Chereads / A Love Unsung / Chapter 15 - Chapter 14

Chapter 15 - Chapter 14

"Okay, sadly to say but it's our last night here guys" agad nagsihimutukan sa lungkot ang mga kasamahan ko dahil sa inanunsiyong iyon ni kuya Arix. Dahil ito na nga ang huling gabi namin sa music camp. "So let's make it a memorable one" agad din naman kaming nabuhayan ng isigaw ni kuya Arix iyon ng pagkalakas lakas. Dahilan para magsigawan din amg ilang kasamahan namin.

Kasalukuyan kami ngayon naka ikot sa isang bon fire, iyon lang ang nagsisilbing liwanag namin roon, kaya naman medyo madilim amg paligid namin.

Hanggang sa magliwanag ang isang parte roon malapit sa amin na agad naka agaw ng atensiyon naming lahat. At ganun na nga lang ang paglaki ng aming mga mata sa pagkamangha dahil sa nakita.

Naroroon ang isang entablado na halos matabunan na ng usok, at nakakasilaw na mga ilaw. Ang ilan ay hindi na napigilan ang sarili na lumapit doon sa entablado ng may magsimulang tumugtog ng iba't ibang instrumento, pero hindi pa rin namin makita kung sino ang mga iyon dahil sa usok.

Kanya kanyang nagsitakbuhan ang lahat papalapit sa entablado at syempre hindi magpapahuli ang magaling kung pinsan, higitin ba naman ako bigla!

Nagpadala na lang ako sa paghigit niya sa akin, sa sobrang ingay at gulo ng mga tao ay hindi na maiinda pa ang pagkakabunggo bunggo, lahat ay gustong pumwesto sa harapan. Lalo na ng makilala na namin ang bandang naroroon sa entablado at tumutigtog. Isa sila sa pinakasikat at kilalang banda dito sa Pilipinas.

Nagsimula ng magsitalunan ang mga tao habang sumasabay sa pagkanta ng banda. Kung titingnan ang paligid ay para iyong isang open bar. Napakaraming tao ang nagwawala sa sobrang saya dulot ng musika.

Ng maramdaamn ko ang pagbitaw ni Ayen sa pagkakakapit niya sa akin ay agad akong naglakad patungo sa may bandang likuran. Masyado na aksing masikip doon sa una at hindi na ako makagalaw ng ayos.

Nakahinga kaagad ako ng maluwag ng makeating ako sa likuran at mula roon ay kitang kita ko kung gaano nagkakagulo ang mga tao s apagtalon at pagsabay sa musika. May ilan pang itinataas ang mga kamay. Hundi naman masama ang view sa pwesto ko dahil nakikita ko pa rin mula roon ang bandang tumutugtog.

Kaya hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pang mag unahan at magsiksikan doon sa unahan? Kita rin naman pala dito sa likuran!

Nabaling naman bigla ang aking paningin sa aking tagiliran ng may tumabi sa akin. Naka black na short siya at plain na white t-shirt lang pero sobrang lakas pa rin ng dating niya nakakiyamot!

"They're good huh!" napatingin akong muli sa kanya ng magsalita siya. Ganun na lang talaga ang lakas ng dating niya sa akin dahil kahit sobrang ingay ng paligid dahil sa malakas na tugtugan ay napapakinggan ko pa rin ang sinasabi niya. What the hell!

"Ang galing no!" sambit ko rin. Wala lang, mema lang bakit ba? Baka kasi sabihin niya na wala akong kwentang kausap, si Ayen lang ang may karapatang magsabi noon sa akin!

"Tinagalog mo lang yung sinabi ko eh" sambit niya saka bahagyang tumingin sa akin saka muling ibaling iyon sa entablado. Mukhang hangang hanga siya sa napapanood niya, base sa reaksiyon at pagkakatingin niya roon.

Humahanga siya eh ,mas magaling pa nga siya roon!

"That's my dream" sabi niya ulit, hindi ko na tuloy maintindihan kung anong nangyayari doon sa nagpeperform. Kaya naman tumingin akong muli roon para makita kung ano iyong ginutukoy niyang pangarap niya daw.

Ganun na lang ang pagkunot ng noo ko ng makitang may kinakantahan ng babae sa stage iyong lead vocalist ng banda, lalo pa iyong kumunot ng makilala ko iyong babae. "The girl in red huh!"

"What?" bigla ay nagtatakang tanong niya, nakatingin na siya sa akin ngayon mukhang naguguluhan sa sinabi ko.

Hindi naman niya kaagad sinabi na yun lang pala ang pangarap niya edi sana nagred na ako habang buhay! Bwiset.

"Anong...?"

