Chereads / Love is like a Game / Chapter 27 - Chapter 27

Chapter 27 - Chapter 27

Pumunta sa kinatatayuan nina James at Jake ang nanay ni Mark at pinagsabihan.

"Mawalang galang na sa inyong dalawa baka pupwede bigyan niyo muna ng konting respeto ang burol ng anak ko"

"Ma, bakit po?"

"Hindi ka ba makatiis Jake? Ganyan ka ba talaga? Mali ba pagkakakilala ko sayo?"

"Ma, sandali lang po ano po ba nangyayari"

"Nakakahiya ka! Pinagtitinginan na kayo ni James!"

"Pero Ma..."

"Kung hindi mo igagalang ang huling lamay ng anak ko makakaalis ka na!"

"Tita mali po ang iniisip niyo dinadamayan ko lang po si Jake"

"Hindi mali ang nakikita ng mata James! Madaming nakamasid sa inyo hala!sige maghiwalay kayo jan!"

Naging masama sa paningin ng ina ni Mark ang ginawang pagdamay ni James kay Jake. Kahit anong paliwanag nila hindi niya ito pinakikinggan. Tila biglang nagbago ang nanay ni Mark sa pakikitungo kay Jake.

Minsan sa buhay ng tao mas pinaniniwalaan natin ang kung ano ang nakikita ng mga mata natin kesa sa tunay na katotohanan.

Pumunta si Jake kay Sam upang humingi ng payo patungkol sa nangyari.

"Sam!"

"Oh Jake bakit?"

"Si Mama kasi mali ang iniisip sa pag kakaakap ni James sa akin"

"Ganun talaga yan Jake kung ano ang nakita yun ang paniniwalaan"

"Pero bakit ganun wala namang something sa aming dalawa ni James, magkaibigan lang kami"

"Sayo wala pero base sa galaw ni James meron kayong something"

"Shit! Naman oh"

"Ok lang yan laylo ka muna kay James"

"Sige Sam thank you"

Pinilit umiwas ni Jake kay James para na rin sa ikakatahimik ng lahat. Subalit kagaya kanina hindi pa din siya kinikibo ng Mama ni Mark.

"Ma, pasensiya na po kanina."

"Hindi ko naman po alam na ganun ang iisipin ng mga tao"

Ngunit ganun pa din ang nanay ni Mark hindi pa din kinikibo si Jake.

"Ma huling araw na po ni Mark, wag naman po sana sumama ang loob ninyo. Kung ano man po ang nakita niyo wala naman pong kahulugan iyon."

"Alam mo Jake masakit makita na ang taong pinakamamahal ng anak ko ay nasa piling na ng iba. Pasensya ka na pero iniligay ko lamang ang sarili ko kung sakaling nabubuhay at nakikita ka ni Mark"

"Ma alam ko naman po yun, alam ko naman po kung saan ako lulugar"

"Sana nga Jake sana.."

"Opo Ma asahan niyo po"

"Jake pwede ba mamayang gabi ikaw na ang magsalita sa unahan.?"

"Pero Ma bakit po ako lang?"

"Hindi ko kasi kaya nak magsalita at alalahanin ang mga nakaraan namin ng anak ko"

"Pero Ma hindi ko din po kaya."

"Please nak para kay Mark,"

"Susubukan ko po Ma"

Isang malaking pagsubok kay Jake ang pinagagawa ng kanyang Mama. Mahirap para sa kalooban niya na ibalik muli ang alaala nila ni Mark. Unti unti na niyang natatanggap ang lahat, subalit mukhang manunumbalik ang lahat ng pait na kanyang sinubukang kalimutan.

Sumapit ang gabi at kagaya ng usapan kanina mag sasalita si Jake para kay Mark. Kabado siyang pumunta sa unahan.

"Magandang gabi po sa inyong lahat. Maraming salamat po at sinamahan pa din ninyo ang aking pinakamamahal sa kanyang huling gabi.

Si Mark para sa akin.....

Sa totoo lang hindi ko alam kung saan ako mag sisimula.

