SA nag-aagaw na dilim at liwanag ay nahampas ni Soto ang nobyong si Theo. Nang paunti-unti kasi mula pagkababa nila ng motorsiklo nito ay ma-realize niya kung saan sila patungo. Malinaw pa rin naman niyang natatanaw ang bawat nitso, iba-ibang sukat at haba.
"Bakit? O, di ba? Wala kang dapat ikatakot," baling sa kanya ni Theo na hinapit pa siya sa baywang.
Tiningnan niya ito nang masama. Tatawa-tawa lang naman ang loko. Ilang puntod din ang nilagpasan nila hanggang marating ang pinakamagara sa lahat dahil may sariling silungan iyon. Puwede ring umupo.
In loving memory of Sgt. Cassandra Sta. Ana--Takano
Pagkakita roon, sinulyapan niya ang nobyo. May gusto siyang itanong pero nagsalita na ang lalaki.
"Lola ko siya sa ina. Tulad niya, sundalo rin si Mama pero never ko siyang nakita sa personal kahit nga si Lola. Nalaman ko na lang kay Uncle ang lahat pero siyempre noong ikakasal na siya saka lang siya nagtapat. Na sa Japan ako ipinanganak, na nandoon ang totoo kong tatay at may sarili ng pamilya..."
Isinandal niya ang ulo sa braso ni Theo pero wala siyang sinabi. Na-amaze pa nga siya sa mga nalaman.
"Lola, boyfriend ko na po si Soto. Naalala mo noong unang dalaw ko sa 'yo sabi ko gagawa ako ng paraan para maging kami? Ginagamit ko na sa maayos ang pera at dahil iyon sa kanya." Hinalikan siya ni Theo sa ulo saka pumihit at ngayon magkaharap na sila.
"May aaminin ako sa 'yo?"
Kinakabahan siya na na-e-excite pero anuman iyon ay handa siyang makinig kay Theo. "Sige lang."
Makailang beses lumunok ng laway si Theo bago nakahanap nang tamang sasabihin. "Uhm, sinadya kong huwag magbayad ng renta kay Aling Bebang para may dahilan akong pumunta sa inyo. Sorry, ang cheap ng mga pamamaraan ko pero kapag hindi ko na kayang pigilan ang sarili ko, pinagbibigyan ko kahit saglit... na makasama ka kahit alam kong pagmamay-ari ka pa noon ng iba. Tama ang ex mo, isa akong dakilang abangers."
Nanlaki ang mata ni Soto. Ganoon siya nito kagusto noon pa? Ang sarap pakinggan kaso may inungot siya rito. "Pero bigla ka namang nawawala pagkatapos no'n."
Hinawakan siya ni Theo sa balikat. Yumuko at idinikit ang noo sa kanya. "Sorry, sorry. Ipinasundo ako ng isa ko pang Uncle ng mga time na 'yon... tiyuhin ko sa father side. 'Yong nagpahiram ng credit card, naalala mo?" Saka mapagmahal na humalik sa noo niya. "Patawarin mo ako sa lahat, Soto. Ang dami kong nilihim sa 'yo."
Yumakap siya rito. "Hindi. Hindi. Huwag kang humingi ng tawad. Maging tapat ka lang lagi at lalo kitang gugustuhin." Ang sarap palang maamin ang mga iyon. Hindi na niya pipigilin ang sarili. Susuklian niya ang pagmamahal ni Theo. Handa na siya.
"Narinig mo 'yon, Lola?"
Hindi niya alam kung guni-guni lang niya pero matapos niyon, may dumaang hangin sa kanila. Napatingala tuloy siya at noon niya nakitang nakatitig sa kanya ang binata.
"I love you." Mahina lang ang pagkakasabi ni Theo pero alam niya sa sarili na gustung-gusto niya iyon.
"Me too."
Saglit lang na nanlaki ang mata ni Theo at pagkatapos ngumiti nang pagkatamis-tamis. "Alam na alam mo talaga kung paano ako pakiligin."
"Hello, Lola ako na pong bahala dito sa apo ninyo. Iuuwi ko na po siya ha at hindi na siya pakakawalan pa."
Dahil sa sinabi niya, pulang-pula na ngayon ang mukha ng nobyo. "Alam mo... alam mo. Lagot ka talaga sa akin," at hinagkan na nga siya nito.
Pero bago pa lumalim, hinila na niya si Theo paalis sa lugar na iyon.
