Chereads / Love is like a Game / Chapter 28 - Chapter 28

Chapter 28 - Chapter 28

Mark's burial

Ang magiging libing ni Mark ay cremation. Ito ang nais ng Mama niya para kahit sa bahay andun pa din ito. Pero ang gusto ni Jake ay pakawalan ang abo ni Mark sa dalampasigan kasabay ng sunset sa kanyang death anniversary.

"Nak Jake tapos na wala na talaga ang anak ko. Isa na lamang siyang abo"

"Oo nga po Ma, panibagong yugto na po ng buhay natin na wala si Mark"

"Jake ok lang ba sa bahay na lang ilagay ang abo ni Mark?"

"Ok lang po Ma, uhm Ma siguro po mas maganda kung sa death anniversary ni Mark ay sa pakawalan na natin siya sa dagat kasabay ng sunset"

"Siguro nga Nak, sigurado ako matutuwa ang anak ko sa ganun"

"Salamat po Ma"

"Uhm nak bukas pa din ang bahay namin para sayo, kahiy kailan mo gustong pumunta ok lang, so anong plano mo ngaun nak?"

"Uhm ako Ma siguro po aalis muna ako ng bansa. Susubukan ko po hanapin at buuin ang sarili ko"

"Saang bansa nak? Kami ng dad mo mag stay na kami dito sa Pinas matatanda na din naman kami"

"Spain po siguro Ma, andun po kasi mga tita ko, pero not sure pa po pag iisipan ko pa po yan ng husto"

"Ok nak so uwi na kami ng Dad mo huh dala na namin ang abo ni Mark magpahinga ka ha Jake. Maraming salamat ulit sa lahat lahat"

Inakap ng mahigpit ni Jake ang Mama niya.

"Wala po yun Ma thank you din po"

Napakabilis ng araw, marami na ang nagbago naging mas matatag na si Jake, lahat ng dumarating na pagsubok sa buhay niya ay kaagad niya itong nalalampasan.

Natutunan kasi niya sa pagkawala ni Mark na hindi porket may nawala ay titigil na ang mundo mo. Bagkus kailangan mong magpakatatag para ipag patuloy ang mga bagay na nasimulan ng lumisan.

Makalipas ang 2 buwan. Nakapag pasya na si Jake na magbakasyon muna ng isang buwan sa Spain. Kung sakaling palarin magkita ng trabaho ay mag sstay pa siya ng mas matagal. Agad niyang sinabihan si Sam para makapag paalam ng personal.

"Hey Sam magkita tayo isama mo si Alex at James kita tayo sa Park"

"Sure sakto naghahanap nga kami ng pupuntahan"

"Great Sam so una na ako see you later"

Pag labas ng pinto ni Jake andon si James nag hihintay sa labas ng kanyang kotse.

"Oh James napadaan ka? Nagkausap na ba kayo ni Sam?"

"Nope. dinaanan talaga kita may lakad ka ba? Gusto kasi kitang ayain lumabas."

"Actually my lakad tayong tatlo today sa park so lets go?"

"Ok. No choice naman ako"

Tahimik lang ang dalawa sa loob ng sasakyan. Hanggang sa makarating sila ng Park. Nandoon na sina Sam,

"Oh magkasama na pala kayo dalawa"

"Dumaan kasi ako sa bahay nila Jake"

"Eh sakto aayain daw ako lumabas kaya dito na lan sa Park diba Sam at saka may sasabihin ako sa inyo"

"About saan?"

"Since 2 months na ang lumipas simula noong nawala si Mark naisip ko na umalis muna ng bansa"

"Seryoso ka? Iiwan mo kami? Teka bakit?" Nagagalit na tinig ni James

"Marami na kasing mga masasakit na pangyayaring dumaan sa buhay ko. Baka kasi sakaling makalimot ako kahit konting panahon"

"Sure ka na ba Jan Jake? Susuportahan kita kun saan ka masaya" giit ni Sam

"Wag ka na lang sana umalis Jake. Nandito lang naman kami ni Sam para sayo"

"Nakapagdesisyon na ko James sa makalawa na ang alis ko"

"So hindi ka na pala namin mapipigilan ni Sam" bunting hininga ni James

" Gusto niyo mag party tayo mamaya gabi? Dating gawi sa bar tulad dati? Ano game?" Pang agaw atensyon ni Jake

"Ako game pwede ko naman ihabilin si baby kay mama para naman mafeel ko muli ang pagiging dalaga haha 😂 "

"Haha sira ka talaga Sam, so James ikaw?"

