Chereads / The Story of Us.. / Chapter 1 - Chapter 1

The Story of Us..

🇵🇭Loveisjustashow
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 80.7k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Chapter 1

Habang nasa eroplano sina Jake at James nag usap ang dalawa

"James? Pag dating natin sa Spain san ka tutuloy?"

"Wala pa nga Jake eh baka maghanap na lang ako ng hotel na mura"

"Ipapagpaalam kita sa tita ko baka kasi may bakanteng kwarto pa sa bahay nila. Mahal din naman ang hotel"

"Talaga Jake? Thank you!"

"Wala yun bakit ba kasi naisipan mo pa sumama eh ok naman ang buhay mo sa Pinas?"

"Ayaw ko lang malayo ka sa akin at isa pa hindi ko naman alam kung may plano ka pang bumalik"

"Sira ka talaga! Basta pag dating natin ng Spain act normal we're just friends ayaw ko isipin ng mga tita ko na tayo ok ba?"

"Ok kung yun ang gusto mo"

Matagal silang babyahe mula Manila to Madrid. Aabutin ito ng halos 20 hrs sa eroplano. Ayaw ni Jake ng palipat lipat ng flight kaya mas minabuti niyang kunin ang one stop flight.

"Nakakainip Jake"

"Manood ka ng movie tutulog ako"

"Napanuod ko na lahat ng movie sa atin"

"Magbilang ka na lang ng buhok kung ayaw mo manuod sige na matutulog ako"

"Haha manonood na lang ako" sabay tingin kay Jake habang nakapikit

Pag mulat ni Jake

"Oh? Anong ginagawa mo?"

"Pinapanood ka sabi mo manuod ako"

"Baliw hindi naman ako yung movie panoodin mo"

"Nakakasawa yun ikaw hindi"

Kaagad siyang kumuha ng kumot ay nagtalukbong. Walang nagawa si James kundi panoodin muli ang mga movie na napanood na niya.

Maya maya ay may rasyon na ng food.

"Jake gising tatanungin na yung order mo"

"Sabihin mo yung crew na lang"

"Jake makakain mo ba yung crew? Gumising ka muna!"

"Ok! Ok! Wait James ang gwapo ng crew haha bakit naman hindi mo agad sinabi"

Tumingin lamang at umirap si James. Tila naiinis sa sinabi ni Jake. Pag lapit ng crew

"Buenas noches señor ¿hablas español?"

(Good evening Sir do you speak spanish?)

Hindi nakaimik si James english lang ang alam niya kaya agad bumanat at nagpakitang gilas si Jake

"Sí un poco. ¿Que tal hablas inglés?"

(Yes a little. And you do you speak English)

"Sí un poco también entonces, ¿cual es tu orden?"

(Yes a little also, so what is your order?)

"Solo danos una comida para la cena gracias"

(Just give us a meal for dinner thank you"

"Ok señor aquí está sur orden, muchos gracias, tenga una buena tarde

(Ok sir here is your order, thank you so much have a nice evening)

Pag kaalis ng crew

"Marunong ka mag spanish?"

"Konti lang bakit??"

"Ang galing kelan ka natuto?"

"Kelangan eh wafu ang crew haha 😂 sabay kami nag aral ni Mark plano kasi namin magpunta dito sa Madrid"

"Uhm si Mark pala ok"

Kumain na ang dalawa. Pagkatapos ay nagpahinga muli ay may natitira pa silang 7hrs na byahe. Gising, tulog inip na ang dalawa.

At last after so many hours nakarating na sila ng Madrid, Spain

"Finally Jake nakatating din tayo grabe ang byahe ang tagal!"

"Pagod ako James wait kailangan ko tawagan sila tita"

"Ok take your time akin na ang maleta mo"

Tinawagan na ni Jake ang tita niya

Rinnnngggg..

"Si? Hola"

"Tita im here na po Sa airport"

"Wow talaga so see you later dito sa bahay send ko na lang sayo ang address take a taxi ok"

"Ok po tita, uhmm tita may kasama po akong kaibigan may bakante po bang kwarto jan?"

"Sige Jake isama mo siya dito at mamaya na natin pag usapan"

"Sige po tita see you gracias"

Pagkatapos tumawag ni Jake agad niyang nilapitan si James.

