I immediately get my phone on my pocket when it vibrates. Buti na lang at nakasilent iyon dahil nasa kalagitnaan kami ng klase. Nakatuon ang atensiyon ng lahat sa proffesor namin na nagdidiscuss sa unahan. Kaya pasimple kong binuksan ang cellphone ko para makita yung message. A smile suddenly plastered on my face when I got to know who sent me a message.
From: Alli
Eating my lunch, how about you?
Para
may biglang kumiliti sa puso ko pagkatapos kong basahin ang message niya, wha the hell! Halos isang linggo at kalahati na niya itong ginagawa sa akin huh!
Matagal bago ko maisend ang reply ko sa kanya dahil paminsan minsan ay napupunta sa direksiyon ko ang paningin ng aming professor,mahirap na at baka mahuli ako!
To: Alli
Class atm. Lunch later :(
Binalik ko kaagad ang cellphone ko sa bag pagkasend niyon. Ang sama kasi ng schedule namin ngayon, dahil may klase kami tuwing lunch time kaya naman kung hindi napapaaga ay nalalate kami sa pagkain.
1:30 pm na ng matapos ang klase namin. Mukha naman kaming mga lantang gulay ng makalabas na ang aming proffesor, malamang ay dahil gutom na o kaya naman ay dahil sa napakahabang discussion na naganap.
"Hoy, tara na" bigla ay yaya sa akin ni Ayen, I look at her with confused eyes dahil wala naman kaming napag usapan na may lakad kami after class.
"Saan?" I asked.
"Ayyy baka sa Mars susukatin natin ang gravity dun, medyo boring dito sa earth eh" walang kwenta niyang sagot sa akin dahilan para ismiran ko siya. Tinatanong ng maayos eh!
"Seryoso kasi" medyo naiinis kong sambit sa kanya, pero tinawan niya lang ako.
"Sabi mo , tuturuan mo ako sa accounting?" pagpapaalala niya sa akin. Pinangakuan ko nga pala siya na tuturuan ko siya sa accounting noong nakaraang araw dahil ako ang kinakabahan sa grades niya.
Maayos naman ang grades niya sa ibang subject talagang sa accounting lang siya nahihirapan. Kung alin pa ang major ay dun pa siya babagsak. Tsk.
"O ayan kapag ganyan ang given na transaction idedebit mo ito" pagtuturo ko sa kanya, nasa Jessie's kami ngayon dito na kasi ang nakasanayan naming tambayan kapag walang klase o tuwing nagrereview. Medyo marami ring estudyante ang nasa loob, nag-aaral din tulad namin, next week na kasi ang exam.
"Mali kukunin mo muna yung thirty percent niyan, hindi mo ilalagay lahat" I corrected her, mukhang naiinis na siya kasi paulit ulit ako ng turo sa kanya. Kasalanan naman niya iyon kasi hindi siya nakikinig ng ayos sa akin! "Oh bakit nasa credit side? Sa debit dapat y--!"
"Ayy pucha, ang hirap naman! Magshift na lang kay ako-- aray ko sakit nun ha!"
Binatukan ko siya!
"Anong magshishift? Dalawang buwan na lang gagraduate na tayo, bakit magshishift ka pa?" tanong ko sa kaniya.
Ilang beses na rin niyang binalak iyon, pero hindi mayuloy tuloy dahil ayaw niya daw mahiwalay sa akin, baka daw lalo siyang hindi makagraduate kapag hindi niya ako magiging kaklase. Malamang dahil ako lang naman ang nagpapatulad sa kanya.
"Kain muna tayo" ani Ayen, habang hinihimas himas ang kanyang tiyan, tumango lang ako sa kanya, baka kasi kaya hindi niya maintindihan ang itinuturo ko sa kanya ay dahil sa gutom na siya.
Siya na ang nagvolunteer na umorder para sa aming dalawa, ganun naman parati ang nangyayari at pagkatapos ay siya din ang magbabayad, nagagalit pa siya kapag inaabutan ko siya ng pera pambayad.
Natigil ang pagmumuni muni ko sa paligid ng tumunog muli ang aking cellphone. Wala pa man ay nakangiti na ako habang kinuha iyon sa bag ko lalong lumaki ang pagkakangiti kong iyon ng mabasa ang message.
From: Alli
Tapos na class?
I immediately typed my reply to his message.
To:Alli
Yup, how about you?
