Chereads / The Story of Us.. / Chapter 5 - Chapter 5

Chapter 5 - Chapter 5

Pag kalabas niya sa teresa agad niyang binati si River.

"Pre James nga pala" pagbati niya

"Ah River nga pala, naipakilala ka na sa akin ni Jake kanina by the way pre nice to met you" sabay abot ng kanang kamay niya

"Nagyoyosi ka pala pre" ani ni James

"Ah oo. Si Jake din nag yoyosi kaya nagpunta kami dito sa teresa, ikaw? Mag yoyosi ka din ba?" Tanong ni River

"Ah hindi! Nagpunta ako dito para kunin ang sigarilyo ni Jake. Bawal kasi sa kanya yan kaya hindi ko kinokonsinte"

"Woah teka pre! May gusto ka ba ipahiwatig?"

"Wala naman." Sabay baling kay Jake

"Jake! Diba bawal sayo yan?"

"Ngayon lang James"

"Kahit na Jake!" Mariing sabi ni James

"May dala naman ako inhaler, kaya ok lang"

"Bakit ba ang tugas ng ulo mo?"

"Bakit ba James? Isang yosi lang hindi naman ako mamatay kaagad nito!" Sabay patay ng yosi at kaagd pumasok sa loob si Jake.

Napatingin si James kay River

"Bakit James may problema ba?" Tanong ni River

"Wala! Ge pasok na ako sa loob!"

Napansin ni River na mukhang nagseselos sa kanya si James. Nauna nang pumasok sa loob si James. Tinapos pa niya ang kanyang pagsisigarilyo, napangiti si River sa kanyang naiisip.

Ugali na ni River ang makipaglandian lalo na kapag may nagseselos kaya mas nagpakita pa siya ng way para mas magalit si James.

Pag kapasok niya sa loob kaagad siyang tumabi muli kay Jake.

"Oh kanina na ang shot? Sa akin ba?" Tanong ni River

"Oo nakadalawang shot na nga ako kasi wala ka so sinalo ko na yung para sayo" ani ni Jake

"Wow ang sweet naman, pag nahulog kaya ako sayo saluhin mo din kaya ako?" Ani naman ni River

At nagkatawanan ang mga nagiinuman.

"Hindi ayoko na kasing masaktan" sagot ni Jake

"Nako boy mukhang hindi uubra ang banat mo kay Jake" sambit ni Mang Danny

"Nako tito Danny gagawin ko ang lahat makuha ko lang ang matamis niyang oo"

"Haha boy may nag mamay ari na jan" dugtong pa ni Mang Danny

Natahimik na sa tawanan ang lahat ng marinig ang sinabi ni Mang danny. Pati si River ay napatahimik din at pabulong na nagtanong kay Jake.

"Kayo ba ni James?"

"Hindi bakit? Magkaibigan nga kami ni James"

"Eh bakit ganun ang sabi ni Tito Danny?"

"Di ko din alam, bakit River?"

"Liligawan sana kita, hindi ba nanliligaw sayo si James?"

"River lasing ka lang siguro. Isa pa alak alak muna tayo."

"Sige!"

Nakipagpalitan ng upuan si River kay Jake. Lumipat ito sa kanan ni Jake ng sa gayon ay makita siyang maigi ni James sa kung anong gagawin niya kay Jake.

Umakbay si River kay Jake, sabay kuha ng baso sa mesa. Medyo madami dami na din ang naiinum nila, may konting tama na sa alak si James, gayon din si Jake napatuon na ang siko ni Jake sa mga binti ni River.

"Oooopss Sooorry Riverrr!"

"Ok lang Jake" sabay kindat niya

Kahit lasing na si James, hindi pa din niya maiwasan ang lumingon sa pwesto nina Jake at River.

"River saan ang Cr?"

"Tara samahan kita"

Tumayo ang dalawa patungo sa Cr. Pagkarating nila pumasok na si Jake sa loob. Maya maya pa ay sumunod si River.

"Wait lang hindi pa ako tapos River" ani ni Jake

"Walang problema makikita mo din naman ito!" Sabay tawa ni River at saka binaba ang zipper at umihi

Nakita ni Jake ang buong pagkalalaki ni River. Dali dali siyang umalis dahil nahihiya sa iisipin ng mga tao.

Maya maya pa ay nagpakuha ng beer si Mang Danny kay James. Ang fridge ay malapit lamang sa banyo kaya makikita kaagad ang tao sa loob nito.

