Chereads / The Day you love me. I die / Chapter 3 - Chapter 3

Chapter 3 - Chapter 3

Kinaumagahan, alas nuebe na ng umaga. Tanghali na ng magising si Clary. Habang naalimpungatan, namalayan na lamang niya na nakahiga siya sa mga braso ni Jace.

Samantala tulog na tulog pa si Jace. Bigla lamang itong nagising nang biglang napabalikwas si Clary sa pagkakahiga sapagkat napatingin ito sa orasan.

"Fuck! Alas 9 na! Late na ako sa meeting ko!" Ani ni Clary

"Sorry... hindi ko alam..sana nagising kita.." tugon ni Jace

Dali-dali namang nagtungo sa kwarto si Clary upang maligo at  mag-ayos ng sarili. Ito ang unang beses na kailangan niyang maligo ng hindi lalampas ng labing limang minuto.

Habang naliligo si Clary sa halip na mataranta bagkos ay napapangiti pa siya. Walang kapantay ang sayang nadarama ng kanyang puso.

Makalipas ang tatlumpong minuto, bihis na si Clary, lumabas na ito at nagulat na lamang siya ng makitang nakaluto na si Jace.

"Jace!" Ani ni Clary

"Breakfast is ready. Halika na kumain ka muna.." tugon ni Jace

"Malalate na ako sa meeting ko. Mamaya na ako kakain." Ani ni Clary

Hindi naman pumayag si Jace na umalis kaagad si Clary.

"Nope! Umupo ka dito at kumain. 10 am pa ang meeting mo. Ihahatid kita ng motor mas mabilis kaya nating dumating bago mag 10." Tugon ni Jace

"Motor?? Eh hindi naman ako marunong sumakay sa motor." Ani ni Clary

"Clarissa! Kumain ka na jan at kumalma, ako na ang bahala sayo. Makakarating ka sa opisina mo ng buhay." Tugon ni Jace

Kumain na si Clary, samantala inayos naman kaagad ni Jace ang kanyang motor. Chineck ang bawat angulo nito at ng maayos naman ang lahat tinawag na niya si Clary.

"Let's go Clary!" Sigaw ni Jace

"Wait!" Tugon ni Clary

Paglabas ni Clary, nagulat siya ng makita niya ang motor ni Jace.

"Jace! Jan ako sasakay?" Ani ni Clary

"Yuph! Why not?" Tugon ni Jace

Isinuot ni Jace ang helmet para kay Clary pagkatapos naman ay Sumakay na si Jace sa kanyang motor. Hinintay niya na sumakay si Clary subalit hindi pa ito kumikilos.

"Hahabulin ba natin ang meeting mo o tatayo ka na lang jan?" Ani ni Jace

Dali-daling sumakay si Clary sa motor at ng makasakay na ito hindi niya maintindihan kung saan siya kakapit. Naramdaman naman ito ni Jace kaya kinuha niya ang kamay ni Clary at inilagay sa kanyang bewang.

Wala ng nagawa si Clary kung hindi ang kumapit ng mahigpit kay Jace. Ilang sandali pa umandar na sila, sa una naging kampante lang si Clary dahil normal lang ang patakbo ni Jace. Subalit ng makarating sila sa hight way doon nag umpisa ang kaba ni Clary.

"Jace! Gusto ko pang mabuhay!" Sigaw ni Clary

Ngumiti lamang si Jace at hindi siya pinansin nito. Walang nagawa si Clary kung hindi ang umakap ng mahigpit sa bewang ni Jace. Dikit na dikit ang katawan ni Clary sa likuran ni Jace. Makalipas naman ang ilang minuto dumating na sila sa labas ng kumpanya ni Clary.

"We are here.." ani ni Jace

Dahan-dahang lumayo sa pagkakaakap niya si Clary.  At bumaba saka inalis ang helmet at nagsalita.