"Wala, sabi ko napakaganda naman ng pangarap mo" singhal ko sa kanya at hindi ko na siya hinayaan pang makatapos sa dapat ay sasabihin niya. Parang nag iba naman kaagad ang miod ko, kanina kasi naeenjoy ko pang ang panonood doon sa banda pero ngayon ay hindi na. Hindi ko alam kung bakit!

"Yeah that dream of mine is really...maganda" at talagang diniinan niya pa yung huling salita. Maganda naman talaga yang pinapangarap mo, kaya lang wala yata siyang ibang kulay ng damit maliban sa pula. Next time ipagshoshopping ko siya, bibilhan ko siya ng mga damit, at sisiguraduhin kong lahat ng kulay sa rainbow ay bibilhin namin!

"Mas maganda yan kung hindi laging nakapula" wala sa sariling sambit ko. Mahina naman ang pagkakasabi ko noon pero narinig pa rin niya.

"Sinasabi mo?" naguguluhan na talgang tanong niya.

Ano nga bang sinasabi at iniisip ko? At tsaka kailan pa ako naging judgemental na tao? Ngayon lang, ngayon lang talaga, at hindi ko alam kung bakit Bwiset!

"Wal-"

"Wala" siya na ang magtapos sa daoat ay sasabihin ko. "You're always like that, and bakit parang disagree ka dun sa dream ko?" pang uusisa niya pa. Nahahalata niya rin siguro ako dahil sa ekspresiyon ko at dahil na rin sa mga sinasabi ko.

"Hindi mo naman kasi sinabi na ang pangarap mo pala ay babaeng nakapula, napakababa naman pala ng pangarap mo taas taasan mo naman" dere deretso kong sambit sa kanya. May halong pagka inis, pero sinubukan kong hindi ipahalata iyon sa kanya dahil baka kung ano pang isipin niyang dahilan kung bakit ako naiinis.

" Who told you that?" para namang naooffend na tanong niya sa akin dahilan para matigilan ako.

"Ikaw, sinabi mo kanina diba? 'That's my dream' " pangagaya ko pa sa kung papaano niya iyon sinambit kanina. Napabuntong hininga na lang siya at tumingun sa akin na paea bang disappointed na disappointed siya.

"Yung banda, yung banda ang tinutukoy ko hindi si Nicol--" medyo nag alinlangan pa siya kung sasabihin pa niya iyong huling salita..pangalan.

Okay na sana eh, kaya lang bakit kailangang banggitin pa ang pangalan ng babaeng iyon? At bakit niya alam ang pangalan nun? What the hell!

"I also want the world to hear my voice ,my song" madamdamin niyang sambit. Dahilan para mawala ang pagka inis ko at napalitan iyon ng paghanga. Ganun na lang pala talaga ang pagmamahal niya sa music.

"Oh eh bakit hindi mo gawin?" tanong ko sa kanya, kayang kaya naman niya kasing abutin ang pangarap niyang iyon, hindi ko lang alam kung anong pumipigil sa kanya.

"Ayaw ni Dad" maririnig sa boses niya ang lundkot ng sambitin niya iyon. Doon ko lang rin naintindihan ang sitwasyon niya. Gusto niyang mapakinggan ng buong mundo ang oag awit niya pero hindi siya suportado ng kanyang Daddy sa pangarap na iyon. Iyon din malamang ang dahilan kung bakit siya hinahanap nito.

"Ang unfair ng buhay no?" maya maya pa ay biglang sabit ko sa kanya dahilan para tumingin siya sa akin, nagtataka. "Kung sino pa yung mga taong dapat sana ay unang susuporta sa pangarap natin sila pa yung unang tumututol"

I looked down after I said that, naalala ko si Daddy, siya kasi yung taong pinakainaasahan kong makakaintindi at susuporta sa mga bagay na gusto kong gawin pero sa halip ay siya iyong naging dahilan para hindi ko magawa ang mga bagay na iyon.

Madaling araw na ng matapos ang palabas, kaya naman tinanghali kaming lahat sa paggising, nadelay tuloy ang pag uwi namin. Dapat seven ng umaga ang biyahe namin pauwi pero naging alas tres iyon.

Kasalukuyan kami ngayong nakatayo sa harap ng mga bus na siyang maghahatid sa amin pauwi.

"Pansinin mo naman yang manlliligaw mo at baka hindi makatulog iyan sa gabi" maya maya pa ay sambit ni Ayen, this time she said it quietly, halatang inaantok pa siya.

I look around para hanapin ng tinutukoy niya at para malaman kung totoo ba iyong sonasabi niya. Iisa lang naman ang manliligaw ko rito, si Alli! At ayun nga siya nakatayo sa may di kalayuan nakasandal sa kanyang sasakyan at nakatingin sa akin. Hindi ko iyon sigurado dahil nakashade siya, baka sa iba talaga siya nakatingin, nagassume lang ako dito.

