Chereads / Love is like a Game / Chapter 26 - Chapter 26

Chapter 26 - Chapter 26

Sa buhay natin lahat tayo ay may katapusan, katapusan na napakahirap isipin at tanggapin subalit lahat naman tayo ay doon din patutungo.

Last day na ni Mark, dumating na ang mga kaibigan at iba pa niyang kamag anak. Dumating din ang mga kaibigan ni Jake upang siya ay damayan sa huling araw ng kanyang nobyo.

"Nakikiramay po kami sa pag kawala ni Mark"

"Nasan po si Jake?"

"Salamat sa inyo. Si Jake nas bahay pa hirap kasi siyang tanggapin ang pag kawala ng anak ko"

"Ganun po talaga siguro kapag mahal na mahal ninyo yung taong nawala"

"Oo akala nga namin hindi niya makakayanan ang mga nangyayari. Syempre bilang ina na din niya nag aalala kami para sa kalagayan niya"

"Sige po tita punta po muna kami sa iba naming kaibigan"

"Sige salamat uli sa inyo uulitin ko na lang kay Jake na nagpunta kayo"

Si Jake at James ay nasa bahay pa tulog pa si Jake kaya hindi pa sila makapunta sa burol ni Mark.

-riiinnnnggggg

"Hey Sam good morning"

"Oh James ready na kayo? Daan na ko jan malapit na ko"

"Nako Sam hindi pa kami ready, tulog pa si Jake"

"What? Late na dapat gisingin mo na"

"No, Sam hayaan na muna natin para makapagpahinga at makabawi naman ng tulog"

"Kung sa bagay my point ka. Teka teka may itatanong ako sa'yo"

"Ano yun Sam?"

"Gusto mo ba si Jake? Napapansin ko lang. Sorry alam ko hindi ito ang right time para magtanong"

"Eh kasi Sam...ano... eh...."

"So gusto mo nga?"

"Pumunta ka na dito at tulungan mo ako magluto wala si ate Linda nag day off"

"Haha James iniba mo na ang usapan oh siya see you!"

Napaisip si James kung gusto na nga ba niya si Jake.

Ang nakaraan sa isipan ni James

Oo nga pala noong gabi na yun sinampal ako ni Jake at sabi ko sa sarili ko papaikutin ko siya sa mga palad ko kapalit ng pagkakasampal niya.

Nasabi ko na din ito sa mga kabarkada ko. Pero siguro limot na nila iyon.

Gusto? Oo gusto ko si Jake walang halong biro at paglalaro. At higit sa lahat hindi ko ginusto si Jake dahil lamang sa kahilingan ni Mark.

Ano nga ba itong nararamdaman ko para Jake. Naguguluhan ako...

End

Maya maya pa ay nag dorbell na si Sam. May mga dalang pang breakfast.

"Oh Sam!"

"Ayan bumili na ako ng pang breakfast"

"Dalhin ko na sa kusina"

"Sige salamat ano aakyatin ko na ba si Jake?"

"Wag na muna magluto na muna tayo ako na mamaya ang gigising"

"Sus gusto mo lang pag bukas ng mata niya ikaw ang una niyang makita"

"Haha Sam hindi naman sa ganun" namumulang may halong ngiti

"Nako James sagutin mo na nga yun tanong ko" tanong habang naghahanda ng lulutuin

"Eh Sam pano mo ba masasabi na gusto mo yung isang tao?"

"Uhm ako James.. masasabi ko na gusto ko yung isang tao kapag pinapahalagahan ko siya, ngiging  sweet ako tapos gusto ko lagi siyang masaya"

"Haha yun lang?"

"Oo yun lang! Hampasin kita ng kawali eh! Ikaw pano mo masasabi na gusto mo siya?"

"Gusto ko siya kasi masaya ako kapag kasama ko siya"

"Haha ang cheesy! Iabot mo na nga yang itlog at hotdog. Tapos ihanda mo na yang tinapay at magpainit ka na ng tubig at akyatin mo na si Jake!"

"Ok ok eto na!" Nagmamadali halos excited

"Haha James excited ka! Sasabihin kita kay Jake haha"

Agad namang pumunta si James sa kwarto ni Jake. Kumatok ng dahan dahan at saka binuksan ang pinto.