"James sumama ka na daw sa akin sabi ni tita and then doon na lang tayo mag uusap about the room"

"Talaga Jake thank you!" Sabay hug ng mahigpit

Kumuha na sila ng taxi patungo sa address na binigay ng kanyang tita. 30 minutes ang layo ng bahay ng tita niya sa airport.

Afterwards dumating na sila sa bahay ng tita niya, sa isang appartment building nakatira si Tita Flor.

Mahirap humanap ng bahay sa ibang bansa. Maswerte ka kung may kamag anak ka na mayroong bahay na bago ka dumating. Napakaraming mga papeles ang kakailanganin bago ka magkaroon ng sariling bahay.

"Jake! Nako binatang binata ka na aah" paunang bati ng kanyang tita

"Tita Flor namiss kita ang tagal mo kasing umuwi ng Pinas"

"Uuwi ako sa December"

"Talaga po tita so paano po yun uuwi po kayo this december eh nandito pa po kami"

"Nako walang problema Jake teka sino nga pala itong kasama mo?"

"Ah tita si James po pala kaibigan ko"

"Hello hijo so kumusta ka? Kumusta ang viaje?"

"Hello po tita ok naman medyo matagal po may jet lag pa nga po ako"

"Ganun talaga hijo so tara na muna sa loob doon natin isundo ang kwento"

Pagkapasok nila sa bahay agad kumuha ng tea ang tita niya. At nag patuloy sila ng pag uusap

"So mga hijo ituloy na natin ang ating usapan kanina sa labas"

"Uhm Tita Flor kasi kailangan po ng bahay ni James kaso alam ko po mahirap humanap pero baka po may alam kayo?"

"Nako Jake mahirap humanap ng bahay dito. Pero kung ok lang sayo doon sa kwarto na tutuluyan mo dito eh magkasama kayong dalawa?"

"Huh po tita?"

"Wala naman sigurong masama kung magkasama kayo ni James sa iisang kwarto. Parehas naman kayong lalaki unless bumigay ka na sa kagwapuhan nito" pabiro ng tita niya

"Haha tita ok lang sa akin kung magkasama kami ni Jake"

"Oo tita payag na ako"

"Haha yun naman pala eh ok pwede kayo mag stay dito sa bahay but mag shashare tayo sa lahat ng gastos. So sa ngaun libre na muna lahat habang wala pa kayong trabaho"

"Maraming salamat po tita"

"Walang anuman James"

"Tita thank you talaga"

"Sige na Jake pumunta na kayo sa kwarto at ng makapagpahinga pupunta lang ako sa market para mamalengke"

"Sige po tita salamat"

Nagtungo na ang dalawa sa kwarto. Malaki ito kaya kasya silang dalawa dito, malaki din ang kama.

"Jake thank you hindi mo ako pinabayaan"

"Wala yun James sige magpahinga ka na aayusin ko kang ang mga gamit natin"

"Sige Jake" pagkasalita kaagad siyang nakatulog

Nagsimula nang mag ayos ng mga gamit nila si Jake. Pagkatapos niya mag ayos ng gamit lumabas siya ng kwarto at sinubukang maglinis ng bahay.

Pagbalik ng tita niya naabutan siyang naglilinis

"Jake! Ano ginagawa mo?"

"Naglilinis po nakakahiya kasi tita hayaan niyo na po akong gawin ito"

"Jake may napapansin ako sayo bakit parang malamig ka kay James, Ano ang totoo?"

"Wala lang po tita may hindi lang po kami pinagkaunawaan noon"

"Walang problema? Jake so anong meron sa inyo ni James?"

"Kaibigan ko lang po siya tita"

"Kaibigan lang ba talaga?"

"Opo nga tita"

"Oh sige na Jake magpahinga ka na muna"

"Sige po tita"

Pumasok na sa kwarto si Jake para makapagpahinga. Nag simula na din mag luto para sa hapunan si Tita Flor.

Pag dating ni Jake sa kwarto. Nadatnan niya si James na tulog na tulog. Nakasapatos pa ito kaya hinubad niya ito. Pag katapos nag pasya na siyang magpahinga sa tabi ni James.