ILANG araw ang lumipas at ganoon palagi si Clare. Aabangan si Soto sa daan o kaya mismo sa gate ng apartment. Ilang beses siyang tumanggi sa pamamagitan ng iling. Minsan pa nilalagpasan na lang niya. At isang gabi, nakaisip siya ng puwedeng solusyon.
"Theo, anong oras ka nagigising sa umaga?"
"Mga quarter to six, bakit?"
Nakahiga na sila sa oras na alas otso y media nang gabing iyon. Dito na siya magsasabi ng gusto niyang mangyari.
"Puwedeng pasabay? I mean, gisingin mo rin ako ng mga time na 'yan... sasabay ako sa 'yo."
Umusog si Theo sa kanya. "Ang sweet mo naman," at pagkatapos niyapos siya. "Sure, ikaw pa ba? Kahit ano. Lakas mo kaya sa 'kin."
Lihim na napangiti si Soto. Oo nga pala, napatunayan na niyang spoiled siya nito kaya hindi ito nagtaka sa hiling niyang iyon. Bigla siyang nakonsensiya sa paglilihim niya rito pero sure siya na kapag nag-usisa ang nobyo ay magsasabi siya ng totoo.
"Thank you." Yumakap na rin siya at pagkatapos ginapi na siya ng antok. Pero alam niya pa rin ang paghalik ni Theo sa noo niya at pagsabi nito ng 'Good night, wife'.
Nagising siyang umuungol. Namalayan niya kasi na nililikot siya ni Theo sa ibabang bahagi roon. Maliwanag na ang buong kuwarto dahil bukas na ang ilaw. Malaya tuloy niyang napapanood ang ginagawa nito, ang pagdila nito, ang pagsubo. Lahat ng nakakaliyong pakiramdam ay nararanasan naman niya. Napanganga siya. Napaangat ang katawan. Nagtakip na rin siya ng bibig nang muli ay hindi niya napigil ang mag-ingay.
Mayamaya huminto si Theo. Kamay naman nito ang ginagamit at pagkatapos binati siya sa nang-aakit na boses.
"Good morning, my love."
Tinanggal niya ang kamay sa bibig at sumulyap sa nobyong naka-boxer shorts lang ng mga sandaling iyon saka siya nagsalita. "Umaga na agad? Ah, gusto ko pang matulog." Nagrereklamo siya. Hindi naman kasi siya sanay gumising nang maaga.
"Kaya nga ito ang paraang naisip ko kasi kanina pa kita ginigising pero ayaw mo."
Nag-init ang pisngi niya. "Anong oras na ba---umm..." Sinundan ng ungol ang tanong niya. Hindi pa rin pala humihinto ang kasintahan sa pagtaas-baba nito.
"Not sure. Basta nakaligo na ako," anitong inilapit ang mukha sa kanya pero iniwas niya iyon. Tinakpan ng braso. Ang kaso wala namang effect dahil sa leeg naman siya pinuntirya ni Theo. "Puwede ka na ba ngayon?"
Napasinghap siya sa tanong na iyon. Gets niya. Pero kasi gusto niya munang ipagpaliban. May hinahabol silang oras. Ang inaalala niya baka magkaabutan na naman sila ng dating kasintahang si Clare tapos hindi na siya makapagtimpi at awayin na ito.
"Sa Sabado na lang nang gabi. Baka ma-late ka na kasi."
Dinilaan siya nito sa leeg. "Sure... pero kapag hindi ka bumangon ngayon baka hindi na tayo umabot ng Sabado..." Bumungisngis pa si Theo.
Naalarma naman siya dahil hindi talaga siya makabangon sa posisyon nila. Hindi na nga siya nito hawak doon, nakadagan naman ito sa kanya. Nakakahalata na siya.
"Gusto mo lang akong pagsamantalahan, e."
Tumatawang umalis sa ibabaw niya si Theo. "Hindi na... hindi na. Mabait na ulit ang bebe mo," pagkasabi niyon hinagod pa siya nito ng tingin.
Napasunod naman siya sa tinitingnan nito at napagtantong wala na ang suot niyang pang-ibaba. Tinanggal pala ng loko niyang nobyo.
