"Sundan mo na siya Ydha, kami ng bahala dito"
Ken told me. Nagwalkout kasi si Alli bigla kaya naiwan kaming lima dito sa loob, nakilala ko rin na manager pala ng resto bar ang lalaking hawak hawak ni Alli sa kuwelyo kanina. Hindi pa nila kinukwento sa akin kung anong nangyari kaya medyo naguguluhan pa rin ako. Sinunod ko na lang kyng anong sonabi ni Ken.
I followed Alli.
Nagtungo ako sa direksiyon kung saan dumaan si Alli palabas ng restobar. Akala ko ay mahihirapan pa akong hanapin siya pero pagkalabas na pagkalabas ko ay siya na ang bumungad sa akin. Naroon siya at nakaupo sa sahig habang nakasandal ang likod sa pader.
Hindi ako sigurado kung alam niyang naroroon ako o hindi dahil nasa baba ang paningin niya. Halata ang mabilis na paghinga niya at ang pilit niyang pagpapakalma sa sarili.
"Love, let's go home" I told him using my low voice. Ayoko ng dumagdag pa sa kung ano man ang nararamdaman niya ngayon. Maybe going home is the best thing to do right now. Para pare parehas kaming makapagpahinga at maayos ang mga sarili para kumalma. May bukas pa naman para pag usapan at ayusin kung ano man ang nangyari ngayong gabi.
Hindi naman na nagmatigas pa si Alli, I told him not to drive at sumabay na lang siya sa akin. Sa itsura niya kasi ay mukhang hindi siya makakapagdrive ng maayos. Hindi na ron siya umangal roon hinayaan niya na lang din akong magdrive.
Tahimik ang naging biyahe namin, hindi siya nagsasalita at ganun din ako. Hindi naman ako yung may kailangang sabihin at ipaliwanag sa aming dalawa. Siya iyon.
Sa condo niya ko sana siya ihahatid pero sinabi niyang sa 3A na lang daw, because kuya Arix is waiting for him there. Madali naman akong kausap lalo na kapag wala ako sa mood!
Sabay kaming bumaba ng sasakyan pagkarating namin sa 3A, dumeresto kami sa second floor kung saan naroroon sina kuya Arix. Hindi pa rin niya ako kinakausap hindi ko maintindihan kung nahihiya lang ba siya o ayaw niya lang talagang magsalita.
Hinayaan ko na lang siya at nagpatuloy na lang ako sa pagakyat sa hagdanan, sinasadya kong bigatan ang bawat hakbang ko para naman makaramdam siya na hindi ako natutuwa sa mga nangyayari.
Sana lang makaramdam!
Tulad ng inaasahan ko ay nadatnan namin sina ate Leah at kuya Arix sa loob. Hindi na rin sila nagulat ng makita kaming pumasok roon. Kaagad akong sinalubong ni ate Leah ng yakap at halik. Matagal na rin kasi kaming hindi nagkikita.
"Are you okay?" tanong niya sa akin. Hindi ko alam kung paano sasagutin ang tanong na iyon. Kaya binigyan ko na lang siya ng pilit na ngiti, knowing ate Leah alam na niya kaagad ang ibigsabihin noon.
"Dad knows about it already" kuya Arix said in monotone. Wala pa man akong alam aa mga nangyayari ay kinakabahan na kaagad ako. Pero nangingibabaw pa rin ang inis dahil hanggang ngayon ay wala pa rin akong alam.
Kailangan bang ako na naman ang mag initiate?
"I don't fucking care" napapikit na lang ako ng marinig ang sinabing iyon ni Alli. Galit na naman siya at halatang halata iyon sa boses niya. Dahil doon ay parang lalong nadadagdagan ang inis ko sa kanya. Pinaiiral na naman niya ang init ng kanyang ulo.
"Yeah I know, I just want to inform you" kung anong kina init ng ulo ni Alli ay siya namang ikinalma nitong si kuya Arix. Para lang silang may pinag uusapan na walang kakwenta kwenta. "Hon" maya maya pa ay baling ni kiya Arix sa nobya. He gestured ate Leah to bring me outside. Hindi sana ako lalabas pero binigyan ako ng nakiki usap na tingin ni kuya Arix.
Tumingin pa muna ako kay Alli bago lumabas at sumond na kay ate Leah, umupo lang kaming dalawa doon sa may upuan sa may gilid ng pinto.
"Hindi mo sinagot yung tanong ko kanina" sambit ni ate Leah matapos ang mahabang katahimikan. I just looked at her with a sad eyes and she immediately gave me hug tight, hindi ko tuloy mapigilanv maluha but I wiped it using my hands instantly para hindi na rin iyon mapansin ni ate Leah. "It's okay" pagcocomfort pa niya sa akin.
"Ate what's happening?" mangiyak ngiyak na tanong ko kay ate. Kanina ko pa gustong itanong iyon, pero hindi ko magawa gawa. Hi di ko sigurado kung may alam ba si ate sa nangyayari pero sa kanya lang ako makakapagtanong ngayon. Sana lang masagot niya.
