"Mukhang di uso alarm clock sa inyo ah" bungad na sambit sakin ni Ayen, pagkapasok na pagkapasok ko ng classroom. Medyo nalate kasi ako ng gising tapos malayo pa ang binyahe galing sa bahay papunta sa school. Dahil sa kaiisip ko sa sinabi ni Yesha kagabi kaya nalate ako ng gising.
Gusto niyang ako ang umako ng engagement, and my answer is ofcourse NO!
Hindi na nga ako malaya sa pagpaili ng course ko pati ba naman sa pagpili ng taong mamahalin ko. Gusto kongbmakipa ayos kay Yesha pero siguro mangyayari din yun sa ibang paraan.
"Pinayagan ka ba ni tito sa music camp?" tanong ni Ayen, heto kaming dalawa at nagdadaldalan dahil hindi daw papasok ang prof namin ngayon. Gusto ko sanang matulog sa mga oras na ito pero hindi ako hahayaan ng bibig ng pinsan kong mngyari iyon.
Tumango lang ako sa kanya bilang sagot. Hindi ko na siya kailangan pang tanungin kung pinayagan siya dahil alam ko na ang sagot. Supportive kasi sa kanya ang mga magulang niya sa oassion niyang iyan pero tulad ko hindi rin dapat niya pabayaan ang pag aaral niya.
"Eh ano nagkabati na ba kayo niyang si Yesha?" tanong niya pa ulit ng matanaw namin si Yesha mula sa bintana na naglalakad sa hallway kasama ang mga kaibigan niya. Umiling lang ako kay Ayen, kung ako ang tatanungin gustong gusto kong magka ayos kami pero mukhang malabo ng mangyari iyon.
"Kaya tayo may bibig para magsalita ha baka hindi mo alam pinapa alala ko lang" sarkastikong aniya. Mukhang naiirita na naman dahil sa paraan ng pagsagot ko sa kanya.
Pero sa halip na patulan siya ay umubob na lang ako sa lamesa ko, alam na niya ang ibig sabihin nun, matutulog ako at hindi ko kaialngan ng presensiya ng madaldal niyang bibig.
Pero kahit anong gawin ko ay hindi na yata mawawala sa katawan niya ang kadaldalan, bukod kasi sa pagkanta ay iyon ang talento niya. Hindi pa rin siya tumigil sa pagdada hanggang sa mapadaan na naman kami sa may bay pauwi.
"Alam mo bang mrami raw activities sa mucic camp, hay excited na ako" masayang aniya pagkaupo namin sa bench na naroon habang kumakain ng fishball at kikiam.
"Mukha nga, hindi halata sa mukha mo eh" sarkasitkong safot ko sa kanya. Excited na excited talaga siya dahil iyon ang laging bukang bibig niya.
"Eh sino ba namang hindi maeexcite, first time kong sumama sa music camp"
O tama ako diba? Mukha na siyang music camp, adik sa music ang hanep!
"Minamasdan kita ng hindi mo alam
Pinapangarap kong ikaw ay akin
Mapupulang labi
At matinkad mong ngiti
Umaabot hanggang sa langit"
Bigla ay napatigil kami sa pag uusap ng biglang tumugtog ang isang banda, na rinig na rinig sa buong plaza. Hindi lang pala kami ang nakuha nilang atensiyon kundi ang sa ibang tao din na nasa paligid.
"Huwag ka lang titingin sakin
baka matunaw ang puso kong sabik"
Agad akong hinila ni Ayen papalapit sa bandang nagpeperform kung saan ay napakarami na ng taong nakapalibot at manghang mangha sa pinapanood na animo'y isa iyong concert.
Hinayaan ko lang si Ayen sa paghigit sa aking kamay habang siya ay patuloy lang sa paglalakad,walang pake alam kahit pa may nadadanggil na kaming mga tao. Tumigil lang siya ng makarating na kami sa harap. At mula doon ay rinig na rinig at kitang kita namin ang pinagmumulan ng magandang musika na iyon.
"Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling
At sa tuwing ikaw ay gagalaw ang mundo ko'y tumitigil
Para lang sayo ang awit ng aking puso"
Puso. Sa bawat pagbigkas niya ng mga liriko ng kantang iyon ay direkta ito sa puso ng sinumang nakikinig sa kanya.
Kaya ganoon na lang ang pagbilis ng pagtibok ng dibdib ko. Maraming beses ko ng napakinggan ang kantang ito mula sa iba't ibang tao, ngunit sadyang kakaiba ang dating sakin kapag sa kanyang boses ko ito maririnig. Siya lang ang nakakagawa noon at nakakapagbigay ng ganoong pakiramdam sakin.
Yung pakiramdam na nagsimula kong maramdaman noong nakulong kami sa music studio, noong mga oras na tinitipa niya ang gitara, at ngayon ay mas lalo pang nadagdagan ang kakaibang pakiramdam na iyon ng sabayan na niya ito ng kanta.
