"Ydha konting energy naman, music camp pupuntahan natin hindi lamay" singhal sakin ni Ayen pagkalabas namin ng condo. Hindi kasi naging maganda ang gising ko kaya sobrang wala akong energy ngayon. Habang siya naman ay nasobrahan naman yata.
"Kuya sa 3A po" sambit niya sa driver pagkasakay namin ng taxi. Papunta na kaming 3A dahil ngayong araw na gaganapin ang music camp at doon napagkasunduang magkita kita.
Sa isang resort gaganapin ang event ngayonmedyo malayo sa kabihasnan kaya naman maaga kaming aalis. Dahilan kung bakit dali dali rin itong si Ayen. Ang tagal niya rin kayang hinintay ang araw na ito, halos ito na nga ang bukang bibig niga araw araw.
"Ate Leah sorry we're late, eto kasing si Ydha binabahan na naman ng kahinhinan" bungad na sambit ni Ayen kay ate Leah ng salubungin kami nito sa harap ng 3A, marami ng tao ang naroroon naghihintay na isa isa namang ineentertain ni kuya Arix.
"Ate Leah,hindi ka ba nagseselos kapag may higad na umaaligid diyan kay kuya Arix" kunot noong tanong ni Ayen, na animo ay siya iyong girlfriend at siya ang galit na galit sa mga nakikita niya. "Kung ako yan, baka nahampas ko na sa kanila itong gitara ko" dagdag pa niya at akmang maglalakad papunta sa direksiyon nina kuya Arix at nung ilang babaeng kausap niya.
Hindi ko naman din siya masisisi dahil marami nga sa mga participant ng music camp ay mga babae, at halatang halata naman na isa sa mga dahilan ng pagsali nila ay para magpapansin lang kay kuya Arix.
"Ayen kalma" pag awat ni Ate Leah kay Ayen. "We're not teenagers anymore, and besides I have so much trust on Arix ,hindi niya gagawin iyang iniisip mo" nakangiting sambit pa niya habang ang paningin ay naroon na sa kanyang nobyo, dahilan para mapatingin rin kami ni Ayen roon.
"Ayy di ka sure" pabirong ani Ayen, kaya naman bahagya siyang pinalo ni ate Leah sa kanyang braso.
Binalik kong muli ang paningin ko kay kuya Arix, maaring tama si ate Leah,hindi ng aiyon magagawa ni kuya Arix, base sa nakikita ko ngayon. Halata namang kanina pa nagpapapansin sa kanya yung ilang babae sa harap niya pero parang wala naman siyang pake alam doon. Sa halip ay patuloy lang siya sa pagka usap sa mga ito ng walang malisiya.
He's really a nice guy! "Kailan kaya ako makakahanap ng tulad niya?"
What the hell?!, potek na bibig ito masyadong pasmado.
Dahil doon ay sabay na napatingin sa akin sina Ayen at ate Leah, kasabay ng mapang asar nilang tingin at ngisi. Sa susunod talaga magdadala na ako ng stapler para sa bibig ko. Masyado akong pinapahamak eh.
"Hindi mo naman na kailangang maghanap pa Ydha, malay mo nandiyan na pala" nakangising ani ate Leah. Agad naman akong napanguso dahil doon dahil malinaw sa akin at alam na alam ko kung ano ang tinutukoy niya, este sino pala . Si Alli!
"Hayy naku ate Leah huwag mo akong ginaganyan, isang linggo akong hindi makatulog at makakain ng ayos sa kakaisip tungkol diyan" pagsingit naman ni Ayen sa usapan, pinariringgan niya ako malamang. Syempre alam na alam niya ang naging epekto sa akin ng sinabing iyon ni Alli ,sa iisang bubong lang naman kasi kami nakatira.
"Hey girls, we're going to leave, maybe after five minutes" ngiting ngiti ani kuya Arix habang naglalakad papalapit sa pwesto namin. Pareho naman kaming napasinghal ni Ayen ng yakapin nito si ate Leah at halikan sa noo nito, sa mismong harap pa talaga namin naglambingan.
"Potek, konting respeto naman sa aming mga single" asik ni Ayen, dahilan para maghiwalay sa yakap ang magkasintahan habang tatawa tawa pa. Hanggang sa mabaling ang paningin sa akin ni kuya Arix, nakakunot ang mga noo niya habang nakatingin sa akin at saka muling bumaling kay Ayen. Ano bang ikinalilito niya?
"I thought you're the only one who's single here" sabi nito kay Ayen. At agad akong tinapunan ng mapang asar na ngiti. Agad umikot ang dalawa kong mata ng magets ko kung anong ibigsabihin niya roon. Ang bilis talaga kumalat ng tsismis.