PAGKAUWI nila ng bahay ay naroon na si Reynold. Kumakain. Pero agad nangunot ang noo. Marahil naguguluhan sa kamay nila ni Theo. Magkahawak kasi at wala siyang planong bumitiw.
"Anong meron? Sino siya, bunso?"
"Kung anong nakikita mo... iyon na 'yon, Kuya."
"Tangina! Linawin mo. Huwag mong sabihing bakla ka?" Bigla itong tumayo at galit na itinuro si Theo. "At ikaw lalaki? Sino ka? Ha? Anong ginawa mo sa pinsan ko?"
"Theodore Takano Alcanza, boyfriend ni Soto." Naglahad ng kamay si Theo pero tinignan lang iyon ni Reynold at pagkatapos umamba ng suntok. Mabuti at naging maagap si Soto. Nailayo niya agad ang pinsan.
"Gago! Bitiwan mo ako, Toto!" Nagpumiglas si Reynold kaya binitiwan nga niya.
"Alam ba 'to ni Tiyo Sancho?" umaasa nitong tanong.
Umiling siya. "Pero sasabihin ko rin sa kanya kapag may pagkakataon."
Napaupo si Reynold. Sinabunutan ang sarili at pagkatapos tumayo na. "Bahala ka. Basta hindi ko matatanggap 'to. Magkalimutan na lang tayo," at saka nagmadaling umalis.
"Anong nangyayari?" Si Suzette na kalalabas lang ng banyo. "O, nasaan si Rey?"
"A-Ate, may sasabihin ako... kami ni Theo," Inabot niya ang kamay ng nobyo. Sana lang makuha agad ng kapatid ang ibig niyang sabihin.
"Oh!" reaksiyon ni Suzette pero napangiti pagkatapos. "Gets ko na, okay lang... okay lang. Mabuti ka pa nga nagpapakatotoo... samantalang ako nganga, bokya at walang chance sa taong gusto ko."
"Talaga, Ate Su? Ayos lang sa 'yo, I mean nag-take advantage ako. Pinatira ninyo ako rito tapos iba ang motibo ko..." naninigurong usisa ni Theo.
"May idea na ako. Hindi ako slow. Alam ko na, pansin ko na dati pa."
Nagkatinginan ang magkasintahan. Nagpisilan ng kamay.
"Hayaan ninyo, ako ang magpapaliwanag kay Papa. Makikinig 'yon at si Rey naman, huwag na ninyong alalahanin. Brokenhearted lang ang isang 'yon, intindihin ninyo muna," dagdag pa ni Suzette.
Matapos magkaintindihan, dumulog na sila sa hapag at naghapunan. Pero siyempre, hindi nakaligtas ang dalawa sa panunukso ni Suzette.
"Ibig sabihin, ikaw ang nanligaw dito sa kapatid ko tapos ikaw naman, Toto nang umamin si Theodore kinilig ka 'no?"
"Ate!"
"O, bakit? E, sa gusto kong malaman ang love story ninyo. Wala ako niyan, remember?"
"Pero sino ba Ate Su, 'yang masuwerteng natitipuhan mo?" nag-usisa na rin si Theo.
"Wala, hindi niya malalaman 'yon kasi wala akong balak sabihin." Pinamulahan pa ang dalaga.
"Si Doktora ba, Ate?" susog ni Soto. Hindi puwedeng siya lang ang tudyuin nito. Patas dapat pero mabilis siya nitong sinaway.
"Toto! Itigil mo 'yan ha, baka may makarinig."
At naging tahimik na nga ang hapag pero nandoon ang panaka-nakang paghimas ni Theo sa hita ni Soto. Napapapitlag man pero walang naririnig na angal. Gumaganti rin kasi.
Nagtulungan magligpit ng pinagkainan. Sabay naligo at bago matulog, muli nilang ginawa ang naganap sa may eskinita. Pigil pa ang mga ungol ngunit mas ganado. Mas intense kaysa sa mga nauna? Hindi sila sigurado. Ang alam lang nila, masarap ang bawat sandali. Kapag pinadapa na siya ni Theo at binabayo siya habang naghahalikan sila.
"Paborito mo rin ba 'to? Ito? Ganito?" Kahit hinihingal ay nagawang itanong ni Theo.
"U-umm..."
"Ah, Soto... ako rin... mas nasasagad kasi kita sa ganito." At muli na namang umulos. Mas mabilis na. Mas mainit. Matunog. Talagang ang harot nila sa bahagi roon.