Chereads / A Love Unsung / Chapter 11 - Chapter 10

Chapter 11 - Chapter 10

"So now for the meantime let's go first to our quarters and we will start our activities at exactly seven pm" pagkasabi na pagkasabi niyon ni kuya Arix ay sabay sabay kaming nagsikilos upang tumungo sa aming mga quarters.

Parehas kami ng quarter ni Ayen, nirequest ko naiyon kay ate Leah dahil wala naman akong ibang kaclose kundi si Ayen at sivuradong hindi ko rin ma-eenjoy ang camp na ito kung hindi ko siya kasama.

"Oyy anong kakantahin mo mamaya?" tanong ni Ayen pagkadaging namin sa loob ng quarter. May kanya kanya kaming higaan nasa bandang dulo ang sa amin ni Ayen kung saan kami nakaupo ngayon.

"Ha?" naguguluhang tanong ko sa kaniya. Hindi ko magets kung anong tinatanong niga eh.

"Ha? Habang buhay kang tanga" asik niya sa akin. "Alam mo ikaw di ko alam kung hindi mo talaga naririnig yung sinasabi ko o  sabaw ka lang talaga" naiinis panv dahdag niya.

"Hindi ko nagets yung sinabi mo okay?" pangangatwiran ko.

"Ang sabi ko anong kakantahin mo mamaya?"

"Anong kakantahin?" naguguluhang tanong ko ulit.

"Ay Pucha naman! Try mong kantahin yung sayaw, tingnan ko lang kung makaya mo!" sarkastikong aniya. At mukhang nauubusan na ng pasensiya sa akin. "Bakit ba napaka slow mo?" tanong niya pa.

"Nagtaka ka pa eh malamang magpinsan tayo" pag bibiro ko dahilan para matawa rin siya. Nakahiga na siya sa kamang tutulugan naming dalawa habang ako naman ay nakaupo habang hawak ang aking gitara.

Hindi naman ako ganoon kagaling talaga pagdating sa music, pero sapat na ang nalalaman ko para malaman kung magaling ba ang isang tumutugtog o hindi. Simoke lang kapag naramdaman ko iyon mula sa aking puso. At isa pa lang ang nakakagawa niyon ,si Alli.

"Ayy bakit ngumingiti? Sinong naaalala?" nakangising pang uusisa ni Ayen sa akin. Dahilan para matigil ako sa aking pag iisip.

"Yen, kelan mo masasabing maganda yung  music na napapakinggan mo?" I asked her out of nowhere

"Kapag hindi sintunado" walang kwenta niyang sagot, dahilan para samaan ko siya ng tingin. "Oh bakit? totoo naman ah" pangangatwiran pa niya.

"Seryoso kasi" naiinis na ani ko.

"Ewan ko pinapakinggan ko lang naman eh tapos kapag nagandahan ako edi maganda yung music kailangan ba may criteria pa?" halos hingalin na siya sa kakasalita hindi dahil mahaba yung sinabi niya kundi dahil napakalakas ng boses niya. Napapatingin tuloy sa amin yung iba naming kasama sa quarters.

"Ano ba yan wala ka namang kwentang kausap eh!" singhal ko sa kanya at binalingan na lang ulit ang hawak kong gitara.

"Oh edi alam mo na ngayon yung feeling ng  kumakausap sa walang kwentang kausap? Ganyang ganyan yung pinaramdam mo sa akin kanina" madrama niyang sambit. Nasisi pa nga ako.

Hinayaan ko na lang siyang maglabas ng lahat mg saloobon niya sa buhay habang yinitipa ang gitarang hawak ko. Wala naman talaga akong kantang tinutugtog, kung ano ano lang basta may magawa lang ganun.

"Good evening guys, eto na yung shirt at name tag niyo required kayong suotin yung name tag sa bawat activities and yung t-shirt naman is for tomorrow" pag aanounce nung isang babae pakapasok niya sa quarter namin. Dala dala niya iypng mga white t-shirt at name tags namin.

Isa isa niya iyong ibinigay sa amin at dahil nga nasa dulo kami ni Ayen kami yung huli niyang inabutan. Ng makalabas siya ay saka kami kumilos para maglinis ng aming katawan. Dahil malapit ng magsimula ang event.

Pero dahil iisa lang ang cr sa quarter namin ay natagalan kami ni Ayen, nahuli kasi kami sa pila. Kaya heto kami ngayon at nag hihintay pa rin ng turn namin sa pagggamit ng banyo.

"Isang bandila wohohoho" pagkanta ni Ayen sa theme song ng bandila dahil nga hindi pa rin umuusad ang pila.

"Pucha, baka naman nagouting na yang nasa loob, gaano ba kalaki yang hinugasan niyan at sobrang tagal naman" pagpapafinig ni Ayen sa nasa loob, sigurado akong mapapakinggan talaga ang boses niya dahil sa sobrang lakas noon.

