Chereads / A Love Unsung / Chapter 16 - Chapter 15

Chapter 16 - Chapter 15

"Jusko sa wakas , sa tinagal tagal ng panahon nakapagbalance din ako" masayang ani Ayen, sa sobrang saya niya ang kulang na lang ay magpakain siya ng buong barangay. Naiintindihan ko naman siya dahil hindi nga ganoon kadali ang magbalance sa accounting.

"Buti naman at nabalance mo!" sambit ko dahilan para madagdagan na naman ang pagkabilib niya sa kanyang sarili. "Mahirap yun ah, fifty thousand three hundred fourty-five ang parehas na lumabas sa amin ni Aira, ganun din ba yung sa'yo?" tanong ko sa kanya. Kanina niya pang pinapagyabang sa akin na nakablance daw siya pero hindi naman niya nababanggit kung ilan iyon.

"Fifty thousand three hundred fourty-five?" nanlalaki ang mga matang tanong niya sa akin, tinanguan ko naman siya bilang sagot.

"Sabi ni Sir, ichecheck pa raw niya, kasi yung iba saktong sixty thousand ang sagot" dagdag ko dahil baka isa siya roon sa mga sumagot ng sixty thousand. "Ano bang nakuha mo?"

"Four hundred thousand eight hundred ninety-seven" nanlulumong aniya, dahilan para mapahagalpak ako sa pagtawa. Saan niya naman kaya nakuha yung napakalaking sagot niya at bakit iyon inabot ng hundred thousand? "Okay lang yun ang mahalaga nabalance ko, ang sabi naman sa direction ay ibalance daw, wala namang nakalagay na dapat fifty thousand three hundred forty five ang kalabasan" pangangatwiran pa niya.

Tulad ng normal na araw ay naging abala kami ni Ayen sa pagpasok sa mga subject namin. At mukha namang naka move on na siya doon sa sagot niya sa accounting kanina. Nagagawa na kasi niyang mang asar.

"Ayy nawa'y lahat may sundo" pagpaparinig niya sa akin ng bumungad sa amin si Alli pagkalabas namin ng school campus, nakasandal siya roon sa kaniyang sasakyan at deretsong nakatingin sa akin.

Medyo napaismid naman ako ng mapansing pinagitinginan siya ng ilang babaeng estudyante. Ngayon lang yata nakakita ng gwapo ang mga potek!

"Hey" nakangiting bati niya sa amin ng makalapit kami sa kanya. Pero syempre sisingit at sisingit sa usapan ang magaling kong pinsan.

"Hey boy gara ng kotse natin ah" mayabang niyang asta at saka lumapit doon sa sasakyan at bahagya iyong tinapik tapik, hinila ko rin naman siya agad papalayo doon para magtigil siya. Dahil kapag nabasag pa iyong sasakyan ay magbabayad pa siya.

"May pupuntahan ka pa diba?" kunwari ay pagpapaalala ko sa kaniya kahit wala naman talaga siyang pupuntahan dahilan para malito rin siya.

"Wala naman akong pupuntaha--"

"Sa plaza diba? Tutulungan mong magtinda ng fishball si Manong, sabi mo kanina diba?" pilit ang ngiti ko sa kanya habng binibigyan siya ng makahulugang tingin. Aangal pa sana siya pero mukhang nagets niya naman na ang gusto kong gawin niya.

"Ayy oo nga pala nakalimutan ko, kailangan ko ng 'umalis' at baka kailangan na ako ni Manong magfifishball, di naman kasi ako aware na working student pala ako..."

Patuloy lang sa pagdada si Ayen hanggang sa tuluyan na siyang umalis at makalayo sa amin.

"Pasensiya na " medyo awkward na sambit ko kay Alli. Tumango lang rin siya bilang sagot, wala na din naman siyang magagawa dahil ganun na talaga ang ugali ng pinsan kong iyon.

"Ano nga palang ginagawa mo rito?" nagtataka kong tanong sa kaniya. Minessage ko na kasi siya kagabi na hindi matutuloy ang date namin ngayon dahil may mahalaga akong pupuntahan at tsaka para hindi na siya mag abala pang sunduin ako. Pero heto pa din siya at nasa harapan ko ngayon.

"Nothing, I just want to see you" he said that very smoothly, so I have to hide my smile and pretend that it didn't affect me.

"Uhmmm, so can I leave na?" I ask him, tumango lang siya pero mukhang may gusto pa siyang sabihin sa akin, pero nahihiya siyang magsalita. Napakatorpe!

"Don't worry, let's reeschedule it na lang, maybe friday, basta kung kelan ka free" sobra sobrang lakas ng loob ang hinugot ko para masabi ang mga salitang iyon. Feeling ko kasi iyon din ang gusto niyang sabihin kaso nga nahihiya siyang magtanong, kaya ako na ang nagsabi.

Gusto ko rin naman kasi!

Tulad dati ay sinundo rin ako ng mga tauhan ni Daddy, dumaam muna kami sa bahay para makapg ayos ako ng aking sarili. Nakahanda naman na ang isusuot ko kaya madali rin lang akong natapos. It was just a simple peach dress partnered with a silver heels.