(Naluluha)

Nagkakilala kami ni Mark sa isang texter clan, natagpuan niya akong malungkot sa tabi ng dalampasigan kaya nilapitan niya ako at dinamayaan.

Aaminin ko na sa lahat ng malulungkot na naging parte ng buhay ko may isang Mark na laging nanjan para ako ay suportahan.

Si Mark kasi yung taong ayaw na may nakikitang umiiyak. Kapag sinabi niyang mahal niya paninindigan niya iyon as long as mahal siya ng taong mahal niya.

Noon ko pa gusto si Mark, natatakot lang akong aminin ang totoo dahil baka kamuhian niya Ako sapagkat isa akong bakla.

Pero kahit kailan hindi ito ipinaramdam sa akin ni Mark. Walang segundo, minuto at oras ang kanyang pinalampas para iparamdam sa akin kung gaano niya ako kamahal.

Sabi ko nga noon kahit maubos na ang dugo ko mapanatili ko lang na buhay si Mark gagawin ko. Kahit mag sakripisyo ako ng mag sakripisyo basta para kay Mark ayos lang.

Basta para kay Mark magiging matatag ako, magiging malakas ako at magiging ok ako kahit ang sakit sakit na makita na nahihirapan siya.

Bago pa man siya mawala inihanda na pala niya ako sa isang panaginip. Panaginip na akala ko ay hindi nagkakatotoo.

Sa panaginip na ito nasa tabi kami ng dalampasigan, nanunuod ng paglubog ng araw hanggang sa magliwanag ang paligid at nakakit ako ng isang lalaki, matapos ang liwanag nagbalik ang lalaki at ito pala ay si Mark

Si Mark na nagsabing

Ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko..

Masakit sa akin ang paglisan ni Mark, hirap na hirap akong tanggapin ang pagkawala niya. Nangungilala ako sa lahat ng oras na dumadaan sa akin lalo na sa pang araw araw na nakasanayan ko na lagi ko siyang kasama.

Wala ng Mark na kukumustahin ako kahit na lagi niya akong nakikita.

Wala ng Mark na sasabihin sa akin na boss mahal na mahal kita.

Wala na ding Mark na gigising sa akin sa tuwing umaga at ipapaalala ang katagang

Kay ganda ng umaga ko kapag ikaw ang una kong nakikita

At higit sa lahat... wala ng MARK  na magpaparamdam sa akin na kahit ako ay isang bakla karapatdapat pa din akong mahalin

Boss miss na miss na kita, namimiss ko na ang lahat ng meron tayo

Salamat sa lahat ng pagmamahal na ibinigay mo sa akin salamat boss mahal na mahal kita

Alam ko hindi mo na maririnig ang sasabihin ko ngaun pero gusto ko pa ding sabihin ito

Sana Mark kung naririnig mo ito sana magparamdam ka

Kung bibigyan akong muli ng pagkakataon na mabuhay sa mundo pipiliin ko pa din ang buhay na may isang ikaw

Nabalot ng lungkot ang buong paligid. Tumahimik ang lahat at kagaya ng hiniling ni Jake nagparamdam nga si Mark

Isang malamig na hangin ang dumampi sa katawan ni Jake na may samyo ng mga amoy ng natutuyong bulaklak at isang paruparu ang dumapo sa balikat ni Jake.

Ito ang muling dumurog sa kalooban ni Jake. Kalooban na unti unti nang nabubuo pero dahil sa dala ng lungkot muli na namang nabuwag.

Nagkasabay ang Mama ni Mark at si James sa pagtayo para puntahan si Jake pero agad na pinigilan ni Sam si James.

Agad inakap ng Mama niya si Jake

"Nak tama na.tama na ang sakit na pinagdadaanan mo palayain mo na ang anak ko"

"Hindi ko kaya Ma"

"Kayanin mo anak huh. Nandito lang kami"

Isinama na si Jake papunta sa upuan, para makapagpahinga na.

Sa buhay talaga natin hindi natin maiiwasan ang lungkot, lungkot na kahit anong ngiti lalabas at lalabas pa din kahit anong kubli.