"Sana'y mapansin mo rin
Ang lihim kong pagtingin"
Pagtingin. Ganoon ba ang ibig sabihin ng pakiramdam na iyon? Yung kahit napapalibutan ako ng napakaraming tao ay siya lang ang nakikita ng aking mga mata, na para bang isa iyong bituin na kumikislap sa tuwing ngingiti siya.
"What the hell is happening to me" bulong na asik ko sa aking sarili, bahagya ko pang nasapo ang aking noo ng isa kong kamay dahil sa mga bagay na tumatakbo sa isip ko. Hindi ko dapat iyon maramdaman cause I don't have time for that!
Plano ko ng umalis kaagad pagkatapos ng performance nila pero dahil sa dakilang hadlang sa buhay ko, hindi ata iyon ang mangyayari.
"Alli !!" malakas na sigaw ni Ayen dahilan para magtinginan sa kanya ang ilang tao at syempre yung taong tinawag niya mismo. Agad naman akong nagbaba ng tingin ng sumulyap siya sa direksiyon ko. Bakit ba ko nahihiya sa lalaking to?
"Why" tamad niyang sagot kay Ayen, sa babaeng hindi marunong mahiya. Ni hindi nga sila close pero ang lakas ng loob niyang tawagin ito.
"Pwede papicture?" tanong ni Ayen. What the hell hindi naman artista si Alli para magpapapicture pa siya dito.
At dahil isa't kalahating mayabang din itong si Alli ay feel na feel naman niya ang sinabi ng pinsan ko, dagdag mo pa ang kakulitan ng mga kabanda niya.
"Naks, pare lakas maka artista ah" pang aasar nung isa sa mga kasama ni Alli, yung may dalang gitara.
"Okay" pagpayag ni Alli sa gustong mangyari ni Ayen, kaya agad namang lumapit sa kanya ang pinsan ko at inabot ang cellohone niya. Nagtataka naman iyong tiningnan ni Alli. "Anong gagawin ko diyan?" kunot noong tanong nito kay Ayen.
"Magpapapicture nga ako diba, kaya ayan yung cellphone ko, gandahan mo ng kuha ha gusto ko wide shot" sunod sunod na sambit ni Ayen. Pigil naman ang tawa ko ng makita ang naging reaksiyon ni Alli. Hindi niya siguro inaasahan na ganun ang nais mangyari ni Ayen.
Gagawin pala siyang photographer!
"And what made you think na kukuhanan kita?" masungit na ani Alli dahilan para mapasinghal naman si Ayen, lumapit na ako sa kanila para pigilan siya at ayain ng umuwi.
Pero hindi pa rin siya sumuko ang binalingan naman niya ngayon ay ang mga kasama ni Alli at doon na lang nagpapicture, medyo kaclose naman niya ang mga iyon dahil nakakasma namin sila sa mga music session sa 3A. Kaya ayun sila at may kaniya kaniya ng pose.
"She's weird" iiling iling na ani Alli habang pinpanood ang mga kasama niya at si Ayen habang ang mga ito ay kumukuha ng larawan. Mukhang hindi pa rin siya maka move on sa nangyari kanina. Napahiya kasi siya dun!
"Assuming ka lang" mahina naman ang pagkakasabi ko niyon ngunit sadya yatang malakas ang pandinig ng lalaking ito. Agad kasi siyang tumingin sakin ng masama.
"May saltik lang talaga yang pinsan mo, nasa lahi niyo ata" pang lalait niya sa amin sinabayan pa ng nang aasar na ngiti. Sila rin naman ah sa tagal ng pagkakakilala ko kay kuya Arix masasabi kong tinatablan din siya ng saltik minsan, eh lalo na naman na tong kaharap ko.
"Feeling ko nasa lahi niyo rin yun, knowing kuya Arix, tsk weird" pang aasar ko rin sa kanya at mas diniinan ang pagkakasabi noong huling salita, laitan lang pala ng lahi ang gusto niya pagbibigyan ko siya. Sana lang gumana
"Yeah he's actually more than that, if you just know" napamaang na lang ako sa sinagot niya, akala ko ay sasalungatin niya ako pero itinama niya pa ako sa aking sinabi na para lang siyang nagsusumbong sa nanay niya kung gaano ka weirdo ang nakakatandang kapatid. "Why?" tanong niya ng mapansin ang pagtitig ko sa kanya.
"So lahi niyo nga ang may saltik?" I asked him while stopping myself to laugh, hindi niya kasia ko sinalungat sa pagkakataong iyon, which is not normal to him.
"What I am saying is that uhh--" nag aalinlangan pa siya sa isasagot niya. "I mean hindi naman masyado konti lang" kibit balikat niyang sagot. Dahilan para matawa ako, hindi niya man lang pinagtanggol ang lahi nila kawawa naman ang pamilya ng isang to.
