Chereads / Love is like a Game / Chapter 21 - Chapter 21

Chapter 21 - Chapter 21

Nakatulog na ako at naalimpungatan ako. May konting liwanag na nagmumula sa aking kanan. Laptop ni Mark nakabukas pa..

"Mark? Hindi ka pa natutulog?"

"May ginawa lang ako tutulog na din ako"

"Ano yun?"

"Basta sige tulog na tayo"

Umakap na ako kay Mark nakadikit ang tenga ko sa may bandang puso niya. Dinig ko ang tibok nito, hanggang sa hindi ko na namalayan ako pala ay nakatulog na.

Ang ganda ng paligid, napakaraming bulaklak na puti. At sa bandang dako roon may isang lalaki na nakasuot ng isang puting damit. Pinayapayan niya ako upang ako ay lumapit.

"Sino ka?" Isang mahiwagang pagtatanong ko sa lalaki

Humarap ang lalaki at nagbigay ng labing dalawang rosas na puti. Nakatungo ito at hindi ko pa din mawari ang mukha.

Pag kaabot niya sa akin ng mga bulaklak, isang maputing liwanag ang bumalot sa kapaligiran na halos wala akong makita at ito ang naging rason para ako ay mapapikit.

Pag bukas ng aking mga mata nag balik ang lalaki at sinabi niya

"Ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko."

Pagtingin kong muli si Mark ang lalaki, ang lalaki na kinuha ng liwanag habang dumidim ang paligid at pag dilat kong muli mga lumilipad na paru-paro na lamang ang naandoon na tila sumabog sa kinatatayuan ni Mark.

Ang mga mata kong nasaksihan ang lahat ay hindi nagawang kumisap luha ay biglang dumaloy at ng aking mawari ang paligid ko mga bulaklak kong kapit ay naging isang tuyo't walang buhay.

Ano ito? Ano ang nais nitong ipahiwatig? pumikit akong muli, at pag dilat ko ito pala ay isang panaginip lamang....

Umakap ako ng mahigpit kay Mark. Sobrang takot ko akala ko wala na siya...

"Mark wake up! it's your day! happy happy birthday 😭"

"Mark gising na.."

"Mark??"

"B—booss bakit ka umiiyak"

Umakap akong muli, hindi ko na sinabi ang aking pangitain, natatakot akong mawala siya, ayoko pa hindi ko kakayanin.

"Wa—wala boss its your day na. Happy birthday 😘😘😘"

"Thank you boss iloveyou.

Masaya ako boss kasi kasama kita ngaung araw na to"

"Siempre naman boss iloveyou more, lika na bangon na tayo kasi May appoinment pa tayo kailangan andun na tayo ok?"

"Ok boss 😊" isang ngiting napakatamis

Pagkatapos naming magbihis ni Mark ay lumabas na kami sa kwarto. May sorpresa pala sila kay Mark, may tarpaulin, lobo at cake

"SURPRISE!!!"

"Happy Birthday anak iloveyou!"

"Happy birthday nak"

"Ser Mark happy birthday"

Kumanta kaming lahat ng Happy birthday after nag wish si Mark

"Oh boss mag wish ka muna bago ka mo iblow ang candle"

"Ok na boss nakapag wish na ko"

Maya maya pa ay sabay na dumating si James at Sam kasama si baby Alex.

"Tol happy birthday"

"Happy birthday Mark! Oh baby say happy birthday daddy"

Sobrang saya ni Mark. Halos napaluha siya sa dami ng nagmamahal sa kanya.

"Sa- - salamaaat sa inyong lahat salamat sa mga efforts ninyo salamat sa pagmamahal ninyo sa akin 😭😭"

Napuno ng emosyon ang bahay namin. Mabuti na lang at sumingit ng banat si James

"Kakain pa ba tayo oh mag iiyakan na lamang"

At nagtawanan ang lahat. Umupo na kami sa hapag kainan at sabay sabay kumain.

"Teka lang!" Sabi ni Mark

"Lord, thank you 🙏 for another life. Napakasaya ko kasi binigyan mo pa ako ng pagkakataon na makasama sila sa araw na to. Tinupad mo ang hiling ko. Maraming maraming salamat po.

Amen"

First time lang magdasal ni Mark sa hapag kainan, nanibago kaming lahat.

"May appointment pala kayo nak mamaya diba?"

"Uhm opo Ma hindi ko naman po alam kung para saan iyon"

"Basta anak mahalaga yun"

"Mahalaga po ma ang bawat oras ko kaya gusto ko malaman kung para saan iyong appoinment na yun"

"Boss para yun sayo"

"Para sa akin nga eh ano meron?"

