Chereads / A Love Unsung / Chapter 27 - Chapter 26

Chapter 27 - Chapter 26

The celebration for my graduation was just simple, we just had dinner and I was able to introduce Alli as my boyfriend to my family. And Alli was also able to know them nagulat pa siya ng makilala si Yesha, and he even confirmed to me about Yesha and Joshua.

Honestly I really felt nervous but it all of that suddenly disappeared when Dad welcomed Alli without being mad or rude, hundred percent because of that damn business but it doesn't matter, what is important is they accepted it that's all. And that what made that night so especial. Knowing the fact that my family accepted and supported my relationship with the man I truly loved.

"So this is the finance department,  at ito naman po ang magiging office niyo" one of the company staff guided me to my new office. Pinilit ako ni Daddy na tanggapin ang role bilang CEO ng business namin sa Cavite and I don't have a choice kundi ang tanggapin iyon.

Pero bago ko ito tanggapin ay nagtake muna ako ng board exam to become a CPA, tho hindi  naman talaga iyon ang gusto ko. Magkasabay kaming nagtake ni Ayen at sa pagkaka alam ko ay ngayon lalabas ang result ng exam, medyo kinakabahan  tuloy ako. Paano kung hindi ako makapasa?

I opened the door of my office, until now ay hindi ako makapaniwalang mapupunta ako sa sitwasyong ito. Dati ay kinakabahan pa ako sa tuwing papasok ako sa kahit na anong office pero ngayon may sarili na ako, CEO pa nga.

Wala pang nakalagay na  pangalan sa table ko, pagkalabas na daw ng result ng board exam ko  iyon ay ayon kay Daddy para daw malaman kung lalagyan ba ng CPA ito o hindi? Nakakapressure tuloy!

I sitted on my chair at saka inilibot ang paningin sa buong office, that was so big. Nabaling naman ang paningin ko sa aking cellphone ng tumunog ito. I smile while reading the message I recieved.

From: love

How's your first day love?

I immediately typed my reply.

To: love

Good. Btw I missed you :(

It's been a week nung huli kaming magkita ni Alli, at iyon yung araw na hinatid niya ako dito sa Cavite. Dad bought a condo for me na malapit lang sa office para daw less hassle na sa biyahe. Mahihirapan kasi ako kung sa Manila pa ako manggagaling. Buti na lang at pumayag si Alli.

From: love

Same here love :( take care yourself there just call me if you need anything.

I typed my reply on him before I started doing my work. Sobrang dami! Akala ko kapag CEO ka papirma pirma ka na lang sa mga papel, hindi pala ganun yun.

Muntikan ko na ring makalimutan na kumain ng lunch kung hindi pa nagtext si Alli sa akin ay hindi ko maaalalang kumain. The whole day was so tiring hawak ko ang aking batok habang papalapit sa aking sasakyan, my driver is waiting me there.

I opened the door of the car on the front seat at saka pumasok at umupo roon, hindi ko na nagawa pang magseatbelt dahil ipinikit ko na kaagad ang aking mga mata para matulog dahil sa pagod.

"Your seatbelt Mam"

Hindi ko na sana iyon papansinin ng mapansing pamilyar ang boses na iyon, and even his smell. What the hell!

I immediately opened my eyes and there I aaw Alli, I pinched his cheeks, just to make sure that he's real and when he react on it, I immediately gave him a tight hug. Naramdaman ko naman ng halikan niya ako sa aking ulo.

"Bakit di mo sinabing ikaw ang susundo sa'kin?" nakangusong tanong ko sa kanya ng maghiwalay kami sa pagkakayakap sa isa't isa.

"Surprise" dapat ay sinabi niya iyon ng may energy but he didn't, he said it in monotone instead. Gosh this guy! Pinagbigyan ko na lang dahil mukhang pagod na siya, bakit kasi bumiyahe pa siya eh ang layo layo nito.

We just decided to go to my condo, dumaan muna kami sa isang fastfood restaurant  para umorder ng pagkain at ng hindi na kami mag aksaya pa ng oras para magluto dahil parehas na rin kaming pagod.

"Sobrang nakakapagod siya love, as in sobrang dami nung papeles na ginawa ko kanina" pagkekwento ko kay Alli habang inihahanda ang binili naming pagkain, habang siya ay naroon sa sofa hindi ko alam kung nakikinig pa ba sa akin o tulog na.