Mabilis ang ginawa niyang pagbangon. Tinakpan niya ang sarili at saka tumakbo palabas ng kuwarto.
"Pero Soto, kita ko pa rin naman puwetan mo."
Napabalik tuloy siya. "Gago ka talaga! Marinig ka ni Ate."
Humagalpak si Theo. "Sige na nga, maligo na ka na at hihintayin kita."
At dahil alam niyang naghihintay ang nobyo, minadali lang niya ang pagligo. Pagkatapos lang nang ilang minuto nakabalik na siya ulit sa kuwarto. Nagbihis siya ng kung ano na lang mahugot, hindi naman kasi siya nakapaghanda. Sa kamisetang puti at pantalong itim ang naging ending niya. Puwede naman sana kung diretso uniporme na pero mas gusto niyang sa trabaho na magpalit niyon.
"Ready ka na?" usisa ni Theo na noo'y bagong bihis na rin. Nakasukbit na ang backpack nito sa balikat.
Naghanda muna siya ng mga dadalhin sa sariling bag bago sinagot ang binata.
"Done!"
"Tara!"
Inakbayan na siya ni Theo at umalis na nga sila. Nagtext na lang siya sa kapatid nang marating na nila ang labasan. Pasimple rin ang ginagawa niyang pagmamasid sa kaliwa at kanan niya. Muntik pa siyang mapamura nang pagtingin sa unahan sa isang sari-sari store ay matanaw ang iniiwasan. Nagsisindi ito ng yosi. Kahit naka-side view ay sure siyang iyon ang dating nobyo. Wala sa sariling napatago siya sa likod ni Theo.
"Bakit? Anong problema?"
"Wait lang. Saglit lang 'to."
Grabe ang pagkalabog ng dibdib niya. Nakahinga lang nang maluwag nang masigurong nakalagpas na sila. Nagpapasalamat din siya nang taimtim dahil hindi na muling nag-usisa si Theo. Nagpara na rin ito ng traysikel.
"Wife, ingat ka palagi. Mauuna na ako," bago sumakay ay sabi pa nito. Para ngang ayaw pa siyang iwan.
Napangiti tuloy siyang tiningkayad ito at saka binulungan. "May premyo ka sa Sabado. Ingat ka rin palagi, bebe ko."
Nakakaunawang tumango si Theo. Luminga-linga at pagkatapos mabilis siyang hinagkan sa labi. Kumindat muna pagkuwa'y dumistansiya na. Tuluyan nang sumakay ng traysikel.
Siya naman, naglakad na siya patungong train station. Walang sumunod na Clare sa kanya. Nakarating siya nang matiwasay sa trabaho. Pero nang makasabayan sa elevator si Sir Tim, dito na siya naging alerto.
Pansin niya rin ang pagsulyap nito sa kanya.
"Nakipagbalikan ba siya sa 'yo?"
Umiling siya. Tumawa naman ng pagak ang lalaking manager.
"Pinapili ko kasi kung trabaho o ikaw pero biglang nag-resign. Sayang siya. Paborito ko sana siya." Naging pahina nang pahina ang boses nito.
Hindi niya alam ang magiging reaksiyon Mukhang tinamaan talaga ito kay Clare pero wala itong magawa sa kinalabasan ng lahat.
Sumapit ang oras ng out niya sa trabaho. Anong gulat pa niya nang matanaw sa kabilang kanto si Theo nakasandig ito nakaparadang motor. Ganoon din si Clare. Ilang dipa ang agwat ng dalawa pero halatang parehong may inaabangan. Napaatras siya. Babalik siya sa loob.
"Kanina pa ang dalawang 'yan. May kinalaman ba ito sa 'yo, Soto?" tudyo ni Alena.
"Close kayo ni Theo, di ba? Tapos si Miss Clare naman bali-balitang ikaw ang dahilan kung bakit siya nag-resign," susog naman ng isa pang lalaking katrabaho na papalabas na rin sana.
Lalo lang siyang nataranta. May alam pala ang mga ito at talagang walang pakundangang ipinapamukha sa kanya ang mga iyon.
"Iba ang appeal nitong si Sorito. Hinakot lahat ha," malisyosa pang dagdag ni Alena.
