Chereads / Love is like a Game / Chapter 29 - Chapter 29

Chapter 29 - Chapter 29

"Hi ikaw ba si Jake?"

"Yuph bakit?"

"May boyfriend ka na ba?"

"Meron kamamatay nga lang eh bakit?"

"Wala naman, buti may pumatol sayo"

"Ah bakit may problema ba?"

"Meron masyado kang mayabang Jake!"

"Excuse me? Ako pa ang mayabang eh hindi nga kita kilala tapos kung makapagsalita ka sakin ganyan"

"Hindi mo ako kilala pero kilala kita dahil kaibigan ko si James"

"Oh so? Sige na aalis na ko iniintay pa ako ng kasama ko"

Kaagad tumalikod si Jake kay Ronnie para pumunta na kay Sam. Nag init ang ulo ni Ronnie

Hinawakan ng mahigpit sa braso "kapag kinakausap kita wag mo akong tatalikuran"

"At bakit hindi kita tatalikuran eh masyado kang bastos! Bitawan mo ako!"

Mas pinisil pa ng mahigpit ni Ronnie ang braso ni Jake.

"Puta! Nasasaktan na ako! Ano ba gusto mo?"

"Paligayahin mo ako! Kaya mo?"

"Magpaligaya ka kung gusto mo!"

Kaagad pumasok si James sa CR naabutan niya ang sitwasyon ng dalawa

"Teka Tol! Sandali bitawan mo si Jake!" Pagpigil ni James

"James pagsabihan mo nga yang kaibigan mo masyadong mahangin bastos pa!"

"Hinay hinay ka sa pananalita mo bakla! Hindi ako katulad ni James na palalampasin lang ang lahat!"

"Anong ibig mong sabihin?" Pagtataka ni Jake

"Tol tama na yan lasing ka lang"

"Sandali lang James! Diba sabi mo noon itong baklang ito ang sumampal sayo kaya sinabi mo sa amin na papaikutin mo siya sa iyong palad?"

"Oo tol pero noon pa yun! Tapos na yun!"

Natulala si Jake sa narinig mula kay Ronnie..

"Totoo ba James?"

"Jake let me explain!"

"No more explanation! Im sorry for that i have to go!"

Kaagad nagpumiglas si Jake sa pag kakahawak ni Ronnie at lumabas papunta kay Sam

"Jake sandali!" Pagpigil ni James kay Jake

Hindi lumingon si Jake mula sa pagkakatawag ni James sa kanya. Masama ang tingin ni James sa kanyang kaibigan.

"Nakita mo na ang ginawa mo! Sinabi ko naman sayo na tapos na yun!"

Paglabas ni Jake sa CR kaagad siya pumunta kay Sam

"Sam tara na! Aalis na tayo!"

"But why Jake? Akala ko ba makikijam tayo dito kina James na table"

"Kung ayaw mo ako na lang ang uuwi"

"Jake!"

Umalis kaagad si Jake sa bar. Sumakay sa kotse niya at nagdrive. Pag alis ni Jake kaagad namang dumating si James.

"Sam nasan na si Jake?"

"Ayun umalis na! Ano ba kasi nangyari?"

"Mamaya ko na ipapaliwanag! Kailangan nating sundan lasing yun!"

"Bilis James tara na!"

Kaagad ding umalis ang dalawa upang sundan si Jake. Labis ang pag aalala ni Sam kay Jake

"Ano ba kasi nangyari James! Bakit basta basta na lamang umalis yun"

"Wait Sam kailangan ko itrack ang location niya"

"Fuck! Hindi ko siya macontact James!"pag aalala ni Sam

"James! Ano ang nangyari!"

"Sinabi kasi ni Ronnie ang plano ko dati kay Jake kasi sinampal ako ni Jake noon at sinabi ko na papaikutin ko siya sa mga palad ko"

"What!"

"Oo pero noon pa yun! Tapos na yun!"

"Ay nako James pag may nangyari kay Jake lagot ka sa akin at kay tita!"

"Sam mahal ko si Jake kaya nabago na ang lahat minahal ko na si Jake noon pa!"

Nagmistulang tulala si Jake habang siya ay nagdadrive. Tila hindi alam kung saan pupunta. Hanggang napatingin siya sa buwan bilog na bilog ito kaya naisipan niyang pumunta kung saan sila nag umpisang magkakilala ni Mark.

Pagkarating niya agad siyang nagtungo papunta sa tabi ng dalampasigan. Kaagad siyang sumigaw sa dagat

"Boss! Bakit!"

"Bakit ganun! Bakit ako nasasaktan kay James so ano boss lahat na lang ba ng pinakita is just for fun? Bakit ako pa bakit damdamin ko pa yun papaglaruan niya!"

"Pwede naman niya akong saktan physically pero bakit kailangan feelings pa!"

"Boss sana nandito sana di ka na lang nawala sana ikaw pa din ang karamay ko dito!"

Napaupo si Jake sa buhanginan at nagmukmok. Umiyak at nag isip isip

Patuloy pa din ng paghahanap sina Sam at James hanggang sa naisip ni Sam kung saan pupunta si Jake

"James alam ko kung saan natin makikita si Jake"

"Saan Sam?"

