Chereads / A Love Unsung / Chapter 31 - Chapter 30

Chapter 31 - Chapter 30

Naiwan akong nakatulala sa kawalan ng umalis na si Mr. Rivera. Kanina pa tumatakbo sa isip ko ang mga larawang ipinakita niya sa akin kanina. Walang sinabi o ikinuwento man lang si Mr. Rivera tungkol doon. But upon looking at those pictures, awa ang naramdaman ko.

Those pictures were probably taken after their gigs, kaya pala wala silang permanenteng bar o resto bar na napapag gigan. Marahil ay iyon din ang dahilan kung bakit hindi sila nananalo sa mga battle of the bands na sinasalihan nila.

It's all beacuse of Mr. Cheng!

Plinano niya pala lahat ng nangyayari, napakagaling niya! Pero ang kanina pa ring gumugulo sa isip ko ay ang mga sinabi ni Mr. Rivera.

hiwalayan mo na ang anak ko

hiwalayan mo na ang anak ko

hiwalayan mo na ang anak ko

hiwalayan mo na ang anak ko

That was what running through my mind while going out of Alli's condo. At iyon lang ang naiisip kong pinaka tamang gawin ngayon, ang makipag hiwalay kay Alli.

Bago ako umalis ay nag iwan ako ng note doon sa dining table kung saan sigurado akong makikita niya kaagad. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya, pero alam kong maiinti dihan niya kaagad kapag nabasa niya iyong note.

'Promises are meant to be broken, so as mine :('

Naiisip ko pa lang ay parang hindi ko na kayang gawin, pero kailangan, dahil masyado ng maraming nadadamay sa mga plano ni Mr. Cheng. At titigil lang siya kapag nagtagumpay na ang mga plano niya, ang maikasal kami ng anak niya.

Alam kong may karapatan si Alli na malaman ang magiging desisyon ko pero hindi ko alam kung paano ako haharap sa kanya at magsasalita tungkol dito.  Mas mabuti sigurong wala na lang siyang alam

Mahirap! Hindi ko alam na darating ako sa puntong ito ng buhay ko. Mahal na mahal ko si Alli pero tulad ni Mr. Rivera ay ayoko ring madamay siya sa kung ano mang pinaplano ni Mr. Cheng. Ito ang tamang gawin sa sitwasyon namin ngayon, pero bakit ganun ang sakit?!

Dinala ako ng aking sasakyan pauwi sa aming bahay. Siguradong hahanapin ako ni Alli at ito lang ang naiisip kong lugar na kung saan ay hindi niya ako masusundan.

Sinalubong ako ng mga katulong pagkalabas ko ng aking sasakyan. Salubong angg kilay ko ng makita silang mukhang mga kinakabahan at natatakot dahilan para tumigil ako sa harap nila, para magtanong. Pero hindi ko na iyon nagawa pa ng marinig ko ang pagsigaw ni Tita Amy mula sa loob ng bahay

"Robert please just stop!!" umalingawngaw sa loob ng bahay ang malakas na boses ni Tita Amy mula sa isang kwarto sa itaas. Bahagya pa kaming nagulat ng my sumundo na malakas na tunog. I guess one of tita Amy's vase fell on the floor.

Akala ko ay simpleng away lang ng mag asawa ang dahilan ng pagtatalo nila pero hindi pala. Lahat kami ay nakatingin kay Yesha habang bumababa siya ng hagdanan dala dala ang dalawang maleta.

Lalo akong natigilan ng tumigil siya sa harapan ko, by just looking at her face nakikita ko kung gaano siya nahihirapan sa mga nangyayari. Paninisi sa sarili ang tanging nararamdaman ko ngayon at kahit hindi niya sabihin ay alam kong sinisisi niya rin ako.

"It's all your fault" mahina pero madiing sambit niya sa akin bago tuluyang lumabas ng bahay. Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na maluha, sa kinatatayuan ko. Kinakain na ako ng aking konsensiya dahil alam kong tama si Yesha, it's all my fault!

Naisip ko tuloy kung inako ko na ang engagement noong una pa lang siguro ay hindi mangyayari ang lahat ng ito. Walang Yesha na mahihirapan at walang Alli na maiiwan at masasaktan ng dahil sa akin.

