Nakatulog si Jake sa tabi ni James. Malapit na mag alas sais ng gabi, biglang nagising si James.
"Gabi na pala nakatulog ako sa sobrang pagod"ang sabi niya sa kanyang sarili
Dahan dahan siyang bumangon para hindi magising si Jake. Paglabas niya sa kwarto nakita niya si Tita Flor na naghahanda ng kanilang hapunan, kaya minabuti niyang tulungan ito.
"Tita pasensiya na po nakatulog po ako. Si Jake po hindi ko na ginising tulog pa po"
"Hijo, walang problema gigisingin ko nanga lang sana kayo mamaya pag kakain na tayo"
"Tita, tulungan ko na po kayo ano po ba lulutiin ninyo?"
"Ah! Susubukan ko mag paella, paborito kasi ito ng pamangkin ko."
"Talaga po? Uhm tita turuan niyo po ako para mipagluto ko din si Jake balang araw"
"Uhm James may tanong ako sayo, wag mo sanang mamasamain"
"Ano po yun tita?"
"Mahal mo ba ang pamangkin ko?"
Natahimik sandali sa pagkakaupo si James. Maya maya ay sumagot din ito
"Tita, kung papayag nga po siya mamahalin ko po tlaga siya. Kaso sa lagay na to si Mark pa din po ang mahal niya"
"Ah oo si Mark naulit na yun sa akin ng kapatid ko nakakalungkot nga lang isipin na ganun ang nangyari sa dalawa"
Habang nagluluto si Tita Flor ay patuloy pa din ang kanilang pagkwekwentuhan ni James. Madali silang nagkasundo ng tita ni Jake. At hanggang sa matapos ang niluluto patuloy pa din silang nagtatawanan.
"Sige na hijo gisingin mo na si Jake at gabi na, baka wala na yung itulog mamaya"
"Sige po tita puntahan ko lang po sa kwarto"
Kaagad pumunta sa kwarto nila si James. Tulog na tulog pa din si Jake ng siya ay dumating. Kaya dahan dahan niya itong ginising.
"Jake... gising na.."
Pumihit lamang ng higaan si Jake. Tila ayaw pang bumangon.
"Jake may paella si tita! Uubusan kita pag hindi ka gumising"
Napamuglat si Jake sa narinig dahil paborito niya ang kakainin nila.
"Wow paella!" Nanlaki ang mga mata at ngiti
"Paella lang pala ang gigising sayo"pang aasar nito kay Jake
"Tse! Mabuhuhay ako sa paella kahit wlang boyfriend haha"pagbawi pa nito
"Wala pala akong chance" giit naman ni James
Tumayo na si Jake at nag hilamos at saka lumabas ng kwarto. Napailing na lamang si James sa ginawa ni Jake at sumunod na din patungo sa hapag kainan.
Pag dating ni Jake sa mesa agad niya nakita ang paella. Umakap sa kanyang tita sanhi ng pasasalamat niya dito.
"Thank you tita.."
"Nako ang malambing kong pamangkin hindi pa din nagbabago kahit nag kaasawa na"
"Hindi pa nga po ako naikakasal nabalo na ako kaagad."
Maya maya pa ay dumating na si James at kaagad itong sumingit sa kanilang usapan
"Hayaan mo pag naging tayo papakasalan kita"
Nagkatinginan ang mag tita at napangiti na lamang si Tita Flor samantalang si Jake taas kilay sa sinabing ito ni James.
Nag simula na silang kumain. At habang sila ay kumakain naisingit ni Tita Flor na nagtanong tanong siya ng trabaho sa mga kakilala niya
"Tita wala pa din pagbabago ang timpla ng paella the best pa din po ito tita"
"Oo nga po tita first taste ko po ito ng paella akala ko po kasi dati hindi masarap"
"Sige lang kumain lang kayo ng kumain jan."