"Ydha!!!" napatigil naman ako sa pagtawa ng marinig ang sigaw ni Ayen. Kasama parin niya nagyon yung tatlong kabanda ni Alli, at mukhang tapos na sila sa pagpipicture. "Kain daw tayo sa labas libre ni Ken" turo niya doon sa isang lalaki. Iba talaga ang nagagawa ng makapal na pagmumukha niya.
"Kailangan na nating umuwi" pagtanggi ko sa sinabi niya. May natitira pa naman akong hiya sa sarili ko.
"Wala tayong pagkain sa condo, wag ka ng pabebe diyan kung ayaw mong magutom" asik niya sakin pabalik. Magsasalita pa sana ako ng biglang magsalita si Alli.
"Let's go"
At ayun nga hindi na ako nakatanggi ayaw ko rin namang magutom. Buti na lang at hindi masyadong nakakahiya dahil kilala ko naman na yung mga kabanda ni Alli , nakakasama nga kasi namin sila sa mga music session, pero hindi ko pa rin sila ganun kaclose di tulad nitong si Ayen. Lahat na lang ginawang kaibigan!
"So ano aattend ba kayo ng music camp?" tanong ni Andrew pagkatapos iserve ng pagkain namin.
"Oo naman ready to go na nga kami niyang si Ydha eh" sagot ni Ayen. "Kayo ba?"
"Kami siguradong pupunta" ani Ken. "Ewan ko lang sa isang yan" sabay turo naman niya kay Alli na prenteng prente sa pagkakaupo niya. Napunta ang atensiyon naming lahat sa kanya hinihintay ang kanyang sagot. Pupunta kaya siya?
"I'm not sure if I can go" yun lang ang kanyang isinagot hindi ko alam kung bakit meron sa loob ko na umaasang aattend sita. Pero hindi na iyon kailangang ilabas pa ,hindi naman na importante iyon.
Yun lang ang naging usapan namin habang kumakain,andami aksing tanong ni Ayen tungkol sa music camp na sinasagot din naman nung tatlo since naka experience na sila noon. Hanggang sa mapunta na ang usapan nila sa lovelife.
Bakit ba kailangan pang pag usapan iyon?
"What about you Ydha, do you have a boyfriend?" tanong sakin nung isang lalaki, Rio ang name niya sa pagkakatanda ko. Umiling lang ako sa kanya bilang sagot. Okay na yun di na kailangan pa ng mahabang palinawagan pa kung bakit.
"Owws di nga?" di makapaniwalang ani Justin isa pa sa mga kabanda nila. Ano bang di kapani paniwala sa sinabi ko? "Bakit? I mean... Di ka naman pangit?" tanong pa niya habang sinusuring mabuti ang aking mukha. Medyo nailang tuloy ako.
"Wala akong oras sa mga ganyang bagay" yun na lang ang naisagot ko, mukha namang nahalata nila sa tono ng pananalita ko na ayaw ko ng ganoong topic, pero syempre hindi ang pinsan ko,eeksena at eeksena siya pa rin siya.
"Ang sabihin mo pangit yung mga nangliligaw sayo kaya wala kang mapili" asik ni Ayen sakin kakatapos niya lang sa kinakain niya.
"Excuse me wala naman akong pake alam sa itsura, kung pangit sila edi okay lang kasi--"
"Di ka rin naman ganun kaganda" walang hiyang sabi ni Alli.
Kaya naman parang biglang umakyat ang dugo ko sa ulo at nagdilim ang paningin dahil sa mga salitang lumabas sa bibig niya. What the hell, did he just say na hindi ako maganda?
"Hindi ka rin naman gwapo" singhal ko sa kanya. Hindi ako pala away na tao pero pagdating sa kanya ewan ko at kung bakit ang bilis mag init ng ulo ko.
"Wala naman akong sinabing gwapo ako" pakikipagtalo niya pa sakin. Talagang sinusukat ata ng lalaking ito ang aking pasensiya.
"Sinasabi ko lang baka di ka aware" maarteng ani ko, wala ng pake alam sa mga kasama namin sa lamesa.
"Sus, type mo lang ako eh" mapang asar niyang aniya, pero kakaiba ang naging dating niyon sakin, para bang may biglang kumalabog sa dibdib ko. What the hell?!
"Hindi mangyayari yun kahit kailan" pagsalungat ko sa sinabi niya.
"Paano kung mangyari? anong gagawin mo?" seryosong tanong niya sakin habang pinagtataasan ako ng kilay.
"Wala" halos isigaw ko na iyon, samantalang ang mga kasama naman namin ay nanonood lang saming dalawa, mukhang enjoy na enjoy sa nakikita nila. "Hindi kita gusto kaya hindi mangyayari yun"
"Eh kaso gusto kita, pano kaya yun?"
__________________________________________________Thank you🤗