"Okay thank you judges and thank you rin Ms. Ydha for that heart whelming performance--"
Dali dali akong bumaba ng stage at hindi na pinatapos pa ang sinasabi ng emcee. Hinfi ko alam ku g bakit parang mayroon sa akin na nagsasabing sundan ko si Alli.
At iyon nga ang ginawa ko , sahalip na bumalik sa tabi nina ate Leah at Ayen ay dumeretso ako sa likuran ng mga tao kung saan ko huling nakita si Alli. Saka ko inilibot ang aking mga mata, pero kakaunti na lang ang liwanag na nakikita ko kaya naman hundi ko malaman kung saan ko siya hahanapin.
Ganun pa man ay nagderetso ako sa paglalakad habang palinga linga sa paligid ko. Medyo malamig rin dahil sa simoy ng hangin. Pero hindi iyon ang makakapagpigil sa akin para magpatuloy sa paghahanap.
Hindi ko alam kung bakit ko ito ginagawa?
Mas lalo ko pang nilakihan ang paghakbang ko para mapabilis ang aking paghahanap. Hanggang sa malayo na ang narating ko, dahil hindi ko na naririnig ang tunog mula sa camp site. At dahil medyo hinihingal na rin ako ay sandali akong tumigil sa tabi ng isang puno, sa may dalampasigan.
Kung wala lang akong hinahanap baka hindi na ako umalis pa dahil sa ganda ng view ng dagat mula sa kinaroroonan ko, dagdagan pa ng liwanag na nagmumula lang sa buwan.
I am really fond of this beautiful view, sa mga ganitong pagkakataon lang ako nakakaramdam ng kapayapaan. Na para bang inaalis ng magandang tanwaing iyon ang lahat ng kalungkutan sa aking puso at pinapakalma nito ang aking kaluluwa--
What the hell!
Agad napalitan ang magandang pakiramdam na iyon ng takot at kaba ng may biglang humila sa akin. Hindi niya inalis ang mahigpit niyang pagkakahawak sa akin. Na para bang mayroon siyang masamang balak na gawin sa akin.
Wala akong ibang nagawa kundi ang ipikit ang aking mga mata at nagsimula ng manalangin sa aking isip. Pero ugali ko na yata talaga na sambitin ang mga salitang dapat ay nasa isip ko lang.
"Lord, please huwag niyo pong hayaang magtagumpay ang taong ito sa binabalak niya. Mahal ko pa po ang buhay ko, magiging accountant pa po ako ,gusto ko pa pong mabuhay--"
"What the fuck you are saying? "
Unti-unti kong iminulat ang aking kaliwang mata upang silipin kung tama ba ang pagkakarinig ko sa boses na iyon habang nakapikit pa rin ang kanang mata. Agad namang nagmulat iyon ng masiguradong tama nga ang narinig ko.
Siya lang ang kilala kong may boses na ganun!
Agad kong hinila pabalik ang braso kong hawak pa rin niya saka nag iwas ng tingin. Aaminin kong nawala kaagad ang takot ko ng makilala siya kahit pa madilim sa parteng iyon. Pero pumalit naman ang hiya dahil sa inasal ko kanina. Nagdasal ba naman ako na parang huling sandali na ng buhay ko sa mismong harap niya!
"Anong trip mo at sinundan mo ako?" maya maya ay biglang tanong niya. Nakikita ko siya sa gilid ng aking mata ,parang tamad na tamad siyang nakasandal doon sa puno habang magkakrus ang mga braso sa harap.
Pero nanatili lang akong nakatalikod sa kanya at deretso lang na nakatingin sa napakalwak na dagat na para bang nakikita ko roon kahit ang malilit na isda.
"I'm asking you--"
"Hindi kita sinusundan okay!" pagsisinungaling ko sa kanya ng hindi pa rin siya tinitingnan.
"Oh, then what are you doing here?"
"Sightseeing" pagpapalusot ko sa kanya.
"Sightseeing sa madilim na lugar..., ayos yun!" sarkastikong aniya mukhang hindi naniniwala sa sinabi ko.
"Eh ikaw anong ginagawa mo dito?" tanong ko at saka ako bahagyang humarap sa kanya, doon ko lang napansin ang malalim niyang pagmamasid sa napakalawak na karagatan sa harapan namin na para bang naabot ng kanyang mga mata maski ang kaduluduluhang parte niyon. Kitang kita ko rin ang pagkamangha niya roon.
Ang kislap na iyon sa kanyang mga mata! Damn.
"Bakit parang manghang mnagha ka naman yata sa nakikita mo?" tanong ko ulit at bahagya pang tiningnan ang dagat para tingnan kung ano bang nakakamangha doon. Bukod sa alon at liwanag ng buwan ay wala naman na.
