Chereads / A Love Unsung / Chapter 30 - Chapter 29

Chapter 30 - Chapter 29

Natapos ang gabing iyon ng hindi kami nakakapag usap ni Alli, kaya hindi ko alam kung galit ba siya sa akin o hindi.

Natapos lang ang pag aalala ko ng matanggap ko ang text niya ngayong hapon.

From: love

Pwede na ba tayong magkita?

I immediately typedy reply. I said 'yes' obviously dahil gusto ko mg linawin sa kanya ang lahat. At ng maayos na rin namin kung ano mang nangyayari sa relasyon namin. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay unti unti na itong nagkakalamat dahil sa lahat ng nangyayari.

Sa Jessie's namin napagkasunduang magkita tutal ay doon naman talaga kami lagi. Sinubukan kong maging maaga sa pagpunta pero mas maaga pa rin siya, hindi ko naman masasabing late ako dahil masyado pang maaga para sa napagkasunduan rin nmaing oras. Parehas lang siguro kaming excited!

Hindi ko alam kung alam niyang naroon na ako dahil nasa baba lang ang kanyang paningin na animo'y napakalalim ng kanyang iniisip. Nag angat lang siya ng gingin ng hilahin ko ang upuan sa harap niya para umupo, tutulungan pa niya sana ako but I gestured him not to.

"Good thing you're not busy right now"

Hindi ko alam kung sinasadya niya ba o talagang ganun lang siya magsalita, sarcastic.

"Ikaw din buti wala kang gig" I said sarcastically, dahilan para pagtaasan niya ako ng kilay, naghahamon. Nilabanan ko rin iyon, tingnan lang natin kung hanggang saam siya tatagal.

"Okay I'm sorry" paghingi niya ng tawad matapos bumuntong hininga. Dahilan para makosensiya ako, dahil ako dapat ang magsosorry dahil hindi ako sumipot noong nakaraang gabi.

"Sorry din love--"

"Can we just stop saying sorry? Wala na rin namang mababago eh" sambit niya napansin ko rin na hindi na mawala ang pagkakunot ng kanyang noo. Malamang ay tulad ko ay marami ring gumugulo sa isip niya.

At kaya kami nandito para mag-usap at linawin ang mga nangyayari para na rin matapos na ang pag-iisip namin pareho, nakakapagod na ron kasi. Kailangan ko ng sabihin sa kanya ang totoo.

"Nabuntis si Yesha" maya maya pa ay sambit ko nakita ko naman kung paano siya nagulat mg dahil sa narinig niya. "Nagalit si Daddy syempre kaya pinalayas niya si Yesha, at ako ang gusto niyang umako ng kasal" pagpapaliwanag ko sa kaniya. Nakita ko kung paano napuno ng galit ang kanyang mga mata at ang pagpipigil niya dito.

"Tapos ano? Susundin mo ulit siya?" tanong niya sa akin na kaagad nakapagpakunot ng noo ko. Anong ibig sabihin niya sa tanong na iyon? Parang may gusto siyang iparating sa mga sinasabi niya eh.

"What do you mean?" tanong ko, pilit pinapakalma ang sarili dahil hindi ko na nagugustuhan ang mga saligang lumalabas sa bibig niya.

"Lagi mong sinusunod ang Daddy mo diba? Kaya nga tinanggap mo yung trabaho sa Cavite at kaya hindi ka sumipot nung dapat ay magkikita tayo" sarkastikong pagpapaliwanag niya. Nakukuha niya pang ngumiti pero sarkastiko rin ang dating niuon sa akin.

"So magbibilangan na lang tayo ng mali dito? Kaya mo ba ako gustong maka-usap ha, para lang diyan?" medyo napapalakas na ang boses ko dahil siguro sa inis ko sa kanya. Mabuti na lang at kakaunti ang tao ngayon sa 3A. "Bakit nung ikaw yung hindi tumutupad sa mga pangako mo na bibisitahin mo ako, may narinig ka ba sa akin? Yung nangyari sa resto bar, may narinig ka ba sa akin ng hindi mo man lang ipinaliwanag sa'kin kung anong nangyari? Wala diba? Kasi inintindi kita noon, at iyon lang ang gusto kong gawin mo ngayon Alli ang intindihin mo rin ako, at ang sitwasyon ko" sunod sunod na singhal ko sa kaniya. I also walked out dahil pakiramdam ko tuluyang mababagsak ang mga luha ko kapag nagtagal pa ako roon.

Nagpunta ako rito para maayos namin ang lahat lahat pero mukhang kabaligtaran ang nangyari dahil lalo lang kaming hindi nagkaintindihan at parang mas lumala pa.