Pinamulahan na siya. Napatago siya sa reception desk. Lalo lang siyang naging tampulan ng tukso dahil doon. Nagitla pa nga siya nang tumunog ang selpon niya. Nag-flash doon ang dalawang letra.
TU
Soto, 'san ka? May surprise ako sa 'yo.
Ganoon ang laman ng text nito pero may isa pang pumasok na message.
+63910888*****
Bunso, si Kuya Reyrey 2. Kadarating ko lang kahapon. Daan ako jan sa work mo.
Nand2 na ko sa tapat. Wer r u?
Doon na tumayo si Soto at nagpasiyang lumabas. Saktong nakita naman niya ang kumakaway na lalaking blonde ang buhok, ang pinsan niyang si Reynold. Dito siya lumapit. Pero nagawa niyang luminga sa gawi nina Theo at Clare na pareho pang nagulat.
"Bunso, pasyal muna tayo. Na-miss ko dito."
Naagaw ni Reynold ang atensiyon niya dahil sa sinabi nitong iyon. Inakbayan pa siya nito. Hindi na niya nagawang lumingon ulit. Sasama na lang muna siya sa pinsan pero ang selpon niya ay walang patid sa pagtunog. Naiinis tuloy siyang binuksan na ang mensahe.
TU
Wife, care to explain?
Galit ka ba, Soto?
Bakit?
Okay naman tayo kanina.
Sino 'yang kasama mo?
Napapihit tuloy siya para takbuhin ang kinatatayuan pa rin ng binata, ni Theo, ang nobyo niyang hindi maipinta ang mukha at abala sa kakadutdot sa selpon.
Nilagpasan niya si Clare. Kahit tinatawag siya nito ay inignora lang niya. Sa kasintahan lang siya nakatingin. Naawa siya sa itsura nito na parang naiiyak na.
"Bebe ko..."
Nanlaki ang mata nitong nag-angat ng tingin. Kumurap-kurap. Pero bigla na lang naging seryosong sumakay ng motorsiklo, binuhay ang makina niyon. Nagsuot ng helmet. Inabot nito sa kanya ang isa na mabilis niya namang sinuot.
"Angkas!" Walang lambing ang pagkakasabi ni Theo.
Basta, naging sunud-sunuran lang siyang umupo sa likuran doon. Namalayan na lang niyang pinaharurot na iyon ng binata. Napayakap siya rito dahil iyon lang naman ang tangi niyang magagawa para hindi siya mahulog.
Ilang liko ang ginawa ni Theo bago huminto sa isang eskinitang walang nagdaraan.
"Baba!"
Pagalit? Hindi siya sigurado. Sinunod lang niya ang sinabi nito. Bumaba nga siya. Magkagayunpaman, hindi niya nakakalimutan ang gusto niyang sabihin. Nagtanggal na siya ng helmet. Pumunta sa unahan ng kasintahan. Magpapaliwanag siya.
"Theo, si Kuya Reynold 'yon... ang pinsan kong kinukuwento ko dati na nasa Japan."
Hindi siya nito pinansin. Nagtanggal lang ito ng suot na helmet. Pagkababa at pagkakuha ng susi ng sasakyan nito ay noon lang siya binalingan. Hinagod siya ng tingin saka napalatak, umiling-iling.
"Alam ko ang ginagawang panggugulo ng ex mo. Aware ako na ikaw ang sadya sa tuwing mahuhuli ko siyang nag-aabang sa kanto malapit sa tinitirhan natin. Natatakot ako na baka magkaroon siya ng chance lalo na ngayong bali-balitang umalis na siya sa Supreme. Nagseselos ako sa isiping iyon. Nadagdagan pa nang hindi mo ako pansinin kanina."
Kinutkot naman siya ng konsensiya. Humakbang siya papalapit sa nobyo at masuyong yumakap dito. "Sorry na, bebe ko." Tiningala pa niya ito. Hindi nakaligtas sa paningin niya ang magpipigil nito ng ngiti.
"O, ba't ka nagso-sorry? Anong nagawa mong mali?" Nakatingin ito sa ibang direksiyon habang sinasabi iyon. Talagang tinitiis siya.
"Sorry sa hindi ko pagsabi tungkol sa pangungulit ni Clare. Sorry kung mas inuna ko ang pinsan ko kaysa lapitan ka."
