Chereads / A Love Unsung / Chapter 19 - Chapter 18

Chapter 19 - Chapter 18

"Saya natin ah" sambit ni Ayen sa akin pagkalabas niya ng kanyang kwarto, nakabihis na at handa ng pumasok sa school, ganoon din ako. Nauna nga lang akong matapos sa kanya dahil magands ang mood ko ngayon.

Dumeretso si Ayen sa kusina para magtimpla ng kape niya, pareho kasi kaming hindi palabreakfast, kape lang solve na ang umaga naming dalawa. But I don't think it's healthy tho!

"Hoy Ydha, kapag umubob ako alam mo na yun huh" pagpapaalala niya na naman sa akin, kagabi pa niya paulit ulit na sinasabi yun. Dahil ngayon ang exsm namin at feeling niya daw ay makakalimutan niya mamaya lahat ng nireview niya.

Madali naman niya akong napapayag dahil nga maganda ang mood ko ngayon. Bakit? I don't know, basta! Siguro ay dahil naging okay na kami ni Alli kagabi. At hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang nagsorry siya. Sabi niya kasi noon ay hindi daw siya maalam noon.

In your face Alli!

"Ayy di naman ako nainform na may driver na pala tayo ngayon" nang aasar na sambit ni Ayen pagkalabas namin, naroroon kasi si Alli nakasandal sa sasakyan niya, habang naghihintay sa amin.

"Hindi rin ako nainform na kasama ka pala" sarkastikong saad naman ni Alli dahilan para mapaismid si Ayen. Hindi talaga sila magkasundo dahil parehas ayaw magpatalo, mga pikon naman.

Sa halip na pansinin si Alli ay nagderetso na si Ayen sa loob ng sasakyan nilakasan pa niya ang pagsara ng pinto noon, para asarin si Alli.

"Sorry" paghingi ko ng pasensiya lay Alli I also made a peace sign, nginitian niya lang ako bilang sagot at saka ipinatong sng kanyang kamay sa aking ulo at bahagyang ginulo ang buhok ko.

Pinakasuklay ko pa naman yun ng ayos kanina!

"It's okay mas malala pa diyan ang kapatid ko" parehas kaming natawa sa sinabi niya. Tama siya parehas ngang may pagkaweirdo si kuya Arix at Ayen, silang dalawa yata ang magkapatid.

Inihatid kami ni Alli sa school, I told him that he don't have to do that pero nagpumilit pa rin siya, pinagbigyan ko na lang maybe that's one of his ways on courting a girl. Gosh! until now I can't still believe na nililigawan niya ako!

"Thank you" pagpapasalamat ko pagkarating namin, kasalukuyan kami ngayong nasa may harap ng gate. Habang si Ayen ay naroon na at nakikipagdaldalan sa isa naming kaklase.

"No problem, by the way.... Uhmm mamaya?" I almost laugh after he talked. He looked so shy while talking, napakamot pa siya bahagya sa kanyang noo.

Hindi ko alam na marunong  pala siyang mahiya!

I nodded on him as my answer nagpaalam na rin ako sa kanya at saka tuluyang pumasok sa school, sumunod na rin sa akin si Ayen kasabay pa rin niya iyong isa naming kaklase na si Karen, nagdadaldalan sila sa likuran ko.

"Oo may girlfriend na yun!" rinig kong sambit ni Karen, malamang ay lalaki na naman ang topic nila. "Diba Ydha?" baling niya naman sa akin dahilan para lingunin ko sila at maoatigil sa paglalakad.

"Huh?" naguguluhang tanong ko.

"Yung utak mo nasa kalawakan na naman lumulutang" sarkastikong ani Ayen.

"Hindi! Di ba Ydha may girlfriend na si Joshua?" tanong ulit ni Karen. Joshua? Yung team captain ng basketball team ng school namin.

"Hindi ko alam" sagot ko sa kanya. Hindi ko naman kasi kilala ang lalaking iyon sikat lang siya sa buong school kaya ko siya nakilala.

"Anong hindi? Edi ba yung kapatid mo ang girlfriend niya? si Yesha!" gulat kaming napatingin sa kanya ni Ayen dahil sa kanyang sinabi, kaya pati siya ay nagulat din sa naging reaksiyon naming dalawa."Hindi mo alam?" tanong niya pa sa akin.

Hindi ko alam. Dahil ang alam ko ay engage na siya, pero papaanong nangyari na may boyfriend siya? Does Dad knows about it? Obviously no, dahil baka pare parehas kaming malintikan if that happens.  I need to talk to Yesha.

But before that I need to focuse on our exam today, it's our midterm examination for the last sem and after this ojt naman ang paghahandaan namin. And of course the graduation day!

Maayos ko namang nasagutan lahat ng exams ko ngayong araw, medyo nadidistruct lang talaga ako kapag nakikita kong umuubob si Ayen, cause it only means na kailangan niya ng sagot, napatulad ko naman siya sa ilang subject kaso pagdating sa accounting, akalain mong umubob na lang siya ng umubob, nakalimutan niyang talaga ang pinag aralan namin. Bwiset.

At ng matapos na ang exam ay para na naman kaming mga lantang gulay pagkalabas namin ng aming classroom. Pero agad rin naman akong nakaramdam ng sigla ng maalalang may date nga pala kami ni Alli. What the hell!

I immediately turned my phone on when it rang, I was smiling while reading the message.

From: Alli

See u later :)

I also typed my reply , before putting the phone back inside my bag, while Ayen is just there in front ,busy on  watching me.

"What?" I asked when she remained on straring at me. Medyo awkward tuloy, Inayos ko pa yung mukha ko dahil baka may dumi doon kaya niya ako tinitingnan. "Hoy ano ba, ba't ka nakatitig sa'kin?"