"Can't you wait?" maarteng sagot sa kanya noong nasa loob, pamilyar yung boses niya pero hindi ko matandaan kung kailan at kanino ko iyon napakinggan.

"Hayy salamat natapos din" sambit kaagad ni Ayen ng bumukas na ang pinto at lumabas yung babae. At doon ko lang din naalala kung saan ko soya nakita at lung sino siya.

The girl in red huh!

Mukhang paborito niya talaga ang red dahil ganoong kulay na naman ang suot niya ngayon. Hindi ko alam na mahilig din pala siya sa music o kaya naman ay tulad siya ng ibang babae na may ibang pakay kaya sumama sa music camp na ito.

Hindi ko alam kung bakit parang nainit kaagad ang mukha ko ng makita ko siya. Parang may nararamdaman akong hindi maganda.

"Oh look who's here, you're the girl in Jessie's right?" nakangiting tanong niya sa akin, kung makapagsalita siya ay parang sobrang close na close kami. Dahil naman doon ay huminto si Ayen, pinauna na niyang makagamit ng banyo yung isang babae na nasa likuran namin.

"Magkakilala kayo?" tanong ni Ayen habang ang tingin ay pabalik balik sa aming dalawa noong babae.

"Hindi--"

"Yeah I met her in Jessie's she's with Alli, a fan of him as far as I remember--"

"Ahhh hindi, akala ko pa naman kilala mo na siya insan, ganyan talaga no maraming pakalat kalat na  fc sa mundo" sunod sunod na sambit ni Ayen. Pigil naman ang tawa ko dahil alam kong sinadya niya iyon. "Ayy may sinasabi ka ba?"  maya maya pa ay sarkastikang ani niya dun sa babae, na mukhang hindi pa nakamove on sa pang iisnob sa kanya ni Ayen.

"Oh freak come on!" maarteng singhal niya sa amin, saka kami inirapan. Syempre hindi magpapatalo ang pinsan ko. Para saan pa at lumaki siyang pilosopo.

"Hoy FYI hindi po freaking come on ang ibigsabihin ng fc, feeling close yun teh" parang batang nakikipag away si Ayen. Sabagay diyan siya maasahan sa mga sinasabi niyang wala namang sense pero maiinis at maiinis ka na lang ng dahil doon.

"Can you shut up your mouth?" naiinis na sambit nung babae kay Ayen. "By the way I'm Nicole" pagpapakilala niya sa akin at saka inilahad ang kanyang kamay. Aabutin ko na sana iyon ng may umextra na naman ang magaling kong pinsan. Siya ang nakipagkamay kay Nicole dahilan para pagtaasan siya nito ng kilay.

"By the way I am secret cause you don't desreve to know my name, and it's not  actually nice to meet you" sunod sunod na sambit ni Ayen at pagkatapos ay binitawan na ang kamay ni Nicole.

Sabay sabay naman kaming napatingin doon sa babaeng lumabas sa Cr tapos na siya at si Ayen na dapat ang susunod pero hinigit niya ako papalapit sa pinto at saka ako pinauna.

Pero agad ko din siyang pinigilan dahil alam ko kung bakit ako ang gusto niyang mauna, hindi pa siya kuntento sa pakikipag away doon kay Nicole.

"Mauna ka na" sabi ko sa kanya. Hindi pa sana siya sa susunod pero buti na lang at nadala siya sa mga tingin ko. At ayun siya pumasok na sa cr at padabog pang  isinara ang pjntuan noon.

"So can we talk now peacefully?" agad na tanong ni Nicole sa akin. Anno bang gusto ng babaeng ito at gustong gustong makipag usap sa akin?

"About what?" pinipilit kong maging pormal s apakikipag usap dahil ayaw ko naman ding isipin niga na galit ako sa kanya at mas lalong ayaw kong isipin niyang close kami.

"About you?" hidni ko man sinasadya ay napagtaasan ko siya ng kilay dahil sa sinabi niya. Ano namang gusto niyang malaman sa akin? "Or about me if you want" nakangiti niyang dagdag pero alam kong ngiti igon ng kaplastikan.

"Okay what about you?" pinpipilit kong magmukhang interesado sa sasabihin niya. Though wala naman talaga akong pake alam doon.

"Me, I'm happy did you know why?" excited niyang sambit.

"Why?" walang ganang tanong ko sa kaniya.

"Alli invited me for a dinner date" kinikilig niyang sagot. Dahilan para matigilan ako. What the hell! Sa dami dami ng pwedeng sabihin niya bakit iyon pa? Nananadya ata ang isang to ah.

"Oh yeah, is that all?!" kunwari ay masaya kong tanong sa kanya pinipilit na hindi maging sarkastiko. Tinanguan niya lang ako bilang sagog at saka siya umalis ang nagtungo sa higaan niya at iniwan ako.  Iyon lang ba ang intensiyon niya kaya gusto niya akong maka usap?

Ano namang pake alam ko kung magdinner date sila? Kahit pa magbreakfaat at lunch date sila araw-araw ,wala akong pake!