"Basta Tol maniwala ka na lang"

"Ok kayo ang bahala"

Pagkatapos kumain ay umalis na kami nina Mark At James.

"Ok so maaga pa gusto niyo muna magpasyal?"

"Boss ikaw gusto mo ba?"

"Gusto ko sa tabing dagat"

"Tama lang pala doon na tayo dederetso kasi malapit lang doon ang appoinment"

"Ok Jake doon na tayo pupunta total malapit lang naman"

"Ok thanks James"

"Boss ok ka lang? Bakit parang balisa ka?"

"Oo ok lang ako" nag bigay ng isang ngiti

"James mag play ka naman ng music"

"Ok sige wait"

Ang tadhana talaga parang nanadya

Now playing

I'll be there....

"Theme song natin boss yan ah"

"Oo nga ang ganda, ang sarap pakinggan naalala ko lahat ng mga pinagdaanan natin at hanggang ngaun andito ka pa din sa tabi ko"

"Aroy nga naman si Tol nagawa pa magsenti"

"Sssshhh James! Ikaw talaga!"

"Masanay ka na boss kay James ganyan talaga yan sa akin basag trip lagi"

"Haha sige na malapit lapit na din naman tayo sa ating pupuntahan"

Nakarating na kami sa dabi ng dalampasigan. Napakaganda ng sikat ng araw. Mga ibong lumilipad at mga hampas ng alon ang una kong napansin.

"We're here guys so enjoy magsenti muna kayo jan mag boss mag yoyosi lang ako sa malayo"

"Sige salamat tol"

"Boss tanda mo ba noon? Naglalakad tayo while holding hands?"

"Oo naman boss ang sweet nga ng moment na yun kahit ang daming nakatingin sa atin binalewala lang natin sila"

"Boss kahit bakla ka may karapatan ka din namang mahalin at respetuhin kaya wala silang pakialam sa kung ano ang nakikita nila"

"Ooooh bosss ang sweet mo"

"Mahal na mahal kita Jake"

"Mahal na mahal din kita Mark"

Maya maya pa ay dumating na si James. As usual panira ng moment

"Oh maganda ang sikat ng araw tara ligo tayo!"

"Sira ka talaga tol alam mo namang hindi ako pwede"

"Kung hindi ka pwede eh di si Jake"

"No James ayoko.. thank you"

"Sige na Jake samahan mo na ko maligo"

"Tol wag mo na pilitin ok"

"Ok hindi na din ako liligo"

"Oh almost 3 na din pala mag sstart na ang appointment"

"Ah oo nga so Mark punta na tayo?"

"Sige boss"

Malapit lang naman ang venue kaya saglit lang ay narating na namin. Natatanaw na namin ang mga bisita.

"Sandali Jake bakit ang daming tao?"

"Jake hindi ka ba iimik?"

"Ayan na boss malapit na tayo"

Agad tinakipan ni James ang mata ni Mark.

"Oh tol teka teka! Ano to! Bakit kailangan pa takpan ang mga mata ko"

"Basta tol"

"Ayan na boss! Andito na tayo! Pwede mo na tangalin ang blind fold"

SURPRISE!!!!

Sigaw ng lahat ng mga bisita

"Surprise boss eto ang appointment natin"

"Boss!" (Napahug sa akin ng mahigpit)

"Lahat sila inimbita mo?"

"Oo boss gusto ko kasi maging masaya ka ngaung araw na to"

"Maraming maraming salamat sa pagpunta ninyo lahat dito sa birthday ko, na surprised na naman ako ng sobra sobrang thank you"

Sobrang saya ng buong paligid. Lalo na si Mark

"Nak plano lahat ito ni Jake"

"Oo nga po Ma sobrang effort nakakataba ng puso ang ginawa niya para sa akin"

"Matagal ko na alam ito at lahat ng ito ay aking sinuportahan."

"Oo nga po Ma lahat ng bisita dito mga kaibigan ko."

Nag eenjoy ang lahat, kumakain nag iinuman at nagsasayawan ang lahat. Lasing na din si James nagmamasid na lang ako kahit gustong gusto ko ang uminom.

Mag aalas singko na ng hapon malapit na ang sunset. Sakto nagyaya  na si Mark para mapanuod ito.

"Boss tara sa tabing dagat malapit na lumubog ang araw"

"Sige boss tara na"

Pagkarating namin sa dalampasigan agad kaming umupo sa tabi at hinayaan na mabasa ang aming mga paa at binti habang nakaupo.

Hindi ko namalayan may dala palang labing dalawang rosas si Mark...