Agad namang sumingit si Jake
"Para yang pakikipag relasyon sa una lang masarap pero pag nadiskubre mo na ang sangkap mawawalan ka na ng gana kasi iisipin mo paulit ulit na lang"
Napatingin si Tita Flor kay James kaya agad siyang sumingit
"Siya nga pala mga anak, nagtanong tanong ako kanina sa mga kakilala ko baka may alam silang trabaho"
"Uhm oo nga po tita para naman po makatulong kami dito" sang ayon agad ni James
"Ako tita kahit katulong tatanggapin ko" pasegunda. Naman ni Jake
"At ano naman ang alam mong gawain sa babay? Kilala kita tamad ka" pang aasar ni Tita Flor
"Tita naman nagbago na po ako simula ng nagkasama kami ni Mark, natuto po ako ng lahat bagay simula ng tumira kami sa iisang bubong."
"Oo na sige na pag nagkita ako ibibigay ko sayo agad sa ngaun magpahinga na muna kayo then bukas off ko pasyal tayo Gusto niyo ba?"
"Aba sige po Tita"sagot kaagad ni James
"Tita gusto ko sana pumasok ng spanish class dito kung meron para matutunan ko pa ng husto ang salita dito"
"Aba magandang idea nga iyan Jake para hindi ka mahirapan mghanap ng trabaho dito"
"Alam niyo po tita kanina sa eroplano nakipag usap siya sa crew na gwapo gamit ang spanish"
"Wow Jake ok yun so marunong ka na pala. Hala basta gagawan natin ng paraan ang lahat ok ba mga anak?"
"Sige po tita,tapos na din po ako kumain ako na po mag liligpit nito" ani ni Jake
Natapos na sila maghapunan ganun din ang pagliligpit ng mga pinagkainan. Maaga matutulog si Tita Flor sapagkat nakasanayan na niya ito
"So paano mga anak, mauna na ako magpahinga wag niyo kalimutan ha maaga tayo bukas"
"Sige po tita sleep well" giit ni Jake
Maya maya ay pumunta ng banyo si Jake. Pakiramdam niya ay stress siya kaya naisipan niya mag yosi.
Tumagal siya doon ng mga dalawampung minuto. Pagkalabas niya kaagad namang pumasok si James. Dumeretso na si Jake sa kwarto para makapagpalit na ng pantulog.
Hindi nagustuhan ni James ang amoy ng sigarilyo kung kayat nagmamadali siyang pumunta kay Jake. Nakalock ang pinto.
Tok tok tok!
"Jake!"
"Saglit" sigaw nito
Binuksan ni Jake ang pinto at kaagad pumasok si James at inilocked ito.
"Oh bakit!?" Pagtataka ni Jake
"Akin na!" Paghingi niya sa yosi ni Jake
"Ang alin?"
"Yung yosi mo akin na!" Galit na pagpilit na kuhanin ang yosi
"Bakit ba? Minsan lang naman ako magyosi! Ano ba masama dun" gigil niyang sambit
"Basta ibigay mo sa akin ayoko nagyoyosi ka!"
"James sandali hindi kita boyfriend kaya wag mo akong pagbawalan sa mga bagay na gusto kong gawin"
"At ano naman masama dun? Boyfriend lang ba pwede magbawal? Yan hirap sayo hindi ka nakakakita ng nagpapahalaga sayo!"
"Sino? Ikaw? Malay ko ba kung totoo na yan pinapakita mo oh baka mamaya palabas lang yan lahat"
"Akala ko ba ok na tayo Jake? Bakit parang binabalik mo na naman?"
"Bakit James? Masisisi mo ba ako?"
"Hindi!"
Sapilitan niyang kinuha ang yosi ni Jake. Sa pagpipilit niya nagkasakitan ang dalawa hanggang sa matumba sa kama si Jake at nakapatong naman si James. Muntik na mag lapat ang kanilang mga labi, damang dama ang hininga ng bawat isa, nagkatitigan ang mga mata hanggang sa maya maya pa ay itinulak ni Jake si James palayo.
"Oh ayan sayo na!" Sabay tapon kay James ng sigarilyo
"Inaalala lang kita Jake wag ka sana magalit!
Kaagad namang kinuha ni Jake ang unan at saka lumabas ng kwarto.
"Oh saan ka pupunta Jake?"
"Matutulog!"
"Dito ang kama dito ka matulog"
"Alam ko! Jan ka dun ako sa salas!"
Walang nagawa si James kundi ang manahimik. Hindi na niya ito pinilit para hindi na lumala ang alitan nilang dalawa.