"Yeah I think so" pagsakay naman ni Ayen sa mga sinasabi ni kuya Arix. Sogurado akong siya rin ang nagkwento ng lahat ng nangyari noon kaya nalaman agad nina ate Leah at kuya Arix. Akala ko pa naman malilimutan na nila ang tungkol doon dahil isang linggo na ang nakalipas pero hindi pa rin pala. Well, ako rin naman eh hindi pa rin nakakamove on!
I mean hindi pa ako nakakamove on dun sa huli kong napanood na movie, unexpected kasi yung emding tss.
Agd namang naagaw ang atensiyon namin ng biglang huminto ang isang van. Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinbahan ng makita ko ito. Nakahinga lang ako ng maluwag ng lumbas na ang mga sakay nito.
Si Ken, Andrew at Rio, hindi ko alam kung bakit parang mayroon sa akin na umaasang may lalabas pang isa doon, pero ganun na lang ang paglaglag ng balikat ko ng sumara na ang pinto ng sasakyan at saka umalis.
"Iba talaga amg nagagawa ng pag ibig nakakapang laglag balikat tsk tsk" parinig ni Ayen sa akin, at dahil ng napakalakas ng boses niya ay napakinggan iyon nina kuya Arix at ng kadadating lang na sina Ken.
"Waiting for him?" maya maya pa ay tanong sa akin ni kuya Arix na agad ko namang inirapan. Ito na nga ang kinatatakutan kong mangyari ang paulanan nila ako ng pang aasar, at ang nakakainis lang dun ay bakit ako lang ang inaasar nila? Hindi ba dapat ay pati si Alli? Siya yung umamin hindi ako! Siya dapat yung kinukulit nila.
"Hindi siya makakasama" ani Andrew pagakatapos ay nagkibit balikat siya na para bang nanghihinayang dahil hindi makakasama si Alli. Ano naman kung hindi siya kasama? Hindi naman namin ikakamatay iyon!
"Yeah, but he badly wants to go" iiling iling na sambit ni kuya Arix. Hindi ko gets kung bakit nagngingisihan sila sa sinabing iyon. Mga weirdo! "And I'm wondering why?" pagkasabi niyon at saka bumaling ng tungin sa akin si kuya Arix. At dun ko na napagtanto kung bakit sila lahat nakangisi, obviously para asarin na naman ako.
"Uggghhh" wala na akong masabi dahil sa sobrang inis pero sa halip n tumigil ay lalo pang lumakas ang tawanan nila dahilan para lalo akong maasar. Kya naman ay dali dali akong lumayo sa kanila at pupunta na sana sa karararting lang na bus na siyang sasakyan namin. Pero agad akong napahinto ng mabangga ako sa isang tao.
Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig ng mag angat ako ng tingin at makita ang nakabunggo ko.
Si Alli!
What the hell?! Akala ko ba ay hindi sasama ang isang to. Ano namang ginagawa niya rito?
"Akala ko pa naman nagwalk out na si Ydha, may sasalubungin lang pala" malakas na sambit ni Ayen ,kaunti lang ang layo namin sa kanila kaya dinig na dinig ko iyon. Hindi rin nakalgpas sa akin ang mga ngisi nina ate Leah at kuya Arix ganun din ang mga kaibigan ni Alli.
Lalo namang nagsalubong ang kilay ko ng maarinig ang bahagyang pagngisi ng katabi ko. Feel na feel ng potek!
"Masaya ka?" asik ko sa kanya.
"Kanina hindi, ngayon oo kasi nakita kita" sunod sunod niyang sambit, dahilan para mapamaang ako sa kanya. Pero sa huli ay mukhang pinagsisisihan niya ang mga sinabi niya.
"That's ma brother" maya maya pa ay sigaw ni kuya Arix, he looks very proud pero halata namang nangungulit lang siya. "Hindi ko alam yang moves na yan ah, can you teach me Li'l bro?"
"Oo nga naman turuan mo itong kapatid mo at ng hindi puro dictionary ka ba? Ang sinasabi sakin" singit naman ni Ate Leah dahilan para magtawanan ang lahat ng nasa paligid namin.
Nasabi na sa amin ni ate Leah dati na puro nga daw dictionary ka ba? Ang alam na pick up line nitong si kuya Arix. Nagrereklamo pa siya eh dahil din naman dun kaya niya ito sinagot.
"Babe naman masyado mo naman akong pinapahiya, may iba pa kaya akong alam na pick up lines" pangangatwiran ni kuya Arix. Salubong ang kilay niya pero hindi naman siya galit, naggagalit galitan lang.
"Oh ano naman yun? Sige nga parinig ako" panghahamon ni ate Leah sa nobyo niya. Kaya ayun si kuya Arix at talagang humawak pa sa sintido niya saka tumingin sa itaas ,mukhang nag iisip ng pick up lines.