"Then quit" hindi pa pala tulog dahil nakakapagsalita pa siya.

"Huh? Anong quit ka diyan? Hindi basta basta ang pagiging CEO love, kaya hindi ako magququit, for sure makakapagadjust din naman ako eh" sambit ko at saka lumapit sa kanya, he just shrugged his shoulder na parang wala siyamg alam sa sinasabi ko. "Tanggapin mo na kasi yung offer ng Daddy mo para magets mo yung sinasabi ko" I joked. Dahil alam ko namang ayaw niya ng ideyang iyon.

Malaki ang galit ng lalaking ito sa business malamang ay dahil hindi pa rin siya tinitigilan ng kanyang Daddy tungkol sa business nila. Kaya mabuti na lang at napilit ko siyang pumayag ng tanggapin ko ang offer ni Daddy.

"Sabi pa ni Mrs. Pontilla yung isa sa mga investors namin, anlaki daw ng potential ko as CEO" pagmamalaki ko pa kay Alli habang kumakain kami. Nakikinig lang siya sa akin at paminsan minsan ay tumatango rin sa sinasabi ko. "Sabi pa niya mabuti daw at tinanggap ko yung position na yun kasi bibihira daw yung nabibigyan ng ganun kalaking opportunity, kaya lang kailangan ko pang matuto" dagdag ko pa.

Dapat ay sa condo siya matutulog at magpapalipas ng gabi pero hindi pa man kami nakakatulog ay nakatanggap siya ng tawag mula kay Andrew kailangan niya daw bumalik sa Manila. Pipigilan ko pa sana siya dahil mukhang pagod na siya pero sabi niya ay okay lang daw.

"Babalik ako"

That was what he said before he left. Kaya naman araw araw akong naging excited habang naghihintay sa pagbisita niya. Pero lumipas ang ilang linggo at buwan ay puro text at tawag niya lang ang dumadating. Mga dahilan niya kung bakit hindi niya ako napupuntahan,  na hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba.

Love, may emergency lang

Bawi ako next time love

May inaayos lang ako love

Pero pinili kong paniwalaan.

"Ma'am marami pong salamat napakalaking tulong po ng perang ito para sa pagpapagamot ng aking anak" naiiyak na sambit sa akin ni Tita Sally, isa sa mga empleyado namin dito sa kompanya. Umabot kasi sa akin na may sakit ang kanyang anak kaya nagpaabot ako ng kaunting tulong.

"You're welcome po, basta kapag kailangan niyo po ng tulong magsabi lang po kayo" I said bago ako lumbas doon sa area nila, may ilan pang empleyado amg bumati sa akin bago ako lumabas.

At iyon ang pinaka nagpapasaya sa akin sa trabahong ito, sa tuwing bibisitahin ko ang mga empleyado namin sa kani kanilang area. Nagkakaroon kasi ako ng chance para mas makilala sila at dahil doon ay mas napapalapit ang loob namin sa isa't isa.

Pagkarating ko sa aking office ay kaagad kong binuksan ang cellphone ko to check if Alli messaged me today. Hindi siya nagtext kahapon kahit tawag wala. Is this how LDR works? Haysstt, I missed him so much!

I initiated to call him first this time, wala eh kung siya ang hihintayin kong tumawag parang naghihintay lang ako sa wala.

Nagriring lang ang cellphone niya at walang sumasagot papatayin ko na sana ang tawag ng may biglang sumagot sa kabilang linya.

[Hello]

Hindi niya boses iyon.

"Hello, Amber" I said with my soft voice, pero nagtataka kung bakit si Amber ang sumagot ng tawag. "Where's kuwa?" I asked. Matagal pa bago niya iyon nasagot.

[Kuwa's with Sheena--] napatigil si Amber sa pagsasalita, pero hindi pa napuputol ang tawag. [Hey love] hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ng si Alli na ang nagsalita.

Hindi ako nagsalita, para kasing  bigla na lang nawala sa isip ko ang sasabihin ko sa kanya ng mapakinggan ko kay Amber na may kausap siyang babae. Wala naman sigurong lalaking Sheena ang pangalan diba? Nakakairita!

[love? May problema ba? Ba't ka napatawag?] sunod sunod na tanong niya.

"Bakit ayaw mo ba?" kunwari ay galit na sagot ko, dahilan para marinig ko ang pagbuntong hininga niya.