"It's my first time" maya maya pa ay sagot niya ng hindi pa rin inaalis ang kanyang paningin sa karagatan.
"First time mong makakita ng dagat?" di makapaniwalang ani ko. Imposible, siya lang ang nakilala kong first time makakita ng dagat kung gaoon.
"It's my first time seeing beauty in the darkness" makahulugan at nakangiting aniya. Di ko maintindihan kung bakit bigla naman yata siyang nagseseryoso. Iba talaga pag may saltik kung ano anong naiisip.
Pero tama din naman siya roon sa sinabi niya, kahit gaano kadilim ang parteng iyon ng kinaroroonan namin ay hindi maitatangging napakaganda talaga ng tanawing iyon.
"Well, thanks to the moon and stars" sambit ko saka muling humarap sa karagatan habang ang aking mga kamay ay nasa aking likuran. Medyo nililipad rin ng hangin ang ilang hibla ng buhok ko na nakalugay.
"Thanks to you"
Para naman akong nanigas sa kinatatayuan ko, hindi ko malaman kung titingin ba ako sa kanya o hindi. Dapat ba akong magreact doon sa sinabi niya o hindi? Ano bang dapat kong gawin?
"B-bakit ako?" medyo nauutal ko pang tanong sa kanya. Kailangan kong klaruhin iyon dahil baka masabihan na naman niya ako ng assuming.
"Because it's you" walang kwenta niyang sagot. Dahilan para magsalu ong ang kilay ko. Bwiset na ito tinatanong ng maayos tapos sasagutin ako ng pabalang.
"I mean bakit ako? Anong kinalaman ko sa mga sinasabi mo at ako--"
"Kasi ikaw"
Okay tinagalog niya lang!
"Pwede paki explain ng maayos kasi di ko maintindihan"
"There's no exact word that can explain your beauty"
What the hell!!!!
Ano bang mayroon sa bibig ng lalaking to at kung ano ano ang lumalabas ngayong gabi sa bibig niya?
"Anong sinabi mo ulit?" tanong ko sa kanya pagkaharap ko at saka pinagkrus ang aking mga braso sa'king harapan.
"Gusto mo lang ulitin ko iyong sinabi ko dahil kinikilig ka" pang aasar niya dahilan para irapan ko siya. Pero bahagya ring napangiti sa kung saan, hindi ko alam kung bakit.
Bakit ganito na lang kalala ang epekto niya sa akin?
"Oh diba tama ako kinilig ka nga" pagyayabang pa niya dahilan para siringan ko siya. Yun na alang ang magagawa ko para hidni niya mahalatang kinikilig ng ako, masyado pa manding mayabang ang isang to.
"Hindi kaya"
Walang hiyang bibig to, nagpabebe pa nga. Sa susunod talaga tatapalan ko na to ng tape para hindi kung ano ano ang lumalabas.
Buti na lang talaga at tumunog bigla ang cellphone niya dahilan para mabaling doon ang atensiyon niya.
"Hello" napatingin ako sa kanya ng marinig ang seryoso niyang boses. "I know, just let him, mapapagod din yan sa kakahanap" bigla akong nakaramdam ulit ng kaba dahil sa narinig ko, nakalimutan ko na kaya ko nga pala siya sinundan ay dahil doon.
Sino ba kasi iyong tao na naghahanap sa kanya?
"I need to go now" sambit niya pagkababa niya sa tawag. Napansin ko na medyo sumama ang mood niya. Dahil kaya iyon sa taong naghahanap sa kaniya?
"Who called you" pang-uusisa ko. Wala akong pake alam kung sabihan niya akong tsismosa ,kailangan ko lang alamin dahil kung hindi ay sigurado akong hindi na naman ako makakatulog sa kaiisip.
"Kuya" sagot niya, si kuya Arix sigurado ang tinutukoy niya dahil iyon lang naman ang kuya niya. Nakakatuwa lang na marinig siyang tinatawag na kuya ang nakakatandang kapatid, mukhang bihirang mangyari iyon eh.
"Why?" tanong ko ulit. Na mukha namang ipinagtaka niya. "Sorry, Im just worried, kasi diba may naghahanap sayo.."
"It's okay" pangungumbinsi niya sakin saka bahagyang pinisil ang aking pisngi gamit ang kaliwa niyang kamay. "Hindi naman niya ako papatayin" nakuha niya pang magbiro. Bwiset!
"Paano ka nakakasiguro? Eh pa'no kung may dala yung baril tapos bigla nalang iputok sa'yo oh sige nga" I sounded so concern about him. Hindi ko na napigilan ang sarili kong mag alala sa kanya.
