Chereads / A Love Unsung / Chapter 13 - Chapter 12

Chapter 13 - Chapter 12

"Babe!!" sabay kaming napalingon ni kuya Arix  sa papalapit na sina Ate Leah at Ayen, may dala pa silang flashlight kaya naman medyo lumiwanag na ang paligid. "What happened?"  nag aalalang tanong ni ate Leah, agad siyang dumeretso kay kuya Arix, samantalang si Ayen naman ay sa aking tabi.

"Mahihirapan si Daddy, magaling magtago ang isang yun" mayabang na sambit ni kuya Arix. Wala man lang kabakas bakas ng pag aalala sa kanyang mukha s akung anong pwedeng mangyari sa kapatid. Magkapatid nga sila!

"Oh ikaw ano namang eksena mo?" pagsingit ni Ayen sa usapan dahil doon ay nabaling din sa amin ang atensiyon nina kuya Arix at ate Leah. "Oh ayan, congratulations"sabi niya saka pabalyang inabot sa akin ang isang trophy.

Nagtataka ko naman iyong tiningnan. "Ano to?"

"Ayy baka trophy yan teh, balita ko'y nanalo ka  kanina pero nawala ka na lang bigla na parang bula, saan ka ba nagsususuot?" dere deretsong sambit niya. Na para bang napakalaking pagkakamali ng pagkawala ko kanina.

"Ayen, kalma masyado kang highblood" pagpapakalma sa kaniya ni ate Leah.

"I think we should go back to the venue now" anyaya sa amin ni kuya Arix. Hindi na kami umangal pa doon kaya naglakad na kami pabalik sa venue. Nasa unahan namin sina ate Leah habang kami naman ni Ayen ay nakasunod lang sa kanila. Wala na akong napapakinggang tunog kaya mukhang tapos na.

Parang sobrang tagal ko naman yatang nawala?

"They're on their quarters already ,yung mga kinuha mo ring judges" sambit ni Andrew pagkadating namin sa venue. Silang tatlo nina Ken at Rio na lang ang naroroon maliban sa ilang staff na nag aayos sa paligid.

"Thank you" pagpapasalamat sa kanila ni kuya Arix. Dahil siya dapat ang nagiintindi noon pero dahil sa nangyari kanina ay hindi niya na iyon nagampanan pa. "You need to take rest na" saka siya bumaling sa nobya.

"Ayyy potek, akala ko ba maalat ang tubig sa dagat, eh bakit nilalanggam ako?" pagsingit ni Ayen sa usapan, habang kunwaring may kinakamot sa kanyang braso. Napaka OA!

"Hindi langgam yan Ayen, hantik yang kumakagat sayo!" pambabara naman sa kanya ni Andrew dahilan para matawa kaming lahat.

"Who wants to drink?" maya maya pa ay alok ni kuya Arix habang nakangisi. Bahagya pa siyang hinampas ni ate Ayen para sawayin sa pinaplano niya.

"Basta ako nauuhaw ako" kibit balikat na ani Ayen, at alam ko kung anong ibigsabihin niya doon.

"Game din ako diyan!" excited ding sabi ni Ken dahilan para matuloy ang pinaplano ni kuya Arix. Wala kaming ibang nagawa ni ate Ayen kundi ang jumoin sa kanila.

Sina Ken at Andrew ang kumuha ng drinks na iinumin namin habang naghihinatay naman kaming apat dito sa  lamesa style restaurant iyon pero kakaunti na ang tao sa paligid dahil masyado na ring malalim ang gabi.

"Cheers" masayang sambit namin. At syempre mas malakas ang boses ni Ayen. Hindi naman talaga ako mahilig uminom eto lang kasing si Ayen masyadong bad influence!

