Chereads / A Love Unsung / Chapter 32 - Chapter 31

Chapter 32 - Chapter 31

"Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin to pero congrats" sambit ni Ayen sa akin ng pumasok siya sa hotel room ko. Inigyan niya pagkahigpit higpit na yakap dahilan para maluha ako.  "Sigurado ka na ba talaga sa desisiyon mong yan?" tanong niya ng maghiwalay kami sa pagkakayakap.

"Yeah" I simply answered. Habang mingat na pinupunasan ang luha ko dahil baka masira ang aking make up. Ngayon na kasi gaganapin ang engagement party namin ni Ivan.

Naikwento ko na rin lahat ng nangyari kay Ayen ng minsang mag kausap kami sa phone. Kararating rin lang nila galing Japan, napaaga pa nga raw dahil sa engagement party ko.

"Paano si Alli?" tanong ulit ni Ayen. "Hanggang ngayon umaaasa pa rin yung tao na magkaka ayos kayo"

Hindi ko na nasagot pa ang tanong na iyon ni Ayen dahil may pumasok na isang babae sa loob ng kwarto para sunduin ako. Magsisimula na raw ang party. Yinakap pa muna ako ni Ayen bago kami tuluyang lumabas roon at saka nagtungo sa mismong venue.

Iniwan ako noong babae mag-isa sa tapat ng isang pintuan, kung hindi ako nagkakamali ay dito kami papasok ni Ivan sa oras na ipakilala kami sa mga bisita. Ilang minuto lang ay dumating na rin si Ivan wearing also his formal attire.

Ngumiti siya sa akin ng makitang nakatingin ako sa kanya kaya ngumiti rin ako. Sa palagay ko ay dapat magsimula na rin naming kilalanin ang isa't isa dahil habang buhay na kaming magkakasama. We will marry each other on the next few months.

"Uhmm hi " nakangiting bati ko kay Ivan, nakita kong medyo nagulat pa siya dahil doon. Tumingin pa muna siya sa kanyang likuran para tingnan kung may ibang tao roon na posibleng kausap ko at ng wala siyang makita ay itinuro pa niya ang kanyang sarili just to make sure kung siya nga ang kinakausap ko. So I nodded on him. 

"Hi, uhmmm sorry I-I just ahh " he sounded so adorable, parang first time niya lang makipag usap sa tao.

"Hey relax, gusto ko lang makipagclose I mean siguro dapat lang diba? Kasi ikakasal tayo, if okay lang sa'yo?" nakangiting sambit ko, tumango naman siya so I concluded that as a yes.

Ilang minuto pa kaming nagtagal roon  kaya nagkaroon pa kami ng chance na makilala ang isa't isa, pero mga minor things about us lang, siguro kapag marami na kaming time ay makikilala na rin namin ang isa't isa.

Para lang akong nakikipag-usap sa isang kaibigan.

Ilang minuto pa ang lumipas bago kami tuluyang pumasok roon sa may pintuan. Ivan positioned his arm whrein I can hold him. Sinalubong kami ng iba't ibang mukha ng mga business man , kasabay ng malakas nilang palakpakan.

I forced myself to smile on them, sana lang hindi nila mahalatang peke iyon. Tumigil kami sa paglalakad ng makarating na kami sa taas ng stage kung saan naroroong nakatayo ang pareho naming magulang.

"Once again ladies and gentlemen, together with Mr. Alcantara I am very proud to announce that my son, Ivan Cheng and Ysabelle Alcantara are now officially engaged"

Masigabong palakapakan ang bumalot sa apat na sulok ng kwartong iyon matapos ang naging announcement ni Mr. Cheng tungkol sa engagement namin ng kanyang anak. May mga nagulat at hindi makapaniwala sa mga narinig nila atvmarami rin ang nag paabot ng pagbati.

Akala ko ay doon na matatapos ang gabing iyon pero nagkamali ako. Nagulat ako ng magsitabi ang mga tao dahilan para mabuo ang isangvmalaking bilog na espasyo sa gitna. Nabaling ang mga paningin naming lahat ng magsimulang sumayaw ang sampung pares ng mga babae at lalaki sa gitna. 'Yung tulad ng madalas na napapanood tuwing may night ball at debut.

Mas laking gulat ko ng maglahad ng kamay sa aking harapan si Ivan, nagpapaalam kung maari niya ba akong isayaw. Ng mapunta ang tingin ko kay Daddy ay tinanguan niya lang ako para sabihing tanggalin ko ang kamay na iyon ni Ivan.

And yes I did!

It was my first time to dance like that. Hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa ko beacuse I was just going to the flow. Hindi naman nagrereklamo si Ivan kaya siguro ay okay lang ang ginagawa ko. My left hand was on his shoulder, and his right hand was on my waist. While his left hand was holding my right hand.

