Chereads / The Story of Us.. / Chapter 3 - Chapter 3

Chapter 3 - Chapter 3

Sa salas nga nagpasyang matulog si Jake. Hinayaan na lamang ito ni James para makapagpalamig ng ulo. Hindi nagtagal, nang inaakala na ni James na tulog na si Jake ay nagpasya itong buhatin si Jake patungo sa kwarto.

Pagkabuhat ni James kay Jake, dahan dahan siyang naglakad patungo sa silid at saka niya inilapag ng dahan dahan si Jake. Nilagyan niya ito ng kumot at saka siya lumabas upang siya ang matulog sa salas.

Kinaumagahan, nagising si Tita Flor, pag labas niya nabungaran niya agad si James sa sofa na datapwa't sa kwarto ito nagpalipas ng gabi. Hindi na lamang niya ito pinansin sa halip ay ipinagkibitbalikat na lamang niya, naisip rin niya na baka nagkatampuhan ang dalawa dahil sa sigaw na narinig niya kagabi.

Maya maya pa nga ay nagising na si Jake. Nagtataka kung bakit nasa kwarto siya gayung sa pag kakaalala niya ay sa sofa siya natulog.

"Bakit ako narito?"tanong niya sa kanyang sarili

"Nasan si James?"

Kaagad siyang naghilamos at saka lumabas ng kwarto. Pag bukas niya ng pinto natanaw na kaagad niya si James na nakahiga sa sofa. Napailing na lamang siya sa kanyang nakita, tila nahihiya sa kanyang inasal kagabi.

Lumapit siya kaagad kay James upang ito ay pukawin at baka sakaling nanaising magpatuloy ng pagtulog sa silid.

"James...."

"James gising na...lipat ka na sa kwarto"

Sumunod na lamang si James sa pag kakaakay ni Jake. Hindi nila napansin na pinapanood sila ni Tita Flor.

"Ang mga batang ito nga naman hindi pa sila kung makapagtampuhan daig pa ang mag asawa" mga salitang binigkas ng tiyahin

Pagkarating ng dalawa sa kwarto, inihiga ni Jake si James sa kwarto. Maya maya pa ay hinatak ni James si Jake kaya napahiga ito sa kanyang mga bisig.

Laking gulat ni Jake sa nangyaring ito. Maya maya pa ay pumatagilid na si James at siya ay niyakap nito ng mahigpit.

"Sorry Jake last night kung nagalit ka"

Bumaling ng tingin si Jake. Hindi niya naalala na kapag bumaling siya ay magtatama ang kanilang mga labi. Makalipas ang ilang segundo kaagad itong ipinaglis ni Jake

"Sorry kagabi James hindi ko sinasadya"

"Wala iyon Jake. Kagabi tulog ka na binuhat kita papunta dito. Hindi na baleng ako ang mahirapan ng pagtulog sa salas wag lang ikaw"

"Bakit mo ba kailangan gawin ang mga bagay na ganyan?"

"Ginagawa ko ang lahat ng ito kasi mahal kita. Mahal kita Jake! Maghihintay ako kung kailan mo ako kayang mahalin"

Bumangon si Jake sa pag kakahiga at naupo sa tabi ng kama. Hindi niya alam kung paano niya sasagutin ang tinuran ni James. Pilit na lamang niyang ibinaling sa iba ang kanilang pag uusap.

"Wait bangon na tayo may lakad tayo nila Tita Flor"

"Ok Jake sunod na ako"

Lumabas na ng kwarto si Jake upang puntahan ang kanyang tiyahin. Inabutan niya ito sa kusina na naghahanda ng kanilang almusal

"Good morning tita" sabay hug sa kanya

"Good morning Jake kumusta ang tulog?"

"Ah ok naman po"

"Sure ka? Kasi nakita ko jan si James sa salas may problema ba kayo?"

"Wala po ito tita"

"Hindi pwede wala iyan, ano yun Jake makikinig ako"

"Tita ganito po kasi mahal ako ni James. Kaso po may mga bagay na mahirap paniwalaan. May pangyayari po kasi sa nakaraan na nasaktan at nahihirapan akong magtiwalang muli sa kanya"

"Bkit nabigyan mo na ba ng second chance yung tao para masabi mo na hindi pa siya nagbabago?"

"Eh kasi tita baka gawin na naman po niya muli ang pasakayin at lokohin ako"

"Jake nak sa nakikita ko mahal ka talaga ni James. Ano pa ba ang rason at hindi pa maging kayo?"

