Kinaumagahan kumatok sa kwarto nila si Tita Flor upang ipaaalam na nasalabas si River.
Tok!tok!
"Jake?" Ani ni tita flor
Agad namang napamuglat si Jake sa tawag ng kanyang tita. Alas diyes na ng umaga ng makita niya sa orasan.
"Po tita wait lang!" Ani niya
Dahan dahan siyang kumibo upang hindi niya magambala ang tulog sa kanyang may paanan. Pag bukas niya ng pinto
"Tita bakit po?" Ani ni Jake
"May bisita ka kanina pa siya dito" ani ni tita flor
"Sino po?" Pagtataka ni Jake
"Si River may sasabihin daw siya sayo kaya nag iintay siya" ani ni Tita Flor
"Sige po Tita susunod na po ako magbibihis lang po ako"
Isinara na ni Jake ang pintuan at nagtungo sa banyo upang mag ayos ng kanyang sarili.
Makalipas ang ilang minuto nagising na si James. Napansin niyang wala na sa kanyang tabi si Jake.
Kaagad namang lumabas mula sa banyo si Jake.
"Oh bakit ang aga mo ata nagbihis may lakad ka?" Usisa ni James
"Ah wala may tao sa labas" sagot ni Jake
"At sino naman at kailangan mo pa maligo bago siya harapin?" Ani ni James
"Ah si River kakauspin daw ako"
Hindi nagustuhan ni James ang tinuran ni Jake at tila hindi na naalala kung paano siya nakapagpalit ng damit kagabi.
"Ge tulog na uli ako! Good luck sa pag uusapan niyo!" Mariing bigkas ni James
"May problema ba James?" Agad namang sagot ni Jake
"Wala! Lumabas ka na at iniintay ka na ng River mo!" Mariin pa ding bigkas ni James
"Mag usap tayo mamaya" nasambit niya bago siya lumabas ng kwarto
Hindi na ito pinansin ni James at bagkus ay pumihit na lamang sa pagkakahiga.
Paglabas niya sa kwarto ay kaagad naman siyang nagtungo sa kanyang Tiya
" Good morning Tita" sabay hug niya na may halong paglalambing
"Oh! Good morning din Hijo tila maganda ang tulog at gising mo?" Ani ng tiyahin na tila nagtataka
"Opo eh ang sarap po kasi ng tulog ko" sagot naman ni Jake
"Nako Jake kung alam mo lang kung bakit" ani naman ni Tita Flor
"Bakit po? Ano po yun?" Pagtataka ni Jake
"Ah, mamaya na lamang puntahan mo muna si Janno doon sa salas" ani muli ni Tita Flor
Nagtungo na si Jake sa Salas upang harapin ang kanyang bisita.
"Good morning Jake" bati ng binata
"Oh good morning din River ang aga mo naman ata" tanong nito sa kanya
"Gusto ko lang sana humingi ng dispensa sa nangyari kagabi Jake"
"Tapos na yun ok na, wala na dapat pang pahabain pa" ani naman ni Jake
"So hindi ka galit?" Tugon nito sa kanya
"Oo hindi"
Hindi nila namalayan na nasa kusina na si James at aksidenteng napakinggan ang kanilang pag uusap.
Nag gagawa siya ng kape ng marinig niya ang alok ni Janno
"Jake pwede ba tayo lumabas ngaun?" Paanyaya niya
Nagpintig ang tenga ni James sa kanyang narinig kaya't...
"Jake don't forget may lakad tayo ngaun" mariing bigkas ni James
Subalit napatingin si Jake kay James at tila nagtataka kung saan sila pupunta.
"Ah.. oo nga pala meron" pautal niyang nasabi kay River
Kaagad namang lumapit sa kanila si James bitbit ang dalawang tasang kape.