Nakita ni James ang katawan ni Jake hubad at nakadapa habang natutulog.

Napatagok si James na hindi mawari kung ano ang kanyang nararamdaman matapos niyang makita ang katawan ni Jake.

"Puta! Ano ba to James gising gising" habang tinatapik ang magkabilang pisngi

Agad siyang lumapit kay Jake upang gisingin na para makapaghanda ng kanyang sarili.

"Jake.... Jake gising na"

"Hnmmm 5 mins please"

"Jake tanghali na bangon na last day na ni Mark"

Agad napabalikwas "shit! Oo nga tanghali na"

"Iwan muna kita andun kami ni Sam sa kusina baba ka na din after mo mag bihis kakain na tayo"

"Sige James salamat" sabay ngiti

Bumangon na si Jake at nagpunta na ng banyo upang mg ayos ng sarili. Si James naman bumaba na papunta kay Sam na tila may malalim n iniisip.

"Bakit ganun! Ano ang nararamdaman kong ito? Naakit ba ako kay Jake! Shit"

Mga salita na tumatakbo sa isip niya

"Oh James? May problema ba?"

"Ah wala pababa na si Jake"

Maya maya pa ay bumaba na si Jake.

"Oh Jake dito ka na umupo sa tabi ko" sabi ni James

"Thanks"

"Jake kamusta ka?"

"Ok naman ako Sam. Ok na ako" habang nakangiti

"That's good to hear so bilisan na natin ang pagkain at ng mkapunta na tayo sa last day ni Mark"

"Yuph Sam para naman makasama ko pa ng matagal si Mark. Kahit sa tabi lang niya ako"

Natapos na sila kumain. Nagpasya na ang tatlo na umalis at sumakay sila sa isang auto.

"Jake pwede ka sa tabi ko?" Ani ni James

"Sure wala problema"

"Eheeem! San ako? Haha baka pwede naman pabukas ng pinto" pabiro ni Sam

At nagkatawanan ang tatlo. Maya maya sa kanilang byahe ay nag open si Sam ng isang topic. Para na din maiwasan ang init ng ulo sa traffic

"Jake pano mo masasabi na gusto ka ng isang tao?"

"Sa akin masasabi ko na gusto ako ng isang tao kapag pinapakita niya sa akin na mahalaga ako sa kanya, inaalagaan niya ako at higit sa lahat pinaparamdam niya sa akin na mahal niya ako yan ang ugali ni Mark

Btw bakit ganun tanong mo Sam"

"Ah wala naman naisip ko lang isa pa pala akong tanong

Pano kung gusto ka ni James?" Ang pagkakadulas na pagkakasabi ni Sam

Natahimik ang tatlo sa loob ng sasakyan. Nagulat ang dalawa ng biglang sumagot si Jake

Sabay tingin kay James

"Kung gusto ako ni James, sa totoo lang hindi ko alam ang isasagot ko.

Wala naman sigurong masama kung magustuhan niya ako isa pa ideal boyfriend din naman ng lahat si James"

Agad namang napangiti si James sa kanyang narinig.

"Malapit na tayo" ang masiglang banggit ni James

Nakarating na sila sa chapel madaming tao. Mga kaibigan nila at kamag anak lahat nakatingin ng pumasok magkasabay si James at Jake. Tila namumuo sa kaisipan ang tanong na bakit sila magkasama

Ipinagwalang bahala na lamang ito ni Jake. Kaya deretso siya papunta sa ataol ni Mark.

"Hi boss im here.."

Sorry na late kami.

"Miss na miss na kita. Nakita mo ba napakaraming tao. Nandito lahat ng pamilya natin at mga kaibigan natin"

"Bukas boss tuluyan na kitang hindi makikita. Ang lungkot lang isipin boss."

Pumatak muli ang mga luha ni Jake. At agad siyang inabutan ng tissue ni James.

"Jake akala ko ba ok ka na. Akala ko ba tanggap mo na."

"Oo tanggap ko na kaso hindi mawala sa isip at puso ko ang sakit"

"Alam ko yun" agad niyang inakap si Jake.

Sa pag kakaakap ni James kay Jake, mas lalo silang pinagdudahan ng mga kamag anak ni Mark. Lalo na ang mga nagulang nila. Tila nahihiwagaan sa kung anong relasyon meron ang dalawa.