"What the hell?!" nasapo ko ang aking mukha ng dalawa kong palad habang nakaupo ako sa aking kama. Kanina pa kasi akong hindi makatulog sa kaiisip sa lintek na lalaking yun.
Bakit niya pa kasi kailangang sabihin yun? And worse sa harap pa ng pinsan ko at ng mga kaibigan niya. Di niya ba alam na baka ulanin na naman kami ng pang aasar? At siguradong makakarating pa iyon kayna kuya Arix, knowing my cousin, walang makakalagpas sa bibig ng isang iyon. Bwiset.
Nakatulugan ko na lamang ang pag iisip na iyon. At tulad nga ng inaasahan ko ay sandamakmak na pang aasar ang nakuha ko kay Ayen. Talagang hinintay pa yata akong magising.
"Good morning" nakangisi niyang bati sakin pagkamulat ko pa lang ng aking mga mata, naroon siya sa may pintuan ng aking kwarto. I rolled my eyes on her at muling pumikit para ipagpatuloy ang aking pagtulog. "Magandang umaga rin naman Ayen, salamat at naalala mo pa akong batiin sa umaga" sarkastikong aniya namalayan ko na lang ng umupo siya sa kama ko at hinigit bigla ang aking unan dahilan para, tumalbog ang ulo ko sa kama, buti na lang at malambot iyon.
"Ano na naman? Ang aga aga Ayen" singhal ko sa kanya ng harapin ko siya, ayun siya at ngising ngisi na naman ang pagmumukha.
"Aray ko potek" reklamo niya ng pitikin ko siya sa noo. Pero mukhang malakas talaga ang amats niya ngayon dahil hindi mawala wala ang pagkakangisi niya sakin. Inangkla niya pa ng kanyang mga braso sakin ng bumangon ako at maupo rin sa tabi niya.
"Alam mo ikain mo yan, kailangan mo yun" sambit ko sabay alis ng kanyang braso sa akin. At tsaka ako tumayo para tumungo na sa banyo.
"Ang sungit naman marami akong kilala na lumalablayp pero hindi sila ganyan" nakanguso niyang sambit. At ano daw? Ako lumalovelife? What the hell! "Sabagay kung ganun ba naman kagwapo kay Alli, mapapasungit ka talaga" tuloy tuloy pa niyang sabi hanggang sa makapasok na ako ng banyo.
Sapo ko na naman ang aking mukha pagkasara ko ng pinto. Si Ayen pa lang ang nang aasar sakin, suko na kaaagad ako. Bwiset kasing lalaki yun.
Hindi ko alam kung anong mukha ang ihaharap ko sa mga kabanda niya ,kayna kuya Arix at sa ....kanya.
"Compound Interest is the interest earned on previously earned interest added to the principal, so now who can give some terms related to it?" ang mga ganyang tanungan ng prof namin ang nakakapagpagising sa mga natutulog naming isip. Para kaming sinabuyan lahat ng malamig na tubig dahil doon. "Ms. Corpuz--"
"Ayy potek, pag minamalas ka nga naman" pabulong na singhal ni Ayen tumingin pa siya sa likuran niya sa mismong harapan ko, para hindi siya mapakinggan ng prof namin.
"Ms. Corpuz I'm asking you" maawtoridad na sambit ng aming prof. Pigil ko naman ang aking pagtawa dahil nasisigurado kong kabado na ang aking magaling na pinsan.
"Sir hehe" nakatayo na si Ayen hindi ko amakita ang ekspresiyon ng mukha niya dahil nasa lukran niya ako, pero nasisigurado kong nakangiwi na siya. "Pardon sir" lakas talaga ng tama ng pinsan kong ito, narinig niya naman talaga yung tanong ipapaulit pa.
"Just sit down Miss Corpuz, if you can't give me an answer" ani prof namin.
At ang walang hiya kong pinsan ay umupo nga. Tsk.
"How about you Ms. Alcantara, would mind giving us a term related to compound interest?" maya maya pa ay baling sakin ng aming proffesor. Agad naman akong tumayo at sumagot sa kaniya.
"Periodic rate sir, it is the annual interest rate per frequency of conversion" nakangiti kong sambit. Mabuti at natandaan ko pa ang ibog sabihin niyon, noong nakaraang araw ko pa kasi iyon napag aralan.
"Ydha can we talk?" halos mapatalon naman ako sa aking kinauupuan ng biglang lumapit sa amin si Yesha. Narito kasi kami ngayon sa school canteen.
Binigyan ko muna ng makahulugang ngiti si Ayen bilang pagpapaalm bago ako tumayo at sumunod kay Yesha.
