Patuloy pa din ang pag aalala ni James. Sinubukan niyang tawagan si Jake subalit sa hindi inaasahang panahon naiwan ni Jake ang kanyang cellphone na naka charge.
"Saan ba kita hahanapin Jake! Ang tigas naman kasi ng ulo!"
Maya maya pa ay may nag susi na ng pinto. At last dumating na din si Jake.
"Jake!" Sabay akap ni James
"Bakit?"
"Saan ka ba galing? Kanina pa ako nag aalala sayo"
"Ok ako! Salamat!"
"Saan ka ba nagpunta?"
"Kay Mark"
"Tumawag ako kay Tita wala ka daw doon"
"Wala nga kasi mag kasama kami ni Mark! Bakit ba ang dami mong tanong!"
"Jake ano ba! Panong?? Paanong magkasama kayo ay patay na si Mark!"
"Hindi patay si Mark!" Sigaw na galit na galit ni Jake
"Jake gumising ka! Tanggapin mo na ang katotohanan na wala na nga si Mark."
"Magkasama kami sa tabing dagat nanood kami ng sunrise napakagandang pagmasdan kasama ng taong mahal mo.
Ngaun paano mo ipapaliwanag sa akin na patay na si Mark!"
"Jake nababaliw ka na ba?"
"Hindi ako baliw! Hindi ako baliw! Hindi ako baliw"kasabay ng humahagulhol na iyak ni Jake
Napailing na lamang si James ng makita niya si Jake. Si Jake na masayahin, masigla, mapagmahal ay unti unti ng nilalamon ng lungkot at pighati.
"Maupo ka muna sa salas at ako ay magpapahanda ng pagkain kay ate linda"
"Busog ako"
"Paano ka mabubusog kagabi ka pa hindi kumakain"
"Kumain kami ni Mark sa may dalampasigan. Ang saya saya namin. Kami lang ang tao nag sayaw pa kami"
"Jake noon pa yan nangyari! Huwag mo naman ganyanin ang sarili mo"
"Buhay siya buhay buhay buhay!"
"Jake isang araw ng patay si Mark. Iniintay ka na nila Tita sa chapel hindi mo pa sinisilip si Mark"
"Wala nga sa chapel baka ibang patay yun nagkamali lang kayo. Kasi magkasama kami kaninang umaga tapos mamaya manonood uli kami ng sunset. Paano magiging patay si Mark"
"Jake maniwala ka naman!"
Hindi pinansin ni Jake si James. Kinuha niya ang litrato ni Mark at inakap ng mahigpit.
"Salamat boss hindi mo ako iniwan"
"Mahal na mahal kita"
Napupuno na si James kay Jake gusto na niyang iwanan si Jake sapagkat hindi niya alam kung paano niya babantayan at aalagaan si Jake. Tinawagan niya si Sam upang ipaalam ang kondisyon ni Jake.
"Hello Sam busy ka?"
"Ah nasa bahay pa ko nag aayos papakainin ko lang si baby tapos pupunta na uli ako ng chapel bakit James?"
"Si Jake kasi Sam.."
"What? ano nangyari kay Jake?"
"Parang nawawala na sa katinuan si Jake. Baka pwede dito ka na muna sa bahay dumeretso"
"Sige sige pupunta ako jan ASAP"
Medyo nakahinga na si James kahit papaano. May magiging katulong na siya sa pagdedesisyon para kay Jake.
Sinilip niyang muli si Jake mula sa kusina. Kagaya pa din ng dati ang nakita niya tulala na tila kay lalim ng iniisip. Patuloy ang pag agos ng luha napabuntong hininga na lamang siya sa nakita.
"Kung may magagawa lang ako Jake para maging ok ka gagawin ko lahat"
Linyang nasabi niya habang siya ay naktuon ang atensiyon kay Jake. Ilang sandali pa ay bumusina na si Sam.
"Thanks God dumating na si Sam"
Agad siyang nagtungo para buksan ng gate at pinto si Sam
"Oh James nasan si Jake?"
"Andoon sa loob Sam, uhmmm Sam wag ka sana mabibigla sa makikita mo sa loob"
"Sige James"
Pagkapasok nila sa loob...
