Chereads / Love is like a Game / Chapter 23 - Chapter 23

Chapter 23 - Chapter 23

Bumalik na ang mga lalaki upang kunin ang katawan ni Mark at ilagay sa kabaong. Dumating din si Sam inakap niya ako.

"Ok ka lang Jake?"

"Yes Sam magiging ok din ako siguro. Asan si baby? Nagpunta ka pa dito kaya ko naman"

"Iniwan ko na muna kina Mama. Kailangan mo ako dito Jake"

"Mas kailangan ka ng anak mo sa kanyang tabi. Umuwi ka na at gabi na din"

"Pero Jake nangako ako kay Mark na hindi kita iiwan kahit anong mangyari, na aaalalayan kita sa lahat ng pagsubok na dumaan sayo"

"Salamat Sam but gusto ko muna mapag isa"

"Sige Jake. Dederetso na sa chapel si Mark doon na siya ibuburol"

"Ok Sam thank you.."

Hindi ko na sinilip si Mark ng ilagay siya sa kanyang kabaong.

Sa mga oras na iyon mas nanaisin ko ang mag isa. Walang makakaintindi sa nararamdaman ng isang katulad ko. Palagi ko na lang itinanong sa sarili ko ano ba ang naging kasalanan ko sa mundo bakit lagi na lang ako iniiwan ng mga taong minamahal ko!!

Tinawagan ni Sam si James upang sabihin na hindi ako kasama sa chapel.

"James hindi sumama si Jake papunta sa chapel. Paki sabi na din kay Tita na pupunta na kami, doon na lang kami mag kita sa chapel."

"Huh? Bakit daw hindi sasama si Jake? Saan siya pupunta? Sige sige sasabihin ko kay tita"

"Hindi ko alam gusto daw muna niya mapag isa. Naaawa na ako sa kaibigan ko"

"Sige susubukan kong tawagan"

"Sige James ikaw na muna bahala kay Jake"

Nagpasya akong umuwi sa bahay. Sasakay na ko ng kotse ko ng tumawag si James.

James calling....

Dinecline ko ang tawag ni James. Gusto ko mapag isa ayaw ko ng kausap. Napakaraming tawag na ni James pero hindi ko pa din sinasagot. Madami na din mga messages

"Jake! Nasan ka! Sagutin mo ang tawag ko!"

Nag drive ako pauwi sa bahay. Nagdadrive ako na para akong nakalutang sa ere. Bahala na ang tangi ko lang iniisip ay makasama pa si Mark.

Walang humpay na luha ang patuloy na dumadaloy sa mga namumukto kong mga mata. Nagkita ako ng bukas na shop, nagpasya ako bumili ng alak.

Gusto kong malasing! magpakalasing! baka sakaling akoy magising na wala na ang aking mahal.

Nakarating na ako sa bahay. Sa bahay na mapanglaw, wala na nga, wala na ang lalaking pinakamamahal ko. Nagkita ako ng kanyang larawan at ito ay aking kinuha.

Nagsimula na akong mag inum habang tinitingnan ang masayang ngiti ng aking kasintahan.

" miss na miss na kita"

Sabay akap sa kwadro. Akap ng isang nangungulila sa kalinga ng minamahal.

"Bakit ba kasi kailangan mo pang mawala"

"Sana nagbreak na lang tayo para kahit paano makikita at makakausap pa kita"

Paano na ako ngayong wala ka na. Sinanay mo ako Mark, sinanay mo ako na lagi kang andito sa tabi ko. Sinanay mo ang puso ko na laging tumitibok para sayo. Sinanay mo ang damdamin ko na laging masaya.

Ang hirap hirap Mark. Ang hirap tanggapin. Ang hirap paniwalaan na tanging sa litrato na lamang kita nakakausap.

Halos mapaghati na ni Jake ang kanyang biniling alak. Hanggang sa dumating si James. Nagbaka sakali si James na dito sa bahay umuwi si Jake.

"Jake??!!"

"Jake??!!"

