Madrid skyline kaagad ang kanilang unang pinuntahan. Sa rooftop ng circulo-de-bellas-artes magandang kumuha ng larawan. Makikita na dito ang buong city at ang mga avenues nito at marami pang iba.
Nakita ni James na napakasaya ng ngiti ni Jake tila walang problema o kahit anong iniisip.
"Sana ganyan ka lagi kasaya Jake, bumabagay ang ngiti mo sa magandang tanawin."
"Masaya lang ako, pwede pala maging masaya kahit anong oras"
"Siempre naman malaya ka maging masaya sa paraang gusto mo, walang dapat humadlang kung saan sasaya ang isang tao"
"Tama ka James thank you"
Tumagal sila sa Madrid Skyline ng halos tatlumpong minuto kaya naman minabuti na ni Tita Flor na yakagin sila sa sunod nilang destinasyon ang plaza mayor
Dito sila naupo at nagrelax habang bumili naman si Tita flor ng kape. Binili niya ang pinakamahal na kape ang "café con leche"
"Tita nag abala pa kayo pwede naman pong wala" ani ni James
"Para naman matikman ninyo ang pinaka expensive na kape dito ang café con leche"
"What tita? Expensive? Itong kapeng ito?" Pagkagulat ni Jake
"Oo Jake hayaan mo na at minsan lang ito libre ko to sa inyo ok?"
"Pero nakakahiya po talaga tita" ani uli ni James
"Wag na kayong mahiya. Siya nga pala pagkatapos dito hindi na tayo mamasyal may pupuntahan tayo party ng pinoy dito sa Madrid"
"Wow party!" Pagkagalak ni Jake
"Nag iinom ba kayo? Kasi puro mahihilig sa alak ang mga tao doon"
"Si Jake po Tita ang mahilig, gusto po lagi niya patay lasing kung umuwi haha 😂" pang aasar ni James
"Nako Jake baka mapalaban ka beterano na sa alak ang mga pinoy dito"
"Sisiw yan tita ako pa" sabay kindat ni Jake sa kanyang tita
"Sige lang Jake tingnan natin mamaya yang yabang mo"sagot ng tiyahin
Nang matapos sila mag kape ay nagyaya na si Tita Flor na umalis upang hindi sila hapunin sa kanilang pupuntahan at para mas makilala pa ng kasamahan sina Jake at James.
Napakaraming pasahero nahirapan sila sumakay sa tren. Inabot sila ng bente minutos bago makasakay at nakarating sila sa venue lampas alas kwatro ng hapon.
"Nandito na tayo. So ready na papasok na tayo"
"Yuph tita ready na po kami"
Binuksan na ni Tita Flor ang pinto. Napakaraming tao ang dinatnan nila nag kukwentuhan, kumakain at nag iinuman na ang iba.
"Amiga!"
"Kumusta kasama ko ang pamangkin ko at ang kaibigan niya"
"Walang problema mas mabuti yan para naman may makilala silang iba dito"
"Hola, ako po si Jake siya naman po si James"
"Hola sa inyo. Lovers ba kayo?"
"Ano po?"
"Ah hindi ba kayo? Akala ko kasi kayo"
Napatingin sa isa't isa si Jake at James at tanging ngiti na lamang ang kanilang naisagot sa nagtanong.
"Ganun ba tayo kasweet James?"
"Di ko din Alam eh"
Nagtungo na sila sa kusina para kumain na sila at ng makapag simula na sila sa mga kwentuhan sa salas at inuman na din. Matapos nilang kumain, dumeretso na sila sa mga kasamahan nila na nasa salas at doon na sila umupo. Nagkahiwalay ng upuan ang dalawa.
"Jake dito ka na sa tabi ko" ani ni River
"Ok thanks"
Si River ay isang straight guy. Kilala din siya dahil nakikipagrelasyon din siya sa katulad ni Jake. Kung isusuma total mas madami pa siyang naging syotang lalaki kesa naging girlfriends.
Si James naman ay napaupo sa tabi ni Janno. Nasa dulo siya kaya malayo siya sa kinatatayuan ni Jake. Halata kay James na hindi siya comportable sa kanyang kinauupuan.