"Oyyy Ydha sabi inom hindi mukbang!" singhal sa akin ni Ayen. Hinawakan niya pa ng kamay ko ng akma akong kukuha ng pulutan. "Kung nakakalasing lang ang pulutan kanina ka pa siguradong lula" dagdag pa niya at saka lang ako binitawan. Hindi ko na itinuloy ang pagkuha ng pulutan dahil nakatutok na sa akin ang paningin nilang lahat. At sa halip ay ibainaling ang aking paningin dun sa aking inumin na hindi pa nangangalaghati.

Napakasama kasi ng lasa!

"Ang galing ng performance mo kanina Ydha, saan ka ba humuhugot ng emosyon" bigla ay tanong ni Ken. Dahil doon ay medyo naging seryoso ang aming usapan kumpara kanina na pudo tawanan lang.

"Wala naman" kibit balikat na sagot ko sa kanya.

"Eh diba sabi ni kuya Arix, sa previous session natin, kapag daw maganda ang naging performance ng isang singer meron daw iyong pinaghuhugutan, maaaring galing yun sa masasaya o malungkot niyang experience sa buhay" dere deretsong sambit naman ni Rio. Dahilan para mapamaang kaming lahat sa kanya.

"Tangina pare, may natututunan ka pala sa session maliban sa pang bababae?" vulat na gulat na tanong sa kanya ni Andrew, mukhang nang aasar lang.

"At kailan naman ako nagturo ng pangbababae sa music session Drew?" pagsingit ni kuya Arix sa usapan, seeyoso ang kanyang pagmumukha. Pero hindi iyon umepekto  kay  Andrew dahil sinuklian niya lang iyon ng makahulugang ngiti.

"Ayy mukhang ibang session yung nasabi ko, for boys only nga lang pala yun" nakangising ani Andrew na umakto pang kinkamot ang kanyang ulo dahilan para baguhin siya ni kiya Arix ng bottled water, buti na lang at wala naiyong laman.

"Anong session yun?" pang uusisa ni ate Leah, mukhang hindi natutuwa sa mga naririnig niya. Kaya naman parang asong nagmamaka awa si kuya Arix sa kanya.

"Wala yun babe" sambit ni kuya Arix, akma pa siyang aakap kay ate Leah pero agad siya nitong hinampas sa braso. Hindi ko alam kung lasing na ba si kuya Arix dahil sa pamumula ng kanyang mukha at pagiging clingy niya masyado dahil natural lang naman iyon sa kanya.

"Paktay ka diyan" pananakot ni Ayen kaya naman inismiran siya kaaagad ni kuya Arix.

"Arixian Lloyd Rivera, tinatanong kita" maawtoridad na ani ate Leah, di naman namin malaman kung matatawa ba kami sa naging ekspresiyon ni kuya Arix ng hawakan niya ang kutsilyo na naroon sa lamesa.

"Babe ano yan?" halata sa mukha at boses ni kiya Arix ang pagkatakot. Para namang magagawa siyang saksakin ng nobya ,eh sa pagkakakilala ko kay ate Leah takot iyan s adugo. Tss.

"Baka kutsilyo yan pansaksak sa boyfriend na manloloko hahhaha" sarkastiko na namang ani Ayen nakuha niya pang tumawa.

"Just shut up your mouth" asik ni kuya Arix kay Ayen. " Kaya walang nagkakagusto sayo eh"

"Di ka sure" lahat naman kami ay gulat na napatingin kay Ken ng magsalita ito. Pero syempre pinaka gulat ang katabi ko, dahil hindi niya nagawang magsalita.

"I mean... m-may kilala a-akong may gusto sa kanya" paglilinaw ni Ken, pero mukhang hindi iyon pinaniwalaan ng dalawa niyang kaibigan at lalo na si kuya Arix.

"Parang hindi ganyan yung tinuro ko sa session" nang aasar na ani kuya Arix. Pero agad dib siyang napadaing ng batukan siya ni ate Leah. "Aray naman babe" reklamo niya pa.

"Dapat lang sa'yo yan, masyado kang babaero!"  sa halip na maawa ay sininghalan pa siy ng kanyang nobya.