Naramdaman ko ang paghawak ni Alli mula sa likuran sa aking kamay ng akma kong bubuksan ang pinto ng aking kotse. Gusto kong alisin ang pagkakapit ng kamay niya sa kamay ko pero natigilan ako ng lumapat ang noo niya sa aking balikat. Dahilan para maramdaman ko ang paghikbi niya.

"Love" agad nanlambot ang puso ko ng sambitin niya iyon na punong puno ng sensiridad. Dahilan para dahan dahan akong humarap sa kanya, he's now in front of me looking at ground, crying.

I held his chin up para makita ko ng maayos ang mukha niya. Tumitig ako sa mga mata niya, at gusto kong murahin ang sarili ko dahil ngayon ko lang nakita kung gaano iyon kalungkot. Hindi lang dahil sa mga luhang pumapatak mula roon kundi dahil hindi ko na makita ang kislap na dati'y taglay nito.

Kaagad ko siyang yinakap ng sobrang higpit dahil iyon lang ang alam at kaya kong gawin sa ngayon upang kahit papaano ay mabawasan ang bigat na nararamdaman niya. Nanatili kaming nasa ganoong posisiyon hanggang sa kumalma na siya at tuluyang tumigil sa pag iyak.

"Love sorry" he said softly.

"Shhh,  you don't have to say that, parehas tayong may pagkukulang  ang mahalaga maayos natin to" I leaned my head on his shoulder right after I said that. And he put his hand around my shoulder to comfort me.  While his other hand is holding mine.

We stayed there in an hour before we decided to go home. He asked me if I want to sleep on his condo, and I said yes. Ayoko na ring maabala pa si Ayen at syempre gusto kong magspend ng time with Alli. Dahil sa tingin ko ay iyon ang kulang sa amin, ang oras namin para sa isa't isa.

We ordered food first bago kami dumeretso sa condo niya. We are both riding on our own car. Hanggang sa makarating kami. Ako ang naghain ng pagakin namin sa lamesa habang siya ay nakaupo doon,pinapanood ako sa aking ginagawa.

After eating we already slept, now with peaceful mind and hearts. Pero mukhang ako lang yata dahil ng magising ako sa kalagitnaan ng pagkakatulog ay nakita ko na gising rin si Alli. Hindi ko alam kung nagising lang din ba siya o hindi pa talaga siya natutulog.

Both of his hands were under his head while his eyes are looking directly on the ceiling. He looks like he's thinking deeply. He suddenly looked down on me when I hug him.

"Bakit gising ka pa?" inaantok na tanong ko sa kanya.

"Can you do me a promise love?" he asked me, not answering my question to him. 

"Of course, what's that?" sambit ko I have to look up to him for me to see him and his expression.

"Promise me that you won't give up on us" emosyonal niyang sagot, I saw it through his eyes before my gaze went down when he held my hands and brushing it  using his thumb, slowly .It took a seconds bago ako sumagot.

"Yeah I promise" sinserong sagot ko. Sa totoo lang hindi na niya kailangan pang hingin iyon sa akin dahil kusa ko iyong ibibigay at gagawin. Binalot pa kami ng sandaling katahimikan bago ako tuluyang makatulog muli.Nagising lang ulit ako ng maramdaman ang pagbangon niya, habang hawak hawak ang kanyang cellphone.

"What happened?" pabulong na tanong niya sa  kabilang linya. Hindi ko naman magawang unawain ang pinag uusapan nila dahil masyadong mahina ang kanilang boses.  "Yeah I'll go there, wait for me" Alli said before ending the call. Tumingin pa muna siya sa akin  at bahagya pang nagulat ng makitang gising ako.

"Who called you?" tanong ko sa kanya, nagtataka dahil kalagitnaan na ng gabi ay may tumatawag pa sa kanya. Tama lang naman siguro na itanong ko iyon sa kanya diba?

"Ken" maikling sagot niya, mukhang hindi siya komportable na pag usapan namin ang tungkol sa bagay na iyon dahil hindi na siya mapakali sa kinauupuan niya, kung hindi siguro ako nagising ay baka nakaalis na siya agad . Bakit kaya?

"Bakit daw?" I sounded like a detective already. Napansin siguro niya iyon  dahilan para humarap siya sa akin.

"About our gig, may emergency lang" he explained at doon lang ako nakahinga ng maluwag. I thought may iba pang dahilan buti na lang at hindi iyon tulad ng iniisip ko. I just smiled and  nodded on him at the same time.

He changed his clothes and fix himself and I am watching him while sitting on the bed . Akala ko ay tuluyan na siyang aalis pero lumapit pa muna siya sa akin he kissed me on my forehead and held my face.

