"James akala ko ba uuwi ka na?" Tanong ni Mang Danny
"Ayaw pa po ako pauwiin ni Tita Flor so dito na lang po ako sa inuman"
"Mabuti yan para naman magkainuman pa tayo."
Tumingin si Jake kay James ngunit hindi siya pinansin nito. Naging normal lang ang daloy ng inuman na tila hindi sila magkakilala.
Sa sobrang yamot ni James, nagpakainum siya ng husto at sinabayan siya ni River. Nagpaligsahan ang dalawa sa pag inum.
"Nag papaligsahan ba kayo sa pag inum?" Tanong ni Jake
"Hindi naman nagpapaligsahan kami sayo. haha biro lang" ani ni River
"Magpaligsahan tayong tatlo sali ako" ani ni Jake
"Aba teka mukhang maganda ang labanan na iyan hanap tayo ng lamesa bumukod kayo sa amin doon kayo sa kabila mag 3 in 1 kayo, tingnan natin kung sino ang matibay" hamon ni Mang Danny
Tumayo si Mang Dante, para humanap ng alak na ipapainum sa tatlo. Sinigurado niyang malakas na alak ang ibibigay niya upang malaman niya kung sino ang matibay.
Ito ang alak na nakita ni Mang Danny. Kaagad niya itong dinala sa tatlo upang masimulan na.
"Ito ang iinumin ninyo tingnan natin kung sino ang malakas" ani muli ni Mang Danny
"Salamat po tito"sabay kindat kay Mang Danny
Binuksan na ni Jake ang alak. Dahil siya ang nagbukas nagpasya siyang siya na ang magiging tanggero sa kanilang inuman. Maya maya pa ay naghamon din si Jake.
"Patibayan tayong tatlo purong alak walang pulutan. Ano deal?" Ani ni Jake
"Seryoso ka Jake matapang yan!" Ani ni River
"Bakit River hindi mo ba kaya?" Tanong ni Jake
"Ka..kayaa ko yan! Laking Spain ata ako!" Nauutal niyang sambit habang nagyayabang
"Tingnan natin" nakangiti si James na tila nagyayabang
Nadinig ng mga matatanda ang hamon na ito ni Jake. At silang lahat ay natuwa.
"Aba ayos yang hamon na yan!" Ani ni mang Danny
"Ang manalo may premyo! 200 €" ani naman ng isa
"Simulan na ang inuman!"
Nag simula na nga sina Jake ng kanilang 3 in 1 session.
"Ok oh sa akin ito!"
Tumagay ng puno sa isang shoting glass. Pagkatapos niyang uminom nagtagay muli siya ng puno para ibigay kay James.
"Puta ang pait!" Sambit ni James
Nagtagay siyang muli para naman kay River
"Aaaah! Tang ina ang init sa dibdib!"
Natawa na lamang si Jake sa mga reaksyon ng kanyang mga kainuman. Pag si Jake ang tanggero ayaw niya ng pahinga sa pag tagay gusto niya ay sunod sunod ang pag inum.
Napansin ito ni River kaya nag pasya siyang magmungkahi kung pupwede ay mag kwentuhan sila habang nag iinuman.
"Jake sandali umiimom ka ba?" Tanong ni River
"Oo naman River bakit?"
"Bakit parang wala lang sayo ang alak?" Tanong uli ni River
"River ang paraan mo ay makaluma, pinupulong mo ako para tayo ay tumagal at ng magkaroon ka ng pahinga sa pag inum"
"Haha yan si Jake Pre!" Sagot ni James
"Tang ina Pre hayop pala to sa alak hindi lang sa halikan!" Pagyayabang ni River
"Pre mag inum na lang tayo!" Yamot na sagot ni James
Napangalahati na nila ang bote ng alak na ibinigay sa kanila ni Mang Danny. Halata na sa dalawa na may tama na sila at wari ay hindi na kayang uminum pa.
"Ayoko na Jake suko na ako" ani James
"Sure ka James? Suko ka na agad?"