"Sorry, Ydha wala rin akong alam, wala pa ring nasasabi sa akin si Arix eh" paliwanag niya and I understand her side. At sigurado naman ako na sasagutin niya ang tanong ko kung may alam talaga siya. "Just be strong Ydha, kailangan ka niya ngayon"
That was the last thing I heard from ate Leah ng gabing iyon. Magdecide na rin kasi kaming umuwi na para makapagpahinga habang naiwan ang magkapatid roon sa 3A. I texted Ayen kung pwede akong tumulog sa condo niya, pumayag naman siya kaya lang wala siya doon, may family event daw silang inattendan.
Akala ko ay hindi ako makakatulog agad dahil sa mga nangyaring hindi ko maintindihan pero ganun na lang siguro ako kapagod dahil paglapat pa lang ng likod ko sa kama ay nakatulog na kaagad ako. Nagising lang ako ng tumunog ang aking cellphone.
From: love
Can we meet?
I immediately typed my reply, 'yes' to him. Mabuti na lang at siya ang naunang magmessage ngayon. At sana rin ay maipaliwanag niya na kung ano ba talaga ang nangyayari sa kanya.
Dahil doon ay kaagad akong nag ayos ng aking sarili. I wanted to look fresh para naman kahit papaano ay mabawasan ang negativity sa paligid ko. I texted Ayen again para magthank you, bago ako umalis at napakamot na lang ako sa ulo dahil sa reply niya.
From: Ayen
Kajsjskskskksksjabnjajajsnwnwnsnsjsnsnsnsjsdjdnsnjsjsjsnsnsnsnsndsjjsndndnndndjdndndnddndndjjdjdndndnsksskskksnenweendjdj
Kakakskskssnsjskssjsjskksksjwnwsjskdsjssnsns
Hindi na ako nagreply pa sa full of sense niyang message sa halip ay pumasok na ako sa aking sasakyan para magdrive papunta sa sinabing lugar ni Alli.
Pero hindi pa man ako nakakarating ay may narecieved na kaagad akong message. Na nakapagpa kunot ng aking noo.
From: Sec.
Ma'am Good morning po, may emergency meeting po ang boards ngayon, narito na rin po ang Daddy niyo hinahanap po kayo.
Hindi ko alam pero ng malaman kung naroon na si Daddy ay parang may tumulak sa akin para magmadaling pumunta ng Cavite. I called Alli first to inform him, at baka maghintay rin siya sa akin. Mabuti ng alam niya.
[Hello, love] sambit niya ng sagutin ang tawag ko. This time kalmado na siya at hindi na parang galit.
"Nasa Jessie's ka na ba love?" I asked him, habang nakahinto ang sasakyan ko dahil sa stop light.
[Papunta pa lang wait, nandiyan ka na ba? Sorry per papunta na ako--]
"No, love" I stopped him dahil mukhang nagmamadali na siyang pumunta sa Jessie's. Mabuti na lang at wala pa siya roon. " No need to rush love, I called kasi kung pwede sana mamayang gabi na lang tayo magkita may emergency meeting kasi ako" I explained.
[Uhmm] bahagya siyang tumigil sa pagsasalita, nag-iisip yata ng isasagot.
"Pwede ba love?" tanong ko sa kanya, nagpapacute pa kahit hindi naman niya nakikita ang mukha ko.
"Of course love" sagot niya. [Ingat ka]
Pagkababa ko ng tawag ay kaagad na akong dumeresto papunta sa Cavite. Hindi ako pwedeng malate. Ayaw ni Daddy nang pinaghihintay siya.
Mabuti na lang at hindi ganoon kalala ang traffic kaya naman nakarating din ako kaagad. Hindi na ako nakapag ayos ng sarili dahil dumeresto na kaagad sa board room. Nakangiti akong pumasok roon pero nawala.din iyon ng makita ang mukha ni Daddy. Masungit.
Kaya ayaw kong pinaghihintay siya eh!
"Good morning everyone" bati ko sa kanila at saka ako umupo this time sa tabi ni Daddy siya kasi ang nakaupo sa upuan na dapat ay para sa akin.....para sa CEO ng kompanya.
Namali ako sa pag aakalang maikli lang ang meeting na iyon dahil inabot kami ng 3:00 ng hapon. Sobrang dami kasi ng diniscuss, lalo na sa part ng budgeting and finance. Minsan ay napappikit na ako pero kailangan kong pigilan iyon dahil lagot ako kay Daddy kapag nagkataon.
"Your daughter is really genius Mr. Alcantara,seems like the business is in good hands" rinig kong sambit ng isa sa mga nasa boards ,aaminin kong masaya ako dahil doon. Iba yung feeling na may nakaka appreciate ng mga efforts at hardworks mo.
Parang gusto ko na lang magtrabaho habang buhay!
Akala ko ay makakabalik na ako ng Manila pagkatapos ng meeting pero bigla na lang nag aya ng dinner si Mr. Cheng. Kung hindi ako nagkakamali ay magpaplano na sila para sa engagement party nina Yesha dahil malapit na rin ang graduation niya.
