Isang paglalakad na dahan dahan na tila naglalakad patungo sa altar ang ginawa ni Jake. Palapit na sila ng palapit mula sa kinatatayuan ng kabaong ni Mark.
Ramdam ng buong tao ang sibugho ng damdamin ni Jake. Napakatahimik ng buong paligid. Dumating na sila sa tabi nito
"Mark? Maaaark!!!!" Sigaw sabay akap sa ataol ni Mark
"Totoo ngang wala ka na.. akala ko ba walang iwanan sabi ko sayo kapit lang ang daya daya mo Mark. Ang daya daya mo!"
"Anak kalamayin mo ang loob mo tatagan mo lang anak nandito kaming lahat"
"Akala ko ba kanina kasama lang kita, masaya tayo kaninang umaga habang pinapanood ang sunrise pero Mark bakit...."
"Nak halika maupo muna tayo"
"Ayoko Ma dito na lang ako sa tabi ni Mark. Nakikiusap po ako dito na lang ako..."
Hinayaan na ng mga magulang ni Jake na doon siya manatili sa tabi ni Mark. Walang tigil na pag buhos ng luha sa mga mata ni Jake.
Lumapit si James kay Jake upang subukang pagaanin ang kalooban
"Jake halika kumain ka na muna, hindi ka pa kumakain"
"Im ok James thank you" walang sigla habang hawak ang litrato ni Mark
"Pero Jake baka magkasakit ka na niyan sa ginagawa mo"
"Kakain ako kapag gusto ko!" Malalim na salita kasabay ng malalim na tingin
Umalis si James at pumunta sa mga magulang niya.
"Tita, Tito si Jake po kasi kagabi pa hindi kumakain, tapos po dumating ako kagabi lasing na lasing tapos kanina pong umaga bigla na lang nawala at pag balik po niya magkasama daw po sila ni Mark"
"Henry ang anak natin baka kung mapano na!" Pag aalala ng nanay ni Jake
"Hayaan mo Rita susubukan kong kausapin ang anak natin"
Agad na lumapit ang ama ni Jake.
"Jake nak magpahinga ka na muna, kumain ka na baka makasama sayo yan"
"Ok lang ako tay wag nyo ako alalahanin"
"Nak paano kami hindi mag aalala sayo eh sa nakikita namin pinapatay mo na ang sarili mo."
"Mas mabuti pa yung ganun para makasama ko na uli si Mark"
"Aba anak, kami ng nanay mo nandito pa ayaw naman namin maglibing ng anak. Hindi mo ba nakikita ang Mama ni Jake? Nahihirapan din siya makita ang anak niya na nakahiga sa kahon na iyan at iyan ang ayaw naming maranasan ng nanay mo"
"Pero Tay bakit ganun bakit ang daya ng buhay bakit lagi na lang akong napaglaruan ng pag ibig bakit ba lagi na lang ako!" Kasunud ng mga luha
"Nak lahat ng nagmamahal nasasaktan. Lahat sa mundo patas hindi ka bibigyan ng ganyang problema kung hindi mo kaya, nak Jake malakas ka alam kong kaya mong lampasan yan"
Agad inakap ni Jake ang ama. Isang akap na mahigpit na noon lamang niya naibigay sa Ama. Hindi napigilan ni Mang Henry na siya ay mapaluha sa ginawang pag akap ng anak.
Sa wakas unti unti nang natatanggap ni Jake na wala na nga si Mark. Nagpasya siyang umuwi muna sa bahay at magpahinga.
"Uuwi na po muna ako" matamlay nitong pagkakasabi
"Ihahatid ko na po siya. At kung hindi po ninyo mamasamain pwede ko ba siya samahan buong gabi?"
"Sige James para naman may makapagtingin sa kanya"
"Sige po Halika ka na Jake"
"Sam uwi ka na din sabay ka na sa amin ni James si baby Alex kailangan ka niya"
"Sige Jake uuwi na din ako bukas na lang ako babalik total last day at last night na ni Mark"
"Sige Sam salamat"
Mag aalasyete na ng gabi ng makauwi sa bahay sina Jake at James.
"Gusto mo bang kumain Jake?"