I went to my room still crying. Hindi ko na nagawa pang magpalit ng damit at maligo, dahil kaagad na akong humiga sa aking kama habang balot na balot ng comforter. My eyes were just closed but my tears keep on falling.

Nagmulat lang ako ng marinig ko ang pagtunog ng aking cellphone. I looked at it but I refused to answer the call when I saw the name on the screen

love is calling....

I ended the call thrice kasi tatlong beses niya rin akong sinubukang tawagan. Marahil ay nakauwi na siya at nabasa na rin niya ang note na iniwan ko para sa kanya. Is that note not enough para malaman niya ang gusto kong mangyari?

I immediately looked at my phone when it rang again, this time he sent a text message.

From: love

Answer my call love, plss

Binitawan ko ang aking cellphone para pigilan ang sarili kong sundin siya. I prefer not to talk to him dahil baka mabago na naman ang desisiyon ko. Gusto ko ng panindigan iyon para sa ikabubuti ng lahat.

Matapos ang ilang minuto ng hindi ko sinasagot ang tawag niga ay tumigil na rin siya. Na siyang ipanagpapasalamat ko ng malaki, dahil mas magiging madali para sa akin ang panindigan ang desisyon ko. Ngayon ay kailangan kong maging matapang at matibay ang loob!

I decided to get up  to take a bath. Hindi ito ang tamang oras para magmukmok ako o ano pa. I take a bath for about 30 minutes, I just wore a white t-shirt partnered with my black short, wala naman kasi akong balak lumabas ng bahay ngayon so it's fine.

Pagkatapos ayusin ang aking sarili ay naisipan kong tumayo roon sa may binatana ng aking kwarto, just to rekax and calm myself. Pero kabaligtaran ang naramdaman ko ng makita si Alli na nakatayo roon sa daan sa mismong harap ng gate namin,at mula sa pwesto ko ay kitang kita ko siya.

He's just standing there while looking directly to my window. Na para bang kanina niya pa akong hinihintay na makita mula roon. Kaagad kong kinuha ang phone ko para itext siya.

To: love

Go home.

Ng tumigin ako sa kanya ay nasa kanyang cekkphone na ang paningin niya ,typing his reply obviously.

From: love

let's talk plss.

I sighed heavily before typing my reply.

To: love

No,just go home

Pagmamatigas ko. Buo na ang desisiyon ko!

From: love

Answer my call first.

He negotiated, and I don't have a choice kundi ang sagutin nga ang tawag niya para makauwi na siya. Sasagutin ko lang dahil wala naman siyang sinabing magsalita ako.

[I didn't get it, bakit ganun Ydha?] napapikit ako ng mariin ng marinig ang boses niya sa kabilang linya, at ng magmulat ako ay sumalubong sa akin ang pagtitig niya. [Nangako ka diba? Ayusin natin to love, wag naman ganito, ang sakit eh..  sobra...kaya please love, ayusin natin to]

"Inaayos ko na nga diba?" iyon lang ang mga salitang lumabas sa bibig ko.

[What the-- Ano ba naman 'yan Ydha] He stopped himself to curse. I know he's really mad right now but still he was able to control his emotions. [I'm sure hindi lang ito ang paraan]

"Alli tama na please, nakapagdesisyon na'ko and if you really love me then hayaan mo'ko, mahirap din naman para sa'kin to"

[That's why I'm here, kakampi mo'ko Ydha]

"Yeah  at kakampi mo rin ako Alli, pero binalewala mo  ako, hindi mo sinabi sa'kin lahat ng pinagdadaanan mo and you chose to faced it alone, kaya wag mong sabihin sa'kin ngayon na kakampi kita kasi una pa lang hindi na, so let me be alone also this time, please" sambit ko habang patuloy pa rin sa pagpatak ang aking mga luha. We're just talking over the phone but it feels like we're right in front of each other dahil nakikita pa rin namin ang isa't isa mula sa malayong distansiya.

Hindi ko alam na magiging ganito pala kasakit!

[Sorry ayoko lang na madamay ka pa sa mga nangyayari sa 'kin kaya hindi ko na sina i sa'yo] umiiyak na sambit niya, rinig ko rin ang imipit na paghikbi niya mula sa kabilang linya. I know we're both in pain right now. Parte nga siguro ng pagmamahal ang masaktan.

