Chereads / Love is like a Game / Chapter 22 - Chapter 22

Chapter 22 - Chapter 22

Nakakatuwa nakapag surprise pa siya hindi ko nakita na naglagay pala siya ng bulaklak sa ilalim ng wheelchair niya.

"Thank you boss"

"You're welcome Jake"

Ilang sandali akong nanahimik. Napakasarap pagmasdan ang paglubog ng araw. Tumatama sa aking mga mata ang sinag nito, nakakasilaw.

"Boss anong iniisip mo?"

"Ah wala pinagmamasdan ko lang ang sunset"

"Ako boss iniisip ko yung mga bagay kung saan tayo nagsimula"

"Ah oo boss! Dito din tayo nagsimula."

"Oo at umiiyak ka noon dahil ni PJ"

"Yuph boss at talagang tanda mo pa kung sino ang dahilan"

"Aba siyenpre! Kung hindi dahil sa kanya hindi ka magiging akin"

"Haha sira ka talaga boss"

"Jake hindi ka pa ba napapagod?"

"Uhm hindi pa boss bakit?"

Napakatagal niya bago umimik. Pinagmasdan ko siya at mga mata niya ay malamlam. Masaya siya kanyang mukha pero makikita mo ang lungkot sa kanyang mga mata.

Naalala ko lang ang sinabi ng nanay ko

" makikita mo ang nararamdaman ng isang tao kapag tinitigan mo siya sa kanyang mga mata"

"Boss bakit ka malungkot?"

"Huh? Hindi ang saya saya ko kaya"

"Hindi mo maitatago sa akin kung ano ang nararamdaman mo, nakikita ko sa mga mata mo ang lungkot"

"Jake naman"

"Tell me why?!"

"Pagod na ko Jake. Pagod na pagod na pagod na ako..." sabay buntong hininga niya

"Mark? Anong ibig mong sabihin?"

Ngumiti si Mark at humarap sa akin, tinitigan ako sa aking mga mata,

"Nakikita ko sa mga mata mo na natatakot ka sa sinabi ko"

"Pero nais kong tatagan mo ang loob mo huh"

"Pero Mark!"

"Ssssshhhhh.... makinig ka muna"

Nangingilid na ang mga luha ko. Gustong gusto ko ng ibagsak kaso pinipigil ko.

"Tatandaan mo palagi Jake na mahal na mahal kita. At hinding hindi ito magbabago"

"Gusto ko kapag nawala ako huwag mong isara ang puso mo kasi katulad ng paglubog ng araw darating ang isang buwan upang magbigay muli ng liwanag sa nagdilim mong mundo"

Naiiyak na sinabi ni Mark

"Jake ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko"

Noong oras na iyon palubog na ng palubog ang araw kokonti na ang liwanag malapit ng dumilim. Dahil sa hindi ko na kaya ang emosyon ko napapikit na ako at bumagsak na ang mga luha ko.

Mga luha na sanhi ng lungkot at sakit. Mga damdamin kong kasing bigat ng bato. Bakit! bakit ba ganito!

Inakap ako ni Mark mahigpit na mahigpit. Sa pag akap niya doon ko naalala ang lahat ng panaginip ko

"Sa tabi ng dalampasigan, nanood ng paglubog ng araw, labing dalawang puting rosas, ang lalaki ay si... MARK"

Napamuglat ako ng mulat at ng aking mawari mga kamay na ni Mark na nakaakap sa akin unti unting lumuluwag. Bumulong sa akin si Mark

"Magpapahinga na ako Jake mahal na mahal kita salamat sa lahat"

At doon nag umpisang magbago ang lahat bumigat ang katawan ni Mark habang siya ay nakaakap sa akin. Mga kamay na biglang bumagsak mga pintig ng puso na unti unting nawawala. Hangang sa isang paruparu ang lumapit.

Nangyari na ang lahat ng nasa panaginip ko. Pinaglaruan na naman ako ng tadhana. wla akong ibang nagawa kundi ang isigaw ng malakas ang pangalan niya

"Mmmmmaaaaaaarrrrrrkkkkkkk"

At iyon ang pumukaw sa atensyon ng mg tao at agad na nagmadaling pumunta sa amin.

"Jake nak!"