"Sleep again, babalik din ako before breakfast" he said before going outside the room. Sinunod ko naman ang sinabi niya, I slept again at nagising din ng maaga. I decided to cook breakfast para pagdating ni Alli ay kakain na lang kami. Pero ng magsisimula na ako ay bigla akong napaisip at napahinto.

Hindi nga pala ako marunong magluto!

I am planning to cook adobo pa naman pero siguro ay next time na lang kapag marunong na ako. Sa ngayon pancit canton na lang muna, medyo madali kasi iyong lutuin.

Saktong pagkatapos kong magluto ay may kumatok sa pintuan, I know it's Alli. Excited akong nagtungo sa may pintuan at nakangiti itong binuksan pero unti unting nawala ang pagkakangiti ko ng ibang mukha ang bumungad sa akin.

Si Mr. Rivera!

Ni hindi man lang siya nagulat o nagtaka kung bakit ako nasa condo ng anak niya, siguro y wala lang siya talagang pake alam. I opened the door widely para makapasok siya, I didn't know what to say or  kung may dapat ba akong sabihin? Ewan ko.

Dumeretso siya doon sa may sofa at saka umupo roon habang ako ay nanatili lang na nakatayo sa may pintuan nakahawak pa rin sa door knob. Natauhan lang ako ng magsalita si Mr. Rivera.

"Hindi ka ba magmamano sa ninong mo?" he said sarcastically. Dahil doon ay parang gusto ko siyang sipain palabas ng condo, kung pwede lang talaga ay nagawa ko na. Bwiset!

Sa halip na sumagot ay inis ko na lang na inalis ang paningin ko sa kanya. Panira siya ng araw, alam niya ba 'yon? Akala ko pa naman ay suportado niya ang relasyon namin ni Alli , bakit parang ngayon ay hindi na?

"By the way anong gusto mong wedding gift?" tanong niya pa, halatang nang iinis lang. Pasalamat siya at siya ang Daddy ni Alli, kaya kahit papaano ay nagagawa ko pa siyang irespeto.

"What do you want?" deretsuhang tanong ko sa kanya, at hindi ko alam kung bakit nakuha niya pang matawa. Wala namang nakakatawa sa sinabi ko ah.

"You know what? I like your attitude" natatawa pa ring aniya. "Very direct to the point wala ng paligoy ligoy, so let me do it quickly also, I want you to end your relationship with my son"

Salubong ang kilay kong tumingin sa kanya, hindi kayang tanggapin ng isip ko ang mga salitang lumalabas sa bibig niya. What the hell!

"No, I won't do that sana naiintindihan niyo" matapang na pagtanggi ko sa mga sinasabi niya. Nakita ko kung paano nag iba ang reaksiyon ng mukha niya.

"Of course I did, pero sana naiintindihan mo rin ako hija, ayoko lang na naaagrabyado ang anak ko" madiing sambit niya dahilan para tingnan ko siya , nagtataka.

"What do you mean?" naguguluhang tanong ko sa kanya dahil wala akong natatandaang naagrabyado si Alli ng dahil sa relasyon namin.

"Mahirap kalaban si Mr. Cheng tuso siya" mababanaad sa boses ni Mr. Rivera ang galit habang nagsasalita. "Gagawin niya ang lahat, magtagumpay lang ang plano niya, at kasama doon ang pagkabuntis ng kapatid mo para ikaw ang mapangasawa ng anak niya dahil simula pa lang ay ikaw naman na ang gusto niyang mapangasawa ng kanyang anak, ang pagiging CEO mo, at lahat ng paghihirap ni Allein ngayon, lahat iyon ay plinano niya"

Sa dinami dami ng sinabi niya ay iyong huli lang ang tanging pumasok sa isip ko. Kapani paniwala lahat ng iyon pero parang hindi kayang tanggapin ng isip ko. Kahit kailan ay hindi ko nakitang naghirap si Alli.

"Eto, kung hindi ka pa rin naniniwala sa akin" inilabas niya amg ilang litrato mula sa isang envelope na kanina pa niyang hawak. Salubong ang aking kilay habang tinitingnan ang mga larawang iyon.

Larawan nina Alli habang kausap ang ilang manager ng resto bar, malungkot ang mga mukha nila doon. May isa pa na nakaupo silang apat sa tabi ng daan hawak hawak ang kani kanilang instrumento, malungkot din. May isa pang larawan kung saan nag iinuman sila pero makikitang hindi sila masaya doon.

"Ayokong nadadamay ang anak ko sa kawalang hiyaan ni Mr. Cheng, kaya bilang ama ni Alli nakiki usap ako sa'yo hiwalayan mo na ang anak ko"

——————————————————————

Thank you🤗