"Pustiso ka ba?" maya maya pa ay tanong niya kay ate Leah habang kami naman ay nagpipigil ng tawa. Napaka bago ng pick up line ni kuya Arix grabe.
"Oh sige ,bakit?" walang ganang ani ate Leah, complete package na sana itong si kuya Arix, yung tipong ideal boyfriend, kung hindi lang kulang ng isang turnilyo sa utak.
"Kasi, I can't laugh without you" nakangiting ani kuya Arix.
" Smile yun hindi laugh, imbento ka rin eh" asik ni Alli. Medyo napailing pa siya pagkatapos niyon na para bang disappointed na disappointed siya sa sinabi ng kapatid.
"Parehas din yun kapag ngumiti ka tawa rin naman ang kalalabasan, inadvance ko lang, ang mahalaga ay kinilig si babe" pangangatwiran pa ni kuya Arix. "You're just being jealous kasi hindi kinilig si Ydha sa banat mo kanina"
"She does" sagot naman ni Alli, dahilan para samaan ko siya ng tingin. Ako kikiligin sa kanya? No way! "Sabihin mong hindi" panghahamon sa akin ni Ace ng makita niya ang masama kong tingin.
"Hindi" pagdidiin ko sa salitang iyon para maintindihan niya ng maayos.
"I think we need to go na, it's not safe here, mukhang may sasabog..na bomba" kumindat pa si kuya Arix bago kami lagpasan kasabay niya si ate Leah, habang nakasunod naman sa kanila ang mga kaibigan ni Alli at si Ayen na talagang ngumisi pa muna bago rin lumagpas sa amin
"What?" tanong ko kay Alli habng pinagtataasan siya ng kilay. Kung makatingin kasi akala mo eh may ginawa akong mali.
"Hindi ka kinilig?" hindi makapaniwalang aniya. Saka nakapameywang na humarap sa akin.
"Hindi nga, ano bang mahirap intindihin doon?" naiinis ng sambit ko. At saka nagsimulang maglakad at nilagpasan para sumunod na kayna Ayen. Kapag ako naubusan ng masasakyan, yari tong lalaking to sa akin.
"Bakit ba ang hilig mong magwalkout?" maya maya pa ay tanong niya. Nakasunod na rin siya kaagad sa akin. Akala ko ba ay hindi siya sasama? Bakit hindi na lang siya umuwi?
"Akala ko ba ay hindi ka sasama?" nauubos na ang pasensiyang tanong ko at saka tymigul at humarap sa kanya.
"Hindi nga" aniya.
"Oh eh bakit sunod ka ng sunod? At tsaka bakit ka nandito?"
"Why, don't you want me here?"
"Hindi..." dun lang ako napatigil sa paglalakad, malapit na kami sa bus na sasakyan ko. Nilabanan ko ang mga tingin niyang nanghahahmon, halatang pinipigilan pa niga ang pagngiti. "I mean.. Hindi, hindi kita gusto" ewan ko kung bakit iyon ang lumabas sa bibig ko basta may masabi na lang ako para hindi niya mamisunderstood yung mga sinagot ko.
"Wala naman akong sinabing gusto mo ako? pamimilosopo pa niya.
"Wala nga!, kaya umalis ka na rito baka kung sino pang makakita sayo dito" singhal ko sa kanya.
"Huh?! oh eh ano naman kung may makakita sa'kin dito?" naguguluhang tanong niya sakin.
"Edi ba nga may naghahanap sa'yo na lalaki, eh pa'no kung makita ka niya rito?"
Iyon ang kagabi pang gumugulo sa isip ko, pagkatapos ng mga nangyari kahapon ewan ko ba kung bakit hindi na nawala ang takot at pangambako para sa lalaking ito? Knowing na may naghahanap sa kaniya na hindi ko kilala kung sino at kung ano ang pakay sa kanya.
Pero kakaiba ang kaharap kong lalaking ito, nakuha pang ngumiti matapos ng sinabi ko. Dapat ay matakot siya diba? Paano kung may gawin sa kanyang masama ang naghahanap sa kanya?
"Hindi ka man lang ba natatakot?" tanong ko sa kanya. Dahilan para mapatingin siya sa akin ng deretso at bigla na lang sumeryoso ang kanyang mukha.
"I'm scared, but now that you're here caring for me I don't have any reason to be afraid" seryosong aniya at saka ipinatong ang isa niyanv kamay sa aking ulo at saka bahagyang ginulo ang aking buhok.
At ngayon aaminin ko na, Oo Alli kinilig ako, kinikilig ako!
__________________________________________________Thank you🤗