
That was a silent night for us, natapos ang dinner ng wala man lang kaming napag usapang matino. Kahit si Ayen na sobrang daldal ay tahimik din. Siguradong hindi dahil sa wala siyang masabi, feeling ko wala lang talaga siya sa mood para magkwento. That's new huh, hindi ko alam kung anong nangyayari sa pinsan kong iyon.
Natapos ang buwan na iyon ng hindi pa rin sila nakakahanap ng lugar kung saan sila pwedeng mag gig o tumugtog. Sumasali na lang sila sa mga contest para sa mga band, minsan nanalo at syempre natatalo rin. Until early on this month a restobar near 3A gave them a spot, tuwing Sabado nga lang but still they accepted it.
"Love!!" sigaw ko pagkapasok na pagkapasok ni Alli sa condo. Wala daw kasi siyang ginagawa kaya inaya ko siyang bumiista sa condo namin ni Ayen, tutal wala rin naman akong ginagawa dahil wala kaming pasok. Habang si Ayen naman ay kinailangamg umuwi sa kanila.
"Dala mo gitara mo?" tanong ko kaagad pagkatapos kumawala sa pagkakayakap niya sakin. Tumango lang siya bilang sagot at saka bahagyang tumingin doon sa may gilid ng pinto kung saan nakasandal ang kanyang gitara while his hands are still on my waist. "Okay let's start na" excited kong sambit sa kanya at saka siya hinila papalapit doon sa may couch.
Nakaupo lang siya doon habang abala ako sa pagseset up ng camera. Kinumbinsi ko kasi siya na magcover ng kanta para kahit wala silang gig ay nagagawa niya pa rin ang gusto niya, mas malaki pa ang chance na marami ang makapanood sa kanya dahil ipopost ko iyon sa youtube channel na ginawa ko para sa kanya. Sayang lang dahil hindi makakasama iyong tatlo dahil may kanya kanya pa silang pinagkakaabalahan, but for sure makakasama na rin sila next time.
"Ready love?" tanong ko sa kanya, bumuntong hininga pa muna siya na parang wala siyang ibang choice kundi ang maging ready. Hawak na niya ngayon ang kanyang gitara at inumpisahan na niyang tumugtog ,so I also started taking a video of him.
Mukha pa soyang kinakabahan so I gestured him to stay calm dahil mapapansin at mahahalata din iyon ng mga viewers if ever. Pero mukhang bumaligtad ang sitwasyon ng simulan na niya ang pagkanta.
"Minamasdan kita ng hindi mo alam
Pinapangarap kong ikaw ay akin
Mapupulang labi at matinkad mong ngiti
Umaabot hanggang sa langit"
Ako naman ngayon ang hindi mapakalma dahil sa mabilis na pagtibok ng aking puso. Ganun na lang yata talaga kalala ang epekto ng boses niya sa akin.
"Huwag ka lang titingin sa akin
At baka matunaw ang puso kong sabik"
I was the one who requested that song to him. At kung alam ko lang na ganito kalala ang epekto ng kantang iyon ay sana pala ay iba na lang na kanta ang sinabi ko.
"Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling
At sa tuwing ikaw ay gagalaw
Ang mundo ko'y tumitigil
Para lang sayo, ang awit ng aking puso
Sana'y mapansin mo rin
Ang lihim kong pagtingin"
Nakangiti ko lang siyang pinpanood habang tumutugtog siya at kumakanta. At laloong lumalaki ang ngiti iyon sa tuwing tumitingin siya sa akin at saka ibabalik ang paningin niya sa kanyang gitara. Minsan talaga parang gusto ko na lang rin maging gitara! Charr.
"I'm so proud of you love" sambit ko kay Alli pagkatapos kung iend ang pagvivideo dahil tapos na siya. Lumapit kaagad ako sa kanya at sinalubong niya naman ako ng yakap. Dahilan para maramdaman ko ang panglalamig niya. Kumawala ako sa pagkakayakap niya at saka hinawakan ang mga palad niya.
"Bakit ang lamig lamig mo?" nagtatakang tanong ko sa kanya. Dahilan para mag iwas siya ng tingin sa akin.
"Kinakabahan kasi ako" he's trying to act normal pero mukha talaga siyang kinakabahan. What the hell! Sa dinami dami na ng ginawa niyang performance bakit kinakabahan pa rin siya?
"Magaling ka okay, kaya di ka na dapat kinakabahan" hinawakan ko siya sa kanyang mga pisngi para igaya ang paningin niya sa akin. Natigilan naman ako ng realized na dahil sa ginawa ko ay nagkalapit ang mukha namin sa isa't isa. Dahilan para unti-unti kong alisin ang kamay ko sa pisngi niya at ibinaba ang mga iyon.
Pero hindi natapos doon ang eksena, dahil siya naman ang humawak sa aking mga pisngi, mula roon ay nararamdaman ko pa rin ang malalamig niyang kamay.
Napalunok naman ako ng mapansin kung gaano kalalim ang tingin niya sa aking mata na para bang may nakikita siya roon na kakaiba. Magkasunod na lunok ang nagawa ko ng bumaba ang tingin niyang iyon sa aking mga labi at hindi rin nakaligtas sa aking paningin ang paggalaw ng kanyang adam's apple.