Agad ko ring inalis ang paningin ko sa kanya dahil turn na namin ni Ayen sa pagpasok sa bus, pinili kasi ni Ayen iyong upuan sa likuran ng driver kaya kami ang huling pumasok.

Plano kong matulog habang nasa biyahe kami dahil inaantik pa rin ako, pero hindi iyon ang nangyari dahil may isang nilalang na nagtext sa akin.

From: Alli

Ingat :)

I smiled because of his message hindi ko inaasahang magtetext siya ng ganun, pero agad ko ring binawi iyon dahil baka mapansin ako ng aking katabi, malisyosa pa mandin siya.

To:Alli

Ikaw din.

Pinalipas ko muna ang five minutes bago ko iyon isend, baka kasi sabibin niya na abang na abang ako sa message niya o kung ano pa man, dapat pa famous muna tayo. Haha.

From: Alli

Are you free tomorrow night?

Ang bilis niya magreply huh! Siya ata itong abang na abang sa message ko. Maghihintay pa sana ulit ako ng five minutes pero nainip kaagad ako, kaya ng maka three minutes na ay nagreply na ako sa kanya.

To:Alli

Wala nman

Maghapon lang naman kasi ang klase ko bukas, naadjust naman ang schedule ng exam namin kaya naman may time pa ako para makipagdate. What the hell! Hindi pa siya nag aaya Ydha!

Kung sabagay doon din naman ang punta ng mga tanungan niyang iyon!

From: Alli

That's good, take that time to rest.

What the hell! Kaya ba niya ako tinanong eh dahil gusto lang niya akong pagpahingahin? Akala ko pa naman yayayain niya akong makipagdate. Napanguso na lang ako sa kawalan, nagmamaktol.

At kailan pa ako naging masyadong affected?

Wala na akong balak pang magreply sa kanya, bahala siya sa buhay niya! Hindi ko sasayangin ang load ko para lang makatext siya.

From: Alli

But can we have a date first?

Agad nanglaki ang mata ko ng mabasa ang message niya ,pigil ko ang aking pagngiti dahil sa kilig.

To: Alli

Yup!

Muntikan ko ng maitapon ang cellphone ko pagkasend na pagkasend ko ng message na iyon. Hindi ko naman malaman kung bibilib ba ako sa sarili ko o maiiyamot dahil dapat ay nagpakipot muna ako sa kanya, ganun kasi ang ginagawa ko sa mga dati kong manliligaw. Nangyari ngayon? Easy to get na lang ako bigla!

Madilim na ng maihatid kami ng bus sa place ni Ayen, pero okay lang iyon dahil naenjoy ko naman ang buong biyahe, sa totoo nga lang ay hindi ko na nagawa pang tumulog. Masyado yata akong excited para bukas!

Hinintay pa naming makaalis ang bus bago kami akmang papasok sa loob, pero sabay kaming natigilan ni Ayen ng makitang naghihinatay roon si Daddy.

Anong ginagawa niya rito?

"Uhmm Mr. Alcantara , kape ho muna kayo" sambit ni Ayen saka inilapag sa lamesa ang isang tasang kape. Hindi niya tinatawag n atito si Daddy dahil ang pangangatwiran niya ay hindi naman daw niya iyon kadugo. What the hell! Sumenyas na rin siya sa akin para magpaalam na papasok na siya sa kwarto niya para bigyan kami ng privacy ni Daddy.

"About Yesha's engagement party, I'm hear to give you invitation" ani Dad pagkatapos niyamg humigop ng kape at saka muling ipinatong iyon sa lamesa. Wala siyang iniabot na invitation card, hindi ko alam kung iyon ba talaga ang pakay niya o may iba pang dahilan kaya siya napunta rito.

"Of course I'll attend the party, is that all Dad?" tanong ko sa kaniya. Hindi kasi ako kumbinsido sa dahilan niya ng pagbisita sa akin. Knowing him, masyado siyang busy na tao para mapaglaanan pa ako ng oras para bisitahin.

"Tomorrow, We will be opening our business in Cavite, I want you to attend there" he informed me. Para bang wala na akong ibang magagawa kundi ang sumunod sa sinabi niya.

Pagkasabi niyon ay nagpaalam na rin siya para umuwi, iyon lang talaga ang ipinunta niya rito. Ni hindi man lang ako nagawang kumustahin, talagang sa negosyo lang umiikot ang mundo niya. Pero hindi naman iyon ang inaalala ko. Mas pinoproblem ko kung anong mangyayari bukas. May date kami ni Alli diba?

Mukhang mapupurnada pa ang first date naming dalawa!

__________________________________________________

Thank you🤗