"Ma wala na.... waalaa na si Mark"

"Maaarrrrkkk! Anak ko!! Bakit! Bakit mo kami agad iniwan"

"Tumawag kayo ng ambulansya! Ang anak ko!"

Wla akong ibang masabi para akong napipi habang pinagmamasdan ang bangkay ng aking pinakamamahal. Mga luhang walang patid sa pagpatak, mga emosyong dumudurog sa pagkatao ko. Lumapit sa akin si Sam

"Jake kaya mo yan!"

Umakap ako sa kanya at luha at hagulhol lamang ang aking naisagot.

"Sige lang ilabas mo lahat ng sakit andito ako dadamayan kita kagaya ng pangako ko kay Mark"

Tumingin ako sa dagat nakita ko si Mark. Tumayo ako naglakad ng dahan dahan papunta sa dagat.

"Tinatawag ako ni Mark!"ang sabi ko

Bigla siyang nagwagayway ng kanyang kamay sensyales na nagpapaalam na.

"Sandali! Mark!" Sigaw na nagmula sa naninibugho kong damdamin

"Jake san ka pupunta!"

Tumabok ako papunta sa dagat upang habulin si Mark.

"Jake! Bumalik ka dito! Jake!" Sigaw ni Sam na walang magawa dahil hawak si baby Alex.

Pero agad na tumakbo ang lasing ni James. Tila halos nawala ang pagkalunod nito sa alak ng makita ang gagawin ni Jake.

Malayolayo na ang narating ni Jake bago siya mahabol ni James.

"Jake ano ka ba!"

Agad inakap ni James mula sa likod si Jake upang ito ay mapigilan

"Ano ba ginagawa mo Jake!"

"Hinahabol ko si Mark!"

"Wala na si Mark! Jake! Wala na" galit na tinig ni James

"Ayoko na James gusto ko ng tapusin ang lahat dito hayaan mo na ako"

"Sa tingin mo matutuwa si Mark sa gagawin mo!"

"Pagod na ko James!"

"Alam kong pagod ka na! Pero sana maunawaan mo hindi natatapos ang buhay dahil nawalan ka lang ng minamahal!"

Napaakap ako kay James. At bumuhos ang luha ko. Mga luha na sing alat ng dagat.

"Tama na Jake! Madami kaming nagmamahal sayo!"

"Halika ka na sa pampang"

Inakay ako ni James hanggang sa makarating sa pampang. Pagdating namin nandoon pa din ang bangkay ni Mark. Isasakay na sa ambulansya.

"Sandali!"

Agad ako namalikluhod papunta ka Mark.

"Mark.. boss mahal na mahal kita! Pangako hindi dito matatapos ang pagmamahal ko sayo."

Hinalikan ko si Mark sa lips at inakap ng mahigpit

"Jake nak tama na.."

Umakap ako kay Mama. At humingi ng sorry

"Ma sorry namatay sa kamay ko si Mark wala akong nagawa Ma sorry sorry"

"Nak ok lang ang mabuti mong gawin ngaun magpahinga ka... tanggap ko na kasi naaawa na ako sa anak ko"

Wala akong nasabi kay Mama. Dahik hindi ko pa din maitaninm sa isip ko na wala ni Mark. Ang saya namin kanina na halos parang gaya ng dati tapos bigla na lang pala mapapalitan ang saya ng lungkot.

Dinala na sa Morge si Mark. Sumunod ako para ako na ang magbihis sa kanya.

"Sir ok na po tapos na po kami pwede na po"

Ang sabi ng imbalsamador.

Pinunasan ko si Mark. Buong katawan pagkatapos saka ko binihisan.

"Ayan boss ang gwapo mo na"

Bigla na lang akong napaiyak sa puntong ito.

"Ito na boss ang huling beses kitang mahahawakan. Mapapagsilbihan ng ganito. Mamiss ko lahat ng ito. Namimiss na kita.

Sobrang miss na miss na kita. Sorry ha hindi mo ako kasama sa kabilang buhay. Mahal na mahal kita Mark Valdez.

Birthday mo ngaun tapos ngaun ka din pala aaalis. Hindi mo naman ako inihanda sa ganitong bagay. Please boss give me strength para matanggap ko na wala ka na...

Ang hirap hirap boss.. sana isinama mo na ako"

Isang malamig na hangin ang dumampi sa akin. Tila nagparamdam si Mark ng oras na iyon