"Jake sandali lang!" Sigaw ni River habang pinipigilan si Jake

"Sunod ka na lang!"

Dali daling hinabol ni River si Jake kaya nahawakan niya ito kaagad sa kamay. Sa madaling salita napigilan niya si Jake at nahatak patungo sa kanya.

Napahawak si Jake sa dalawang balikat ni River at kaagad namang gumalaw si River upang mapasandal sa pader si Jake.

Nagulat na lamang si Jake sa ginawang ito ni River. Hindi niya akalain na gagawin niya ito. Ang kausapin siya ng sobrang lapit sa kanyang bibig. Amoy na amoy niya ang alak sa bawat buka ng bibig ni River

"Jake gusto mo ba ako?"

"Ri-vveerrrr!"

Kaagad siyang sinuong ng matinding halik ni River. Halik na tila sabik na sabik ang mga labi. Kinakagat kagat ni River ang mga labi ni Jake.

Dahil sa matinding sakit at sarap ang dulot ng ginagawa ni River wala na siyang nagawa kundi ang lumaban.

"Uhhmmm aaahhhh Jake ang galing mo!

"Sllluullllppppp sllluuupppp" mga tunong sa loob ng kanilang bibig habang sila ay naglalaro ng dila.

Umawat ng halik si Jake. Subalit marahas na sa kalibugan ang nadarama ni River kaya hinalikan niya ang leeg ni Jake isinunod ang mga tenga nito at maya maya pa ay hinalikang muli ang mga labi ni Jake.

Hindi namalayan ng dalawa na aksidenteng nakita ni James ang kanilang anggulo. Napatigil siya habang hawak hawak ang pinto ng Ref.

Nanlaki at nalumo sa nakita si James. Isinara na muna niya ang pinto ng Ref at nagtungo sa pinto ng banyo upang isara. Nagulat naman ang dalawa.

"Next time kung may gagawin kayong hindi kaaya-aya sa paningin matuto kayong magsara ng pinto oh di kaya humanap kayo ng lugar na pwede ninyong pag dausan!"

"James! Sandali" pagpigil ni Jake

Lumingon at napailing na lamang si James sa pagpigil na iyon sa kanya ni Jake. Nagbalik si James sa pagkuha ng beer upang dalhin na sa mga kainuman.

Pag kadala niya ng beer, nagpaalam na siya na mauuna ng umalis.

"Tito una na po ako umuwi" ani ni James

"Bakit naman James nagkakasiyahan pa tayo" ani ng mga kainuman

"Lasing na din po kasi ako, medyo sumama din po kasi pakiramdam ko" ani ni James

"Sige hijo mag iingat ka pauwi"

Kaagad naman niyang hinanap si Tita Flor upang magpaalam at hiramin ang susi ng bahay.

"Tita excuse po, tita pwede po ba hiramin ko na muna ang susi ng bahay una na po ako umuwi" ani ni James

"Alas syete lang ng gabi bakit uuwi ka na?" Tanong ng tiyahin

"Medyo sumama ho pakiramdam ko tita"

"Halika ka nga hijo doon tayo mag usap sa may pinto"

Alam ni Tita Flor kung bakit gustong umuwi kaagad ni James.

"Nakita ko kayo samay banyo. Nakita ko din ang ginawa ni River kay Jake"

Hindi umiimik si James. Sa sinabi ng tiyahin

"Ganyan ang ugali ni River, kapag alam na lasing na ang kainuman lalo na at natipuhan niya si Jake gagawa yan ng paraan para makuha niya!"

"Ngaun James kung gusto mo talaga umuwi ibibigay ko sayo ang susi pero pag si Jake nalasing dito siya na magutulog sa bahay ni River. Kilala mo naman siguro pamangkin ko pag nakainum ayaw noong uuwi sa bahay hanggat hindi hulas"

"Tita ano po ang gagawin ko magpapatay malisya na hindi ako nasasaktan sa nakikita ko sa kanila ni River. Eto naman pong si Jake gustong gusto pa ata ang ginagawa sa kanya!"

"Bumalik ka doon sabihin mo hindi kita pinayagang umuwi mag isa!"

Kaagad namang bumalik si James sa inuman upang mabantayan na din si Jake. Sa puntong iyon doon siya umupo sa tabi ni Jake. Sa madaling salita napag gitnaan ng dalawa si Jake.