Sa isang mamahaling restaurant kami pumunta hindi ko inaasahang madaratnan namin doon sina tita Amy at Yesha kasama na rin nila sa table ang asawa ni Mr. Cheng at ang dalawang anak nito. This time katabi na ni Yesha ang magiging fiance niya, parehas silang mukhang hindi komportable sa tabi ng isa't isa.
Ako ang nahihirapan sa sitwasyon nila. Lalo na kay Yesha, dahil may boyfriend siya papaano kaya nila iyon hinaharap.
Tahimik lang kami habang kumakain maliban kayna Daddy at Mr. Cheng na may pinag uusapan tungkol na naman sa business. Nakakakaba lang dahil sinasama nila ako sa usapan paminsan minsan.
"I heard naclose mo rin ang deal with Amco?" tanong ni Mr. Cheng sa akin. Iyong sinasabi niya ay tungkol sa isang deal na nakuha namin a few weeks ago pa. "That's great and your next target is my company I guess" dagdag niya pa na parang alam na alam niyang iyon nga ang next target ko. Ganun na lang yata kalakas ang business instinct ng matandang ito at alam niya ang mga mangyayari.
"And I ma expecting na wala tayong magiging problema roon" pagsisigurado ni Daddy kay Mr. Cheng.
"Of course matuloy lang ang kasal wala tayong magiging problema" pagkasabi niyon ni Mr. Cheng ay agad nabaling ang atensiyon ko sa kanyang isang anak na mukhang nasamid sa kinakain niya. "Gino manners please" pagsusuway ni Mr. Cheng sa anak niya na Gino pala ang pangalan.
"Sorry Dad" agad namang paghingi nito ng tawad sa ama niya.
Nagpatuloy lang sila sa pag-uusap tungkol sa engagement party at pagi na rin sa magiging kasal. This time kasama na sa usapan sina tita Amy at asawa ni Mr. Cheng, kung hahayaan kasi nilang magplano ang mga asawa nila ay mukhang hindi kasal ang mangyayari kundi business gathering.
Saglit na nagpaalam si Yesha sa amin, magrerestroom lang daw siya pero nakita kong hindi sa restroom ang punta niya. Hinayaan ko na lang at sa halip ay tinuon ang atensiyon ko sa aking pagkain. Habang patuloy lang ang mga magulang namin sa pag-uusap tungkol sa kasal. Sobrang daming suggestions kaya ang tagal nila bago makapag decide.
Pero lahat kami ay napatigil sa aming mga ginagawa ng bumalik si Yesha may kasama na soya ngayong lalaki, si Joshua. Nahahalata ko ang takot at kaba sa mukha nilang pareho pati tuloy ako ay kinabahan, aamin ba sila?
Napatingin ako kay Daddy at ganun na lang ang pagkagusot ng mukha niya, mukhang hindi natutuwa sa nakikita niya. Habang sina Mr. Cheng at asawa nito ay nagtataka sa mga nangyayari.
"Dad" lahat kami ay nakatingin pa rin kay Yesha, this time Joshua's holding her hand. "Boyfriend ko po--"
"Hindi maari" kaagad na sigaw ni Daddy, hindi na niya pinatapos pa si Yesha sa pagsasalita. Kitang kita sa mukha ni Daddy ang galit. "Ano na namang pumasok diyan sa kokote mo huh?!"
Ako ang naaawa sa sitwaayon ngayon Ayen lalo na ng magsimula na siyang umiyak. Habang si Tita Amy naman ay lumapit kay Daddy para subukang pakalmahin ito, pero hindi iyon ang nangyari dahil lalo lang itong nagalit ng si Joshua naman ang magsalita.
"Mahal na mahal ko po ang anak niyo Sir"
Blllllaaaagggg
Lahat kami ay nagulat ng lapitan ni Daddy si Joshua at bigla itpng sinuntok dahilan para magdugo ang labi nito. Susuntok pa sana si Daddy pero napigilan na siya ni Tita Amy. Habang ang pamilyang Cheng naman ay nanoood lang sa mga nangyayari.
"Lubayan mo ang anak ko, dahil ikakasal na siya, at hindi ikaw ang lalaking gusto kong ikasal sa kanya" asik ni Daddy kay Joshua.
"Daddy ayoko pong makasal sa kanya, kaya please, please Daddy wag niyo na pong ituloy ang kasal" pagmamakaawa ni Yesha kay Daddy.
"At bakit hindi?" sarkastikong ani Dad. "Bigyan mo muna ako ng magandang dahilan para ihinto ko ang kasal" panghahamon ni Daddy kay Yesha. Lahat kami ay naghihintay sa isasagot ni Yesha, sana lang talaga ay may maiisip siyang magandang dahilan.
"Hindi pwedeng matuloy ang kasal kasi" napatigil si Yesha sa pagsasalita at bahagyang tumingin kay Joshua, sa Mommy niya at saka kinakabahang bumaling kay Daddy na naghihintay na rin ng sagot niya. "Buntis po ako"
——————————————————————
Thank you🤗