"Seems like you need to talk to your daughter Mr. Alcantara, we'll go ahead" pagpapaalam ni Mr. Cheng pero bago pa man siya maka alis ag tumigil pa siya sa tapat ni Daddy at may sinabi pa siya. "Ayoko ng may sabit sa pamilya ko, sana nagkakaintindihan tayo dun"
Nakita ko kung paano tumango si Daddy sa sinabing iyon ni Mr. Cheng at kung papaano siya namomroblema ng dahil sa mga nangyayari.
Tahimik lang kaming lima ng makaalis na ang pamikyang Cheng. Tanging paghikbi lang ni Yesha ang naririnig, buti na lang at wala ng ibang tao doon dahil sadyang ipinareserve ang restaurant para lang sa amin.
"Alam mo ba kung anong ginawa mo?" nagngingitngit na galit na tanong ni Daddy kay Yesha, pero ang tanging naisagot lang nito ay 'sorry' "Ng dahil sa ginawa mo nanganganib ang lagay ng negosyo natin!" pagsigaw pa ni Daddy.
"Negosyo? Hanggang ngayon ba naman iyan pa rin ang iniisip mo! Hon, buntis ang anak natin hindi ba dapat mas mag alala ka sa kanya?" sambit rin ni tita Amy. Mababanaaf na rin sa kanyang boses ang galit at inis kay Daddy.
"Sige, Amy konsentihin mo pa yang katangahan ng anak mo kaya yan lalong lumalala dahil kinukonsenti mo--"
"At talagang ako pa ang mali, hindi mo ba naisip na baka dahil sa sobrang higpit mo kaya nagrerebelde ang anak mo"
Hindi ito ang unang pagkakataon na nakita kong nag aaway sina Daddy at tita Amy napakaraming beses ko na silang napanood na mag-away. Pero ito ang unang pagkakataon na nakita kong galit na galit sila sa isa't isa.
"Ayoko ng makikita ko pa ang pagmumukha ng batang yan sa bahay ko" lahat kami ay gulat na napatingin kay Daddy matapos niyang sabihin iyon habang nakaturo kay Yesha. "Lunin mo na laht ng gamit mo sa bahay, at huwag na huwag ka ng babalik"
Pati si Tita Amy ay hindi makapaniwala sa sinabing iyon ni Daddy. Alam kong strikto at matapang si Daddy pero hindi ko inaasahang hahantong sa ganito ang lahat. Kaya niyang ipagtabuyan ang sariling anak para sa negosyo. Hindi ko alam pero bigla na lang akong nakaramdam ng takot at kaba.
"Maari na kayong umalis" mariing sambit ni Daddy kayna Yesha at Joshua na kaagad naman nilang sinunod. Halata sa mukha ni Yesha ang galit kay Daddy habang papalabas sila ng resraurant habang si Joshua naman ay nanatiling tahimik lang.
Samantala, sumunod naman sa kanila si tita Amy, dahilan para maiwan kaming dalawa ni Daddy sa loob. Akma na sana akonv tatayo sa aking upuan para umalis ng biglang magsalita si Daddy.
"Ikaw na lang ang inaasahan ko Ysabelle, I hope you won't disappointment me" matagal akong napatitig kay Daddy at ganun din siya sa akin. Ngayon ko lang napagtanto kung bakit ako kinakabahan at natatakot kanina ng malaman kong buntis si Yesha.
The pressure is now on me!
"Makakaasa ba ako Anak?"
Dad really knows my weakness, alam niya kasi na tawagin niya lang akong anak lalambot na kaagad ang puso ko at mapapapayag niya na ako sa mga plano niya.
"Yes Dad"
Alam kong hindi sasang ayon sa akin ang kung ano mang pinaplano at tumatakbo sa isip ngayon ni Daddy. But I don't have a choice but to say yes to him dahil gaya nga ng sinabi niya ako na lang ang inaasahan niya at isa pa ayokong madisappoint siya.
I went to my condo late at night na mabigat pa rin ang loob. Sobrang dami na ng nangyayari sa paligid ko at hindi ko alam kung tama ba ang mga nagiging desisyon ko.
Nasa daan pa ako ng maalala ko si Alli. What the hell, bakit nawala sa isip ko na magkikita ng pala kami ni Alli ngayong gabi? Hindi ko alam kung anong gagawin ko, itinigil ko sandali ang aking sasakyan sa tabi ng daan para makapag isip.