"Hindi naman ako babaero babe" tangging pakamatay pa si kuya Arix. Pero sa tingin ko ay tama naman siya roon, hindi lang talaga maiwasang may lumapit sa kanyang mga babaae dahil sa itsura niya.

"Eh sino?" asik sa kanya ni ate Leah.

"Siya!" bigla ay sigaw ni Andrew, nakaturo siya may entrance, dahilan para mapatingin kaming lahat doon "The walking heart breaker" saka siya tumayo at sinalubong ang taong itinuro niya. Si Alli !

Anong ginagawa niya dito, akala ko ba ay umalis na siya?

"Oyy matunaw yan" bigla ay asik sa akin ni Ayen dahilan para alisin ko ang aking paningin kay Alli at ibaling sa kanya.

"Come on bro, sit here" anyaya sa kanya ni Rio at pinaupo sa katabi nito sa mismong harap ko. What the hell!

"What's with that face?" ng walang anu-anoy baling ni Alli sa kapatid. Mukhang pinangdidirihan niya iyon dahil pulang pula na.

"In your face" walang kwentang sagot naman sa kanya ng nakakatandang kapatid habang dinuduro duro pa siya. Mukhang lasing na nga talaga. Agad naman iyong ibinaba ni ate Leah.

"Wag mo'kong artehan Arixian!" singhal pa ni ate Leah ng akma na namang aakap sa kanya si kuya Arix.

"Hindi naman ako babaero babe!" nakangusong sagot sa kanya nito. "Yan yan ang babaero" sabay turo niya sa kanyang kapatid dahilan para magsalubong naman ang kilay nito.

"I'm not like you bro!" singhal ni Alli sa kanyang kapatid.

"Mga lier" bigla ay sigaw ni Ayen dahilan para magtinginan kaming lahat sa kanya. "Bakit hindi na lang tayo magtruth or dare para magkaalaman na?" mayabang niyang sambit na animo'y isa siyang judge so korte.

"Ano ka high school? Truth or dare, tss" nang iinis na sambit ni Alli, saka niy pinagkrus ang kanyang mga braso sa kanyang dibdib habang nakasandal siya sa upuan.

"Agree ako diyan! mapapakinabangan pa natin  ang mga boteng yan!" pagsang ayon ni ate Leah sa suwestiyon ni Ayen. Wala ng umangal pa, kaya naman agad kinuha ni Ayen iyong isang bote at saka pinaikot hanggang satumigil ito at nakaturo kay Rio.

"Putangna minalas pa nga!" agad na himutok niya.

"Ako magtatanong" pagprisinta naman ni Andrew base sa pagkakangisi niya ay alam ko ng may kalokohan siyang naiisip.

"Sinabi ko na bang truth? Oh Bobo" asik sa kanya ni Rio at bahagya pa siyang binatukan. "Oh sige truth!"

What the hell!

"Ilan na ang naging ex mo pre?" nakangising ani Andrew mukhang silang dalawa lang ang nageenjoy dahil parehas sila ng ekspresiyon ng mukha. "Yung seryoso lang pre ha hindi kasama landi"

"Ayy bakit hindi pwede both?" parang nanghihinayang pang tanong ni Rio.

"Sagutin mo na ,andami pang dada" nauubos ang pasensiyang sambit ni Alli.

"Yung landian, sa pagkakatanda ko twenty ....nine eh yung seryoso....wala" mayabang na sagot ni Rio na animo'y pinagisipan niya pa ng maayos ang isinagot.

Bigla ay natahimik kaming ng dahil doon ,para bang may dumaang anghel. Naputol lang iyon ng may tumamang plaatic bottle sa ulo ni Rio,galing iyon kay kuya Arix. "Gago"

"Walastik ka pre, sumasakit ang panga ko sayo hayop ka" tatawa tawang sabi ni Andrew. Agad namang kinuha ni Ayen ang bote para paikitin ito ulit and this time ay kay ate Leah naman ito tumapat.

