"Jake manginginom ka ba talaga sa atin?" Tanong ni Mang Danny
"Ah hindi po hehe"ani ni Jake
"May balak ka bang mag asawa yung babae ha"
"Sa ngayon po wala pa po akong balak bakit po?"
"Parehas kayo ng anak ko. Pero Jake magugustuhan mo ba ang anak ko?"
"Tito. Bakit po ganyan tanong niyo?"
"Baka kasi pag naging kayo magbago na ang anak ko pero kung hindi ok lang"
"Sorry tito pero hindi ko po kasi sigurado"
Maya maya pa ay nag paaalam na din ang 2 kumpare ni Mang Danny. Pasado alas onse na ng gabi kaya kailangan na nilang umuwi.
"Tito uwi na din po ako mag tataxi na lang po ako"
"Aba Jake hindi pupwede sinabi ko na kay Flor dito ka matutulog at isa pa gabing gabi na may inum ka pa hindi hindi ka uuwi!"
"Pero tito"
"Walang pero pero dun ka na matulog sa tabi ni River!"
Walang nagawa si Jake kundi sumunod sa sinabi ni Mang Danny. Pumasok siya sa loob ng kwarto ni River nahiga sa tabi nito.
Hindi makatulog si Jake, baliktaran siya sa tabi ni River, sa bawat kilos niya gumagalaw ang kama at ito ang naging sanhi upang maalimpungatan si River.
Nakita niyang may nakatikod sa tabi niya. Dahan dahan siyang tumayo at lumabas upang magbanyo. Paglabas niya nandun sa labas si Mang Danny.
"Oh gising pa kayo?"ani ni River
"Oo kakatapos lang namin mag inum"sagot ni Mang Danny
"Sino yung nasa kwarto ko?" Ani uli ni River
"Ah si Jake jan ko na pinatulog sa tabi mo gabi na para pauwiin pa siya"
"Ah sige!" Ani niya na may halong ngiti
"River yang ngiti mong yan! Irespeto mo yan!" Pag babanta ng ama
Pagkalabas niya ng banyo bumalik na siya sa kwarto. Inilock ang pinto at naghubad ng damit at shorts. Naka brief lang kung matulog si River.
Dahan dahan siyang humiga at maya maya ay napaharap sa kanya si Jake
"Hindi ka makatulog?" Tanong ni River
"O..o...oo" nauutal na sagot ni Jake
"Natutulala ka ata makita ang katawan ko. Ngaun ka lang ba nakakita ng lalaking natutulog ng naka brief?"
Hindi maiitatago na maganda ang pangangatawan ni River. May mga muscles ito at may six packs of abs,at higit sa lahat may aking kalakihan ang kanyang kargada.
"Hindi no! masyado lang mainit"
"Maghubad ka din parehas naman tayong lalaki dito diba walang malisya." Tugon ni River
Kaagad bumangon si Jake at nag hubad din ng damit pati shorts. Habang siya ay nakatalikod napagmasdan ni River ang katawan niya.
Katamtamamg laki ng mga balikat na kung ikukumpara ay parang balikat ng isang babae, may kurba ang katawan na parang bewang rin ng isang babae maumbok ang pwet. Kasabay noon napalunok si River.
"May problema ba River? Ngaun ka lang ba nagkita ng ganitong katawan?" Bawing tanong ni Jake
"Hi..hii..hiindi no! Sa dami ko ng nakasex lahat ng katawan nakita ko na"
"Patayin mo na ang ilaw matulog na tayo!" Utos ni Jake
"Ikaw na uutusan mo pa ako!"
Katabi lang ni River ang switch ng lampshade gusto lang niyang tingnan ang harapan ni Jake
"Ok!"
Bumangon at dumukwang para patayin ang switch ng ilaw. Sa pag kakataong iyon nasa ilalim niya si River
"Malaki"ani ni River
"Ano ang malaki?" Tanong ni Jake
"Ah malaki ang mundo bilog na bilog"
Pagkapatay ng ilaw ay kaagad humiga at tumalikod kay River si Jake.
"Malamig hindi ka ba susukob sa kumot?"
Hindi umiimik si Jake nakabaluktot lamang siya. Maya maya ay nilagyan ng unan ni River ang pagitan nilang dalawa
"Oh ayan may paggitan tayo para hindi ka mailang halika na sukob na sa kumot malamig baka magkasakit ka malintikan pa ako kay James"
Walang kibo si Jake, kaya mas minabuti na ni River na kumutan ito.