"Oh my God Jake!" Pag aalalang hindi maiwasan ni Sam
"Jake im here andito na ako" agad niyang inakap ang kaibigan
Hindi pa din kumikibo si Jake. Hindi din niya inalis ang pag kakaakap niya sa larawan ni Mark.
"Jake! Wag mo na pahirapan ang sarili mo, tulungan mo na ang sarili mo na tanggapin na wala na si Mark!" Nangingiyak na tinig ni Sam
"Darating siya.. babalik siya... darating si Mark... hindi niya ako iniwan... magkasama kami kanina" mga katagang binitiwan ni Jake kasabay ng mga luhang pumapatak sa kanya
"Jake sasamahan ka namin ni James pupunta tayo kay Mark"
"Alam mo kung saan siya nagpunta?"
"Oo Jake"
"Talaga Sam! Sasamahan niyo ako! Sige sige mag bibihis ako!" Labis na galak ni Jake
Sa sinabing iyon ni Sam nabuhayan ng loob si Jake. Labis ang kanyang galak ng malamang makikita niyang muli si Mark.
"Sorry Jake kailangan mo ng tanggapin ang nangyari kay Mark" pabulong niyang sinabi pagkaalis ni Jake.
"Ok lang Sam para magising na siya sa katotohanan na wala na si Mark"
"Sana James matanggap na niya ako ang nahihirapan sa kalagayan ni Jake."
"Kahit ako Sam kahit ako na lang ang masaktan wag na si Jake"
"Anong ibig mong sabihin James?"
"Aah eehhh wala Sam"
Nagmamadaling lumabas ng kwarto si Jake bihis na bihis tila may isang date na pupuntahan. Kitang kita sa mukha niya ang saya na may halong galak.
"Ready na ko guys tara na baka umalis pa si Mark"
"Sige na tara na"
Umalis na ang tatlo, sakay sa auto ni James. May halo pa ding ngiti sa mukha ni Jake. Hindi mapakali sa kinauupuan sa sobrang excite na makitang muli ang kanyang minamahal.
Matapos ang 30 minutong byahe ay napansin agad ni Jake na bakit funerarya ang kanilang pinuntahan.
"Teka! Bakit naandito tayo?"
Walang sumagot sa dalawa. Simula ng mamatay si Mark hindi pa nakakasilip si Jake kung saan ito nakaburol. Pumasok ang tatlo sa loob, hawak hawak ni Sam sa braso si Jake.
"Sam bakit tayo nandito akala ko ba pupunta tayo kay Mark?"
"Oo Jake pupunta tayo"
"James bakit ang daming tao dito? Bakit nandito si Mama?"
"Jake nandito kasi si Mark"
"Papanong nandito hindi ko siya natatanaw kung nasaan?"
Pagkapasok nila sa mismong chapel nagtinginan ang mga tao kay Jake. Tila nahihiwagaan kung bakit ngaun lamang siya nagpunta sa burol ng pinakamamahal.
"Andito din mga magulang ko? Sam anong meron? James?"
Walang sumagot sa dalawa. Agad na lamang lumapit ang Mama ni Mark upang akapin si Jake
"Jake" umiiyak
"Ma bakit ka po umiiyak?"
Hindi nagsalita ang Mama ni Mark tanging iyak lamang at luha ang ibinigay na kasagutan nito kay Jake.
"Ma magkikita kami ngaun ni Mark nasan siya Ma?"
"Jake, Nak wala na si Mark"
"Ppp...eeee..rrrooo Ma sabi ni Sam at ni James pupuntahan namin si Mark!"
"Oo nak nandito si Mark. Halika"
Agad na inakay ng mga magulang niya si Jake patungo sa harap ng kabaong ni Mark. Dahan dahan ang paglalakad niya na tila natatakot lumapit. Natatakot makita ang katotohanan na wala na nga si Mark.
Mahirap tanggapin ang pagkawala ng isang tao lalo na kung ito ay minahal mo ng buong buo. Mahirap ipaliwanag ang damdaming patuloy na nasasaktan. May mga pagkakataon na kailangan ng tanggapin upang matapos na ang pait ng kahapon.