Halos mapatalon naman ako sa gulat ng makasabay ko si Tita Amy , kalalabas niya rin lang kasi sa kwarto nila ni Daddy, at tulad ko ay nakaayos na rin siya. I smiled on her and she returned it back to me, hindi nga lang mukhang natural.

"May ideya ka ba sa kung anong mangyayari mamaya?" bigla akong napatingin kay tita Amy ng magtanong siya sa akin,bibihira lang kasi iyong mangyari.

"W-wala po" I answered, hindi ko nga rin alam kung bakit kailangang umattend pa ako doon eh.

"Ikaw ang magpapatakbo ng business na iyon sa Cavite" ganun na lang ang paglaki ng mata at pag awang ng bibig ko dahil sa sinabi niya. Ako? Bakit ako?

"Tita--"

"Pero pwede bang tanggihan mo na lang iyon, Yesha is more deserving of that, at alam nating pareho kung bakit" pagkasabi niyon ay tinalikuran na rin niya ako kaagad at saka tuluyang lumabas ng bahay.

Napuno ng pag iisip ang utak ko habang nasa biyahe kami. Iisa lang ang sasakyang gamit namin. Pero kahit na nasa iisang sasakyan lang kami ay para bang nasa magkakalayong isla kami dahil ni isa ay walang nagsasalita. Si Daddy nakatuon lang sa daan ang paningin,ganoon din si tita Amy samantalang si Yesha naman ay busy sa hawak niyang cellphone.

I sighed heavily when I remember what tita Amy had told me earlier, ano naman kayang naisipan ni Daddy at ako ang gusto niyang humawak ng business na iyon? Akala ko ba ay kay Yesha niya ipapamana ang lahat ng business niya dahil sa engagement?

Haayyy napakagulo ng buhay!

Pagkarating namin ay kung sino sino kaagad ang sumalubong kayna Daddy at tita Amy. They are all wearing formal attire , nakikilala ko pa ang ilan dahil madalas ko rin silang nakikitang pumupunta sa bahay namin.

Hindi naman nagtagal ay nagsimula na rin ang seremonya, kasalukuyan ng nasa taas ng entablado si Daddy habang nagdedeliver siya ng kanyang speech. Kaya nakatuon sa kanya ang lahat ng atensiyon ng mga tao. Maliban kay Yesha na mukhang hindi nag eenjoy dahil katabi niya ang kanyang magiging fiance, pinagtaasan pa niya ako ng kilay ng mapansing nakatingin ako sa kanya. Kaya agad kong ibinalik sa unahan ang tingin ko.

"So it is my pleasure to announce the future owner of Catara Incorporated here in Cavite, my beautiful daughter, Ysabelle Dianne Alcantara" pagkasabi niyon ay agad nagpalakpakan ang mga tao habang ang paningin nila ay nasa sa akin ng lahat.

Pero hindi lahat ay masaya para sa akin, nakita ko kung paano nagsalubong ang dalawang kilay ni Yesha ng marinig niya ang announcenent na iyon ni Daddy habang si tita Amy naman ay naka poker face lang. Saka niya ako binalingan ng tingin, yung tingin na parang piapaalala niya sa akin lahat ng sinabi niya kanina.

Pero kahit gusto kong sundin ang sinabing iyon ni tita Amy ay parang hindi ko magagawa, lalo na ngayon kung kailan nakapagdesisyon na si Daddy. Pareho rin naming alam na ayaw ni Daddy na sinasalungat ang mga desisiyon niya.

"Ysabelle, would ypu mind go here im front and make your speech" nakangiti pero bakas amg pagiging maawtoridad ni Daddy ng sabihin niya iyon. Nakatingin na lahat ng tao sa akin ngayon ,hinihintay ang pagtayo ko, kaya naman kahit nagdadalawang isip ay tumayo ako at naglakad papalapit kay Daddy na naroroon sa tapat ng mikropono.

I even saw how tita Amy rolled her eyes ,same with Yesha. But I still force my face to smile ,kahit na peke iyon. The moment I step on the stage Dad momentarily gave me the microphone for my speech. Lalo naman akong kinbahan dahil wala akong nakahandang speech.

Anong sasabihin ko?!

I was feeling nervous while I am delivering my speech , nagpakilala lang ako and konting paechos lang, kaya natapos din kaagad. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapanowalang ako ang magpapatakbo ng negosyong ito!

Pagkatapos niyon ay nagpaalam muna ako para magrest room. Not because para magretouch ako o kung ano pa manag kaartehan, gusto ko lang talagang makahinga. Pakiramdam ko kasi ay parang isang palabas sa telebisyon ang nagaganap, hindi ko maintindihan kung sino ang mga totoo at nagpapanggap lang for the sake of their respective businesses.

Pero mukhang hindi magandang desisyon ang ginawa ko, because I saw Yesha the moment I enter on the rest, It seems like she's really waiting for me. Nakataas ang kilay niya sa akin at nararamdaman ko ang nagbabadyang inis at galit sa kanya.