He replied instantly,
From: Alli
I don't go to school
Oh yeah, I forgot, graduate na nga pala siya at sa America pa huh! Nabanggit niya sa akin yun noong nakaraang araw when he called me in the middle of the night, tinatanong niya kung tuloy ang date namin sa friday but unfornately hindi iyon matutuloy dahil may exam kami nang aeaw na iyon.
From: Alli
We're here at 3A :)
Nitong mga nakaraang araw ay madalas noya rin akong inaupdate tungkol sa kanya, kung nasaan siya, o kung anong ginagawa niya kahit hindi ko naman talaga tinatanong. But I found it sweet tho!
"Ayyy baket ngumengete?" nang aasar na tanong sa akin ni Ayen pagkalapag niya ng pagkain sa lamesa namin. I just rolled my eyes on her, maayado akong masaya mgayon para patulan pa siya.
"Ayen can we go to 3A after this?" tanong ko kay Ayen habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain. Pinanglakihan niy naman ako ng mata na para bang gulat na gulat siya sa sinabi ko. She even drink her water befere she speaks.
"Ano namang gagawin natin dun?" nagtatakang tanong niya at saka muling kumagat sa tinapay niya.
Wala naman akong maisagot sa kanya, hindi ko pwedeng sabihin na dahil naroon si Alli kaya gusto kong pumunta doon, dahil siguradong aasarin niya lang ako. Kaya inilingan ko na lang siya at nagpatuloy na lang sa pagkain habang nagiisip ng idadahilan ko sa kanya.
"Music session. Hindi ba tayo aatend ngayon?" I tried to pursuade her and I think that's a good reason dahil hindi siya tumatanggi kapag music na ang pinag uusapan.
"Walang session ngayon, kahit kailan hindi ka talaga updated no?" she anwered back. Para naman akong nawalan ng pag-asa dahil doon, but I'll try pa rin.
"I missed ate Leah na" I pouted, to convince her more. Bakit ba ang hirap niyang yayain sa 3A? Dati rati siya pa ang unang nag aaya sa aming dalawa ah.
"Si ate Leah talaga ang namimiss, o si Alli?" nagdududang tanong niya sa akin.
"Huh? Hindi no? Bakit ko naman mamimiss ang lalaking yun?" I lied. Inismiran niya lang ako mukhang hindi naniniwala sa akin.
"Oh edi sige, mukhang masaya nga sa 3A ngayon, nakita ko story ni Ken eh" sambit niya. I celebrate silently because of that, but it faded slowly ng iharap niya sa akin ang cellphone niya, I saw Ken's IG story there.
"Maybe, we can go home na lang, I forgot that we still need to study pa pala" my mood suddenly changed because of Ken's story. It's their picture, silang magkakaibigan syempre kasama si Alli doon, at nasa 3A nga sila, pero ang hindi ko nagustuhan ay ang mga babaeng kasama nila doon.
Mukhang masaya naman sila!
Nakangiti silang lahat sa camera , apat na lalaki at apat na babae, mukha silang mga loveteams doon dahil magkakaakbay pa sila at nakahawak pa sa bewang ng mga babae
What the hell!!
"Hoy iba na yan huh!" singhal sa akin ni Ayen habang tinutro pa ang mukha ko. "Selos kaagad wala pa namang label" dagdag pa niya na lalong nakapagpasama ng loob ko.
Kailangan pa ba ng label para magselos? At tsaka hindi naman ako nagseselos ,naiirita lang ako!
Dahil doon ay napagkasunduan na naming umuwi pero bago iyon ay dumaan muli kami sa plaza. Talagang hindi yata mabubuo ang ara namin kapag hindi kami dadaan dito para kumain ng street foods.
"At heto nga kami ngayon, kasalukuyang nakaupo sa damuhan habang kumakain ng fishball at kikiam. Iisa lang ang pinaglalagyan noon at naghahati lang kaming dalawa, makapal lang ang mukha nitong pinsan ko dahil ako na ang nagbayad ako pa ang pinaghawak niya.
Sabay naman kaming napagingin sa cellphone ko ng tumunog ito, kukunin ko na sana pero hindi ko tinuloy ng makita kung sino ang tumatawag.
Alli....
"Ba't di mo sinagot?" nagtatakang tanong ni Ayen ng matapos ang tawag.
"Namatay na eh" palusot ko. "Aray ko!" agad ay singhal ko sa kanya ng batukan niya ako, muntikan pa tuloy matapon yung sauce ng fishball at kikiam.