"Si Mark po tita, ayaw ko naman po isipin ng pamilya niya na kamamatay lang niya tapos yung pinsan naman niya ang aking magiging karelasyon"

"Aba naman Jake wala namang kaso iyon isa pa hindi ka na nagtataksil kay Mark. Kasi wala na siya at wala na siya ng sabihin ni James na mahal ka niya. Oh baka naman..."

"Baka ano po tita?"

"Baka naman hanggang ngaun mahal mo pa si Mark"

Natigilan si Jake sa sinabi ng kanyang tiyahin. Bakas sa kanyang mukha na hanggang ngayon ay mahal pa din niya si Mark. Na hanggang ngaun si Mark pa din ang nais niya.

Napawi lamang ang kanilang usapan ng dumating na si James.

"Good morning Tita! Ready na po ako"

"Good morning din hijo. Breakfast muna tayo bago tayo umalis"

Umupo na sila at kumain. Panay ang sulyap ni Tita sa dalawa. Tila nakikiramdam sa kung ano ang magiging kilos ng dalawa.

"Mga hijo mamaya doon tayo pupunta sa plaza Mayor"

"Ah sige po tita"sagot ni Jake

Maya maya pa ay nagpasya na silang umalis upang mas maagang makapamasyal. Sumakay sila ng bus para mas makita nila ang mga tanawin sa Madrid.

Marami kaagad silang nakasalamuhang mga iba't-ibang lahi pag sakay nila sa bus

"Grabe Jake ibang klase dito sa Madrid, hindi mo aakalain na iisang lahi lang sila"

"Oo nga Eh! Akala ko nga dati ang mga nakatira lang dito ay puro mga espanyol yun pala hindi"

"Nako mga hijo masanay na kayo sa mga makikita niyo. Dahil kung magtatagal kayo dito makakasalamuha ninyo sila sa araw araw na pamumuhay ninyo dito"

"Ako tita sure na ko na magtatagal dito ewan ko lang po si Jake" ani ni James

"Jake totoo ba? Pero bakit?" Tanong naman ni tita Flor

"Eh kasi po tita hindi pa po nakaka 1 year si Mark, yung abo po niya plano po namin ay pakawalan na lang sa dalampasigan"

"Pero Jake pwede naman sila na magpakawala ng abo. Panahon mo na to para sa sarili mo, hindi na naman siguro magagalit si Mark kung hindi ka makauwi" ani ni Tita Flor

"Bahala na po tita siguro po naman pag swinerte ako baka magkaron ako kaagad ng papel or working visa"

"Sana nga Jake may awa ang Maykapal"

Natahimik si James sa kanyang pag kakaupo sa tabi ng bintana ng bus. Tila malalim ang kanyang iniisip, nakamasid lamang ito sa labas ng bintana.

"James hijo ok ka lang?" Tanong ni Tita Flor

"Si, tita ok naman po ako" sagot naman ni James

"Eh bakit naman ganyan itsura mo kung ok ka?"Pagtataka ni Tita Flor

"May mga bagay lang po talagang mahirap pakawalan at limutin. Yun pong akala ko ay ok na ang lahat yun po pala ay hindi pa"

Biglang napatingin si Tita Flor kay Jake. Samantalang napatingin din si Jake kay James.

"Nako hijo, pasasaan ba at makikita din ng taong mahal mo na nanjan ka para sa kanya. Bigyan mo lang siguro siya ng time para maging handa."

Pagtingin muli ni Tita Flor kay Jake ay nakasuot na ito ng kanyang headset. Alam niyang hindi ito tumutunog sapagkat hindi ito nakasaksak sa kanyang telepono. Kaya minabuti niyang lakasan pa ang sinasabi

"Alam mo James sa tingin ko Mahal ka naman ng taong mahal mo, kulang lang siguro sa kaunti pang lambing at pagpaparamdam kung gaano mo siya kamahal"

"Tita lahat po gagawin ko para sa kanya, kahit po maghintay ako ng kaytagal ayos lang po sa akin."

"Oh bababa na tayo sa susunod na istasyon"

Kinalabit ng paa ni tita Flor para ituro na hindi nakakabit ang kanyang headset. Itinuro niya ito sa pamamagitan ng kanyang nguso.

Tila napahiya si Jake sa nangyari kaya napangiti ito na may halong pamumula sa kanyang mga pisngi. Hindi nagtagal ay bumaba na sila ng bus