"Magandang umaga pre kumusta?" Bati ni River kay James
"Magandang umaga din napaaga ata ang pag dalaw mo?" Pasigang pagbungad niya kay River
"James..." sabay hawak ni Jake sa braso ni James na hudyat ng pagpigil
"Kape" sabay abot niya ng kape sa dalawa
"Hindi na Pre. Hindi naman ako magtatagal aalis na din ako may trabaho pa ako" ani ni River
Hindi na nagtagal at nagpaalam na nga si River
"So Jake , James mauna na ako, ingat kayo sa lakad niyo" pamamaalam ni River
"Sige ingat ka din" sagot ni Jake
Inihatid ni Jake si River hanggang sa makalabas ng kanilang pintuan. Pag kasara niya ng pinto agad niyang hinanap si James.
"James!" Pasigaw nito
Subalit walang sumasagot. Nagpalingon lingon siya at wala pa din kaya nagpasya siyang pumunta sa kwarto.
Nakasalubong niya ang kanyang Tita Flor bihis at tila may pupuntahang lakad
"Oh Jake bakit salubong ang kilay mo?" Pabati ng kanyang tiya
"Wala po tita. Saan po lakad niyo?" Ani niya
" pupunta ako sa groceries may bibilhin lang ako gamit dito sa bahay" ani naman ng kanyang tiya
"Samahan ko po kayo" pagaalok niya
"Huwag na mag usap n lang kayo ni James at tila may hindi kayo pag kakaunawaan" tugon ng tiya na tila may panunukso
"Tita naman.."
"Sige na Hijo mauna na ako"
"Sige po tita ingat po"
Pagkalabas ng kanyang Tiya nagtungo na nga siya sa kanilang silid at duon muling sumigaw si Jake.
"James!!!!"
Nandoon si James subalit hindi ito umiimik.
"Ano problema mo James? Bakit ganun ka sa tao?"
"Wala" tugon niya
"Anong wala pwede ba yun?" Tanong muli niya
"Oo pwede yun!" Pasigaw ni James
"Ano bang problema mo?!" Tanong ni Jake
"Ang galing mo din ano! Ako pa tatanungin mo kung anong problema ko? Gusto mo isa isahin ko?" Tanong nito sa kanya
Hindi nakaimik si Jake sa sinabing iyon ni James bagkus ay pinakinggan na lamang niya ang mga nais sabihin ni James
"Kagabi madaling araw na umuwi ka pa. Ni hindi ko alam ang dahilan kung bakit ganung oras pinayagan ka nilang umuwi ng alas kwatro ng madaling araw!
Oo hindi mo ako boyfriend pero pasensya nag aalala lang ako!
Oo alam ko lalaki ka pa din tingnan pero alam mo Jake nirerespeto kita bilang isang babae!
Ngayon kung magagalit ka sa akin sa mga ikinikilos ko wala akong pakialam basta para sa kapakanan mo makikialam ako!"
Walang kibo sa pag kakaupo sa kama si Jake tila napahiya siya sa kanyang mga inasal sa harap ni James. Nangingilid ang mga luha sa mga mata nito
Nagtungo naman si James palabas ng kwarto ng biglang
"James...." sabay akap kay James patalikod
"Im sorry James..." habang pumapatak ang kanyang luha
Hindi naman mabalewala ni James ang pagkakaakap sa kanya, kaya humarap siya at ianakap niya si Jake ng mahigpit
"Ok lang... nandito lang ako lagi para sayo.."
"Salamat James. Hindi mo ako iniwan"
Pinahid ni James ang mga luha sa mata ni Jake at binigkas
"Simula ngayon hindi ka na muling luluha" sabay ngiti niya kay Jake
"Salamat James.."
Sa pagkakataong yaon tila tumigil ang mundo tanging tunog na lamang ng orasan ang kanilang nadidinig at tila may kung ano ang dumadaloy sa kanila ng sila'y magtama ang mga mata.
Nakatitig silang parehas sa isa't isa at tila unti unting naglalapit ang kanilang mga labi. Napapatagok na lamang si James gayon na din si James.
Hindi nagtagal ay pumikit na lamang si Jake na tila bahala na kung ano ang mangyayari sa kanila.
Hinawakan ni James ang ulo ni Jake at hinalikan niya ito sa noo kasunod sa may ilong at huli sa mga labi nito. Marahan niya itong hinalikan at ang silid ay unti unti ng nag init.