"And that's exactly my reason , ayoko ring madamay ka sa kung anong nangyayari sa akin, so please don't make it too hard for me"

Pagkasabi niyon ay kaagad ko ng pinutol ang tawag at saka tumalikod sa bintana. I slowly sat on the floor and hugged my knees while crying.Sa pagkakataong ito ay hinayaan ko ang aking sarili na umiyak at ilabas ang lahat ng aking emosyon, nagbabakasakaling sa pamamagitan ng pag-iyak ay mabawasan ang sakit na nararamdman ko. I slowly sat on the floor and hugged my knees still crying.

Sa totoo lang ay gusto kong bumaba at lumabas ng bahay para puntahan siya at yakapin. Gusto kong bawiin lahat ng sinabi ko sa kanya. Dahil gusto kong kasama ko siya sa pagharap sa mga nangyayaring ito, because in him I feel secured, safed and loved.

But of course I won't, not because I don't love him, because I really do!

At sa pagkakataong ito hindi na kailangan pang maging kami para maiparamdam ko iyon.  Kakayanin kong mahalin siya kahit pa malayo kami sa isa't isa at kahit gaano kahirap ang sitwasyon.

Hihintayin ko na lang na dumating ang araw kung kailan mapapansin at mararamdaman niya kung gaano ko siya minamahal. Maaring hindi pa ngayon, pero baka balang araw.

At iyon lang ang tangi kong hiling, na sana dumating ang araw na iyon.

I didn't expect na magiging ganoon kalungkot ang pagcelebrate ko ng christmas and new year, actually I don't consider that as a celebration. Nasa bahay lang kasi ako buong holiday, I asked Dad kung pwedeng mag work from home muna ako, buti na lang at pumayag siya so I was busy the whole time. Hindi rin ako lumalabas dahil wala naman akong makakasama, nasa Japan kasi sina Ayen dahil doon sila magpapasko at magbabagong taon.

Kaya naman focus na focus ako sa trabaho nadidistract lang sa tuwing magtetext si Alli.

Araw-araw pa rin siyang magmemessaged sa akin kahit hindi ko siya nirereplyan. I wanted to block his number but I always ended up not to block it. Dahil kahit papaano ay nababawasan ang stress  ko dahil sa mga messages niya.

Bago matapos ang buwan ay inimbitahan kami ni Mr. Cheng para sa isang dinner, sa mismong bahay nila. Kasama ko si tita Amy at si Daddy na dumalo roon, pamilyang Cheng rin lang ang nakasama namin sa dinner. At tulad ng inaasahan ko ay pinag uusapan na naman nila ang magiging kasal namin.

"I am very excited for the wedding, how about the engagement party?" nakangiting ani Dad, ms pinili ko na lang na manahimik at hayaan sila sa kung anong gusto nilang mangyari.

"Let's have it as soon as possible" Mr. Cheng suggested,at kung ano-ano pang suggestion ang narinig ko mula sa kanila. Parang sila ang ikakasal kung makapagplano sila! Hindi man lang kami tinatanong kung anong gusto namin para sa aming kasal.

Nanatili lang ring tahimik si Ivan sa tabi ko, sa dinami raming beses na naming nagkasama sa iisang dinner ay ni minsan ay hindi ko siya narinig na nagsalita. Siguro ay iyon na talaga ang personality niya o baka tulad ko ay hinahayaan na rin lang niya ang kanyang mga magulang na magplano. Na baka tulad ko ay ayaw niya ring makasal.

Sino ba naman ang matutuwa kung ipapakasal ka sa taong hindi mo naman kilala at mahal?

Napaisip tuloy ako, dahil siguradong meron din siyang isinakripisyo para lang sa kasal na ito. Sa lintek na kasal na ito!

Bilang isang babae ay pangarap ko ang magsuot ng puting trahe at maglakad putungong altar habang kapit ang isang bungkos ng bulaklak sa saliw ng isang magandang musika. Pangarap kong masulyapan ang aking mahal na naghihintay sa akin, sa dulo. Pangarap kung sabay kaming maununupa ng aming pag-ibig sa harap ng Panginoon at ng aming pamilya.

Pangarap kong maikasal.

Pero sana ay sa taong totoo kong mahal.....

——————————————————————

Thank you🤗