Hindi ko na alam kung anong gagawin ko ng tuluyan na niyang ilapit ang kanyang mukha sa akin dahilanpara maramdaman ko ang bawat niyang paghinga, malalalim ang mga iyon. Hanggang sa tuluyan na akong napapikit ng maglapat na ang aming mga labi. Akala ko ay simpleng halik lamang ang igagawad niya ngunit unti-unti iyong lumalim. Napahawak na lamang ako sa kanyang mga braso sa sobrang panghihina dahil sa ginagawa niya.
This is my first and I didn't expect na magiging ganito pala kaganda ang pakiramdam na iyon. Noong una ay hindi ko masabayan ang paggalaw ng kanyang mga labi kaya nakaramdam ako ng hiya.
Paaano ba kasi?
Pero nagpatuloy lang siya hanggang sa masabayan ko na ang mga iyon. Hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa ko. Nagmulat lang ako ng mata ng tumigil siya sa paghalik, hinhingal pa.
"I love you" he said while looking at me intently. Kumikibot kibot pa ang kanyang mga labi habang nakatitig sa akin
Sa halip na sagutin siya ay ngumiti ako habang nakatitig sa kanyang mga mata na tanging mukha ko lang rin naman ang aking nakikita. Binaba ko ang aking paningin sa kanyang mga labi at sa pagkakataong ito ay ako ang unang guamawa ng hakbang. Naramdaman ko ang pagkagulat niya ng tuluyan ng dumikit ang aking mga labi sa kanya para gawaran siya ng halik. Hanggang sa muli iyong lumalim at dalhin kaming pareho sa kakaibang pakiramdam.
Pero ganun na lang ang bilis ngpaghihiwalay ng aming mga labi ng may mapakinggang nagbubukas ng pintuan. Nanginginig pa ang aking mga kamay habang pareho kaming nakatayo ni Alli medyo malayo sa isa't isa, at nakaharap pareho sa pintuan naghihintay kung sino ang walang hiyang panira ng moment ang papasok doon.
"YDHA!!! MY LOVING COUSIN IM HOME--" napatigil siya sa pagsigaw ng makita kami ni Alli na parehong nakatayo at nakaharap sa kanya. Nakakunot ang noo niyang binalingan kaming pareho ng tingin. May dala pa siyang plastic sa kanang kamay niya, kung di ako nagkakamali ay pagkain ang laman ng mga iyon. "Weird" nakangiwing sambit niya at saka kami nilagpasan para magtungo roon sa kusina.
Ng tuluyan na siyang makapasok doon ay agad kong tiningnan si Alli na nakatingin na rin pala sa akin, nakangiti.
"Let's go let's eat" anyaya ko sa kanya. Kahit wala namang sinabi si Ayen na para sa amin amg dala niyang pagkain.
"I already ate" he said before looking at my lips, habang halatang pinipigilan ang pangiti. Dahilan para hampasin ko siya na kaagad rin namang nasalag ng kanyang mga braso.
"I was reffering to food,what the hell!" asik ko sa kanya at saka pumameywang sa harapan niya.
"Ako rin naman ah, I ate lunch alredy anong iniisip mo?" pagpapaliwanag niya sa akin dahilan para mapahiya ako ng kaunti, ako lang yata talaga ang may ibang iniisip dito. Bwiset!
Sa halip na sagutin pa si Alli ay naglakad na ako papuntang kitchen, sumunod rin naman siya kaagad sa akin. Nadatnan namin roon si Ayen na naghahanda na ng pagkain sa lamesa. Napangiti rin ako ng ng makitang para sa tatlong tao ang inihanda niya.
These past few days kasi medyo nagiging close na rin sila ni Alli, hindi tulad dati na parati silang nagbabangayan. Naiirita lang si Ayen minsan kapag inaasar siya ni Alli tungkol sa lovelife. Akalain mong mas may alam pa si Alli sa lovelife ng pinsan ko kesa sakin. Hindi ko alam kung bakit.
"Jollibee" pagbabasa ni Alli doon sa pangalan na nakatatak sa plastic ng biniling pagakin ni Ayen. "Papunta rin si Ken sa Jollibee kanina ah, did you see him there?" tanong ni Alli kaya Ayen dahilan para bigyan siya nito ng masamang tingin. Maayos naman ang pagkakatanong sa kanya ni Alli kaya hindi ko maintindihan kung bakit siya naaasar. Minsan talaga wala rin sa hulog ang babaeng ito.
"Andami daming jollibee sa mundo Lind, wag mo akong pinag gagagago diyan" asik nito kay Alli kulang na lang ay saksakin niya si Alli ng hawak niyang tinidor. "Tibay ng pangalan mo no? Kakaiba sino ba nakaimbento niyan huh?!" pang aasar pa nito. Simula kasi nung malaman namin na Allein Lind ang totoong pangalan ni Alli ay tinatawag na siya ni Ayen gamit ang second name niya, pang asar lang.
"Pang world class kasi yun" pagyayabang naman sa kanya ni Alli. Patuloy lang sila sa pag aasaran habang kumakain kami.
"World class, world class ka pang nalalaman, yung lipstick mo naman lagpas lagpas"
Agad akong nag angat ng tingin at dumeretso iyon sa labi ni Alli, kahit siya ay mukhang nagulat sa sinabing iyon ni Ayen. Noon ko lang napansin na may lipstick nga sa may gilid ng labi ni Alli, hindi naman siya naglalagay ng ganun kaya malamang ay galing iyon sa akin. Dahil iyon sa nangyari kanina.
That's because of our first kiss....
——————————————————————
Thank you 🤗