Nanatili lang ako sa likuran niya wala sa amin ang nagsasalita habang naglalakad. May pakiramdam akong hindi maganda dahil ngayon lang naman niya ginawa ito, I mean yung siya ang unang mag approach para maka usap ako.
Napahinto ako ng tumigil na siya sa may tapat ng isang puno sa gilid ng school ground.
"About what I said last last night" panimula niya habang ang paningin ay nasa malayo, kung hindi lang kami ang tao dito baka isipin kong may iba siyang kausap.
"Yesha, I already told you, I don't want to take that engagement" I make her remember kung ano yung napag usapan namin nung gabing iyon. At hanggang ngayon ay yun pa rin ang desisiyon ko.
"You said you wanted us to be okay, right?" halos isigaw na niya iyon sa akin. Sa pagkakataong ito ay nakaharap na siya sa akin kaya kitang kita ko kung paano umikot ang mga mata niya.
"Oo, pero.."
"Ang sabihin mo, ayaw mo lang talaga, kunyari ka pang gusto mong magka ayos tayo at ngayong binibigyan na kita ng chance aayaw ka" sunod sunod niyang singhal sa akin. Saka niya ako tinalikuran at tuluyan ng umalis.
Habang ako naman ay naiwan dito na nakatulala, hindi ko na alam ang gagawin ko. I want us to be okay pero hindi sa ganung paraan.
"Oyy time na kailangan na nating pumaaok baka malate tayo" maya maya pa ay sambit ni Ayen na sinundan na pala ako. Agad din naman akong sumunod sa kanya patungo sa susunod naming klase.
Lumipas ang isang linggo namin ng hindi ko napapansin dahil sa sobrang busy namin sa mga school works. School bahay na lang talaga ang naging buhay namin ni Ayen ng mga nakaraang araw, mabuti na din iyon kasi nakakaiwas ako sa pang aasar niya pati na rin kayna kuya Arix. At syempre si Alli! Hindi ko alam kung oaano ko siya haharapin amtapos marinig ang mga sinabi niya noong nakaraang gabi. What the hell?! Bakit ba kasi hindi iyon maalis sa isip ko?
"Oh eto pa, tsaka limang piattos at anim na nova" sunod sunod na lagay ni Ayen sa cart namin.
"Oyy Ayen music camp ang pupuntahan natin hindi food trip" asik ko sa kanya habang kinukuha pabalik ang mga sitsiryang kinuha niya kanina.
Bukas na kasi gaganapin ang music camp at inaya niya akong mamili daw ng pwede naming baunin sa camp, pero mukhang buong store ay bibilhin na niya. Well, that's not impossible to her.
Hahatian ko sana siya sa bayad pero agad naman siyang tumanggi kaya hinayaan ko na lang. Ako pa ba?
Maayos na sana ang lahat ngunit pagkalabas namin ng store ay sakto namang papasok sina Alli, this time si Ken lang ang kasama niya.
Agad akong nagmadaling maglakad papalabas, habang iniiwas ang paningin kay Alli na ngayon ay nakatayo lang doon sa may gilid, pinauna nila kaming makalabas bago sila pumasok, akala ko ay makakahinga na ako ng maluwag pero umeksena na naman ang magaling kong pinsan.
"Hoy, long time no see mga erps" bati niya doon sa dalawa na animo'y close na close siya sa mga ito. "Dalawa lang kayo?"
"May nakikita ka pa bng iba?" walang hiyang sagot sa kanya ni Alli. Lalo naman akong napatingin sa baba ng marinig ang boses niyang iyon. Bakit ba kasi kailangang ganun kalala ang epekto ng boses niya sa akin?
Umayos ka Ydha!
"Wala" asik ni Ayen. "Dalawa lang din kasi kami" dagdag pa niya saka lumapit sa akin at pinulupot ang kanyang braso sakin.
Lalo naman akong hindi mapakali ng tingnan ako ni Alli at Ken. Nakangiti si Ken habang si Ace naman ay di ko mawari kung anong itsura niya. Salubong ang dalawa niyang kilay pero hindi naman siya mukhang galit.
"So do you want to join us? We were having fun at 3A nautusan lang kaming bumili ng drinks dito" nakangiti pa ring anyaya samin ni Ken. Pero hindi ko magawang suklian iyon ng ngiti dahil sa kakaibang presensiya ni Alli. Ano bang problema sa mukha ko at kanina pa siya nakatitig doon. Bwiset.
"Oh sur--"
"No we need to rest, I mean uhmmm medyo madami kasi kaming ginawa those past few days so, yun kailangan naming magpahinga" tuloy tuloy kong pagpapaliwanag, at hindi na pinatapos pa si Ayen sa sasabihin niya. Alam ko kasing sasabutahiin niya na naman ang plano kong magpahinga.