Agad pumasok sa isip ni Jake na si Mark ang tumatawag. Dala na din siguro ng matinding pangungulila sa kanyang nobyo.

"Mark sandali lang bubuksan ko ang pinto" sigaw ni Jake

Pag bukas ng pinto andoon si James.

"Jake!"

"Mark nagbalik ka" sabay halik sa labi ni James.

"Jake sandali!" Pagpipigil ni James kay Jake

"Miss na miss na kita Mark." Tila hindi na niya alam ang kanyang ginagawa

"Jake ano ba! Hindi ako si Mark! Ako si James! Umayos ka nga!" Sigaw ni James

Humagulhol ng iyak si Jake halos napaluhod na siya sa may pintuan. Awang awa sa kanya si James.

"Halika ka nga sa loob!" Habang inaakay si Jake papunta sa salas.

"Anak ng puta! Halos maubos mo na ang alak! Ano ba talaga gusto mo Jake!"

"Pagod na ako James!"

"Halika na dadalhin na kita sa kwarto niyo"

Inalalayan ni James si Jake papunta sa kwarto. Sa sobrang kalasingan ni Jake halos mabitawan siya ni James mabuti na lamang at malapit na ang kama.

"Ayan na humiga ka na Jake magpahinga ka na! Kukuha lang ako ng maligamgam na tubig pupunasan kita!"

"Tensyyu jeyms"

Agad nag handa si James ng pamalit ni Jake bago niya ito punasan. Habang pinupunasan niya si Jake...

"Ba— baaakit mo ginagawaaa ito?"

"Pwwweeede mooo naaman akoong iwan na lang"

"Jake ginagawa ko ito dahil gusto ko."

"Magagaliit siii Maaark"

"Jake wala na si Mark, alam ko mahirap ito para sayo na tanggapin pero wala na siya."

Umiyak muli si Jake. Inakap siya James

"Halika Jake, andito lang ako dadamayan kita. Tama na, nahihirapan ka na."

Tumingin si Jake kay James. May ibig sabihin ang tinging ito ni Jake. Agad hinawakan ni Jake ang mga labi ni James na tila nilalaro.

Napatagok si James sa ginawa ni Jake. Muling tumingin ng malagkit si Jake sa mga mata ni James

"Mahal mo ako?" Ang tanong ni Jake kay James.

Hindi umimik si James kaya agad itong hinalikan ni Jake. Isang halik na may kasamang hagod na tila sabik na sabik.

Pero agad itong pinigilan ni James.

"Wag Jake!"

"Bakit ayaw mo ba?"

"Ayaw kong samantalahin ang kalasingan mo sa alak lalo na ayaw ko sabayan ang pangungulilala mo kay Mark!

Mahal kita Jake!"

Subalit hindi na iyon napakinggan ni Jake. Dahil nawalan na siya ng malay at kaagad na inihiga ni James.

Hindi iniwan ni James si Jake. Halos magdamag mababaw ang tulog ni James dahil sinisigiro nito na hindi makakaalis si Jake.

Nakita ni James ang cellphone ni Jake. Agad niya itong kinuha at pumunta sa settings upang ishare ang location ng phone niya. Para alam niya kung saan pumupunta si Jake.

Humiga si James sa tabi ni Jake. Mag uumaga na din naman. Hindi na namalayan ni James na nakatulog siya.

Pag gising niya wala na naman si Jake.

"Jake?"

"Saan ka na naman ba nag punta?"

Tumawag agad siya sa tita niya

"Hello tita anjan po ba si Jake? Pag gising ko po kasi wala siya"

"Wala siya dito kagabi pa siya hindi sumisilip dito. Nagtataka nga ako eh ilang araw na lang ibuburol si Mark pero ang presensya niya wala pa dito"

"Tita lasing si Jake kagabi naglasing siya"

"Kaya naman pala sige iho iintindihin ko muna mga tao dito"

"Sige po tita salamat"

Saan kaya hahanapin ni James si Jake?