"Sa dalampasigan kung saan niya nakilala si Mark"

"Sige sige malapit lang tayo dun"

Kaagad pinatakbo ni James ng mabilis para makarating kaagad kay James. Hindi nagtagal nakarating na sila

"James ako na muna ang lalapit kay Jake"

"Sige Sam senyasan mo na lang ako kapag pwede na akong lumapit."

Nagtungo si Sam sa kinatatayuan ni Jake

"Jake!" Pasigaw niya

Agad naman siyang nilingon ni Jake "Sam! Paano mo nalaman na nandito ako?"

"Siempre sino pa ba ang tatakbuhan mo kapag malungkot ka? Eh diba si Mark?"

Napaakap si Jake kay Sam.

"Salamat Sam huh! Salamat kasi hindi mo ako pinababayaan. Pero bakit ganun Sam akala ko totoo na lahat ang pnapakita niya pero plano pala niya lahat yun"

"Hinayaan mo ba muno siya magpaliwanag?"

"Hindi Sam"

"Gusto mo ba siyang kausapin?" Pagbabaka sakaling tanong ni Sam

"Wala nga siya dito Sam eh"

Kaagad namang sinenyasahan ni Sam si James upang lumapit na. Hindi nagtagal dumating na si James sa tabi ni Jake

"Jake sorry" napaakap siya kay James

"Bakit James? Pag tatanong ni Jake

Kaagad namang lumayo si Sam para makapag usap ang dalawa

"Aaminin ko sayo Jake plinano ko yun dati pero noong nakilala kita nawala na yung galit ko sayo, noon pa kita gusto Jake mahal kita"

Napatigil si Jake at naptingin kay James. Naalala niya ang sinabi ni Mark na

"May isang buwan ang darating para magbigay ng liwanag at gagabayan ka niya"

Napaisip siya kung si James ba ang tinutukoy ni Mark hanggang sa

"Alam mo Jake bago mawala si Mark ipinagbilin ka na niya sa akin, sinabi niya sa akin na sana balang araw mahalin kita pero ang nangyari noon pa kita mahal"

"Pero James.."

"Sssshhh makinig ka muna Jake. Mahal kita hindi ko sinasabi sayo to ngaun para makabawi ko sa plinano ko sayo noon"

"Maghihintay ako Jake na mahalin mo alam ko naman na si Mark pa din ang laman ng puso at isip mo"

"Sorry James pero mahal ko pa si Mark"

"Naiintindihan ko Jake basta nandito ako at maghihintay ako sayo"

Kaagad namang nagkaayos ang dalawa. Dumating na si Sam at tila ayos na ang dalawa

"So ok na kayong dalawa?"

"Yuph Sam ok na kami ni James"

"Good so kayo na??"

"Sam sa ngaun hindi pa"

"Ay ano pa hinihintay ninyo pwede naman na maging kayo"

"Haha Sam wag na muna natin ipilit yan ok na kami na mag kaibigan na muna ni Jake."

Masayang namalagi sa tabi ng dalampasigan ang tatlo nanuod ng sinag sa ilalim ng buwan.

Ang pagmamahal ay nag uumpisa sa pagkakaibigan. Ang pagkakaibigan ang mas mahalaga kesa sa pagiging in a relationship ng dalawang tao.

Makalipas ang dalawang araw flight na ni Jake patungong Spain. Inihatid siya ng dalawa sa airport.

"Mag iingat ka Jake huh mamimiss kita" pamamaalam ni Sam

"Oo naman Sam basta babalik ako ok!"

"So Jake paano hindi ka na namin maihahatid sa check in area basta ingat ka lagi huh"

"Oo James thank you ikaw na muna bahala kay Sam at sa anak niya"

Pumasok na si Jake para makapag pa check in na sa airport. Makalipas ang ilang minuto nagmamadaling umalis si James

"Teka James saan ka pupunta?" Pagtataka ni Sam

"Babalik ako Sam wait lang"

Pag balik ni James may dala siyang maleta

"James don't tell me..."

"Oo Sam sasama ako kay Jake hindi ko hahayaan na magkalayo kaming dalawa"

"Huwow hmang sweet! go! go! james ingatan mo si Jake doon huh!"

"Sige Sam baka madelayed ako"

"Happy trip sa inyo"

Kaagad namang nag check in si James para makaabot sa flight nila ni Jake. Parang sinadya ng pagkakataon dahil tanging upuaan na lamang na sa tabi ni Jake ang vacant.

"Excuse me. Is this seat is taken?" Pagtatanong ni James

Hindi tumingin si Jake "no! That seat is not taken"

Pagkaupo ni James kaagad niyang hinawakan ang kamay ni Jake

"How about you? Are you taken by someone?"

At napalingon si Jake

"James??" Pagkagulat ni Jake "aa.ano ginagawa mo dito?"

"Sasama sayo alangan namang pabayaan kita umalis sa aking tabi"

Hindi na nakapag salita pa si Jake tila nabigla sa nangyari. Magkasama silang umalis ng bansa patungo sa Spain para magsimula ng bagong buhay.

The end..

see you next book

"The story of us"

"'Maraming salamat po sa bumasa sa kwento ng isang bakla. Ito ay kwento hinggil sa kanyang tunay na buhay"