Hindi makatulog si River, nakataas ang kanang kamay niya sa may ulunan niya. Na pawang nag iisip ng kung ano. Maya maya ay pumihit ng paghiga si Jake.
Natyempuhan ni River na nakaangat ang ulo ni Jake kaya dali dali niyang ikinalang ang kaliwang braso niya upang ito ay mapaunan sa kanya. Nagtagumpay ang nais ni River, sinunod niyang tanggalin ang unan sa pagitan nila. Hindi nagtagal tumagilid paharap sa kanya si Jake.
Hinaplos niya ang kanang pisngi ni Jake mula tenga hanggang leeg, sunod niyang hinawakan ang mga labi nito.
Tila nangigigil siya subalit hindi niya kayang gawin ito kay Jake. Kinuha na lamang niya ang kanang braso ni Jake at iniakap sa kanya. Sa pag kakaakap na ito nakatulog na sila na tila mag asawang mag kaakap sa isa't-isa.
Nagising muli si River mga alas tres y media na ng madaling araw. Malamig ang paligid, subalit mainit sa loob ng kumot. Mga laman niya ay naninigas na tila may dumadaloy na rumaragasang dugo, hindi niya maiwasang hindi mabuhay ang pagkalalaki niya.
Nakatalikod muli sa kanya si Jake at siya naman ay nasa likuran nito. Mas lalong sumisigla ang pagkabuhay ng kanyang katawan kapag tumatama ang bawat bahagi niya sa katawan ni Jake.
Nagising si Jake ng may bigla siyang naramdamang matigas na bagay na tumusok sa may likuran niya.
"River! What the!"
"Sorry Jake hindi ko kaya pigilan!"
"Ano gagawin mo? Gagamitin mo ako?"
"Jake please! Pagbigyan mo ako!" Pagmamakaawa nito
"No!"
Tumayo si Jake sa kama at nag bihis. Pagkatapos niyang magbihis umalis siya sa bahay nina River at kaagad kumuha ng taxi pauwi sa bahay ng kanyang tita Flor.
Hindi nagtagal ay nakasakay siya kaagad, nakarating siya ng mabilis sa bahay sapagkat walang ibang bumabyahe.
Umakyat na siya sa building. Sinubukan niyang magring sa pinto. At maya maya ay bumukas ito.
Si James ang nagbukas
"Bakit gising ka na?" Tanong niya
"Hindi ako natulog hinihintay ko ang tawag mo!"
Kaagad namang napaakap si Jake kay James. Nadama niya ang bilis ng tibok ng puso nito kaya nagtaka ito
"Bakit ang bilis ng tibok ng puso mo?"
"Wala ok lang ako James thank you!"
Iisa lamang ang nasa isip ni James, baka may hindi magandang ginawa si River sa kanyang minamahal. Napailing na lamang ito at hinigpitan ang akap kay Jake.
Makalipas ang ilang minuto ay dinala na niya si Jake sa kanilang kwarto para sila ay makapagpahinga na.
Hindi maialis sa isip ni James ang kakaibang kilos ni Jake ng siya ay dumating. Bagamat tulog na si Jake ay ipinagwalang bahala na lamang niya iyon at nahiga saka siya nahiga.
Hindi pa nagtatagal sa pagkakahiga si James ay agad naman siyang napukaw ng atensyon ng makaramdam na tila nanginginig si Jake.
"Jake ok ka lang?" Tanong nito sa kanya
Hindi umimik si Jake kaya minabuti niyang buksan ang ilaw upang makita na rin niya kung ano ang nangyayari kay Jake.
"Oh shit! Jake ano nangyayari sayo!" Kabadong turan ng binata
Kaagad siyang kumuha ng maligamgam na tubig at bimpo at saka niya pinunasan si Jake upang maibsan ang labis na pagkalasing nito.
"Pambihira naman Jake! Akala ko ba malakas ka sa inuman tsk tsk!" Pang uuyat pa ni James
Napunasan na ni James ang buong katawan ni Jake at napalitan na rin niya ito ng damit. Hindi na namalayan ni James na nakatulog na siya sa may paanan ni Jake.