Tiningnan ni James si Jake at nakita niyang magkausap ng masaya sina Jake at River. Tila nagkakagaanan ng loob.
"Ako si River,, matagal ka na dito?"
"Im Jake nice ti meet you. Ah hindi 2 days pa lang kami dito. Kasama ko si James yung nasa kabilang dulo"
"Ah so ano plano mo dito?"
"Siguro maghahanap ng work, pag hindi swenerte uwi na lang ako sa Pinas"
"Wag ka uuwi tutulungan kita"
"Talaga? Gracias in advance"
"Aba marunong ka na pala mag spanish?"
" haha un poco ( a little)"
"Haha bien! Mas hindi ka mahihirapan pag ganun" ani ni Ruver
Napansin ng karamihan na masaya ang pag pupulong ng dalawa kaya nakatawag sila ng pansin.
"Aba tila close na agad kayo ah" tanong ni Mang Danny
"Kakakilala pa lang ninyo tila nagkakamabutihan na agad" segunda ng ni Aling Fenny ang nanay ni River
"Mom hindi nagkakwentuhan lang kami" sagot ni River
"Oo nga po tita hindi po" dugtong pa ni Jake
Hindi nagugustuhan ni James ang nangyayari kaya sumingit siya para maudlot ang usapan.
"Kanino na po ang baso?" Tanong ni James
"Ah kay Janno na ang shot" sagot ni Mang Danny
Nagpatuloy ang inuman at ganun din ang kwentuhan ng dalawa.
"Nag yoyosi ka Jake?" Tanong ni River
"Hindi masyado may asthma kasi ako pero pag nagustuhan ko nagyoyosi na din ako"
"Mag yoyosi kasi sa may teresa"
"Tara samahan kita"
"Sure ka?" Tanong uli ni River
"Yuph may dala naman akong inhaler"
"Haha sige"
Agad nagpaalam si River sa mga kasamahan.
"Punta lang po kami ni Jake sa teresa mag yoyosi lang po"
"Sige sige" sagot ng karamihan
Samantalang si James ay halos tatayong hindi para pigilan si Jake. Subalit hindi siya makatayo sapagkat kausap siya ni Mang kiko"
"Hijo may pamilya ka na?"
"Ah wala pa po Single po ako"
"Ah ganun ba sayang naman ang gandang lalaki mo hayaan mo marami kang makikilalang babae dito"
"Ah tito may hinihintay po kasi ako, may mahal na po ako" habang nakatingin sa terasa
"Ah alam ko na kung sino" sabay akbay ni Mang kiko kay James
Samantala nasa terasa pa din sina Jake at River at masaya pa din ang pagkukwentuhan.
"So Jake nag ka boyfriend ka na?"
"Ah oo kakamatay lang almost 2 months na ang nakalilipas"
"Ay 😐 sorry"
"No its ok basta wag na lang natin pag usapan"
"Ok ok."
"Ikaw may gf ka na?"
"Girlfriend haha 😂 wala, pero gayfriend kakabreak lang namin"
"Ah bi sexual ka pala haha 😂"
"Hindi pa ba halata?"
"Straight ka kasi sa paningin ko haha"
"Haha sa paningin mo yun. Jake may nanliligaw na ba sayo ngaun?" Tanong ni River
"Wala pa. Di pa ata ako ready"
"Hindi ba si James?"
"Hindi magkaibigan lang kami ni James"
"Gusto mo yosi?" Tanong uli ni River
"Sige" kaagad siyang sumindi ng sigarilyo
"Wag mo naman sana isara ang puso mo sa taong gustong magmahal sayo."
"Mas ok na yun para less ang sakit"
Napailing na lamang si River sa tinuran ni Jake. Samantala nakita ni James na nagyoyosi si Jake kaya kaagad siyang nagpaalam kay Mang Kiko.
"Tito excuse po. Kunin ko lang po ang yosi kay Jake bawal po kasi sa kanya"
"Naks talaga nga namang bantay na bantay, sige hijo!"
"Sige po babalik po ako kaagad"
Kaagad naman ngang tumayo si James para lumabas patungo sa terasa.