"Fuck that ride! Ayaw ko na! Hindi na ako ulit sasakay!" Tugon ni Clary

"Wow! Wala man lang pa thank you?" Ani ni Jace

"Thank you po! Sige na baka malate pa ako." Tugon ni Clary

Pagtalikod ni Clary, napangiti naman at napailing na lamang si Jace sa naging reaksyon na ito ni Clary. Nakita naman si Clary ng kanyang mga empleyado kung kaya naisip ng lahat na nobyo niya ang naghatid sa kanya.

Sakto lamang ng makarating siya sa kanyang opisina. Subalit pasado alas diyes na ng umaga ngunit wala pa ang kanyang kakatagpuin. Tinawagan niya kaagad ang kanyang sekretarya na si Cathy para alamin kung nasaan na ito.

"Ms. Clary hindi pa sumasagot si Mr. Roque"ani ni Cathy

"Call him again!" Tugon ni Clary

Nag-iinit ang ulo ni Clary, kaya tumayo ito at humarap sa labas ng kanyang bintana

"Lintik! Kung alam ko lang na late sana hindi ako nakasakay sa motor!" Sambit niya sa kanyang isipan

Matapos tawagan ni Cathy, kaagad niyang pinaalam ang naging desisyon ni Mr. Roque

"Ms. Clary postponed po ang pagpunta dito ni Mr. Roque" ani ni Cathy

"What? Bakit daw?" Tugon ni Clary

"Emergency iyon lang ang sinabi ng kanyang secretary." Ani ni Clary

Nagalit si Clary sa kanyang client. Kaya naman gumawa ito ng paraan para makabawi.

"Ok Cathy, block all the appointments of Mr. Roque for the next months! Hayaan mong siya mismo ang magpunta sa akin ng personal." Ani ni Clary

"Yes Ms. Clary.." tugon ni Cathy

"Sige na you may go.. tatawagan na lang uli kita mamaya." Ani ni Clary

Lumabas na si Cathy sa opisina ni Clary. Samantala napabuntong hininga naman siya. Mayamaya ay nakatanggap siya ng mensahae mula kay Isabelle.

"Hey.. clary"

-Isabelle

"At work.. why?"

-Clary

"Kagabi ka pa walang paramdam! Nagtataka lang ako. Anong nangyari sayo?"

"Ah wala nagkainuman lang kami."

"Kami? May kasama ka kagabi sa bahay mo?"

"Oo kami ni Jace. Tinikman namin yung alak na ginawa ko."

"Alak lang ba? Haha"

"Hay nako.. Issa mamaya na lang tayo mag

kwentuhan at may gagawin pa ako."

"Sige na.. chineck lang kita kung ok ka."

"Thank you belle.."

🖤 END OF CONVERSATION 🖤

Sinimulan siyang intrigahin ni Isabelle ng malaman niyang si Jace ang kasama nito sa bahay. Iniiwasan naman niya itong magtanong sapagkat alam niyang  hindi ito maniniwala na walang nangyari sa kanila.

"Lumabas si Clary sa kanyang opisina at nakita ang ilang empleyado na nag uusap-usap. Nagtaka ang mga ito kung bakit biglang tumahik ang mga ito ng makita siya.

"May problema ba ?" Tanong ni Clary

Kaagad namang bumalik ang mga empleyado sa kani-kanilang trabaho. Subalit biglang napalingon si Clary sa kanyang kanan at nakita niya ang kanyang larawan.

"Wait! Patingin ako." Ani ni Clary

Iniabot ng isang empleyado ang kanyang tablet. Nakita naman ni Clary ang picture nila ni Jace sa labas ng kumpanya. Napangiti na lamang siya sa mga komento ng mga empleyado. Bago niya ibalik ang tablet nagsalita siya.

"Sa kumuha nito.. sana isinend mo din sa akin.. para naman aware ako. Isa pa hindi ko boyfriend ang naghatid sa akin. Ok??? Sige na back to work." Ani  ni Clary

Bumalik na sa loob ng opisina si Clary. Pagkasara niya ng pinto hindi niya lubos maisip kung maiinis ba siya o matutuwa dahil naalala na naman niya ang naging reaksyon niya habang sakay siya dito.