This is why I don't like everything that's happening to me. Magkakabusiness nga ako pero siguradong tuluyan na kaming hindi magkakaayos nitong kapatid ko.

Pinilit kong hindi siya pansinin dahil alam kong hibdi magiging maganda ang patutunguhan kong ganun. Pero kahit ano yatang iwas ko ay talagang hindi siya papaawat.

"Seems like you're happy huh, what's the feeling of getting something na hindi mo naman deserve" nakataas ang kilay niyang tanong sa akin, habang nakakrus ang mga kamay sa kanyang harapan.

"Yesha, wala akong alam tungkol dun, it's on Dad" pagpapaliwanag ko sa kaniya, pinipilit ang aking sarili na kumalma.

"Oh do you really think na maniniwala ako sayo? Ang sabihin mo, pinilit mo si Daddy na ibigay sayo yun, pinairal mo na naman ang pagiging sipsip mo" sigaw niya sa akin, hindi ko alam kung bakit ganun na lang kasakit sa pakiramdam ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya.

Matapang akong tao, pero ewan ko kung bakit ang hina ko pagdating sa pamilya ko!

"Hindi kita pipiliting maniwala sa akin, kung iyan ang gusto mong paniwalaan sige lang, pero hindi ibigsabihin nun ay tama na lahat ng sinasabi mo" mariin kong sambit sa kanya at akma ng lalampas sa kanya ng bigla niyang higitin ang aking buhok.

Wala akong ibang nagawa kundi ang hawakan siya sa kanyang braso para pigilan siya sa pagsabunot sa akin. Pero hindi siya nagpatalo at sa halip ay mas lalo pa iyong nilakasan.

"Malas ka talaga sa buhay ko, wala ka ng ginawa kundi ang agawin ang lahat sa akin!" singhal niya habang patuloy sa pagsabunot sa akin dahilan para unti unti kong maramdaman ang pagsakit ng aking ulo.

"Yesha please tama na!" pagpipigil ko sa kanya pero mukhang wala siyang napapakinggan. Hanggang sa hindi ko na napigilan angvsarili ko ng magkaroon ako ng pagkakataon, ay itinulak ko siya papalayo, hanggang sa matama siya doon sa pader.

"Oh my God! Yesha anak!" ganun na lang ang pagkagulat ko ng makita si tita Amy na alalang alalang lumapit kay Yesha at inalalayan itong tumayo. Naroroon na rin ang ilang bisita ,nanonod sa amin.

"What did you do?" bigla ay galit na baling sa akin ni tita Amy.

"Tita hindi po ako ang nauna" pagpapaliwanag ko sa kanya.

"Ke sa nauna ka o hindi dapat ay hindi mo iyon ginawa! Paano kung tumama ang ulo niya sa pader at mawalan ng malay? Kahit kailan ay hindi mo talaga ginagamit iyang utak mo!" sunod sunod na sigaw ni tita Amy dahilan para makaramdam ako ng hiya dahil pinag titinginan at pinag uusapan na kami ng mga tao sa paligid.

"What is happening here?" lahat naman ng atensiyon ay nabaling kay Daddy na kararating lang. Lasynod niya ang ilang security na kasalukuyang pinapaalis na doon ang ilang tao.

"Pagsabihan mo iyang bastarda mong anak, wala ng dinala sa pamilyang ito kundi problema" asik ni tita Amy kay Daddy, dahilan para bigyan niya ako ng nagtatanong na tingin.

"Ano na namang ginawa mo?"

Hindi ko alam kung bakit bigla na lang nagunahan sa pagpatak ang mga luha ko ng dahil sa tanong na iyon ni Daddy. Bakit parang sigurado na agad siyang may ginawa ako na ako iyong may kasalanan kahit hindi naman talaga?

Ni hindi man lang ako binigyan ng pagkakataong magpaliwanag!

Dahil sa pagkapahiya ay dali dali akong umalis doon habang naguunahan pa rin sa pagtulo ang aking mga luha. I don't even bother to clean myself, malamang mukha na akong bruha dahil sa nangyari kanina. But that's not important, ang gusto ko lang ngayon ay makaalis sa lugar na ito.

Pagkalabas ng venue ay agad kong kinuha ang cellphone ko oara tawagan si Ayen, I search her on my contacts madali lang naman hanapin dahil nasa letter A siya. Pero dahil sa mgaluha ko ay hindi ko na magawang tingnan ng ayos ang screen ng cellphone ko.

"Ayen, get me out of here!" umiiyak na sambit ko pagkadial ko ng number ni Ayen. Alam naman niya kung nasaan ako kaya mapupuntahan niya ako kaagad. Pero agad akong napamaang ng iba ang sumagot.

"What happened?"

Si Alli. Noon ko lang din napansin na nhmber niya nga ang natawagan ko. Magkasunod nga lang pala ang name nila sa contacts ko at malamang ay yung kay Alli ang napindot ko sa halip na iyong kay Ayen.

"Hintayin mo ako, susunduin kita diyan!"

__________________________________________________

Thank you🤗