"Dad I told you he's not here!" parehas naman kaming nagulat ni Alli ng marinig ang boses na iyon ni kuya Arix sa di kalayuan. Mukha siyang nakikipagtalo sa kung sino, hindi ko sigurado kung nasaan sila eksaktong direksiyon dahil nga madilim sa kinatatayuan namin.
Tumingin ako kay Alli ng may pag aalala, lalo pa iyong nadagdagan ng makita ang ekspresiyon ng mukha niya. Galit!
"Hindi talaga siya titigil" iiling iling na sambit niya. So iyong kausap ni kuya Arix ang naghahanap sa kanya?
"You need to go na" nag aalalang ani ko sa kaniya.
"How about you? I can't leave you here alone"
"Kaya ko sarili ko, at tsaka kuya Arix is here kaya sige na" bahagya ko pa siyang tinulak para paalisin siya dahil pakiramdam ko ay palapit na ng palapit sa amin sina kuya Arix.
Aangal pa sana siya pero tuluyan ko na siyang tinulak patalikod para umalis na siya, dahil kung hindi ay baka maging problema pa iyon.
Buti na lang at hindi na siya nagmatigas pa at tuluyan na ngang umalis, sinundan ko pa siya ng tingin hanggang sa hindi ko na siya makita. Aalis na ron sana ako ng bigla akong matigilan pagkaharap ko.
What the hell!
Bigla akong nakramdam ng takot ng makilala ang nasa harapan ko. Si kuya Arix at yung lalaking naghahanap kay Alli. Sigurado akong siya yung lalaki dati na nakita ko sa store. Hindi nalalayo ang itsura niya kayna kuya Arix at Alli, mas matured lang ng konti.
"Who are you?" kaboses din pala.
"She's one of the --"
"I am not talking to you" seryosong baling nung lalaki kay kuya Arix ng siya ang sumagot para sa akin.Kaya naman parang papel na tumiklop si kuya Arix. Saka siya muling bumaling sa akin, naghihintay sa sasabihin ko.
"Uhmm, I'm Y-ydha" kinakabahang sagot ko.
Lalo namang nadagdagan ang pakiramdam na iyon ng pasadahan niya ako ng tingin mula paa hanggang ulo saka luminga linga sa paligid na animo ay may hinahanap.
Wala na yung hinahanap mo, pinaaalis ko na! Bwiset!
"May nakita ka bang ibang tao dito?" seryosong tanong niya ulit ng bumalik ang apningin niya sa akin.
"Dad, wala nga siya dito nasa America siya diba?" pagsingit na naman ni kiya Arix sa usapan. Daddy naman pala nila ang lalaking ito eh bakit kailangang magtago pa ni Alli?
"Ilang beses ko bang sasabihin na tumahimik ka dahil hindi naman ikaw ang kinakausap ko!" galit na baling nito sa anak niya.
"Uhmm excuse me sir , wala po akong nakitang ibang tao dito" pagsisinungaling ko. Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para magsalita ang alam ko lang ay dapat na akong sumingit sa usapan na iyon.
"Siguraduhin mo lang, dahil sa oras na malaman kong pinagtatakpan niyo siya.." nagbabanta ang tinig niya habang nakatingin sa'kin saka muling bumaling kay kuya Arix. "You know what will happen"
Nakahinga lang ako ng maluwag umalis na siya at iwan kaming dalawa ni kuya Arix na parehas nakatulala sa kawalan.
"Don't worry he's not that bad" maya maya pa ay nakangiting ani kuya Arix. Dahilan para pagkunutan ko siya ng noo. Anong hindi bad? Eh boses pa nga lang nakakatakot na. "He's our Dad" dagdag pa nito na para bang hindi ko narinig na tinawag niya iyong Dad kanina.
"Bakit niya hinahanap si Alli?" tanong ko, hanggang ngayon kasi ay hindi malinaw sa akin kung bakit kailangang maghanapan pa sila.
"Because of his fucking business" buntong hiningang aniya. "Hindi siya nagtagumapay sa'kin kaya si Alli naman ang kinukulit niya ngayon" sambit niya pa, nakangiti na siya ngayon.
"So , hinahanap siya dahil lang sa business?" paninigurado ko, at tinanguan niya lang ako bilang sagot niya. " Ibig sabihin, hindi siya mapapahamak?"
"Sino bang nagsabing mapapahamak siya?" natatawang sagot ni kuya Arix.
Kung makapagsalita at makakilos kasi kayo wagas. Mga bwiset kayo!
__________________________________________________
Thank you🤗