"Bahala na mamaya sunod na lang siguro ako pag pwede ako" pasaring ni James

Umuwi na ang tatlo para magprepare, dadaanan na lamang ni Sam si Jake para isang kotse na lamang ang dala nila. Kagaya pa din kanina hindi pa rin sigurado si James. Pero ang dalawa deretso namiss nila ang nyt party nila. Hindi nagtagal dumating na ang dalawa sa bar.

"So Sam tayo lang dalawa?"

"Yuph so tara sa loob namiss ko to"

"Magpapakalasing tayo tapos sasayaw tayo"

"Sure go ako jan"

Pag pasok ng dalawa kumuha sila ng table for 3 persons. Umorder ng wishky at pulutan at sinimulan ang inuman

"Jake despidida na ba to?"

"Haha shunga hindi gusto ko lang mag inum"

"Jake wait parang kilala ko yun nasa kabilang table. Parang barkada ni James"

"Hindi ko sila kilala wag na lang natin pansinin itagay na lang natin ito"

"Ang dami na ng nangyari Jake ang bilis ng panahon parang kaylan lang kasama pa natin si Mark dito"

"Ano ka ba Sam tapos na yun alak lang tayo ngayon bawal ang senti"

Makalipas ang isang oras dumating si James. Agad naman siyang nakita ng kanyang mga kabarkada.

"Oh! Mga tol si James!"

Kumaway si James at pumunta

"Long time no see mga tol kumusta kayo?"

"Uhm ok lang teka tol tumingin ka sa kabilang table ang ganda ng chicks"

At lumingon si James pag kalingon niya si Sam pala ang tinutukoy.

"Ah si Sam mga tol wag na yun iba na lang."

"Haha bakit naman tol? Syota ba niya yung kasama niya?"

"Hindi si Jake yun kaibigan lang niya"

"Ah yung Jake na sumampal sayo? Haha ang liit naman ng mundo ano nakaganti ka na ba?"

"Tapos na yun mga tol"

"Haha kelan mo tinapos baka naman papatol ka na sa bakla haha" pang uuyat ni Ronnie kay James

Medyo madami dami na ang nainum ng mga kabarkada ni James kaya hindi na maiwasan ang mga pag uusap tungkol sa nangyari kay Jake at James. Nagtagal na si James kasama ang mga kabarkada niya hindi niya namalayan na madami na silang nainum.

Tumayo si Jake para pumunta sa CR, nakita siya ni Ronnie kaya agad itong sumunod sa kanya.

"Mga tol CR muna ako" ani ni Ronnie

Lumingon si Sam sa kabilang mesa at saka pa lamang nakita si James kasama ang kanyang mga kabarkada. Kaya agad itong lumapit sa kanila

"Oh James andito ka pala hindi mo na kami naalala ni Jake"

"Sa inyo nga dapat ako pupunta kaso nakita nila ako pasensiya na ha napasarap na ako dito"

"Nako wala yun teka mukhang mas maganda kung mag join table na lang tayo total dalawa lamang kami"

"Aba! Not bad ano sa tingin niyo mga tol?"

"Sure para naman makajamming namin kayo dito" ani ng mga kabarkada ni James

"Well thats great! Tatawag lang ako ng waiter para maipalipat na ang mga alak namin dito"

"Teka Sam! Nasan si Jake?" Tanong ng pag aalala ni James

"Nasa CR siya"

"What the! Si Ronnie nasan?"

"Nagpunta din ng CR"

"Shit!"

"Teka nga James! Ano ba nangyayari sayo? Nag CR lang kung makapagpanic ka grabe"

"Basta!"

Kaagad namang pumunta sa CR si James para sundan si Ronnie dahilan na baka masabi ni Ronnie kay James ang lahat.