"Welcome to our 5th year celebrarion of music camp" umalingawngaw ang malakas na tunog sa may dalampasigan kung saan kasalukuyang ginaganap ang opening ng music camp, sinabayan pa ito ng usok at malakas na hiyawan ng mga tao.

Nakaupo lang kami sa buhanginan habang nakaharap sa mini stage kung saan naroroon ang emcee. Habang si kuya Arix naman ay katabi ang ilang tao , sa bandang gilid ng stage. Hindi oamilyar ang mga katabi niyang iyon dahil ngayon ko lang rin sila nakita.

"Mga sikat na musician ang mga iyan" bukong sa akin ni ate Leah ng mapansin niyang nakatingin ako s amga taong iyon. They look so intimidating! "Sila yung kinuha ni Babe na mga judge for this night" dagdag pa ni ate Leah.

"May contest?" nagtatakang tanong ko sa kanya. Habang ang isa ko namang katabi ay sayang saya sa nangyayari sa paligid niya. Pagdating talaga sa sigawan ay maasahan siya!

"So now let me first introduce our dearest judges for tonight's singing competition" at ayun nga isa isang ipinakilala ng emcee ang mga judges at gaya nga ng sinabi ni ate Leah ay sila yung mga katabi ni kuya Arix sa lamesa. "So who wants to start the competition? You can volunteer guys, ilabas niyo na ang inyong mga pambato pagadating sa kantahan " masiglang ani ng emcee.

Agad rin namang may nagvolunteer na lalaki at siya ang naunang nagperform marami ring sumundo sa kanya kaya naging maganda ang daloy ng competition. At ng wala ng magvolunteer ay nagtanong muli ang emcee. At biglang nagsalubong ang kilay ko ng mangibabaw ang boses ni Nicole.

"Si Ydha next" aniya. Dahilan para mapunta sa akin ang atensiyon ng lahat ng naroroon. Ano bang naisip ng babaeng yun at ako pa ang napagdiskitahan.

"Okay Ms. Ydha where are you?" maya maya pa  ay ta ong noong emcee. Nakita niya rin naman ako dahil nga nasa akin na ang lahat ng atensiyon ng mga tao lalo naman akong kinabahan ng pati ang mga judges ay nakatingin na rin sa akin at naghihintay s aoagtayo ko.

"Go Ydha, you can do it" pagchecheer sa akin ni ate Leah. Samantalang kabaligtaran naman ang sinabi ni Ayen.

"Huwag mong ipapahiya ang angkan natin ha" asik niya sa akin. Ngayon lang rin pumsaok sa isip ko ang dahilan kung bakit niya ako tinatanong kanina kung anong kakantahin ko. Kung alam ko lang na mapupunta ako sa sitwaagong ito ay dapat pala ay sineryoso ko kanina ang sinabi niya.

Gayunpaman ay tumayo na ako at derestong nakatingin sa stage, may naririnig pa akong ilang bulungan pero hindi ko na iyon pinansin pa. Mula sa kinatatayuan ko ay kitang kita ko ang napakaraming mata na nakatingin sa akin, at iyon ang pinaka ayaw ko , ayokong maging sentro ng atraksiyon.

"So once again on the stage, Ms. Ydha Alcantara"

Pagkasabi niyon ay agad kong ipinikit ang aking mga mata upang mabawasan ang kabang nararamdaman ko.

"Di ko malaman ang nadarama

Sa tuwing ika'y aking nakikita

May kung ano sa damdamin

At abot abot ang kaba

Sa araw araw ay nagtataka

Ang puso kong ito o bakit ba

Ang kilos ko'y nababago

Na halos naandiyan ka na"

Bigla namang bumilis ang pagtibok ng aking puso ng pagmulat ng aking mga mata ay mapako iyon sa isang tao, nakatayo siya roon sa likuran habang pinapanood ako.

Akala ko ba ay hindi siya pupunta?

"Di makatulog sa gabi sa kaiisip

Sa diwa ko ikaw ang aking panaginip

O bakit ikaw ang siyang laging laman ng isip ko

Sa bawat sandali na nais kang makita

Kapag tumitig na sa akin ay ligaya

Anong hiwaga ang nadarama anong kaba"

Siya lang ang nakapagpaparamdam sa akin ng ganoong klase ng kaba. Yung tipong parang naghahabulan ang pagtibok nito sa sobrang bilis.

Pero ibang kaba naman ang naramdaman ko ng  makitang luminga linga siya sa pailigid na animo'y may hinahanap at ayaw niyang magpakita doon. Hanggang sa tuluyan na siyang umalis sa kanyang kinatatayuan. Kasalukuyan ng nagcocomment ang mga judges pero wala na roon ang atensiyon ko.

Knowing that Alli is in danger now makes me feel nervous.

__________________________________________________

Thank you🤗

Credits to the song :Kaba (Tootsie Guevara)