I decided to call him first at nasapo ko na lang ang mukha ko ng buksan ko ang aking cellphone.
love- 55 messages
love- 103 missed calls
Gusto kong batukan ang sarili ko matapos mabasa lahat ng messages ni Alli sa akin. Puro lang naman iyon nagtatanong kung nasaan na ako, kung papunta na ba ako, pupunta pa ba ako at ang huli niyang text ang pinanghawakan ko.
From:love
I'll wait for you love
Kahit pagod at inaantok na ay nagdesisiyon pa rin akong bumalik ng Manila, nagbabakasakaling naroon pa rin si Alli at hinihintay ako. Sana lang nandun pa rin siya.
At dahil nga late na ay wala ng traffic kaya sobrang luwag na ng daan at dahil doon ay dere deretso ang naging biyahe ko. Hindi ako sigurado kung may daratnan pa ako sa Jessie's o kung bukas pa ba iyon sa mga ganitong oras amg alam ko kasi ay 12 hours lang iyon na bukas at nagsasara na sa mga oras na ito.
Nagmamadali akong bumaba ng sasakayan pagkarating ko sa harap ng Jessie's pero ganun na lang ang paglaglag ng balikat ko ng sarado na ito at wala na ring mga tao. Tumingin muna ako sa paligid, nagbabakasakaling naroon si Alli pero hindi ko siya nakita.
I tried to call him pero hindi ko siya macontact, hanggang sa lumapit na muli ako sa aking sasakyan at sumandal sa harap nito. Pinikit ko ang aking mga mata at pinilit unawain lahat ng nangyayari dahil masyado na itong magulo.
Ang nangyayari sa pamilya namin.
Ang relasyon namin ni Alli
Ang negosyo.
Hindi ko alam kung bakit kailangang magsabay sabay nilang lahat, hindi ko tuloy alam kung anong uunahin ko. Pakiramdam ko ay responsibilidad ko silang lahat, na nasa akin sila lahat nakasalalay at isang pagkakamali ko lang ay maari silang mawala sa akin.
Hindi ko namamalayan na unti unti ng pumapatak ang mga luha ko sa sobrang bigat ng aking nararamdaman at sa sobrang dami ng tumatakbo sa isip ko.
Ng makahinga hinga na ako at kumalma na ay nagdesisiyon na akong umuwi muna sa condo ulit ni Ayen. Wala pa rin siya doon ng dumating ako, hindi na rin ako nagtext sa kanya dahil baka mahalata niya na may problema ako at siguradong babiyahe iyon pauwi para lang damayan ako at ayoko namang maabala siya sa family bonding nila kaya hindi na lang ako nagtext.
Hindi ko na namalayan ang oras kung kelan ako nakatulog at nagising. Sobrang dami ng laman ng isip ko na kahit pagkain ay hindi ko na naaalaala. Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang bawat araw lalo na at alam kong darating ang oras na may isang importanteng bagay sa buhay ko ang mawawala, at nakadepende iyon sa magiging desisyon ko.
I texted Alli para mag apologyze at tanungin siya kung pwede kaming magkita kaso may parctice daw sila ngayon para sa gig nila mamayang gabi. So I messaged him na manonood na lang ako ng gig nila mamaya at pagkatapos noon na lang kami mag uusap, good thing pumayag siya. At mukhang napilitan lang yata siya!
Akala ko ay makakapagpahinga na ako ng buong araw pero nakatanggap ako ng message mula kay Daddy, hindi ko pa man iyon nababasa ay kinakabahan na kaagad ako.
From: Dad
Let's have a lunch with the Chengs
I typed 'yes' as my reply, at kaagad na nag ayos ng sarili at saka nagtungo sa sinabing place ni Daddy. Medyo nalate pa ako dahil sa traffic kaya naman naroon na silang lahat pagkarating ko. Ang pamilyang Cheng at sina Daddy at tita Amy.
"Oh my future daughter in law is already here" kaagad na sambit ni Mr. Cheng pagkalapit ko sa table nila. He even gestured me to sit down beside his son, yung dapat ay ipapakasal kay Yesha. Hindi na ako umangal pa dahil iyon na rin lang naman ang bakanteng upuan. "So should we start now?" nakangiting tanong pa nito kayna Daddy.