"Oo Jake masama na ang tama ko gusto ko ng humiga" ani ni James
"Ako din Jake ayoko na suko na din ako talo mo ako"ani naman ni River
Napailing na lamang si Jake at tumayo upang ibigay ang alak kina Mang Danny.
"Tito tapos na po ang laban! Suko na ang dalawang siga!" Nakangiting sambit ni Jake
"Hindi ka ata tinablan Jake?" Tanong ni Mang Danny
"May talab din po ako kaso kelangan ko pa po intindihin ang dalawang ito. Saan po ba kwarto ni River para maihatid ko na po siya"
"Ah hanapin mo si Tita Celi mo. Si James saan mo ihihiga?"
"Siguro po ay uuwi na kami gabi na din po kasi"
"Hindi ka uuwi ipapahatid na lang natin sina James at tita Flor mo. Kakausapin ko din si Flor wait ka lang jan"
Kaagad ngang nagpunta si Mang Danny Kay Tita Flor upang ito ay kausapin na iwan na si Jake para sila ay may maging kainuman pa.
Pumayag naman si Tita Flor kaya naiwan si Jake at umuwi na ang dalawa kasama ng ibang mga kaibigan nila. Tanging sina Mang danny na lamang at tatlo nitong kaibigan ang natira.
"Oh pano po Tito ihahatid ko ho muna si River sa kwarto niya" paalam ni Jake
"Sige Jake salamat"
Hindi nagtagal ay tinuran na nila ang kwarto no Janno, akay akay ni Jake si River hanggang sa makarating sa kwarto nito.
Nang maihiga niya si River sa kwarto. Nagsalita ito
"Gracias Jake. Pahinga muna ako mamaya ako babangon at mag iinum muli" ani ni River habang nakapikit
"Matulog ka na jan paalis na din ako maya maya"
Iniwan na ni Jake ang lasing na lasing na si River at bumalik na ito kina Mang Danny.
"Start na po uli tayo para makapag banlaw na po ako haha" pabirong turan ni Jake
"Ikaw talagang bata ka ang tahitahimik mo kanina pag dating pero ngayong nakainum ka na ang saya mo palang kasama at kausap. Hindi wari ako nagkamali iapaiwan ka muna kay Flor" tugon ni Mang Danny
Binigyan siya ng isang boteng beer.
"Bakit naman po Mang Danny?"
"Gusto ko kasi ng anak na katulad mo maalaga, mabait at mukhang mapagmahal pa. Kung ako ang tatay mo tatanggapin kita ng buo"
"Oh bakit po wala po ba kayong anak?"
"Meron Jake kaso para namang hindi tatay ang turing sa akin"
"Eh nasan po ba ang anak niyo?"
"Diba dinala mo sa kwarto niya?"
"Ano po? Anak niyo si River?"
Hindi siya makapaniwalang anak ni Mang Danny si River. Ang akala niya ay bisita din lamang si Mang Danny dito.
"Ay pasensya na po akala ko po bisita din po kayo"
"Tingnan mo na Jake, hindi man lang nasabi ni River na ama niya ako. Nako Jake rebelde kasi yan sa akin. Kaya nga siguro kahit na baklang kalye (bayaran para gamitin) pinapatulan na niyan para lang makaganti sa akin"
"Bakit po ano pong nangyari?"
"Nagkaron kasi ako ng karelasyon sa isang kagaya mo dati. Nalaman nilang mag ina kaya ayun simula noon ganyan na para na lamang kaming barkada ng anak ko."
"Mali naman po si River sa pakikitungo sa inyo. Hayaan niyo po pag nagkaron po kami ng oras kakausapin ko siya baka sakaling matauhan siya"
"Salamat Jake. Siya tama na ang drama, mag inuman na tayo nakakahiya sa mga kumpare ko"
At nagkatawan silang lahat, dahila akala nila ay mag iiyakan muna sila bago sila mag inuman. Tumagal ang inuman ng isang oras at halos unti unti ng nagpapalam 2 kumpare na lamang ni Mang Danny ang naiwan kaya tuloy pa din ang inuman.