"Ayoko punta na lang ako sa kwarto"
"Basta pag gusto mo sabihan mo lang ako magpapadeliver ako"
"Gusto ko ng beer at gusto ko ng yosi"
"Beer dadalhan kita jan kwarto but yosi its a big no!"
Pumasok na sa kwarto si Jake. Nakita agad niya ang laptop ni Mark. Umupo sa kama at binuksan ang laptop. Nakita niya ang isang folder na may filename na bossko.
Naisipan niyang buksan ang folder. Nang mabuksan niya nakita niya ang mga pictures nila ni Mark. Napangiti siya at napaiyak muli, mga alala ng kahapon na nagiging dahilan ng kanyang pagluha.
Maya maya pa ay may nakita siyang isang document kaya binuksan niya ito.
04-11-18
My dearest Jake,
Kumusta ka na? Kumusta na ang pakiramdam mo ngayong wala na ako? Gusto ko sana bago mo ituloy ang pagbabasa nito ay talagang tanggap mo na sa sarili mo na wala na ako.
Magtataka ka siguro kung paano at kailan ako nakapagsulat nito para sa iyo. Tanda mo ba noong isang gabi na tinanong mo kung bakit gising pa ako? Ito ang aking ginagawa.
Jake pasensya ka na kung hindi na ako lumaban sa aking sakit, sinubukan ko naman kaso sa tuwing lumalaban ako mas nakikita kitang nasasaktan ay mas Nasasaktan ako sa tuwing nahihirapan ka.
Nangako ako sa iyo na hindi kita iiwan. Pangako na alam kong mapapako dahil sa aking karamdaman na kahit anong oras ay pwedeng bumigay.
Jake sana sa oras na mawala ako maging masaya ka para sa akin. Kasi masaya ako na makikita kitang may mga ngiti sa labi. Ayaw kong mawala ako na malungkot ka at nasasaktan ka.
Birthday ko na bukas at alam mo ba kung ano ang wish ko kay God?
Ang wish ko kay God ay kuhanin na niya ako sa birthday ko para matapos na ang paghihirap ko at matapos na din ang mga sakripisyo mo para sa akin.
Susuko na ko Jake sa sakit ko. Hindi ko na din kaya, itinago ko na lang lahat ng sakit para naman sa huli ng aking sandali masaya pa din tayo...
Jake tandaan mo na mahal na mahal kita. Hanggang humihinga ako sayo lang ako at ikaw lang ang aking mamahalin. Mamatay man ako bukas, ikaw pa din ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko..
Basta boss mawala man ako katulad ng araw at mag dilim ang paligid mo may darating agad na buwan para ikaw ay gabayan
Lastly Jake don't forget that
I'll be there always
Iloveyou boss
You're boss Mark
Bumuhos ang emosyon ni Jake matapos niyang mabasa ang liham ni Mark. Kinuha ang unan ni Mark at ito ay mahigpit na inakap. Kitang kita kay Jake ang kanyang pangungulila sa kanyang nobyo.
Dumating na si James na may dalang beer. Nakita niya si Jake walang batid ang pagtulo ng kanyang mga luha. Agad niya itong nilapitan at inakap.
"Jake tama na yan andito lang ako"
"Salamat James salamat..."
"Ssssshhh tama na ang iyak alam kong mahirap pero kayanin mo.."
"Kaya ko naman James kaso sa mga oras na lumilipas mas lalo ko siyang naaalala, mga bagay at alala ng aming kahapon ay hindi ko pa din nakaklimutan"
"Nahihirapan na ako James hirap na hirap na ako sa kalooban ko. Mahal na mahal ko si Mark..."
"Tama na Jake" agad namang pinunasan ni James ng luha si Jake.
"Nandito ako Jake nandito ako para sayo hindi kita iiwan"
Agad namang umakap ng mahigpit si Jake kay James sanhi ng kanyang pasasalamat dahil sa oras na kailangan niya ng masasandalan hindi siya iniwan nito.
"Magpahinga ka na Jake bukas na ang last day at last night ni Mark"
"Oo James salamat"
Parang nabunutan ng tinik si James dahil unti unti ng natatanggap ni Jake ang nangyari. Pinagpahinga na siya ni James para magkaroon ng lakas sa huling araw ni Mark....