Ngumiti na si Theo. Tumingin na sa kanya. Iyong tingin na para bang siya lang lahat sa buhay nito. Puno nang pagmamahal.
"Kaso wala man lang kiss, paano kita niyan patatawa---"
Hindi na niya iyon pinatapos. Lumambitin na siya sa batok ni Theo at walang pag-aalangang humalik sa labi nito. Hanggang maramdaman niya unti-unti na itong gumaganti.
Lumalim na nga ang halikang iyon. May narinig pa siyang naglaglag pero wala na siyang pakialam. Naglalakbay na rin ang kamay ni Theo sa likod niya, ipinasok iyon loob ng t-shirt niya. Pababa sa puwetan. Pumisil doon. Napaungol siya.
Nang kapusin sila ng hangin ay saka lang naghiwalay ang labi. Puno nang pagnanasa pang nagsalita si Theo.
"Hindi ko na yata mahihintay ang Sabado."
Pinatuwad na nga siya ni Theo. Napakapit na lang siya sa upuan ng motorsiklo. Napakabilis kasi ng pangyayari, napasok na siya nito. May kasama pang mura ang bawat pagbayo nito sa kanya.
Mahapdi man ngunit imbes magreklamo puro ungol lang ang lumalabas sa bibig niya.
"Ah, Soto.... ang sarap magtampo kapag ganito ka."
Hinihingal na siya pero nilingon pa rin niya ang nobyo. "Gusto ko 'yan, ohh... gawin mo lang. Ganyan, bebe ko." Ang ingay na rin niya. Nawawala na siya sa sarili.
"Alin dito ang gusto mo? Ito? Ganito?"
Huhugutin. Isasagad. Talagang sinasabik siya ng binata. Binago nito ang posisyon. Binuhat siya at doon ay muli siyang pinaligaya.
"Gusto mo 'to?"
Tango lang siya nang tango. Pilit pa niyang inaabot ang labi nito. Gusto niya kasi kapag sinasabayan ng halik ang pagbayo nito sa kanya. Pero wala siyang magawa kundi kagatin na lang sa pang-ibabang labi at panoorin itong nakanganga. Nasasarapan siya.
Ilang taas-baba pa ang ginawa hanggang sa bumagal na ang kilos ni Theo. Ang lagkit nilang pareho nang matapos doon.
Tumatawa si Theo nang itaas na ng pantalon. Siya naman, inayos na rin niya ang sarili. Hinampas pa siya nito sa puwetan bago pinulot ang dalawang helmet na nakatiwangwang sa lupa. Iyon pala ang nalaglag nila kanina.
"May pupuntahan nga pala tayo," pagbibigay-alam ni Theo habang pinapagpag ang helmet.
"Saan naman? At saka kanino 'tong motor?"
"Binili ko para makaramdam 'yong umaaligid sa 'yo na hindi basta-basta ang bf mo," may pagmamalaki nitong sabi.
Natawa siya. Wala siyang planong kumontra. Para sa kanya, walang hihigit kay Theo.
"Kaya nga gusto kita."
Nanlaki ang mata nito. "Anong sabi mo?" At pagkatapos bigla na lang siyang niyakap. "Please, Soto sabihin mong hindi ako nagkamali ng narinig. Gusto mo ako?"
Tumango siya. Wala siyang balak itanggi dahil iyon naman ang totoo. Gusto niya si Theo. Gustung-gusto niya sa piling nito.
"Ah, ang saya ko!" Kasunod niyon narinig niya ang pagsinghot ni Theo. "Peksman, wala nang bawian ha."
"Oo nga!"
Nagpunas na ito ng mata. Pinaghalik-halikan pa siya nito sa noo. "Dahil diyan, tara na. Ipapakilala na kita kay Lola."
"Ha?"
"Paglabas natin nito, nandoon na agad tayo. Huwag kang mag-alalala, hindi siya nakikialam. Basta dalawin lang siya, masaya na siya."
"P-Pero Theo..."
"Magtiwala ka sa akin, mabait si Lola." Isinuot na ni Theo ang helmet sa kanya.
At doon nakumbinsi na niya ang sarili. Wala nang atrasan dahil ibang level magmahal ang lalaking pinili ng puso niya.