We danced for about 10 minutes in the middle of the crowd. At sa kalagitnaan ng aming pagsasayaw ay bigla ko na lang naalala si Alli. Naisip ko na kung siya siguro ang nasa harapan ko at  kasayaw ko ngayon ay kakaibang saya ang mararamdman ko.

Kung pwede lang sana na siya na lang!

I just closed my eyes and decided to imagine that I was dancing with him. I know it's just.an imagination but a smile on my face suddenly plastered.

Kasabay ng paghinto ng musika at huminto na rin kami sa pagsasayaw, at ganun na lang ang paglaki ng mga mata ko ng magtama ang paningin namin ni Alli ng magmulat ako.

I blinked just to make sure na totoo ang nakikita ko at hindi isang imagination. Pero ng tumingin akong muli sa direksiyon niya ay ayun pa rin siya at mariing nakatitig sa akin.

I didn't know what to feel, it's almost two months since we last saw and talked to each other. And just like me I saw how he endured the pain by just simply looking at his eyes.

I was not able to tell him what exactly my plan is before kaya mas mabuti sigurong narito siya para malaman at maging malinaw na ang lahat sa kanya ngayon.

I almost jumped on my seat when I heard my phone ringing. My eyebrows furrowed when I saw Alli's  name on the screen I immediately ended the call.  Pero nag text naman siya.

From: Alli

Can we talk?

From: Alli

For last.

I didn't reply on his message pero papagbigyan ko siya this time. Siya na ang nagsabing last na usap na namin, siguro ay kailangan rin namin ng closure for our relationship, kasi hindi pa rin naman kami officially nagbreak we haven't talk about that, maybe it's the right time to end kung ano mang namamagitan sa'ming dalawa.

"Where are you going?" napahinto ako sa paglakakad palaba sng hotel ng tanungin ako ni Daddy. He's raising his eyebrows on me, maybe he was suspecting me.

"Uhmm drinks" I immediately got a wine of glass on the table near me. "I'll get drinks"

Dad just nodded on me, and he went to one of his security guards to whisper something. Napaiwas pa ako ng tingin sabat nila akong tingnan And after that Dad went back on me.

"You can't leave hangga't 'di pa natatapos ang party" Dad said with authority. Dahilan para bumalik ako sa aking kinauupuan. And just decided to send a text messafe on Alli.

To: Alli

Can't leave now, let's just meet later at Jessie's

At ganun nga ang nangyari ng matapos ang party around 11pm ay kaagad akong nagderetso sa Jessie's, bukas pa naman iyon dahil Sabado ngayon. Ang hindi lang ako sigurado ay kung nandoon pa ba si Alli naghihintay sa'kin pero pumunta pa rin ako.

Matagal pa bago ako makababa ng sasakyan dahil kinakabahan ako sakung anong pwedeng mangyari sa loob. I calmed my self first pinagkiskis ko pa ang dalawa kong palad just to ease my nervousness. At pagkatapos ay saka lang ako bumaba at pumasok sa loob ng Jessie's.

Kakaunti na ang tao sa loob kaya madali kong nakita si Alli, he's still wearing the same attire earlier. Dumeretso ako sa table kung nasaan siya at naghila ng upuan sa kanyang harap para doon maupo. Habang siya ay pinapanood lang ang ginagawa ko.

"Congrats" maya maya pa ay sarkastikong sambit niya, naguluhan pa ako noong una at hindi nagets ang ibig niyang sabihin hanggang sa pumasok sa isip ko ang tungkol sa engagement.

"Thank you"

Gusto kong sapakin ang sarili ko dahil sa sagot kong iyon. Thank you? What the!

Ilang minuto na ang nakakalipas pero ni isa sa aming dalawa ay walang nagsasalita. We're just looking at each other for the whole time, na para bang sa pamamagitan ng mga tingin na iyon ay naipaparating namin sa isa't isa ang aming nararamdaman.

We both wanted to stay with each other and to stick on our relationship pero parehas din naming alam na hindi pwede, na nandidito kami hindi para ayusin kung ano man ang gusot kundi para tuluyan ng itapon ito at hayaan na lang ang tadhanang mag-ayos.

Dahil baka kapag pinilit pa naming buuin ay ang sarili naman namin ang masira.

Na baka hindi talaga kami ang para sa isa't isa at may kanya kanyang tadhana ang naghihintay para sa aming dalawa.

Mangangarap na lang na sana sa pagtahak namin sa magkaibang daan ay magkita pa rin kami sa dulo nito.

Kahit sa imahinasyon na lang!

"Please stay" emosiyonal na sambit ni Alli habang hindi pa rin inaalis ang pagkakatitig sa aking mga mata.

I wanted to say yes, that I wanted to stay with him but I can't, We can't.