"Okay dare!" sambit niya.

"Ako magdedare" si Alli naman ngayon ang nagprisinta. Agad siyang tiningnan ni kuya Arix at ngumisi lang sila sa isa't isa na para bang mayroong pinaplano.

"Love you bro" kinindatan pa ni liya Arix si Alli.

"I dare you to..." sinadya pang putulin ni Alli ang dapat niyang sabihin para tumingin sa kanyang kuya, kahit hindi sila nagsasalita ay para bang nagkakaintindihan pa rin sila. "hit him on his face, right and left, up and down"

Para namang pinagsakluban ng langit at lupa si kuya Arix at animo'y sinusumpa na sa isip ang nakababatang kapatid, siguro ay dahil hindi nito sinunod ang nais ni kuya Arix na idare niya.

Halos mangiyak naman kami sa kakatawa ng simulang sampalin ni ate Leah ang mukha ni kuya Arix base sa sinabi ni Alli na dare niya.

Pinaikot ulit ni Ayen amg bote at ganun na lang ang pagkalukot ng mukha niya ng sa kanya iyon tumapat.

"Truth" yun na yata ang pinakamalakas na version ng pagsasabi ng truth na napakiggan ko , bwiset mababasag ang eardrums ko nito.

"Ako ulit" pagpeprisinta na naman ni Andrew, kaya hinayaan na lang namin siya. Masyado siyang active sa larong to huh! "Kung manliligaw sa'yo si..." napatigil siya sa pagsasalita ng pagsamaan siya ng tingin ni Ken "si Rio hehe, may chance ba?"

"Wala" walang pag aalinlangang sagot ni Ayen dahilan para magtawanan ulit kami.

Pagkatapos niyon ay muling pina ikot ang bote at tumigil iyon sa tapat ni Alli, dahilan para pagtaasan niya ito ng kilay.

"Ako!" ako magtatanong!" this time si Ayen naman ang nagpresinta.

"Wala pa akong sinasabing truth" ani Alli.

"Edi mag-uutos, madali naman akong kausap eh" ani Ayen na ngayon ay mukhang nag iisip ng ipapagawa. "Text someone and ask a question" utos niya, at tamad na tamad naman itong sinunod ni Alli.

Lahat kami ay pianpanood lang siyang nagtatype sa cellphone niya hanggang sa patayin niya na iyon.

"Done" aniya.

Kasabay niyon ay ang pagvibrate ng cellphone ko, ramdam ko iyon mula sa aking bulsa. Buti na lang nakasilent mode kaya hindi napakinggan ng mga kasama ko.

Pasimple ko iyong tiningnan at nakitang may text message roon. Kinuha ko iyon at binuksan, ganun na lamg ang pagkagulat ko ng makita ang message.

0965*******

Can I court you?

Kilala ko kung kanino ang number na ito. Dahil doon ay agad kong ibinaling ang paningin ko sa kanya, hindi ko alam na nasa akin rin pala ang paningin niya. What the hell.

"Okay last one!" pagkasabi niyon no Ayen ay agad niyang pinaikot ang bote at sa kamalas malasan ay sa akin pa iyon tumapat.

"Truth"  agad kong sabi para matapos na ang larong ito at para makapagpahinga na rin kami.

"Ako ang magtatanong!" kunot noo kong tiningnan si Alli ng magpresinta siya. "What's ypur answer?" deretsahang tanong niya.

Di ko masisisi kung hindi iyon nagets ng mga kasama namin dahil ang labo labo ng tanong niya. Pero dahil alam ko na yung message niya kanina ang tinutukoy niya ay bigla akong kinabahan.

Hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko sa kanya. Pero alam kong meron, dahil ilang beses ko na iyong naramdaman ang hindi ko lang alam ay kung sapat na ba iyon para payagan ko siyang ligawan ako. Papayag ba ako o hindi? Hindi o--

"Oo"

__________________________________________________Thank you🤗