"Alam mo ang bobo mo! Hindi ko alam kung ginagamit mo ba yang utak mo wala ka lang talaga nun--" napatigil siya sa pagsasalita ng tumunog muli ang cellphone ko.
Alli..
Agad kong inalis ang paningin ko doon, walang balak na sagutin ang tawag niya pero biglang nalaki ang mga mata ko ng si Ayen ang kumuha noon at sinagot ang tawag.
"Ooyyy...." napapikit na lang ako ng tuluyan na nga niyang sagutin iyon. Nanatili na lang akong tahimik sa gilid.
[Bakit ikaw ang sumagot?] I just rolled my eyes when I heard Alli's voice over the phone. Tapos na ba silang magsaya kasama iyong mga babae kaya siya tumawag?
"May problema ka ba sa boses ko at parang ayaw mong marinig" sarkastikong ani Ayen. Naiimagine ko na ang reaksiyon ni Alli dahil doon, malamang ay naiinis na siya, maiyamutin kasi ang isang yun.
[Oo meron] walang pag aalinlangang sagot ni Alli. [That's why give the phone to her] mababanaad na sa boses niya ang pagka inis.
"Eh pano kung ayaw ko?" pagmamatigas ni Ayen, napangiti na lang ako sa kanya dahil doon, dahhil this time ay sinusuportahan niya ako.
"Then leave" sabay kaming napalingon ni Ayen sa likuran namin, kung saan nagmula ang boses na iyon. Gulat na gulat.
Walang makapagsalita sa amin ni Ayen habang nanlalaki ang mg matang nakatungin kay Alli. He's standing there, raising his eyebrows on us. At saka niya lang ibinaba ang cellphone niya, kinuha ko rin kay Ayen ang cellphone ko dahil hawak niya pa rin iyon sa may tenga niya.
Agad ring siyang nagpalam sa akin ng pagtaasan siya ng kilay ni Alli, pinapaalis siya. Wala naman akong nagawa kundi ang manatili sa kinauupuan ko, tinalikuran ko na rin si Alli, kaya naman naupo siya sa tabi ko. But I still not talking to him.
"What did I do?" tanong niya. That's why I looked to him not knowing what to say. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya na nagseselos este naiirita ako sa kanya. Hindi na lang ako umimik.
"Have you eaten dinner already?" tanong niya ulit, bakit naman kaya parang biglang lumambing ang boses niya? Kanina nung si Ayen ang kausap niya ay para siyang sasabak sa giyera.
"Hmmm" yun lang ang isinagot ko, dahilan para mapabuntong hininga siya, mukhang sinusubukang pahabain ang napaka ikli niyang pasensiya.
"I didn't know what did I do for you to treat me like that.... But I'm.... Please talk to me Ysabelle"
Lalo naman akong nainis ng dahil sa sinabi niya. Hindi talaga siya marunong magsorry huh! The pride of this man!
"Uuwi na ako gabi na" sambit ko. Atleast I talk, pinagbigyan ko siya. Akma na sana akong tatayo ng pigilan niya ako , hinawakan niya ako sa braso dahilan para mapaupo muli ako. "Ano?" naiinis kong sambit sa kanya.
Hindi ko din alam kung bakit?
"What's wrong?" tanong niya ulit sa akin, halata namang naiinis na rin siya pero pinipigilan niya lang.
"Wala, walang wrong" pakikipagtalo ko sa kanya.
"Then why are you acting like that?" tanong niya sa akin.
Ang kulit!
"Like what?" I return his question to him.
"Like I did something wrong" he answered.
"Wala akong sinabing may ginawa ka, ikaw lang tong nagpupumilit" I roled my eyes on him getting annoyed so much with him. Hindi na siya nagsalita matapos nun.
Ilang minuto ring walang nagsalita sa aming dalawa, we're just there sitting. Mg makailang minuto pa ang lumipas ay nagdesisyon na akong umalis. This time hindi na niya ako pinigilan. Pero nakakailang hakbang pa lang ako ay nagsalita si Alli.
"Ydha"
Agad ko siyang nilingon, nakatayo na rin siya at naglalakad na papalapit sa akin. Hinihintay ko kung ano ang sasabihin niya. Bakit ba parang hirap na hirap siyang magsalita at hindi niya masabi ang gusto niyang sabihin.
"I'm sorry"
__________________________________________________
Thank you🤗