Noon lang siya natinag sa pagtitig ng laksan ko na ang boses ko at saka ginalaw galaw ang kamay ko sa harap ng mukha niya. Agad niya rin naman iyong ibinaba, looking a little annoyed sa ginawa ko.

"Wag ka ngang assuming, hindi ikaw ang tinitigan ko" pagpapaliwanag niya sa akin. "Siya" napatingin din ako sa direksiyon na kanyang itinuro. And there I saw Yesha, kalalabas niya lang din ng classroom with her friends. "Totoo kayang sila nga ni Joshua?" tanong ni Ayen, hindi ko naman inalis ang paningin ko doon kay Yesha.

"I don't know, pero kung totoo man yun, Dad will surely get mad"

Naiisip ko pa lang ay natatakot na kaagad ako sa maaaring mangyari sa amin. Hindi pa mandin magandang magalit si Daddy.

After that ay nagpaalam na si Ayen sa akin para umuwi, while I was waiting here for Alli, nagteext siya sa akin na baka daw malare siya ng kaunti dahil may gig pa daw sila.

Kaunting minuto rin lang naman ang hinintay ko dahil dumatung na rin siya. He immediately  smike on me ng makalabas siya sa sasakyan niya. He opened the door for me at saka siya umikot at buinuksan ang pinto doon sa driver seat kung saan siya uupo.

"Are you done with your gig?" tanong ko sa kaniya habang nasa daan kami. Umiling lang siya sa akin bilang sagot dahilan para mapaisip ako. Hindi pa pala tapos eh bakit nandito na siya? "Then why are you here?"

Mukha namang nagulat siya sa tanong kong iyon, he looks at me before turning his gaze again to the road. "Obviously because of our date" nakangiti pa niyang sagot. I smiled on him , I didn't expect that our first date would be that important for him than his gig.

But of course I know how much he love music!

"Where we will go?" tanong ko ulit sa kanya. Wala kasi siyang sinabi kung saan kami pupunta, hindi niya rin naman ako tinatanong.

"Ikaw san mo ba gusto?" he asked me. Buti na lang at wala pa siyang planong lugar na pupuntahan namin. Dahil may maganda akong plano.

"On your gig" nakangiting sagot ko sa kanya. Napatingin din siya sa akin, nagtataka sa naging sagot ko. "What?" tanong ko sa kanya ng hindi pa rin inaalis ang paningin sa akin. "Focus on the road Mr. Rivera, baka maaksidente tayo" agad rin naman niya iyong sinunod, while still looks in disbelief.

Ano bang nakakagulat sa sinabi ko?!

Mabuti na lang at hindi siya umangal, malamang ay dahil gusto niya rin ang ideyang iyon. Tss. May ngiti sa mga labi ay nagpatuloy siya sa pagmamaneho hanggang sa makarating na nga  kami sa isang bar.

"Are you sure about this?" nagsisiguradong tanong niya sa akin. At para hindi na siya magtanong pa ay nauna na akong lumabas sa sasakyan, he followed me then.

It was a resto bar  where we entered, hindi naman ganun karami ang tao sa loob, sakto lang. I was shocked when Alli held my hand and guided me to walk in front, kung saan naroroon ang mga kabanda at kaibigan niya, na kasalukuyan ng inaayos ang gagamitin nilang mga instrument.

Nagulat rin sila ng makita kami ni Alli, pero napalitan iyon ng mapang asar na ngiti at tingin ng makita nila ang pagkakakapit ni Alli sa aking kamay. Akma ko naman iyong aalisin ng mas lalo lang higpitan ni Alli ang pagkakakapit doon.

"You can sit here" aniya saka ako pinaghila ng isang upuan sa may unahang table, wala namang ibang nakaupo doon kaya mag isa lang ako. After that he immediately went to his bandmates, nag usap pa sila at nagtawanan bago tuluyang umakyat sa stage para tumugtog.

And when they already started, wala na akong ibang nagawa kundi ang humanga sa kanila.....sa kanya!

Kahit maputi na ang buhok ko at Ligaya ang kinanta nila. Tho it's already common for some other bands, I still found their performance unique, maybe because it all came from their heart. And it touches the heart of their listeners.....of me.

I thought they are having a concert the way they performed on stage. I can't stop myself from smiling while listenong to Alli's voice as he is the vocalist of their band. There are tines na napapapikit pa siya dinadamdam sng bawat lirikong lumalabas sa bibig niya.

And I really enjoyed watching them!

I wouldn't be surprise if they will become successful someday because of their talent and passion. By simply looking at their eyes especially Alli's I can see how much he was dedicated to what he's  doing.

He really has bright future on music!

Right after their performance, his bandmates already went home cause it's way midnight already.  While Alli is now currently driving, mukha siyang pagod dahil siguro sa sunod sunod na gig nila. Ako naman guloy ang nakonsensiya dahil dapat pala ay sa ibang lugar na lang kami pumunta para kahit papaano ay nakapagpahinga siya.

"Sorry" I apologyzed to him na ipinagtaka niya. "I mean, we should have go to other places so you can rest" pagpapaliwanag ko pero bahagya lang siyang natawa doon.

"Don't worry I'm not tired" he sounded so convincing kahit halata namang pagod siya. Kaya hinayaan ko na lang mukha namang naenjoy niya rin yung mga nangyayari. "Ako dapat ang mag aalala" dagdag pa niya dahilan para tingnan ko siya ng nagtataka, napansin naman niya kaagad iyon . "I want this night to be  memorable for you, just like how it is for me" nakangiting aniya pa.

Yes it is Alli!, and I will always treasure this night, our first date, the two songs you've sung and  the third time I've seen you performed, That makes me feel the four letter word, that I never felt before.

L O V E

and I want it to last forever.....

__________________________________________________

Thank you🤗