"Alli tama na ,pumayag akong makipagkita para tapusin kong ano mang meron tayo, wala ng iba pang dahilan"

I saw how his facial expression change. He looked down and held on his hair, looking so frustrated sa mga narinig niya.

And then he looked up to me again.

"Bakit? Ang bilis mo namang mapagod Ydha" he gave me a bitter smile. "Ang bilis mong bumitaw o baka naman hindi ka lang talaga kumapit noong una pa lang, alam mo naiisip ko kung napagod ka ba talaga o hindi mo lang talaga pinag laban? Kaya siguro ang dali dali para sa'yo na iwan ako 'no, kasi noong una palang hindi mo naman talaga ako minahal" emosyonal niyang sambit kasabay ng pagtulo ng kanyang mga luha, sinubukan niya pang punasan at pigilan ang mga iyon pero ganun na lang yata talaga ang sakit na nararamdman niya, I've never saw him crying this hard before.

"Kung 'yan ang gustong mong paniwalaan sige,  mas mabuti na rin siguro 'yun" I have to looked down dahil hindi ko na rin mapaigilan ang mga luha ko sa pagpatak. "Siguro nga ako 'yung may mali, ako yung tanga manhid, bo-bo" pumipiyok na ang boses ko habang nagsasalita dahil sa pag iyak. Pero hindi dapat ako magpadala sa emosiyon ko. "Pasensiya na,  kasi ito yung alam kong pagmamahal at ganito ako magmahal"

'Yung pagmamahal na handang magsakripisiyo , masaktan at makasakit. Yung pagmamahal na pipiliin kong iparamdam ng palihim dahil iyon ang mas makakabuti. 'Yung pagmamahal na kusang lalayo kapag alam kong nasasaktan at nahihirapan ka na. At 'yung pagmamahal na kahit hindi mo sabihing kailangan mo ay kusa ko paring ibibigay at ipaparamdam.

"Ito na ang huling pagkakataon na hihilingin kong manatili ka Ydha, dahil sa oras na lumabas tayo rito, tapos na rin tayo"

Hindi na ako nagsayang pa ng oras at tumayo na ako kaagad pagkatapos niyang sabihin iyon. Wala ng rason pa para magtagal ako doon. Sinulyapan ko pa siya saglit bago ako tuluyang maglakad papalapit sa pintuan, at ng akma ko na itong bubuksan ay may biglang pumigil sa'kin.

"Alli, ano na naman?" naiinis ng tanong ko ng iharang niya ang kanyang katawan sa pintuan. But he didn't say something nakatayo lang siya sa harapan ko at malalim na tumitig sa aking mga mata, still crying.

Shshshhshshshshhshshshsh BOOM!!

Shshshshshshshhshshshshs BOOM!!!

SshshhshshshshhshshhsshhsBOOM!!!

Nabaling ang paningin ko sa labas ng marinig ang putukang iyon. And then my eyes looked up on the sky and there I saw a beautiful  display of firewoks. May mga luha sa aking mga mata habang pinapanood ko ang makukulay na ilaw sa kalangitan.

KRIIIIINNNNNGGGGG

Sabay kaming napatingin ni Alli ng tumunog ang cellphone niya. Kaagad niya iyong kinuha mula sa kanyang bulsa ,ang akala ko ay may tumatawag sa kaniya pero alarm lang pala, eksaktong 12:am ang oras na nakita ko sa screen ng cellphone niya pinanood ko lang siya na patayin ang alarm at ibalik ang cellphone sa kanyang bulsa.

I was about to leave pero hinawakan niya ako sa aking braso para pigilan ulit akong lumabas.

"Just let me go--"

I suddenly stopped talking when he hugged me tightly still crying.

Shshhshshshshshshshhshshs BOOM!!

Sshshshshshshshhshshshhss BOOM!!

Sshshhshshhshshshhsshshh BOOM!!

Napatingin pa muli ako sa kalangitan ng may pumutok muling fireworks, and my mouth suddenly formed an o when the lights formed different letters in the sky. 

HAPPY ANNIVERSARY LOVE!

Ngayon lang pumasok sa isip ko at ngayon ko lang din naalala kung gaano kaespesyal ang araw na ito para sa aming dalawa.

"It's our anniversary love" parang may tumusok sa puso ko ng magsalita si Alli while still hugging me, I know he's crying because his shoulders are moving.  "Masaya ako na umabot tayo dito pero mas lamang 'yung sakit dahil ito na ang huli"

Ng humiwalay kami sa yakap ng isa't isa ay hindi ko inaasahang siya mismo ang magbubukas ng pinto para sa akin, refusing to look at me.

May bigat sa loob akong naglakad palabas ng pinto and Alli didn't bother to stop me this time. Pero bago pa man ako tuluyang makalabas ay may ibinulong pa siya na hindi ko na nakuha pang intindihin.

"You're now free"

------------------------------------------------------------------------

Thank you🤗