"You can rest while having some fun" pagpupumilit ni Ken sa amin na agad rin namang sinuportahan ni Ayen.
"Oo nga medyo matagal tagal na rin akong di nakainom ng alcohol" ani Ayen habang hinihimas ng bahagya ang kanyamg lalamunan.
"Sa condo maraming alcohol dun,ethyl, isoprophyl, methyl,mamimili ka na lang ng gusto mo, inumin mo hanggang sa magsawa ka" asik ko sa kanya, habang iniiwasan pa rin ang presensiya ni Alli.
"Parang nahiya ka pang sabihing magpakamatay na ako ah" sarkastikong sagot naman niya sa akin. Saka humarap muli doon sa dalawang lalaki. "Siguraduhin niyo lang na malalasing ako diyan ah" pag yayabang pa niya. Nasapo ko naman ang aking noo dahil doon, isa lang kasi ang ibig sabihin nun, sasama siya at syempre hindi siya papayag na hindi rin ako kasama. Kailan ba aayon sa aking desisiyon ang pinsan kong ito?
"So wait for us here we'll just going to buy drinks" nakangiting sambit ni Ken, saka siya pumasok sa loob ng store. Salubong naman ang kilay ko ng hindi sumunod sa kanya si Alli at nanatili lang na nakatayo sa pwesto niya. Kaya naiwan kaming tatlo--
"Ayy nakalimutan ko palang bumili ng kape, wait lang Ydha ha bibili lang ako, flirt ka muna-- ay este wait ka lang diyan" pagakasabi niyon ay dali dali ng pumasok muli sa loob ng store si Ayen, dahilan para maiwan kaming dalawa dito ni Alli.
Iniiwasan ko siya diba? What the hell, why did I ended up being with him?
"So much ready for the music camp huh!" sambit niya habang isa isang tinapunan ng tingin ang hawak kong plastik kung saan nakalagay ang pinamili namin ni Ayen.
Hindi ako sumagot sa kanya, dahil ayoko at tsaka hindi naman siya nagtanong kaya bakit ako sasagot diba?
Halos mapatalon naman ako ng hawakan niya ako sa braso at basta na lamang akong higitin sa may gilid ng store, medyo madilim sa parteng iyon at abse sa mga kilos niya ay para bang meron kaming tinataguan dahil panay ang linga niya sa paligid habang hawak pa rin ako.
Binitawan nita lamang ako ng higitin ko iyon mula sa kanya, habang siya ay patuloy pa rin sa paglinga. Sino na naman ba ang tinataguan ng lalaking ito? Isa na naman ba sa mga babae niya?
Lalabas na sana ako mula sa pinagtataguan namin ng muli niya akong higitin, sa pagkakataonng iyon ay laki ang pasasalamat ko sa kanya dahil muntik na rin akong masagasaan ng kararating lang na itim na van.
Huminto ito sa mismong tapat ng store, at ng bumukas ang pinto ay lumabas amg isang lalaki, na pormal na pormal ang suot, mukha siyang kagalang galang sa itsura niyang iyon. Ramdam ko naman ang paghigpit ng kapit sakin ni Alli, dahilan para hindi ko mabawi ang aking kamay sa kanya.
Pagkatingin ko muli sa lalaki ay sakto namang labas ni Ken sa store at agad siyang kinausap nito, mukhang seryoso ang sinasabi noong lalaki ,at ang tangi lang naisagot ni Ken ay ang pag iling. Luminga linga pa sa paligid iyong lalaki na mukhang may hinahanap, at ng walang makita ay agad niyang kinapitan sa kuwelyo si Ken, at base sa nakikita ko ay mukhang pinagbantaan niya si Ken, saka siya pumasok muli sa loob ng van at tuluyan mg umalis.
Bigla ay nagpakawala ako ng hininga ng alisin na rin ni Alli ang mahigpit niyang pagkakahawak sakin. Hindi na ako umaasang magsosorry siya dahil hindi nga siya ganoong tao yun ay ayon mismo sa kanya.
Hindi nga ako nagkamali ng maglakad na siya papalapit kay Ken kaya sumunod na rin ako sa kanya. Halata sa mukha ni Ken ang takot dahil hindi niya agad napansin ang aming presensiya ang kaninang ngiti sa mukha niya ay tila ba napalitan na ng kaba at takot.
"He's finding you" maya maya pa ay baling niya kay Alli, na ngayon ay salubong na ang dalawang kilay. "You need to hide now"
Hindi ko alam kung bakit ako biglang nakaramdam ng kaba dahil sa mga nangyayari at sa sinabing iyon ni Ken.
Sino ba ang lalaking iyon at bakit niya hinahanap si Alli?
__________________________________________________Thank you🤗