"Yes, of course let's make it easy na lang, tutal nakapag usap na rin kami ni Ydha" gulat akong napatingin kay Daddy ng magsalita siya at marinig ko ang aking pangalan. Mukhang mangyayari na ang pinaka kinatatakutan ko. "Ang magiging bride lang naman ang mababago" dagdag pa ni Daddy dahilan para lalong mangunot ang noo ko sa kanya.
"What a beautiful bride you will be hija, don't worry we will make your wedding beautiful as you are"
"Dad?" iyon lang ang lumabas na salita sa bibig ko. Nagtataka at humingi ng plaiwanag. Dahil hindi pa rin matanggap ng aking utak ang mga pinagsasasabi nila.
"You said you won't disappoint me anak" napabuntong hininga na lang akk ng dahil sa sinabing iyon ni Daddy. Oo sinabi ko iyon pero hindi naman sa ganitong paraan. Hindi ganoon kadali ang gusto nilang mangyari."Ysabelle" nagbabanta ang boses ni Daddy ng sambitin niya ang pangalan ko malamang ay nahahalata niya ang hindi ko pag sang-ayon sa mga nangyayari.
"Everything is already set hija, actually inimbitahan rin amin ngayon ang isa sa mga magiging ninog ninyo" ani Mr. Cheng. At talagang mau ninong na kaagad huh! Napakagaling! Bwiset.
"Speaking of Ninong he's here"
Lahat kami ay napatingin ng tumro si Daddy sa may pintuan ng restaurant at ganun na lang ang paglaglag ng panga ko ng makita ang pumasok doon, hindi naman matanggap ng pagkatao ko na ang lalaking iyon ang magiging ninong sa lintek na kasal na iyon.
Si Mr. Rivera.
Like what the hell?! Nananadya ba sila? Talagang Daddy pa ni Alli ang kinuha nilang ninong.
Ngayon ko nagets kung gaano kahirap ang sitwasyon ni Yesha noon, gusto kong magreklamo at humindi sa kung ano man ang guato nilang mangyari pero pinangingunahan ako ng takot.
Akala ko ay doon na matatapos ang mga surpresa nila, pero hindi pa pala. Para akong binuhusan ng napakalamig na tubig at parang nanigas ako sa aking kinauupuan, ni hindi magawang kumilos ng makita ang lalaking kasama ni Mr. Rivera na nasa likuran niya.
Si Alli!
Hindi ko magawang salubungin ang mga tingin niya. Hindi ko alam ang sasabihin ko ni ang gagawin ko. Gusto kong magpaliwanag sa kanya, pero hindi ko alam kung papaano, dahil ngayon ko rin lang naman nalaman ang tungkol sa bagay na ito.
Ano na?
Paano na?
Anong gagawin ko?
"Mr. Rivera, tamang tama ang dating mo" agad na bati ni Mr. Cheng sa Daddy ni Alli at ganun din ang ginawa ni Daddy. Habang kami naman ay tahimik lang na pinapanood silang tatlo. Bagay na bagay ang ugali nilang tatlo sa isa't isa mga mukhang negosyo, kung sila kaya ang ipakasal ko! Mga bwiset!
"Thank you Mr. Cheng, by the way this is my son Allein" pagpapakilala ni Mr. Rivera sa kay Alli na hanggang ngayon ay hindi pa rin inaalis ang pagkakakatingin sa akin. Nakaupo na rin sila at talagang ginagago yata kami ng tadhana dahil sa mismong harapan ko pa siya umupo habang magkatabi kami ng anak ni Mr. Cheng.
"Nice to meet you hijo, for sure magkakasundo kaho ng anak ko, this is Ivan and he's fiance Ydha"
Parang gusto kong isaksak kay Mr. Cheng ang hawak kong tinidor dahil sa mga pinagsasasabi niya. I looked at Daddy, nagmamka awa dahil alam kong alam niya na boyfriend ko si Alli, siguro naman ay maiintindihan niya ang sitwasyon ko.
Pero hindi, hindi niya iyon ginawa nagpatuloy lang sila sa pag uusap tungkol sa magiging kasal, at sa haba ng pag uusal nila ay ang tangi ko lang nagawa ay tumingin kay Alli umaasa na sana ay sa pamamagitan ng tingin na iyon ay malaman niyang hindi ko rin gusto ang mga nangyayari, na wala akong ibang gustong pakasalan kundi siya.
Siya lang.
—————————-—-—-——————————
Thank you 🤗