[Sorry love] malambing niyang sambit, pero hindi noon nabawasan ang inis ko. [I'm just busy]

"Yeah you're busy with Sheena" sarkastikong, sambit ko. Nagseselos ako bakit ba?

[Love, ngayon lang kami nag usap nun] he's trying to explain at naiintindihan  ko naman iyon at pinaniniwalaan syempre. I have so much trust on him.

Matagal pa bago natapos ang tawag dahil sobrang dami kong ikinuwento sa kanya at nasabi niya rin na yung emeergency ng nangyari ay nung mahospital si Amber, okay naman na daw ngayon.

Tho malayo kami sa isa't isa masaya pa rin ako dahil naaayos pa rin namin kung ano man yung hindi namin pagkakaintindihan. Tiwala lang talaga at syempre dapat hindi mawala ang communication.

Naging maayos ang takbo ng kompanya sa mga sumunod pang buwan, and I am very happy because Dad recognized that and of course my effort as well. Dahil doon ay mas lalo akong ginanahan sa trabaho ko, sobrang naging hands on ako sa pagpapatakbo ng business, na kahit maliliit na details nito ay hindi nakakalagpas sa akin.

"Ma'am hindi pa po ba kayo uuuwi?" my secretary suddenly ask when she entered in my office. I look at her before turning my gaze to the wall clock .

What the hell!

9:38 pm na pala, hindi ko na namalayan ang oras sa sobrang dami kong ginawa.

"You can go home na, uuwi na rin ako" pagkalabas niya ng office ay saka naman ako nag ayos ng aking mga gamit. At don ko lang napansin ang cellphone ko na napakarami ng messages at missed calls.

love 43 missed calls

love 24 messages

Gosh! Kahit ang mga tawag at text ni Alli ay hindi ko rin nasagot. Kaya kaagad kong dinial ang number niya, para tawagan siya to aak what happened.

But he didn't answered his phone nagriring lang iyon. Baka nasa gig! At ng wala na talagang sumagot sa tawag ay nagpasya na akong umuwi, dahil sobrang late na rin talaga. Bukas ko na lang siya tatawagan ulit.

Pero hindi niya pa rin sinasagot ang tawag hanggang sa hindi ko na siya macontact, bigla tuloy akong kinabahan. Kaya naman tinawagan ko na yung ibang friends namin, sina Ayen. Pero hindi rin daw nila alam.

Ano ba kasing nangyayari?

Kaya naman napagdesisyonan ko ng umuwi sa Manila, dapat ay second week pa ng December ako uuwi pero napaaga dahil sa pag aalala ko kay Alli. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko habang nasa biyahe, inis, kaba, pagod, ewan ko naghalo halo na sila.

Lalo pang nadagdagan ang inis ko ng maipit ako sa traffic, haayyy buhay nga naman kung kailan ka nagmamadali tsaka ka naman maiipit sa lintek na traffic. Actually mukha ng parking yung daan. Sa totoo lang talaga!

While on traffic I browsed on social media, and there  I saw Rio's IG story, sa aming lahat siya lang talaga ang mahilig magpopost, which is not bad kasi marami naman siyang followers. His story is a picture of the four of them sa loob ng kotse.

On our way to Dim

That was 32 minutes ago, so possible na narooon pa rin sila ngayon. I searched for their location para doon na tumuloy, plano ko pa sanang umuwi pero baka hindi ko na sila maabutan kung dadaan pa ako sa bahay.

After how many fucking hours ay nakapagdrive din ako ng tuloy tuloy. Nagmamadali kong pinark ang sasakyan ko at saka pumasok sa loob. Una kong nakita sina Rio, Andrew at Ken na mukhang nagulat rin ng makita ako roon.

Agad hinanap ng mga mata ko si Alli at ganun na lang ang paglaki ng mga mata ko ng makitang hawak hawak niya sa kuwelyo ang isang lalaki, galit na galit. Sinubukan pa siyang pigilan ni Rio pero mukhang ayaw niyang paawat. Pabalya niyang binitawan yung lalaki ng may ibinulong sa kanya si Ken. 

Saka lang siya tumingin sa direksiyon ko at hindi ko alam kung anong emsyon mayroon ang mga mata niya. Ngayon ko lang siyang nakitang ganoon.

Galit na galit.

——————————————————————

Thank you🤗